Alessia Rae's Pov.
Hindi mapawi ang ngiti ko habang hinahanda ang sarili ko kahit nasubsob pa isya kanina at nasabihang tanga. Huminga ako ng malalim sabay cross sign bago pumasok sa elevator kasama ang babaeng ang entertain sa akin kanina. "Ang secretary na lang ang magdadala sa 'yo sa office ni Boss. Si Boss kasi ang pipili ng magiging assistant niya," biglang sabi pa ng babae. Nag-angat ako ng tingin bago tumango. “One thing, mag-ingat ka sa bawat kilos at pananalita mo. Ang gusto ni Boss ay pormal at masipag. Bihira lang din nagsasalita si Boss. Lagi iyong tahimik at ayaw sa mga ma-iingay. Ayaw niya rin sa mga palpak na trabaho,” sabi pa nito. Napalunok naman ako ng dalawang beses. "N-nakakatakot ba ang boss niyo?" kinakabahang tanong ko pa. Tumango naman ito dahilan para mapalunok uli ako. "Oo, at mapili rin siya. Maraming nag-a-apply dito kahapon pero walang natanggap. Pang sampu ka sa nag-apply bilang assistant. Kaya kapag natanggap ka ay huwag kang papaltos sa trabaho mo," sabi pa nito. Grabe naman ang boss nila. Siguro matanda na ang boss nila rito. Na-imagine ko tuloy kung anong hitsura ng boss nila. Isang matandang kulubot ang mukha. Puti na lahat ng buhok. Malalaking mata, mainipin at laging highblood. Nang makalabas kami ng elevator ay lumapit kami sa isang table. Binasa ko ang nakasulat sa parahabang nakalagay sa ibabaw ng table. Siya pala ang secretary. "Secretary Kath, may nag-apply bilang assistant. Ikaw na bahala sa kaniya," pormal na sabi pa nitong babae. Tumingin sa akin ang secretary habang pinasadahan ako ng tingin. With matching nakataas kilay pa. Napahinga ako ng malalim bago tumingin sa secretary. "What is your name?" "I'm Alessia Rae Salvatore, a college graduate and an editor of magazine––" "Please, follow me." Putol pa nito sa sasabihin ko. Sumunod na lang ako at inambahan siya ng suntok ngunit mabilis na nagpatay malisya ako nang lumingon ito. "Be formal in front of the boss. Don't talk if he's not done talking to you. Just follow what he've said and answer his question properly. He doesn't like a lazy and bratty assistant. Don't look at his eyes when you're talking to him. Please, do remain silent and do the bow formal attitude when you're in front of him." Mahabang lintaya pa nito habang palapit kami sa isang kulay itim na pinto. May nakalagay na CEO's Office. May nakalagay pang don't disturb me. Mukhang tama nga ang description ko sa boss nila rito. Mukhang strict nga ito. Tsaka, bakit bawal ako tumingin sa mata ng boss? Bampira ba siya? "Come in." Sabi pa ng malamig na boses mula sa loob. Oo! Malamig talaga! Kinabahan tuloy ako lalo. Boses pa lang ay halatang nakakatakot nga ito. "Hey! Come inside." Pukaw pa ng sec. sa akin. Nanginginig ang tuhod na tumingin ako sa kaniya. "H-hindi ka papasok sa loob?" napapalunok na tanong ko pa. Umiling ito nang nagtataka. "Pumasok ka na sa loob. Mainipin pa naman si Boss," sabi pa nito. "A-ah, hehehe––araaay!" daing ko pa nang itulak ako nito papasok sa loob. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto. Kinakabahan akong tumingin sa loob. B-bakit ang d-dilim? Nakasarado ang mga bintana habang may nakatabil na kurtina. "H-hello? M-may tao ba? Bakit ang d-dilim?" nauutal na tanong ko pa. Hindi kaya tama ang hinala ko? Bampira ang boss nila? T-tapos ipapain nila ako? Nakarinig ako nang pagbukas ng pinto sa kung saan. Napahigpit ang yakap ko sa bag ko habang takot na nagmamasid. Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit sa akin. Mas lalo akong kinabahan. Pero... Bakit ang bango? Amoy g’wapo. Oo, amoy g’wapo talaga. Feeling ko lang pero... Akala ko ba matanda ang boss? Bakit amoy... "Wahhh! Inay! Wahh!" gulat na sigaw ko pa ng maramdaman ko ang taong nakalapit sa akin. "Tsk!" rinig kong mahinang singhal nito. May kinapakapa pa ito sa gilid ng pinto habang ramdam ko ang kamay nito sa gilid ko. "Wahhh! Lumayo ka sa 'kin! Ayaw ko pang mamatay! Wahh!" mangiyak-ngiyak na sigaw ko at pinaghahampas ito. Rinig ko pa ang pagdaing nito pero hindi ako tumigil sa paghampas. "Ouch! H-hey! S-stop! Argh!" daing pa nito. Pero malakas na sinuntok ko ito at parang sa mukha ko natamaan. Rinig ko ang pagmura at pagdaing niya. May pilit na kinapa siya sa gilid ng pinto kasabay ng pagbukas ng ilaw ay ang pagtuhod ko sa alaga nito. Napuno ng malakas na sunod-sunod na mura at daing ang opisina matapos ko siyang tuhurin. Bumagsak siya sa sahig habang namimilipit sa sakit. Inilibot ko pa ng tingin ang loob ng office. Halos puro itim ang meron dito, ah! Itim lahat ang mga kurtina. Pati pintura ay itim. Walang kabuhay-buhay ang opisina. "Confirm! Bampira ka nga!" bulalas ko habang napatakip pa ng bibig. "What the fvck are you talking?!" galit at nakakatakot na sigaw pa nito. Napalunok na lang ako. Unti-unti siyang bumangon at masamang tumingin sa akin. Animo'y papatayin na niya ako. "Fvck! It hurts!" Malutong na mura pa nito habang nahihirapang tumayo. Tutulungan ko ba siya? "Shit! Bakit mo tinuhod ang junior ko?!" galit na namang tanong nito. Nanlaki pa ang mga mata ko habang napapalunok. "P-para 'di mo ako kainin," natatakot na sabi ko pa. Mas lalo ako nitong sinamaan ng tingin. Kung nakakamatay lang ang tingin ay paniguradong tsugi na ako kanina pa. "Why the hell would I eat you?!" galit na tanong pa nito. Napalunok ulit ako. Lunok! H-hindi ba siya bampira? Tiningnan ko siya ng mabuti. Napatampal na lang ako sa noo ng marealize ko na walang bampira ang magpapailaw. I mean, kung bampira pa siya ay hindi dapat niya binuksan ang ilaw. Kasi 'di ba kapag bampira takot sila sa ilaw? I'm doomed! "H-hindi ka bampira?"Nandito ako sa tapat ng condo ni Venice, lumabas ako ng sasakyan at pumasok sa loob. Pinagtitinginan pa ako ng mga naroon marahil ay ngayon lang uli nila ako nakita. Sa pagkakaalam ko, dalawang beses lang ako nakapunta rito noong kami pa ni Venice. Sa aming dalawa, siya ang mahilig na puntahan ako kahit na sabihin ko pang busy ako. And now, I am here for the last time. Not to get back together but to confront her. Gusto kong sa kaniya mismo manggaling kung may kinalaman siya sa nangyari sa amin ng asawa ko last month.Alister was still investigating that incident. Pero hindi ako makapaghintay lang sa tabi. Gusto kong ako mismo ang nakarinig galing kay Venice. At kapag nagkataong may kinalaman nga siya, hindi na ako magdadalawang-isip na ipakulong siya. Kasama ang gahaman niyang ama.Nang makarating sa floor kung saan ang condo unit niya ay malakas ko iyong kinatok, halos kalabogin ko iyon. Wala akong paki kung masira ang pinto.“Who's that? Do you have any plans to break my door––Davy
Davy’s Pov. I was here, sitting in my office while busy checking the financial statement from last month's data report. Hindi maipinta ang mukha ko habang tiningnan isa-isa ang mga documents. Malaki nga ang nawala at nalugi ang kompanya sa last month profit sana. Napasandal na lang ako sa swivel chair ko sabay hawak sa tungki ng ilong ko upang ikalma ang sarili. Hindi pa ako gaano kagaling kung totoosin. Pero pinili kong pumunta rito sa kompanya para sa bagay na ito. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at pumasok si Kathy na may dalang documents. “Any updates?” I asked. “Here.” Inabot niya sa akin ang hawak na tatlong documents. Napabuntunghininga ako at tiningnan agad ang mga iyon. Masusing binasa ko iyon at nagsalubong ang mga kilay ko ng may mapansin ako. Tila nakiha agad ni Kathy ang pagsalubong ng kilay ko kung kaya’t nagsalita siya. “Na track na namun kung sino ang lihim na nagnakaw sa kita last month. Nung una nahirapan kami kasi ang linis ng transaction. Hindi ma
