Alessia Rae's Pov.
Nakayuko lang ako habang nakatayo sa harap ng bampira––este ng masungit na lalaking 'to. Sinigawan pa ako kanina dahil pinagkamalan ko raw siyang bampira. Ang g’wapong bampira ba naman nito pagnagkataon. Kaya lang masungit! Sino ba naman ang hindi 'di ba? Nakapatay ang mga ilaw habang puro itim ang mga kurtina. Sarap tusukin ng ballpen ang maganda niyang mga mata. Hehehe. Ang tangos-tangos pa ng ilong. "Stop staring." He coldly warned. Napalunok na lang ako at napakamot ng batok. Ano ba ang gagawin ko? Kailangan ko ng trabaho ngayon, eh. Hindi pwedeng aalis ako rito ng hindi natatanggap. Pa'no ba naman kanina pa niya ako pinapaalis dahil ayaw niya akong tanggapin matapos kong sabihin ang pakay ko rito. Nagalit pa siya nang magtanong ako kung nasaan ang matanda, panot, kulubot ang mukha at nagyoyosing CEO nitong kompanya. Kaya ayon, isang malutong na mura at malakas na sigaw ang natanggap ko. Malay ko bang siya pala ang CEO. Hehehe. Sinabihan pa akong stupid kanina. Gusto ko sana uli tuhurin ang dalawang itlog niya kaya lang pinigilan ko ang sarili ko. Baka lalo lang siya magalit sa akin. Halos mamuti na lang ang mata ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Nagbabasa lang naman siya ng mga documents sa table niya habang prenteng nakaupo. Halos isang oras na akong nakatayo dine sa harap niya. Anong gagawin ko? Humingi naman na ako ng tawad sa nagawa ko kanina, ah. "Sir, sorry na po sa nagawa ko. Please tanggapin mo po ako bilang assistant mo. Kelangan ko talaga ng trabaho,” nagmamakaawang sabi ko pa. Pero hindi niya ako pinansin. Animo'y wala ako rito. Abah! Nag exist pa ho ako sa mundo––este sa office niya. Nananakit na 'yong binti ko sa kakatayo rito. "Sir, sige na po. Patawad po sa nagawa ko kanina. Hindi ko naman sinasadyang pagkamalan kayong bampira––" "Shut up and get out!" inis na sigaw pa niya. Napayuko na lang ako. Mukhang ayaw niya talaga akong tanggapin. Pa'no na 'to? Kapag hindi pa ako nakapag padala ng pera kay inay ay mas lalaki ang babayaran nila sa hospital. Ang malas ko naman. Akala ko papanigan ako ng panahon. Napabuntong-hininga na lang ako. Ano kaya kung iiyak ako sa harap niya para maawa siya at tanggapin ako 'di ba? Oo! Ang talino ko talaga. Walang kupas. Alessia Rae Salvatore pa rin hanggang ngayon. Dapat maayos ang acting ko. Dapat gagamitin ko ang acting skills ko. Best actress kaya ako sa school noon dahil sa galing kong umarte. Napabuntong-hininga uli ako bago tumingin sa CEO'ng masungit. Ginamit ko ang lahat ng kaya ko para maging effective ang drama ko. "Sir, maawa po kayo. Kelangan ko talaga ng trabaho. Halos isang linggo na akong naghahanap ng trabaho pero––" "Tsk! That's not my problem. Besides, naalala kong ikaw pala iyong stupida na babaeng sinikahan ang panyo ko kahapon. " Pigil pa niya sa pagsasalita ko habang tumingin ng deretso sa mata ko. Napalunok na lang ako. Napatingin ako sa mukha niya. Ngayon ko lang na tingnan ng maayos ang mukha niya. Nanlaki ang mga mata. Paktay! Kaya pala mas galit pa siya sa akin. Siya pala iyong lalaki kahapon na... Napayuko na lang ako sa sobrang hiya. Naalala komg siya rin ang sinigawan kong panget na manyakis kanina. Napatakip na lang ako ng bibig bago pilit na ngumiti at tumingin sa kaniya. "Hehehe. Ikaw pala 'yon? Bakit 'di mo sinabi kanina?" pilit ngiting tanong ko pa. Sinamaan lang niya ako ng tingin. Pero 'di bale. Kelangan ko ng trabaho eh! "Sir, sige na po. Tanggapin niyo na ako. Don't worry, masipag po ako. Heto ang resume ko, oh!" sabi ko pa at mabilis na inilagay sa table niya. Hindi na niya ako pinansin at biglang tumayo. "No. Get out now." Turo niya sa pinto. Wala akong ibang nagawa kundi ang mabilis na lumuhod sa harapan niya habang nakayuko. "Damn! What are you doing?" inis na tanong pa nito. "Malamang nakaluhod po!" pilosopong sagot ko. "What the! Get out!" galit na sigaw niya. Hindi ako nagpatinag at nanatiling nakaluhod. Nag-angat