Gabi na nang makarating kami sa Pier ng El Nido. Inunahan ko na si Sir Troy na bumaba dahil antok na antok na ako at hindi man lang ako nakatulog sa buong biyahe dahil sa sobrang sama ng loob ko sa kaniya. From time to time na tatayo siya at maglalakad sa kung saan ay pinapanalangin kong madulas siya o hindi kaya ay madapa.
“Louise!”
Napalingon naman ako kay Millard nang tinawag nito ang pangalan ko. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa mga labi ko at kumaway pa ako rito. Naka-kotse rin pala ito. Kung wala lang sanang nakapagitan na sasakyan sa amin, edi sana mas nakikita ko pa siya nang malapitan ngayon. Kumaway rin ito sa akin na siya namang nagpakilig sa akin. Bakit feeling ko habang tumatanda kami lalo siyang gumuguwapo? He’s aging like a fine wine. Baka yummy rin!
“Aray!”
Inis na pinagmasdan ko si Sir Troy na pasimpleng dumaan sa harapan ko. Kung umarte ang kumag na ‘to parang hindi niya inapakan ang paa
Pagdating namin sa Nacpan Beach ay dumaan muna kami sa specific place kung saan nag-fi fill out ng details at magbabayad bago kami tuluyang papasukin sa lugar. Hindi ko mapigilan ang sarili sa pagkamangha sa mga nagtataasang puno ng niyog at iba’t ibang mga magagandang halamang nakapalibot sa entrance ng resort. Pagkapark ng sasakyan ni Sir Troy sa parking area ay mabilis akong bumaba.“Hoy, hoy Richelle!”Mas lalo ko pang binilisan ang pagtakbo ko para mabilis makarating sa sand area ng Nacpan Beach Resort. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ni Sir Troy sa pangalan ko.“Wow. Parang paraiso.” bulong ko habang iniikot ko ang aking paningin sa malawak na karagatan. Ang buhangin ay ubod ng pino at ang kulay nito ay puti. Hinubad ko agad ang sapatos ko at excited na tumakbo-takbo sa buhangin. Hindi mainit ang buhangin dahil hindi mainit ang panahon ngayong araw. Ang haring araw ay natatabunan ng mga makakapal na ulap
Nang magpaalam ako kay Leon ay dumiretso na ako sa café kung saan naroon si Sir Troy. Pagbukas ko ng pinto ng café ay agad akong kumaway sa kaniya nang bumaling siya sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mukha habang nakatingin sa akin.“Galit ka ba?” tanong ko sabay upo sa tabi niya.Sumimangot ako nang hindi pa rin siya kumikibo. Nakatingin lang siya sa akin.“Coffee po.” Sabi ng waitress sabay abot sa akin ng mug ng kape na nakapatong sa maliit na platito.Nakangiting tinanggap ko iyon. Pag-alis ng waitress ay humarap ako kay Sir Troy at kinurot ang kaniyang pisngi.“Galit ka?” Malumanay kong tanong.Nang hindi pa rin siya sumagot ay ngumuso na ako.“Don’t do it again, Richelle. Alam mo naman hindi ba sa sarili mo na hindi ka marunong lumangoy? Tapos hindi ka pa nag-iingat?”Ngumisi ako nang marinig ang sinabi niya. Tinusok ko pa siya sa kaniyang tagiliran at
Pagkabalik ko sa café ay sumalubong sa akin ang isang busangot na mukha ni Sir Troy.“Saan ka ba galing mag a ala-una y media na oh.” reklamo niya.Pagod na umupo ako sa tabi niya at bumuntong-hininga.“Anong nangyari sa’yo? Bakit ganyan ang hitsura mo? Dinaig mo pang nakipaghabulan sa sampung aso. At ano ‘yang nangyari sa sapatos mo?”Inis na yumuko ako at pinagpag ang mga kumapit na buhangin doon.“May isang batang walang modo lang ako na tinuruan ng leksiyon.” mahinang sambit ko.Inayos ko na rin ang pagkakali ng buhok ko. Nakakainis talaga ‘yong kumag na Hendrix na ‘yon. Naku, kapag kami nagkita ulit sisiguruhin kong may kaltok sa ulo na matatanggap ang lalaking iyon sa akin.“Ikaw, kumusta ang date mo?”Sinamaan niya ako nang tingin.“Hindi nga ako nakipag-date.”Inismiran ko siya. Bahala siya sa gusto niy
