Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2025-08-27 23:59:14

Alessia Rae's Pov.

Hingal na hingal ako habang naglalakad sa gilid ng kalsada. Panay ang tingin ko sa paligid at umaasang may makita akong pwedeng mapasukang trabaho. Ramdam ko na talaga ang pagod ko ngayon. Kanina pa kasi akong umagang naglalakad, eh. 

Oo! 

Naglalakad lang ako. Kasi naman wala akong perarets mga beshy bells! Wala akong pam-pamasahe sa jeep. 

Naisipan ko nga kanina na magnakaw, eh. Pero jusko! 'Di ata kayanin ng konsensiya ko kapag ginawa ko 'yon.

Hindi ko rin kayang gawin ang gano'ng mga bagay.

Mabait kaya ako! Kaya nga hindi ko kinalbuhan at sinabuyan ng mainit na tubig ang mukhang petrang kabayo na kalaguyo ng animels kong ex-boyfriend!

Hmp!

Bigla akong napatingin sa paligid. Pinagtitinginan ako ng mga dumadaan. Tiningnan ko kung nasaan ako. Halos mapahiya ako sa gulat nang makitang nakaupo na pala ako sa tabi ng kalsada.

Shemay!

Dahil sa kakaisip ko sa lintik na bakletang ex ko at tungkol sa love love na iyan ay hindi ko na namamalayang kanina pa pala ako nakaupo rito dahil sa pagod.

Sabayan mo pa na gutom na gutom na ako. Huhuhu. Wala pa naman akong pera pambili ng pagkain.

Napabuntong-hininga na lang ako. Kumukulo na ang tiyan ko dahil sa gutom. Nakaupo pa rin ako rito sa gilid ng kalsada.

Napatingin ako sa cellphone ko. Napamura na lang ako sa isip ko ng maubusan na pala ng baterya ang phone ko.

"Hayst! Bakit ba ang malas ko nitong mga nakaraan?" nanghihinang bulong ko bago napayuko.

Kundi lang sana ako nag-resign sa kompanyang pinagtrabahuan ko, eh! Pero nando'n din naman kasi ang ex ko. Ayaw ko siyang makita!

Nasusuka ako at kumukulo ang dugo ko tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya. Dagdagan mo pang kinukulit din niya ako.

Kaya nag-resign na lang ako sa pagiging editor sa isang magazine.

Huhuhu. 

Kailangan ko talaga makahanap ng bagong trabaho. Dahil wala na akong pera. Kahit nga pambili ng makakain ko mamaya wala na.

Hayst.

Tiningnan ko ang wallet ko. Nanlumo ako ng makita kong beinte pesos lang ang meron ako.

Aanhin ko ang beinte?

Hayst!

Pasado alas-kwatro na ng hapon. Naisipan ko na lang na umuwi na muna sa maliit na apartment namin ni Milo.

***

"Exhausted!" bulalas ko pa at pasalampak na umupo sa maliit naming sofa ng makauwi ako.

Ramdam ko ang pananakit ng binti at paa ko. Halos tatlong araw na akong naghahanap ng trabaho pero wala pa rin akong napapasukan.

Wala naman na kasing vacant position sa mga pinag-aplayan ko. Isa akong college graduate at isa akong editor sa isang magazine sa pinag-trabahuan ko dati.

Kundi ko lang iniiwasan ang ex ko hindi sana ako magre-resign. May trabaho pa sana ako ngayon at hindi maghihirap ng ganito.

Wala na rin akong perang ipapadala sa pamilya ko. Naipadala ko na kasi ang huling sahod ko noong sabado kaya wala na akong pera ngayon.

Hayst!

Biglang tumunog ang cellphone ko kaya pagod na tumayo ako at tinanggal ang pagkakasaksak ng charger.

Lobat kasi kaya naicharge ko pagdating kanina.

“Hello, Nay?” sagot ko pa.

Si Inay kasi ang tumatawag. 

"Hello, anak. May pera ka ba ngayon?" tanong pa ni Inay sa kabilang linya.

"Po? Bakit po ba?" tanong ko habang napasapo ako sa noo ko.

Rinig ko ang pagbuntong-hininga ni Inay sa kabilang linya. Parang problemado si Inay, ah!

"Inay, may nangyari po ba?" tanong ko pa uli.

"Anak, nandito kasi ako sa hospital ngayon. Inatake ng hika ang kapatid mo kaya dinala ko rito. Alam mo namang may sakit ang kapatid mo 'di ba?" sabi pa ni Inay.

Nanlulumong napaupo ako sa maliit na sofa. Wala akong trabaho ngayon tapos kailangan ni Inay ng pera.

Paano na 'to? Napapikit na lang ako bago bumuntong-hininga. Manghiram na lang ako ng pera kay Milo mamaya. Sana nga lang may pera pa siya.

Ginigipit pa naman din ang isang 'yon.

"Hello, anak? Nandiyan ka pa ba?" tanong pa ni Inay.

"Ah, opo. Kamusta na po ba si Ally, Nay?" tanong ko.