ako ng tingin at tumingin ako ng deretso sa mata niya bago nagsalita. Wala nang halong kalokohan itong aktingan ko. Talagang totoo na ito. "Please po, sir... nagmamakaawa po ako. Kailangan ko talaga ng trabaho. Kahit ano na lang po kung ayaw mo akong tanggapin bilang assistant mo. Kahit katulong na lang po sa bahay niyo tatanggapin ko po. Please, sir," nagmakakaawang sabi ko. Napakunot pa ang noo nito pero desidido talaga ako sa sinabi ko. Kahit katulong na lang para may trabaho ako. "Stand up!" utos pa nito pero umiling lang ako. Napabuntong-hininga siya bago tiningnan ang resume ko. Mahinang nagdasal naman ako na sana tanggapin niya ako. "You are a college graduate. How come you want to be my assistant?" walang tinging tanong pa nito sa akin. Bumuntong-hininga ako bago nagsalita. "Nag-resign po kasi ako sa pinagtrabahuan kong kompanya for some reason. Tapos nag-apply ako sa ibang kompanya, walang available. Sa iba naman ay ayaw akong tanggapin. Kaya kahit anong trabaho na lang basta may trabaho ako. Kailangan ko talaga ng pera," mahinang sagot ko. Hindi ito nagsalita dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Nakatingin lang siya sa resume ko. Napahilot pa siya sa sintido habang napapailing bago ako lagpasan at naglakad papunta sa pinto na mukhang kuwarto ata nitong office. Napabuntong-hininga ako at nanlulumong tumayo. Mukhang ayaw talaga niya akong tanggapin. Ang tanga ko kasi kanina. Kung hindi ko siguro siya pinagkamalang bampira, sinapak at tinuhod ang junior niya tatanggapin niya sana ako. Kinuha ko na lang ang resume ko at saktong tumunog ang cellphone ko. Pagtingin ko si Inay pala. "Hello, nay," sagot ko sa tawag. Naglakad ako palapit sa pinto bago sumandal at kinausap si Inay. Kailangan na niya ng pambayad sa hospital. Napaluha na lang ako sa isiping nahihirapan na ako. It's really hard to be this poor. Worst, I have no someone to rely on except myself.Alessia Rae’s Pov Lumapit ako sa mukha niya. "Bakit ang gwapo mo, boss? Gusto sana kitang sapakin, eh. Pero sayang naman kung mabangasan ang gwapo mong mukha." Maayo unta kun mura kag nawong ug abat. Sumbagon ko gyud ng nawong nimo. (Buti sana kung mukha kang maligno. Susuntukin ko talaga ang mukha mo.) Napapailing na lang ako at ginising ko siya. "Boss, gising aakyat na muna tayo sa taas," mahinang sabi ko pa sabay tapik sa kaniya. Pero hindi man lang siya gumalaw. Napangiwi na lang ako. Pumwesto ako at pilit siyang akayin patayo. Ang bigat, eh! Pero malakas kaya ako. Mas malakas pa ako kay Superman. Pilit ko siyang itayo at muntik pa kaming matumba. Buti na lang nabalanse ko kaagad. Dahan-dahan akong naglakad habang akay-akay ko siya. Nabitawan ko pa siya nang nasa gitna na kami ng hagdan. "Hilain na lang kaya kita paakyat sa kwarto mo?" sabi ko pa. Pero kawawa ka naman paggising mo bukas. Paniguradong sasakit ang katawan mo. May kasalanan ka pa sa akin, eh! Sarap mon
Alessia Rae's Pov.Hindi ako bumaba para kumain. Nandito lang ako sa loob ng kwarto ko habang nagpi-facebook. Naka-chat ko pa si Alister. Ang bait niya talaga tapos ang sweet pa. Ang nakakatuwa pa ay napakapalabiro niya. Panay nga lang nag tawa ko tuwing binabasa ang mga pakulo niya.He’s friendly and funny. Sana all ganern.Hindi tulad ng amo kong ang sarap sikmuraan minsan. Magkaibang-magkaiba dilang magpinsan. Napatigil ako sa pag-iisip nang biglang may nag-text sa akin. Pagtingin ko si Boss pala.Tss!Bahala ka riyan!Nakakailang text na siya pero hindi ako nagrereply. Manigas ka!? Muntik na akong matsugi kanina. Sinabi nang hindi ako marunong lumangay, eh!Maya-maya ay bigla kong narinig ang kotseng umalis. Napatayo ako at sumilip sa glass wall. Nakakita ko ang papalayong kotse ng amo iong baliw.Saan naman kaya 'yon pupunta?Makalabas na nga lang. Gutom ako, eh.Mabilis na lumabas ako at bumaba. Pumasok ako sa kusina. Abah!Naghugas siya ng pinggan! Mabuti naman kung gano'n. K
