Share

Chapter 2

Author: Iya Perez
last update Huling Na-update: 2021-09-03 11:33:01

         “Naayos mo ba yung schedule ko ngayong araw?” tanong niya pagkapasok niya kinabukasan sa kaniyang opisina. Kasalukuyan akong nagtitimpla ng kaniyang kape nang bigla siyang lumapit sa akin.

         “What’s that smell?”

         Mas lalo pa siyang lumapit at halos idikit ang kaniyang ilong sa aking leeg. Inis na inilapag ko ang hawak na mug sa mesa at inis na humarap sa kaniya. Hindi pa rin siya tumitigil sa pag-amoy sa leeg ko. Inis na itinulak ko ang kaniyang mukha palayo sa akin.

         “Nagchange ka ng perfume?” balewalang tanong niya.

         Pinameywangan ko siya at tinaasan ng kilay. Iyon talaga ang itatanong niya? At ano namang pakialam niya kung nagpalit ako ng perfume?

         “Eh ano namang pakialam mo?” mataray na tanong ko.

         “Wala naman.” sagot niya at nagkibit-balikat pa.

         “Infairness, mas mabango ito kumpara sa nauna mong perfume. Mas amoy babae ka.”

         Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit? Dati ba amoy lalaki ako? Itong bibig talaga ng boss ko, minsan ang sarap tapalan ng packing tape. Ang pasmado masyado.

         “Ang sakit mo na magsalita ha.”

         Tumawa naman siya. Hinubad niya naman ang kaniyang coat at inilagay iyon sa likod ng kaniyang upuan. Pagkatapos kong haluin nang maayos ang kaniyang kape ay dinala ko na rin ito sa table niya. Kinuha ko na rin ang folder na naglalaman ng schedule niya para ma-check niya na rin ang mga gagawin niya ngayong araw.

         “Magready ka na ha, tinawagan ko na si Caleb para ipag-drive tayo papuntang Makati ngayon.”

         Tumango naman ako kaagad.

         “Huwag mong kalimutang dalhin yung folders na naglalaman ng mga kontrata.”

         “Gotchu bossing!”  saad ko sabay saludo pa sa kaniya.

         Bago mag- alas nuebe ay nakalabas na kami ng lobby. Sakto rin namang huminto ang sasakyan ni Sir Troy sa entrance ng building. Sumakay na ako sa passenger seat katabi ni Kuya Caleb habang si Sir Troy naman ay nasa backseat. Mabilis kong inabot sa kaniya ang folder na may lamang kontrata para ma-review niya iyon.

         “Paganda tayo nang paganda ngayon Miss Richelle ah. May boyfriend ka na siguro ‘no?”

         Ngumiti ako agad sa pambungad na bati ni Kuya Caleb sa akin at pabirong hinampas ito sa balikat.

         “Ngayon mo lang napansin, ang tagal ko na kayang maganda.” sabi sabay lagay ng mga takas na hibla ng buhok ko sa likuran ng aking tenga.

         “Sinong nagsabing maganda ka?” pabulong na tanong ni Sir Troy sa likuran. Nang bumaling ako sa kaniya ay agad niyang itinutok ang kaniyang paningin sa folder na hawak.

         “May naririnig ka bang nagsasalita na pangit, Kuya Caleb?” nanggagalaiting tanong ko.

         Imbes na sumagot si Kuya Caleb ay napailing na lang ito habang tumatawa. Sanay na sanay na siya sa amin ni Sir Troy dahil walang araw yata na hindi kami nagkakasagutan nitong lalaking ‘to.

         “Siya nga pala, Richelle. Pagkatapos nating umattend sa last meeting natin sa Pasay, puwede bang ikaw na ang umattend sa PTA meeting ni Rio?”

         Ang Rio na tinutukoy niya ang kaniyang bunsong kapatid na graduating na sa high school. PTA meeting? Bakit ako na naman?

         “So ako na ngayon ang tumatayong guardian ng kapatid mo? Wow naman, Sir Troy. All around na pala ako ngayon. Kulang na lang gawin niyo akong maid ah!”

         “Please Richelle. Ikaw na ang umattend kay Rio, ako naman kay Riye tutal sanay ka na namang ikaw ang uma-attend sa meeting ni Rio sa school.”

         Inirapan ko siya. Iyon na nga. Dinaig pang ako ang kapatid ni Rio dahil sa kakautos niya. Mas close na tuloy kami ng kapatid niya kaysa sa kaniya.

         “Whatever!” sagot ko.

         “I’ll take that as a yes, Richelle.”

         Hindi na ako sumagot. Ano pa nga bang magagawa ko? Pagdating namin sa Makati ay hindi rin nagtagal nagsimula na ang meeting. Mabuti at maaga ring dumating ang CEO ng De Silva Steels kasama ang secretary nito. The secretary looks so cute kaya panay ang tingin ko rito. Napansin naman agad iyon ni Troy kaya kinurot niya ako sa tagiliran.

