Share

Chapter 10

Pagdating namin sa Nacpan Beach ay dumaan muna kami sa specific place kung saan nag-fi fill out ng details at magbabayad bago kami tuluyang papasukin sa lugar. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagkamangha sa mga nagtataasang puno ng niyog at iba’t ibang mga magagandang halamang nakapalibot sa entrance ng resort. Pagkapark ng sasakyan ni Sir Troy sa parking area ay mabilis akong bumaba.

“Hoy, hoy Richelle!”

 Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko para mabilis makarating sa sand area ng Nacpan Beach Resort. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ni Sir Troy sa pangalan ko.

“Wow. Parang paraiso.” bulong ko habang iniikot ko ang aking paningin sa malawak na karagatan. Ang buhangin ay ubod ng pino at ang kulay nito ay puti. Hinubad ko agad ang sapatos ko at excited na tumakbo-takbo sa buhangin. Hindi mainit ang buhangin dahil hindi mainit ang panahon ngayong araw. Ang haring araw ay natatabunan ng mga makakapal na ulap

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status