Home / Romance / My Boss Got Me Pregnant / Chapter 5 – First Signs

Share

Chapter 5 – First Signs

Author: Mooncaster
last update Last Updated: 2025-09-22 16:11:02

<

>

Ilang linggo na rin ang lumipas mula nung may nangyari sa amin. At sa totoo lang, pilit kong ibinabaon sa isip ko na wala lang ‘yon. Normal life lang ulit — work, deadlines, at chikahan with officemates. Pilit kong ibinalik sa normal ang buhay ko. Sa office, iwas pa rin ako kay Boss, acting as if nothing happened. At sa bahay… well, mas pinili kong umiwas din. Hindi pa ako handang harapin yung tungkol sa fiance at sa stepsister ko.

Pero kahit anong iwas ko, hindi ko maitago sa sarili ko na may nagbago. Tuwing dumadaan siya sa harap ng cubicle ko, ramdam ko ang bigat ng tingin niya, o baka ako lang ang nag-iisip.

Pero nitong mga araw na ‘to, may mga nararamdaman akong kakaiba. Minsan bigla akong napapagod kahit konti lang naman ang ginawa ko. May time din na parang nahihilo at inaantok ako. Sabi ko sa sarili ko, baka stress lang o kulang sa tulog. Ayokong isipin na baka… buntis ako.

Pero habang lumilipas ang mga araw, lalo lang lumalakas ang hinala ko. Lalo na nang mapansing wala pa ang dalaw ko. Isa, dalawa, tatlong araw… hanggang sa umabot na ng isang linggo. Pilit kong kine-convince ang sarili ko na irregular lang, na baka dahil sa stress, pero sa bawat araw na lumilipas, parang mas lalong sumisikip ang dibdib ko.

Kinakain ako ng kaba. Paano kung totoo nga? Paano ko haharapin ‘yon? At higit sa lahat—paano ko sasabihin sa boss ko?, na pilit kong iniiwasan, pero sa kaniya lang posibleng manggaling ang lahat ng ito?

Gusto kong bumili ng test, pero natatakot ako. Takot akong makita ang sagot. Kasi kapag nandoon na, wala nang atrasan. At sigurado ako—magbabago ang lahat.

Isang tanghali, lunch break, sabay-sabay kaming kumain ng mga officemate ko sa pantry. Lively ang usapan nila, puro tungkol sa bagong project at chismis sa kabilang department.

Nasa table na kami, sabay-sabay kumakain at nagkukwentuhan. Pinilit kong makisabay, kahit medyo wala ako sa mood. Habang tinitingnan ko yung pagkain sa harap ko, bigla na lang akong nainis sa amoy. Para bang ang tapang ng sinigang na inorder nila, at ang adobo—parang bumaliktad ang sikmura ko.

Napapikit ako sandali, pilit nilalabanan ang pakiramdam. Pero habang tumatagal, lalo lang akong naduduwal. Ang saya ng kwentuhan nila, pero ako, halos hindi ko na marinig ang mga boses sa paligid. Para bang lumabo ang pandinig ko at ang tanging naririnig ko lang ay ang mabilis na kabog ng dibdib ko.

“Ano ulam mo, girl?” tanong ni Anna habang sumasandok ng kanin.

“Adobo,” sagot ko, sabay ngiti. Pero habang inaamoy ko yung pagkain, biglang parang umikot ang sikmura ko. May kakaibang amoy, at sa isang iglap, parang hindi ko na kaya.

“Okay ka lang?” tanong ng seatmate ko habang nakatitig sa akin.

Hindi pa ako nakakasagot, nang bigla akong masuka. Tinakpan ko agad ang bibig ko “Excuse me lang ha…” dali-dali akong tumayo at tumakbo papunta sa CR. Tumakbo ako papuntang CR habang naririnig ko ang mga boses ng officemates ko sa likod.

“Uy, si Celestine! Bakit siya nagsusuka?”

“Baka food poisoning?”

Pagkapasok ko, halos hindi ko na naabot ang sink. Nagsuka ako nang nagsuka, parang mabubulunan ako sa bigat ng tiyan ko.

Nang matapos, nanginginig ako habang nagmumumog, sinusubukang ayusin ang sarili.

Nagkulong ako saglit sa loob ng cubicle, hawak-hawak ang tiyan ko, habol ang hininga. Kinabahan ako. Kasi kahit anong tanggi ko, alam kong may posibilidad… at hindi ko na kayang balewalain ang mga sign na nararamdaman ko.

Habang naghuhugas ako ng bibig sa lababo, naramdaman kong bumukas ang pinto. Dalawang officemate ko ang sumilip, halatang nag-aalala.

“Celestine, okay ka lang ba? Grabe, nagsusuka ka na talaga. Gusto mo ba dalhin ka na sa clinic?” sabi ng isa, nakakunot ang noo.

Ngumiti ako ng pilit, kahit ang totoo’y gusto ko nang maiyak. “Okay lang ako… baka masama lang yung kinain ko.”

Pagbalik namin sa pantry, halos lahat ng mata ng mga officemate ko ay nakatingin sa akin. Tahimik bigla ang kwentuhan kanina.