Davy’s Pov. I was seriously sitting at my patient's bed beside my wife’s bed. She was still unconscious like she was just sleeping peacefully. Up until now, I couldn't process everything. To be honest, I didn't expect that we'd end up like this. Ang saya-saya pa namin nung na raw na yun. Tapos magigising na lang ako na ganito ang sinapit namin, isang buwan na walang malay. At higit sa lahat, hindi pa rin nagigising ang pinakamamahal kong asawa. I will really find out who's behind this incident. I will make them pay for what they've done to us. Siguruhin lang talaga na magigising pa ang asawa ko. Dahil kung hindi… hindi ako magdadalawnag-isip na bawian din sila ng buhay. “Daddy…” napalingon ako sa bunso ko bang tawagin ako nito. Panay ang hikab ni Dalia marahil ay oras na ng pagtulog niya. Pasado alas-otso na rin kasi ng gabi. Samantalang si Dylan naman ay seryusong nakaharap sa hawak nitong ipod, nakasuot pa ng salamin sa mata at may kung anong kinakalikot sa ipod niya. “Daddy,
Third Person's Pov.Lulan ng elevator, titig na titig si Kathy sa batang si Dylan na nakapamulsa ang isang kamay, yung isa naman ay hawak ang nakakabatang kapatid. Hindi pa rin mawari ni Kathy kung paanong nagawa ng bata ang ganun. Kung paanong naisipan ng bata ang bagay na iyon kanina sa kotse ni Venice. Kasi kung totoosin, sa edad nitong anim na taon ay hindi pa dapat alam ang ganung bagay. Mulat si Kathy na ang mga ganuong edad ay dapat laruan pa ang hawak at hindi dart na nakakamatay.Ngayon lang napagtanto ni Kathy kung gaano nga ka-talino at matured ang bata. Ibang-iba sa nga bata kung mag-isip. Dinaig pa talaga ang matanda.“Baby, bata ba talaga ‘to?” Turo ni Kathy sa bata habang nakatingin sa nobyo o fiancee na si Johan.Johan chuckled. “Well, yeah. But he's special,” he answered.“Special? Like a special child?” nakangiwing tanong ni Kathy.Saktong bumukas ang elevator at naunang lumabas ang mga bata. Nakasunod naman ang mga ito.“Yes, but it's like what you think. He’s speci
Third Person's Pov.Lumioas ang nga araw, hindi pa rin gising mag-asawang Henderson, nakahilata pa rin ang dalawa sa isang pribadong silid ng hospital. Pabalik-balik sina Johan at Kathy roon habang inaalagaan ang dalawang batang naiwan. Tuwing may event sa school ni Dylan ay si Kathy at Johan ang umattend. Kahit ganun pa man, hindi pa rin nakikitang ngumiti man lang ang bata. Hindi tulad ni Dalia na napapatawa ni Kathy o kaya naman ni Johan. Tulad ngayon, binibiro ni Kathy ang batang babae habang si Dylan ay tahimik na nakatingin sa labas ng bintana.Sinundo kasi ito nina Johan sa paaralan nito at dederetso sa hospital. It's been a month since the incident happened. Ongoing pa rin ang imbestigasyon sa nangyari.Napansin ni Kathy na tahimik lang si Dylan kung kaya’t kinalabit nito ang bata.“Dylan, are you okay?” Kathy asked.Dylan shook his head. “I’m not okay as long as my mom and dad are still unconscious. I can't feel at ease,” seryusong sagot ng bata.Natameme pa si Kathy dahil sa
Third Person's Pov.Naalarma ang mga taong nasa dalampasigan nang manarinig at makina nila ang pagsabog ng isang yate sa ‘di kalayuan. Kahit ang mga staff na naka-responde ay mabilis na naalarma at pinuntahan ang nangyaring pagsabog. Nagkagulo ang mga tao habang hinihintay ang balita kung ano ang nangyari. Samantala, tila gumuho ang mundo ng isang batang lalaki habang nakatayo sa dalampasigan at nakatanaw sa sumabog na yate. “Mom… Dad…” ang munting iyak ng bata.Nagpupumilit itong tumakbo papunta sa dagat subalit agad itong napigilan ng kaibigan ng ina.“Dylan, don't! It's dangerous!” “I want to see my mom and dad, Tita Mommy!” Dylan hissed but his tita mommy didn't let him go.“Dylan, let's wait here, okay?” pagpapakalma naman ng isang lalaki sa buhat-buhat ang kapatid ni Dylan na si Dalia.Bakas ang pag-aalala sa mukha ng bagong engaged. Laking gulat ng mga ito nang malaman na may sumabog at napagtanto ng mga ito kung kaninong yate ang sumabog.“My mom and dad are safe, right?” ba