         “Aray naman.” reklamo ko.

         “Mag-focus ka, kundi babawiin ko talaga yung binigay kong pambili ng pagkain ni Chuchay.” pananakot niya sa akin.

         Pagkatapos naman ng meeting at contract signing, dumiretso na rin kami agad sa Pasay. Bago nagsimula ang meeting doon with Celestre Tradings ay kumain muna kami. Ilang beses pa niya akong pinagalitan doon sa mga simpleng silay ko sa secretary ng De Silva Steels’ CEO.

         “Bakit nagseselos ka?” pang-asar na tanong ko sa kaniya.

         “Ako? Magseselos? Sa guwapo kong ‘to? Eh hindi pa ‘yon nangangalahati ng talampakan ko eh.” sagot niya naman.

         Tinawanan ko lang siya saka nagpatuloy na lang sa pagkain. I’ve known him for almost three years at sanay na sanay na sa pag-uugali niyang iyon. After we eat lunch, agad na kaming dumiretso sa meeting place namin ng CEO ng Celestre Tradings. Wala itong kasamang secretary pero may kasama itong driver.

         “Iyon oh, bagay kayo.” bulong niya sa akin sabay turo sa nakatayong driver.

         Tumaas ang sulok ng labi ko at tinulak siya pabalik sa kaniyang upuan. Ang galing talaga mang-asar.  Natapos naman ng maayos ang contract signing namin sa dalawang business partners ng kompaniya niya. Paglabas namin ng building ay dumiretso na ako sa sasakyan para mag-retouch. Pagpasok naman niya sa backseat ay agad na tumunog ang kaniyang cellphone.

         “Hello, Rio. Yes. Richelle will come. Okay. See you later at home.”

         Mas lalo akong nagmadali sa pag-aayos para pagpasok ko sa Ateneo. Ayoko naman kasing mapagkamalang assistant lang ni Rio.

         “Pakilista lahat ng important details na sasabihin ng homeroom teacher ni Rio.”

         Tumango naman ako. Actually kahit hindi niya na ipaalala sa akin, ayos lang. Kasi alam ko na rin naman ang gagawin ko. I’ve been doing this for the past two years. Pagka-park ni Kuya Caleb ng sasakyan sa parking ay sabay na kaming bumaba ni Sir Troy.

         Mabuti na lang talaga at naka-longsleeves at slacks talaga ako na pinartneran ng cream-colored stilettos. Nagmukha akong mayaman dahil sa suot ko kahit ang totoo ay isa lamang akong dukha. Pagpasok namin sa loob ay may mga sinabi pa siya sa aking paalala bago tuluyang naghiwalay ng daan. Meeting naman tungkol sa graduation ang pupuntahan niya, because Riye will soon graduate in her course Legal Management. Habang si Rio naman ay nagpaplano na Tourism ang kukuning course sa kolehiyo. Troy has been very hands on when it comes to the education of his siblings. Hindi lang siya isang mabait na boss. Isa rin siyang mabait at responsableng kuya sa kaniyang mga kapatid. Napakuwerte rin talaga nina Rio at Riye sa kuya nila. Kahit maaga silang naulila sa kanilang mga magulang ay hindi sila nito pinabayaan.

         “Ate Louise!”

         Rinig kong tawag ni Rio sa labas ng kaniyang classroom. Matamis naman akong ngumiti kay Rio at kumaway pa rito.

         “Ate buti na lang pumunta ka.”

         “Actually, si Sir Troy sana, eh ang kaso kailangan niyang unahin si Riye dahil graduating na ang ate mo.”

         “It’s okay. I like you better than Kuya Troy. Bakit hindi na lang kasi kayong dalawa?”

         Inismiran ko si Rio dahilan para humalakhak ito.

         “I’m just kidding; I know you don’t like my Kuya.”

         Tumango naman ako bilang pag-sang ayon.

         “Buti alam mo.”

         Tumawa itong muli saka umakbay sa akin at dinala ako sa kaniyang classroom. Pagpasok ko ay nakita ko agad ang ibang mga magulang ng estudyante na naroon. Agad akong hinanapan ni Rio ng mauupuan, sakto namang sa harapan lang ang bakante kaya doon na ako pumuwesto.

         May mga idiniscuss ang homeroom teacher niya at nagkaroon din ng bigayan ng card. Good thing kahit na may pagkabulakbol itong si Rio, name maintain pa rin niya ang grades niya. Wala itong grades na below 85 sa card nito. Talaga yatang nasa lahi ng mga Rivas ang pagiging matalino. Lumabas na rin ako agad ng room pagkatapos ng meeting.  Sa hindi kalayuan ay nakita kong naglalakad sina Riye at Troy papunta sa kinaroroonan namin ni Rio.