“Okay ka lang ba, Celestine?” tanong ni Mia, halatang nag-aalala.

“Baka naman food poisoning ‘yan,” singit naman ni Carlo.

“Uy, okay ka lang ba?” tanong ni Jenny, kita ang concern sa mukha.

“Medyo nahilo lang… baka sa amoy ng pagkain,” sagot ko, pilit na ngumiti at umupo ulit.

Pero si Anna, biglang napakunot ang noo. “Girl… baka buntis ka?” biro ni Anna pero may halong seryoso ang tono.

Natigilan ako saglit at napalunok. Halos mabitawan ko ang tubig na iniinom ko. “Ha?! Hindi… impossible ‘yon,” mabilis kong sagot, sabay tawa para palabasing wala lang. “Grabe kayo, hindi lahat ng nagsusuka, buntis agad.” pero ramdam kong nanginginig ang boses ko.

Nagtinginan lang sila, yung tipong nag-uusap ang mga mata nila kahit walang nagsasalita. Yung iba ngumiti, yung iba napailing. Pero ramdam ko — hindi sila convinced.

Hindi na gaanong maingay ang kwentuhan, at kahit pilit nilang ibalik ang usapan sa project at chismis, parang ako na ang naging paksa sa likod ng bawat tingin at bulungan.

Tahimik akong bumalik sa pagkain ko pero halos hindi ko na makain. Kahit isang subo ng kanin, parang tinutulak palabas ng sikmura ko. Sa huli, inilapag ko na lang ang kubyertos at ngumiti nang pilit. “Mauna na ‘ko, kailangan ko pang tapusin yung sketch.” Lalo lang akong kinabahan. Kasi kahit gaano ko piliting itanggi… alam kong may posibilidad.

Pinilit kong ngumiti at magpanggap na walang problema, pero sa loob-loob ko, kabog na kabog ang dibdib ko. Buntis? Hindi… hindi puwede. Pero bakit parang tugma lahat ng nararamdaman ko?

Habang naglalakad pabalik sa desk ko, ramdam ko ang mga matang nakasunod. At sa bawat hakbang, mas lalo kong naramdaman ang bigat ng sikreto na unti-unti nang gustong kumawala.

At habang nakaupo ako sa desk, hindi ko mapigilang tumingin sa glass door ng opisina ni Boss. Nandoon siya, busy sa laptop niya, clueless sa mga nangyayari sakin. Kung sakaling totoo nga ang hinala ng mga officemate ko… paano ko sasabihin sa kanya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 90 — Home, At Last

    Tahimik ang hapon sa villa, pero hindi na ito yung uri ng katahimikan na mabigat sa dibdib. Ito na yung katahimikan na may kapayapaan.Nakaupo si Celestine sa garden, hawak si baby Aiden habang pinapaarawan ito ng banayad na sikat ng araw. May hawak siyang bote ng gatas, dahan-dahang pinapadede ang anak.Habang pinagmamasdan niya si Aiden, hindi niya maiwasang mapangiti. Ang dami nilang pinagdaanan… takot, sakit, galit, pagkawala.Pero heto sila ngayon. Buhay. Magkasama.“Mommy’s here,” bulong niya. “Hindi ka na mawawala sa akin.”Mula sa loob ng bahay, lumabas si Adrian.May hawak siyang phone at halatang may kausap kanina. Lumapit siya kay Celestine at yumuko para halikan ang noo ni Aiden.“They’re here,” sabi niya.Napatingin si Celestine. “Who?”“My parents. Kakalapag lang nila.”Sandaling natigilan si Celestine. Hindi siya kinakabahan… pero ramdam niya ang bigat ng emosyon. Matagal na rin mula nang huli niyang makita ang parents ni Adrian. At alam niyang, gaya nila, marami rin it

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 89 — Healing Begins

    Tahimik ang umaga sa villa nina Celestine at Adrian. Ang araw ay dahan-dahang sumisilip sa malalaking bintana, nagbibigay ng warm na liwanag sa buong sala. Sa wakas, matapos ang lahat ng gulo, sigawan, takot, at luha… may katahimikan na rin.Nasa sofa si Celestine, karga si baby Aiden na mahimbing ang tulog. Pinagmamasdan niya ang maamong mukha ng anak, parang gusto niyang kabisaduhin ang bawat detalye… ang maliit na ilong, ang bahagyang pagkakurba ng labi, ang marahang paghinga.“Parang kailan lang,” mahina niyang sabi.“Akala ko mawawala ka sa akin.”Lumapit si Adrian, may dalang tasa ng tsaa. Inilapag niya iyon sa mesa at umupo sa tabi ni Celestine. Inilagay niya ang kamay sa balikat ng asawa.“Tapos na,” bulong niya. “Safe na kayo. Safe na tayo.”Tumango si Celestine, pero hindi pa rin maalis ang bahagyang lungkot sa mga mata niya. Kahit tapos na ang kaso, kahit nakakulong na si Bianca, may mga sugat na hindi agad naghihilom.Makaraan ang ilang araw, bumisita ang pamilya ni Celest