As much as I want to rest, hindi kaya ng konsensiya ko na iwan dito sa infirmary ng Hotel ang ina ni Leon dahil ako ang nag-asikaso rito. Ang sabi kasi ni Leon ay parating na ang private doctor ng kaniyang ina kaya mas mabuti raw na naroon ako. Nakaupo ako ngayon sa sofa at napipikit-pikit na. The whole day is tiring enough at gusto ko nang magpahinga. Nasa tabi ko si Leon at panay ang tingin niya sa akin tuwing hihikab ako. Si Hendrix naman ay nakaupo sa monoblock chair at nakahawak sa kamay ng Mama niya.Kanina pa siya sa ganoong posisyon, ilang beses na ring sinabihan ni Leon ang kapatid na puwede na itong umuwi pero talagang makulit ito. Umusod ako para makasandal sa backrest ng sofa nang biglang tumabi sa akin si Leon. Napatingin ako sa kaniya nang marahan niyang tapikin ang kaniyang balikat. May kung anong enerhiya ang nagyayaya sa akin na ihiga ang ulo sa balikat niya. Ang kaso ay nagdadalawang isip ako baka kasi isipin niya sinasamantala ko ang pagkakata
Nagising ako dahil sa liwanag na pumapasok sa bintana. Kinusot ko pa ang mga mata ko at napabangon nang mapansing wala na ako sa couch. Nasa kama ako ngayon habang si Sir Troy ang nakahiga sa couch. Tulog na tulog pa ito. Ang huli kong naalala ay doon ako nakatulog. Binuhat ba niya ako at inilipat sa kama?Napipikit-pikit na bumangon ako at naglakad patungong bintana para isarado ang kurtina dahil ayokong magising si Sir Troy nang maaga dahil alam kong pagod pa ito. Umupo ako sa sofa at pinagmasdan ang kaniyang mukha habang natutulog. Ipinatong ko pa ang aking siko sa aking tuhod at ang mukha ko ay salo ng mga palad ko.Ilang beses ko rin siyang sinabihang pangit at hindi kaguwapuhan, but that’s not true. Isa siya sa mga lalaking pinakanaguguwapuhan ko. With that face, alam ko ring marami siyang mapapaiyak na babae kaya kahit na malapit kami sa isa’t isa, idinistanisya ko ang nararamdaman ko sa kaniya. Alam ko rin naman kasing walang patutungu
Napahalakhak siya sa sinabi ko. Ngumuso ako. Seryoso naman ako ah. Did he take it as a joke? Gusto ko talaga ng halaman na ‘yon.“Seryoso ako, Leon.”Tumango-tango naman siya at naglakad papalapit sa halaman at kinuha ito.“I’ll save it for you then.” aniya saka ngumiti.Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. He really has mesmerizing eyes. Pati ang kaniyang ngiti ay nakakadala rin. Para siyang isang prinsipe na nababasa ko sa mga fairytales noon. Siya rin yung tipo ng lalaki na alam mong hindi mapapasa’yo. Bumuntong-hininga ako at ibinalik ang atensiyon sa maliit na paso na hawak niya.“Talaga? Ibibigay mo sa akin ‘yan?”He smiled at me and nodded.“Kahit lahat pa ito.” inikot niya ang kaniyang paningin at itinuro ang mga halaman na naroon.“Kung gusto mo, ibibigay ko sa’yo.” aniya saka muling tumingin sa akin.Napal
“Rare?” napapangiting tanong ko sa kaniya.He was trying to suppress his smile through pursing his lips pero hindi pa rin nakatakas sa aking mga mata ang pagpipigil niya ng ngiti. Mahina akong humalakhak.“Rare steak o rare pokemon?” dagdag ko pa.Kagat ang kaniyang ibabang labi ay bumaling siya sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang pagmasdan ang kaniyang kabuuan. I heavily sighed deep inside me. Napakaguwapo naman talaga. Kung puwede ko lang ‘tong maging boyfriend. Umiwas ako nang tingin at napanguso. Kaso ang mayamang katulad niya ay nababagay lang sa isang mayaman na babae. Kagaya ni Richard.“What’s wrong?” tanong niya.Umiling ako at nakangiting bumaling sa kaniya.“Wala.” sagot ko naman. Nginitian ko siya bago muling ibinal
“Saan kayo nanggaling?” tanong ni Leon sa amin ng kaniyang Lolo. Lumingon sa akin sandali ang kaniyang Lolo at tipid na ngumiti.I took her on a garden date. Dahil sa sinabi nito ay napangiti na rin ako.“Turned out the the old man is in love with this girl as well. Come on, guys. Hindi naman siya maganda.” naiiling na sambit ni Hendrix habang nakasandal sa counter malapit sa kinaroroonan namin.Narinig ko ang mahinang pagtawa ng matandang Sebastian. Ako naman ay sinamaan nang tingin si Hendrix. Pinagtaasan niya naman ako ng kilay at halatang naghahamon ng away. Walang pasabing dumaan ako sa pagitan ni Leon at ng kaniyang Lolo para makalapit kay Hendrix. Gulat na gulat naman ito nang makita akong naglalakad palapit sa kaniya.“Subukan mong tumakbo.” sambit ko nang makita ko siyang tumalikod. Napahinto naman siya agad at kinakabahang muling humarap sa akin. Ngumiti ako sa kaniya at marahang tumingkayad para