         “Ayan na sila!” excited na sabi nito.

         “Ate Louise, sabihin mo naman kay Kuya kain tayo sa labas oh.”

         “Ikaw na ang magsabi. Ikaw naman ang nagugutom.” sagot ko naman sa kaniya. Aba naman at ako pa ang uutusan. Puwede namang siya na lang ang magsabi sa kuya niya. Kailan pa siya natutong mahiya?

         “Ate Louise, oh my gosh. It’s been a month since we saw each other. You’re so pretty talaga! Hindi ka bagay maging secretary ni Kuya.”

         Narinig ko ang pasimpleng pag-ubo ni Troy sa likuran ng kapatid. Halata namang ginawa niya iyon para mabaling ang atensiyon namin sa kaniya.

         “Kaya nga, bakit hindi na lang kasi maging kayo?”

         Mabilis na kinurot ko sa tagiliran si Rio kaya napa-aray naman ito.

         “Bakit? Don’t tell me kuya’s still not over with Ate Leah?”

         Bigla naman kaming natahimik dahil sa sinabi ni Riye. Actually it was really an awkward topic for us. Lalo na ang pinag-uusapan ay ang namatay na girlfriend ni Troy anim na taon na ang nakalilipas.

         “Bakit kayo natahimik? Why? Did I say something wrong?” Riye asked.

         I heard Troy heavily sighed. Nauna na itong naglakad sa amin. Riye is still bothered.

         “What? Ate Louise, may sinabi ba akong mali?”

         Tipid na ngumiti ako sa kaniya at tumango.

         “Alam mo namang sensitive ang kuya mo sa ganoong topic hindi ba?”

         Napabuntong hininga naman si Riye habang pinagmamasdan ang kaniyang naglalakad na Kuya.

         “But it’s been six years.”

         “I know. Pero hindi madaling makalimot, Ri.”

         Mabuti na lang at may dalang sasakyan si Riye kaya sa kaniya na sumabay si Rio. Pagpasok ko sa sasakyan ay napansin ko agad na wala pa si Kuya Caleb. Si Sir Troy naman ay nakaupo na sa backseat at abala sa paglalaro sa kaniyang cellphone. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kaniya. Ano kayang pakiramdam na palagi na lang nawawala sa kaniya yung mga taong mahal niya? He’s 29 now pero wala pa rin siyang girlfriend.

         “Don’t look at me like that, Richelle Louise. Sinasabi ko sa’yo. Babawiin ko ang ibinigay ko sa’yong pambili ng pagkain ni Chuchay.”

         Napasimangot naman ako.

         “Alam mo, mag candy crush ka na lang diyan. Ang dami mo pang sinasabi.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Boss, My Fiancé   WAKAS

    “Troy!” sigaw ko sa asawa ko nang maramdaman kong pumutok na ang panubigan ko. “Troy, nasaan ka na?” In that specific moment of my life, I was nervous. Kauuwi lang namin ni Troy sa bahay dito sa Quezon City. Galing kami ng hospital kanina for my final check-up before I give birth. Hindi ko naman alam na pag-uwi namin ay saka puputok ang panubigan ko. If I had known, edi sana hindi na kami umuwi. The thing is, halos three days na kasing sumasakit ang tiyan ko. Hindi ko alam kung normal pa ba ito o hindi. But the doctor kept on reminding me that it is pretty normal. Hindi naman siya sobrang sakit. Parang humihilab lang siya at napapadalas na nga ang pagsipa ng mga bata sa loob. “Louise, what happened?” tarantang tanong niya pagkarating sa second floor. Bakas ang pangamba sa kaniyang mukha. He just went to the kitchen to make me a glass of milk. Paniguradong tinakbo niya mula kusina makarating lang nang mabilis sa second f

  • My Boss, My Fiancé   Chapter 69

    “Ngayon na ba kayo mamimili ng mga gamit ng kambal?” tanong ni Riye pagkapasok niya sa working area namin ni Troy sa bahay namin.Napangiti ako nang makita siya. Agad akong tumakbo patungo sa kaniya para salubungin siya.“Woopsie! Be careful ate Louise.” saway niya sa akin nang makitang nagmamadali ako patungo sa kaniya.Hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi. Ngumiti lang ako at mabilis siyang niyakap. It’s been two months since I last saw her. Masyado kasi siyang busy sa law school and schedule is so tight kaya naman bihira siyang makadalaw sa amin dito sa Batangas.Nang kumalas ako sa kaniya sa pagkakayakap ay agad kong hinawakan ang kaniyang pisngi.“Namamayat ka, Ri.”Tumawa naman siya.“Isn’t that great? Lahat kasi ng mga friends ko noon, they kept on telling me that I’m getting chubby. Hindi ko naman akalain na Law School lang pala ang makakapagpapayat sa