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 88 — The Final Verdict

    Mabigat ang hangin sa loob ng courtroom. Tahimik ang lahat, tanging mahinang pag-ubo at kaluskos ng papel ang maririnig. Nasa unahan si Bianca, suot ang simpleng beige na damit pangkulungan. Wala na ang mamahaling ayos, wala na ang palaban na tindig. Ang dating matapang na mga mata ay puno na ngayon ng kaba at pagod.Sa kabilang panig ng korte, tahimik na nakaupo sina Celestine at Adrian. Mahigpit ang hawak ni Adrian sa kamay ni Celestine, ramdam ang panginginig nito… hindi sa takot, kundi sa bigat ng alaala. Ang kidnapping, ang takot na mawala si baby Aiden, ang gabing halos gumuho ang mundo nila.“Are you ready?” mahinang tanong ni Adrian.Tumango si Celestine. “Tapos na ang takot. This ends today.”Pumasok ang hukom. Tumayo ang lahat.“This court is now in session.”Isa-isang binasa ang mga kasong isinampa laban kay Bianca…. conspiracy to commit kidnapping, psychological manipulation, obstruction of justice, at abuse of power. Habang binabanggit ang bawat kaso, lalong bumibigat an

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 87 — Fragments of a Broken Mind

    Tahimik ang loob ng psychiatric ward. Walang sigawan, walang drama… tanging tunog lang ng mahinang electric fan at ang maingat na yabag ng mga nurse sa hallway. Nakaupo si Margaux sa gilid ng kama, yakap ang isang maliit na teddy bear. Maputla ang mukha niya, bagsak ang balikat, at parang wala nang sigla ang mga mata.Hindi na siya umiiyak.Hindi na rin siya galit.Parang pagod na pagod na ang kaluluwa niya.“Good morning, Margaux,” mahinahong bati ng therapist niyang si Dr. Reyes habang pumapasok sa kwarto. “How are you feeling today?”Matagal bago siya sumagot.“Empty,” mahina niyang sabi. “Parang may butas dito.” Sabay tapik sa dibdib niya.Umupo si Dr. Reyes sa tapat niya. “Do you still think the baby is yours?”Napapikit si Margaux. Matagal na katahimikan ang namagitan sa kanila.“No,” bulong niya. “Alam ko na… hindi siya sa akin.”Huminga siya ng malalim. “Pero masakit pa rin. Kasi sa isip ko, sandali… sandali naging totoo.”Sa unang linggo ng therapy, halos walang imik si Marga

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 86 — The Trial Begins

    Tahimik ang loob ng courtroom, pero ramdam ang bigat ng bawat paghinga. Isa-isang pumapasok ang mga tao… media, abogado, at ilang piling imbitado. Nasa unahan sina Celestine at Adrian, magkatabi, hawak ang kamay ng isa’t isa. Hindi nila kasama si baby Aiden… masyadong bata para sa ganitong klaseng eksena.Sa kabilang panig, pumasok si Bianca… nakaposas, payat na payat, at halatang puyat. Wala na ang confident na ngiti, wala na ang mataray na tingin. Ngayon, puro galit at takot ang nasa mga mata niya.Naupo siya sa tabi ng abogado niya. Sa likod, nandoon ang mommy at daddy niya… tahimik, seryoso, halatang kinakabahan. Hindi na sila makapagsalita ng mayabang tulad ng dati.“Court is now in session,” anunsyo ng hukom.Tumayo ang lahat.Sinimulan ng prosecutor ang paglalahad.“Your Honor,” mariing sabi nito, “this case involves kidnapping, conspiracy, psychological manipulation, and corporate sabotage. The accused, Bianca Alcantara, may not have physically taken the child… but evidence wi

  • My Boss Got Me Pregnant    Chapter 85 — The Line That Was Crossed

    Hindi nagtagal ay kumalat din ang balita sa buong social circle ng mga Alcantara at Monteverde ang pagkaka-aresto ni Bianca. Isang eskandalo na hindi na nila kayang tabunan ng pera, koneksyon, o impluwensiya. Kaya kinabukasan pa lang, kumilos na agad ang mommy at daddy ni Bianca.Nag-file sila ng petition for bail at motion for temporary release, umaasang makakalaya agad ang anak nila habang inaayos ang lahat. Pero mabilis ding dumating ang sagot ng korte… denied.Mabigat ang kaso. Kidnapping. Psychological manipulation. Corporate sabotage. Conspiracy.Hindi ito pwedeng idaan sa pera lang.“Kailangan ng trials,” malamig na sabi ng abogado nila. “At kailangan ninyong kausapin ang mag-asawang biktima.”Kaya isang hapon, dumating ang mommy at daddy ni Bianca sa villa nina Adrian at Celestine.Tahimik ang sala pero ramdam ang bigat ng hangin. Nakatayo si Adrian malapit sa bintana, habang si Celestine ay nakaupo sa sofa, tuwid ang likod, kalmado ang mukha… pero matalim ang mga mata.Hin

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status