Dylan Davy's Pov. Natatawang hinila ko si Miss Salvatore papunta sa gitna ng pool. Pilit pa niyang kumawala sa paghila ko. "B-boss! Hindi ako marunong lumangoy!" sigaw pa niya. Binitawan ko agad sita ng nasa gitna na kami. Tinawanan ko lang siya at lumangoy palayo. Umahon ako at natatawang uminom ng juice habang pinagmasdan ito. Nakita ko siyang panay ang kaway. Napakunot ang noo ko. Hindi ba talaga siya marunong lumangoy? Napatigil ako sa pag inom ng juice nang makitang hindi na ito kumakaway at unti-unting nalunod. Shit!? Mabilis na inilapag ko ang baso at lumangoy papunta sa gitna ng pool. Fuck!? Hindi na siya gumagalaw. Mabilis na lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang beywang niya paahon. Mabilis na lumangoy ako at binuhat ko siya bago inilapag sa gilid ng pool. Agad akong umahon at tinapik ang pisngi nito. "Hey! Wake up! Hey!" sabi ko pa pero hindi siya gumising. "Fuck!?" malutong na mura ko pa. I check her pulse. Ipinatong ko sa dibdib niya ang dalawang kamay ko
Alessia Rae’s Pov. Kunot-noong nag-iwas siya nang tingin at inagaw ang kutsara. Lihim na natawa na lang ako. Kahit kailan talaga, ang arte. Kunwari pa siya, eh. "I can do it by myself. Tsk!" sabi pa niya sabay subo. Inismiran ko lang siya at tumayo. Lalabas na sana ako nang magsalita siya. "Where are you going?" tanong pa nito. "Sa restaurant, boss. Kakain kami ni Alister tapos susubuan ko siya. Maganda raw kasi 'yon, eh." Nakangiting biro ko pa. Kita kung nagsalubong ang kilay niya at sinamaan ako nang tingin. "Are you kidding me?" masama ang tinging sabi pa nito. Napakamot at napalunok na lang ako. Kapag talaga sasamaan niya ako nang tingin nakakasindak siya. Para siyang mag transform ito devil again. "Hehehe. Biro lang, boss. Ito naman, aakyat lang ako, eh." Kamot-batok na sabi ko pa. "Tsk!" singhal niya at nagpatuloy sa pagkain. Hmp! Lumabas na lang ako at umakyat sa taas para maligo. Ang lagkit ng feeling ko, eh. Nag jeep kasi ako kanina tapos napaka usok pa. Gust
Alessia Rae's Pov. 1 years later Pagod na naupo ako sa sofa sa sala ng bahay ni Boss. Kakatapos ko lang ayusin ang mga groceries na pinamili ko dahil ubos na ang stock. Pasado alas-nuebe pa naman ng umaga. Pagkatapos ko kasing maglinis sa malaking bahay ni Boss kanina ay umalis ako para mag groceries. Isang taon na rin akong nagtatrabaho bilang assistant niya. Naging maayos naman ang trabaho ko kahit papaano. Kung saan si Boss nando'n rin ako. Kapag hindi ako sasama sasabihin niyang... "Miss Salvatore, do you want to be fired?" "Miss Salvatore, gusto mo bang masisante?" Iyan lagi ang lumalabas sa bibig niya tuwing tatanggi akong sumama sa kaniya. Mula kasi nung araw na umalis ako sa apartment namin ni Milo… ang tagpong dinala niya ang maleta ko na inakala ko kung ano ay 'yon pala sa bahay niya ako patitirahin. Para hindi raw ako malate sa trabaho at no need na tawagin pa niya ako lagi. Mas mabuti raw na tumira ako sa bahay niya para sabay na kaming pumunta sa kompanya. N
Alessia Rae’s Pov. Habang lulan kami ng elevator a napatingin ako sa oambisig na relo ko. Nanlaki ang mata ko sabay tumingin kay boss. Seryusong nakatayo lamang ito habang nakadikdik sa magkabilang buksa na mga kamay niya. "Akala ko ba mag overtime tayo? Pasado alas-sais pa lang ng gabi, oh!" sabi ko pa. "Tsk! Stop talking!" singhal nito. Napangiwi na lang ako. Umandar na naman ang pagiging devil niya. Tumahimik na lang ako hanggang sa makalabas kami ng kompanya. Hinila na naman niya ako papunta sa kotse niya nang umiba ako ng daan. Anak ng! "Bakit ang hilig mong manghila?" may inis na tanong ko pa. "Tsk! Shut up," sabi niya at tinulak ako papasok sa passenger seat. "Arayyy! Dahan-dahan naman––" Sinaraduhan ako ng pinto bago ito umikot at pumasok sa driver seat. Mabilis na pinaandar niya ang kotse at halos maputol ang litid ko sa leeg sa kakasigaw sa sobrang takot dahil sa bilis niyang magpatakbo! Huminto kami sa tapat ng daan papunta sa apartment ko. Halos magkulay hari