  • My Boss, My Fiancé   Chapter 68

    “Puwede ba tigilan mo ‘yang kakainom ng tubig.” saad ni Mama sabay hablot sa akin ng aking hawak na vacuum flask. Narito kami ngayon sa sala. Hinihintay namin si Troy at ang mga kapatid niya dahil pupunta kami ngayon ng hospital para magpa-ultrasound ng gender ni baby. Hindi ko nga alam kung anong trip ng pamilya ko dahil nais nilang sumama. Akala yata nila ay a-attend kami ng fiesta. Mas bihis na bihis pa ang Nanay at kapatid ko kaysa sa akin.“Ma akin na ‘yan. Iinom ako eh.”Sinimangutan ako nito at mas lalo pang inilayo sa akin ang flask na hawak niya.“Hindi advisable na uminom ng tubig kapag magpapa-ultrasound. Gusto mo bang tubig lang ang makita sa tiyan mo mamaya?”Napanguso naman ako sa sinabi ni Mama. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako ngayon. Dahil pang fifth month ko na ngayon, mas malaki na rin siya kumpara sa normal. Noong ipinaalam namin ang tu

  • My Boss, My Fiancé   Chapter 67

    “Alam mo hindi ko maintindihan kung bakit palagi mo nalang akong sinasama sa mga meetings mo. Hindi ba puwedeng pass muna ako ngayon?” reklamo ko saka mabilis na nagtalukbong ng kumot.Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Troy. Nakaupo ito sa dulo ng kama ko. Kanina pa ako nito kinukulit na samahan siya na magtungo sa Batangas para sa isang client meeting daw. Sinong niloko niya? Araw ng linggo may client meeting na magaganap? Lokohin niya na ang lahat, huwag lang ako na inaantok pa.“Tanghali na inaantok ka pa. Kakapanuod mo ‘yan sa Netflix.”Napanguso naman ako sa ilalim ng kumot. Alam na alam talaga niya ang ginagawa ko kapag gabi. Paniguradong kapatid ko na naman ang nagsumbong. Wala talagang magawang matino iyong lalaking iyon at pati ginagawa ko ay binabantayan pa.Inis na bumangon ako sa kama at binato siya ng unan.“Maiintindihan ko kung weekdays mo ako guguluhin, pero Linggo ngayon Troy. Utan

  • My Boss, My Fiancé   Chapter 66

    “Ate nawawala si Chuchay!” iyon agad ang bungad sa akin ni Chase paglabas ko ng kuwarto. Sabado ngayon, at tinatamad akong magkikilos. Kung hindi nga lang ako ginutom, hindi talaga ako lalabas. Mas gusto ko pang mag-netflix sa kuwarto buong maghapon. Pero bandang alas nuebe ng umaga, kumalam na rin ang sikmura ko. Bigla ko namang naaalala na hindi nga lang pala ako ang gutom kundi pati ang bata na tatlong na buwan nang nasa sinapupunan ko.Nasapo ko ang aking nang makitang nagmamadaling hinanap ni Chase sa buong bahay ang alaga naming aso.“Baka naman nandiyan lang ‘yan. Baka pinagtataguan ka kasi pangit ka.” inis na sambit ko saka mabilis na bumalik sa loob ng kuwarto. Dumiretso ako sa banyo para mag-toohtbrush at maghilamos. Sinuklay ko na rin ang buhok ko dahil ayoko namang lumabas ng kuwarto na magulo ang buhok ko.Paglabas kong muli ay sinalubong agad ako ng kapatid. Bakas sa kaniyang mukha na kinakabahan siya at

  • My Boss, My Fiancé   Chapter 65

    “Okay lang ba kayo riyan, Troy? Louise?” tanong sa amin ni Eunice nang mapadaan siya sa aming kinaroroonan.Ngumiti ako sa kaniya. I tried to smile and hide the uneasiness that I feel right now. Sa totoo lang, nahihirapan akong magpanggap na ayos lang ako kahit ang totoo ay hindi. Biglang bumigat yung katawan ko. Parang gusto ko nalang matulog o hindi kaya ay umuwi nalang ng Metro Manila. Wala na akong pakialam kung hindi kami okay o kung iwan niya kami. Kasi sa totoo lang, sanay na rin naman ako. Ilang beses na bang nangyari ang ganitong bagay? Halos hindi ko na mabilang. Minsan naisip ko na baka hindi talaga nararapat na sumaya ang isang katulad ko. Kasi sa tuwing makakaramdam ako nito, bigla nalang babawiin sa akin yung pag-asang nabuo sa puso ko na baka sakaling balang araw ay tuluyan din akong maging masaya kasama si Troy at ang mga mahal ko sa buhay.“Kapag may kailangan kayo, huwag kayong mahihiyang magsabi ha.” nakangiting

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status