"Okay naman na siya sa awa ng diyos, anak. Kaya lang hindi pa kami makalabas dahil walang pambayad sa bill. Naubos na rin iyong ipinadala mo noong sabado. Tapos may gamot pang ipinapabili ang doctor para sa kapatid mo." Napapabuntong-hiningang sabi pa ni Inay.

"Sige po, Inay. Magpapadala na lang po ako riyan. Wala pa kasing sahod ngayon kaya manghihiram na lang ako sa kasama ko rito." Pinapalakas ang loob na sabi ko pa.

Napabuntong-hininga uli si Inay bago nagsalita.

"Salamat anak, ah. Pasensya ka na rin at ikaw pa ang nagigipit d'yan." Paumanhin pa ni Inay.

"Nay, ayos lang po. Responsibilidad ko rin namang tugunan ang pangangailangan niyo riyan. Ang mahalaga ay ayos na si bunso." Nakangiting sabi ko pa.

"Ang bait mo talaga, anak. Ang swerte namin sa 'yo kahit ganito lang tayo. Pero tandaan mo ang lahat ng bilin ko?" 

"Huwag kang mag-alala, Inay. Lagi ko pong tandaan iyon. Mag-ingat po kayo riyan, ah. Huwag niyong pabayaan ang sarili niyo," nakangiting sabi ko kasabay ng pagpatak ng luha ko.

Minsan talaga nagiging emotional ako. Lalo na pagdating sa pamilya ko. 

"Ikaw ang mag-ingat d'yan, anak. Marami pa namang loko-loko riyan sa Maynila. Ingatan mo ang sarili mo. Mahal na mahal ka namin ng kapatid mo." Halatang umiiyak na sabi pa ni Inay.

Napakagat labi na lang ako upang pigilan ang paghikbi ko. Ayaw kong marinig ni Inay na umiiyak ako.

Baka mag-aalala lang siya sa akin.

"Sige po, Inay. Magpapadala na lang po ako kapag nakahanap na ako ng pera. Ingat kayo," huling sabi ko bago ibinaba ang tawag.

Pinunasan ko na lang ang luha ko. Dapat hindi ako iiyak. Dapat lagi lang akong matapang at lumalaban tulad ng nakasanayan ko.

Hindi dapat ako panghinaan ng loob. Bukas na bukas ay maghahanap uli ako ng trabaho. Hindi ako titigil hangga't hindi ako makakahanap ng trabaho.

"Fighting!" sabi ko pa bago tumayo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss Is My Husband    Chapter 46

    Alessia Rae’s Pov Lumapit ako sa mukha niya. "Bakit ang gwapo mo, boss? Gusto sana kitang sapakin, eh. Pero sayang naman kung mabangasan ang gwapo mong mukha." Maayo unta kun mura kag nawong ug abat. Sumbagon ko gyud ng nawong nimo. (Buti sana kung mukha kang maligno. Susuntukin ko talaga ang mukha mo.) Napapailing na lang ako at ginising ko siya. "Boss, gising aakyat na muna tayo sa taas," mahinang sabi ko pa sabay tapik sa kaniya. Pero hindi man lang siya gumalaw. Napangiwi na lang ako. Pumwesto ako at pilit siyang akayin patayo. Ang bigat, eh! Pero malakas kaya ako. Mas malakas pa ako kay Superman. Pilit ko siyang itayo at muntik pa kaming matumba. Buti na lang nabalanse ko kaagad. Dahan-dahan akong naglakad habang akay-akay ko siya. Nabitawan ko pa siya nang nasa gitna na kami ng hagdan. "Hilain na lang kaya kita paakyat sa kwarto mo?" sabi ko pa. Pero kawawa ka naman paggising mo bukas. Paniguradong sasakit ang katawan mo. May kasalanan ka pa sa akin, eh! Sarap mon

  • My Boss Is My Husband    Chapter 45

    Alessia Rae's Pov.Hindi ako bumaba para kumain. Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko habang nagpi-facebook. Naka-chat ko pa si Alister. Ang bait niya talaga tapos ang sweet pa. Ang nakakatuwa pa ay napakapalabiro niya. Panay nga lang nag tawa ko tuwing binabasa ang mga pakulo niya.He’s friendly and funny. Sana all ganern.Hindi tulad ng amo kong ang sarap sikmuraan minsan. Magkaibang-magkaiba dilang magpinsan. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may nag-text sa akin. Pagtingin ko si Boss pala.Tss!Bahala ka riyan!Nakakailang text na siya pero hindi ako nagrereply. Manigas ka!? Muntik na akong matsugi kanina. Sinabi nang hindi ako marunong lumangay, eh!Maya-maya ay bigla kong narinig ang kotseng umalis. Napatayo ako at sumilip sa glass wall. Nakakita ko ang papalayong kotse ng amo iong baliw.Saan naman kaya 'yon pupunta?Makalabas na nga lang. Gutom ako, eh.Mabilis na lumabas ako at bumaba. Pumasok ako sa kusina. Abah!Naghugas siya ng pinggan! Mabuti naman kung gano'n. K

  • My Boss Is My Husband    Chapter 44

    Dylan Davy's Pov. Natatawang hinila ko si Miss Salvatore papunta sa gitna ng pool. Pilit pa niyang kumawala sa paghila ko. "B-boss! Hindi ako marunong lumangoy!" sigaw pa niya. Binitawan ko agad sita ng nasa gitna na kami. Tinawanan ko lang siya at lumangoy palayo. Umahon ako at natatawang uminom ng juice habang pinagmasdan ito. Nakita ko siyang panay ang kaway. Napakunot ang noo ko. Hindi ba talaga siya marunong lumangoy? Napatigil ako sa pag inom ng juice nang makitang hindi na ito kumakaway at unti-unting nalunod. Shit!? Mabilis na inilapag ko ang baso at lumangoy papunta sa gitna ng pool. Fuck!? Hindi na siya gumagalaw. Mabilis na lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang beywang niya paahon. Mabilis na lumangoy ako at binuhat ko siya bago inilapag sa gilid ng pool. Agad akong umahon at tinapik ang pisngi nito. "Hey! Wake up! Hey!" sabi ko pa pero hindi siya gumising. "Fuck!?" malutong na mura ko pa. I check her pulse. Ipinatong ko sa dibdib niya ang dalawang kamay ko

  • My Boss Is My Husband    Chapter 43

    Alessia Rae’s Pov. Kunot-noong nag-iwas siya nang tingin at inagaw ang kutsara. Lihim na natawa na lang ako. Kahit kailan talaga, ang arte. Kunwari pa siya, eh. "I can do it by myself. Tsk!" sabi pa niya sabay subo. Inismiran ko lang siya at tumayo. Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Where are you going?" tanong pa nito. "Sa restaurant, boss. Kakain kami ni Alister tapos susubuan ko siya. Maganda raw kasi 'yon, eh." Nakangiting biro ko pa. Kita kung nagsalubong ang kilay niya at sinamaan ako nang tingin. "Are you kidding me?" masama ang tinging sabi pa nito. Napakamot at napalunok na lang ako. Kapag talaga sasamaan niya ako nang tingin nakakasindak siya. Para siyang mag transform ito devil again. "Hehehe. Biro lang, boss. Ito naman, aakyat lang ako, eh." Kamot-batok na sabi ko pa. "Tsk!" singhal niya at nagpatuloy sa pagkain. Hmp! Lumabas na lang ako at umakyat sa taas para maligo. Ang lagkit ng feeling ko, eh. Nag jeep kasi ako kanina tapos napaka usok pa. Gust

  • My Boss Is My Husband    Chapter 42

    Alessia Rae's Pov. 1 years later Pagod na naupo ako sa sofa sa sala ng bahay ni Boss. Kakatapos ko lang ayusin ang mga groceries na pinamili ko dahil ubos na ang stock. Pasado alas-nuebe pa naman ng umaga. Pagkatapos ko kasing maglinis sa malaking bahay ni Boss kanina ay umalis ako para mag groceries. Isang taon na rin akong nagtatrabaho bilang assistant niya. Naging maayos naman ang trabaho ko kahit papaano. Kung saan si Boss nando'n rin ako. Kapag hindi ako sasama sasabihin niyang... "Miss Salvatore, do you want to be fired?" "Miss Salvatore, gusto mo bang masisante?" Iyan lagi ang lumalabas sa bibig niya tuwing tatanggi akong sumama sa kaniya. Mula kasi nung araw na umalis ako sa apartment namin ni Milo… ang tagpong dinala niya ang maleta ko na inakala ko kung ano ay 'yon pala sa bahay niya ako patitirahin. Para hindi raw ako malate sa trabaho at no need na tawagin pa niya ako lagi. Mas mabuti raw na tumira ako sa bahay niya para sabay na kaming pumunta sa kompanya. N

  • My Boss Is My Husband    Chapter 41

    Alessia Rae’s Pov. Habang lulan kami ng elevator a napatingin ako sa oambisig na relo ko. Nanlaki ang mata ko sabay tumingin kay boss. Seryusong nakatayo lamang ito habang nakadikdik sa magkabilang buksa na mga kamay niya. "Akala ko ba mag overtime tayo? Pasado alas-sais pa lang ng gabi, oh!" sabi ko pa. "Tsk! Stop talking!" singhal nito. Napangiwi na lang ako. Umandar na naman ang pagiging devil niya. Tumahimik na lang ako hanggang sa makalabas kami ng kompanya. Hinila na naman niya ako papunta sa kotse niya nang umiba ako ng daan. Anak ng! "Bakit ang hilig mong manghila?" may inis na tanong ko pa. "Tsk! Shut up," sabi niya at tinulak ako papasok sa passenger seat. "Arayyy! Dahan-dahan naman––" Sinaraduhan ako ng pinto bago ito umikot at pumasok sa driver seat. Mabilis na pinaandar niya ang kotse at halos maputol ang litid ko sa leeg sa kakasigaw sa sobrang takot dahil sa bilis niyang magpatakbo! Huminto kami sa tapat ng daan papunta sa apartment ko. Halos magkulay hari

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status