Share

Chapter 29

It’s good to be back. Napangiti ako nang makita ang mga nagtataasang buildings habang nakasakay sa taxi. Ang sabi ko sa sarili ko pagkauwi sa bahay, hindi muna ako papasok ng opisina dahil magpapahinga ako. Nagpaalam na rin ako kay Sir Troy. Ang akala ko nga ay hindi niya ako papayagan. Pero pakiramdam ko ay nasayang din lang ang pagpapaalam ko dahil narito ako ngayon at excited na bumalik sa opisina.

Paghinto ng taxi ay mabilis akong nagbayad at nagmadaling bumaba. Bitbit ko ang isang paperbag kung saan nakalagay ang mga keychains at sweets na pinamili ko para sa mga kasamahan ko sa trabaho. Pagpasok ko sa lobby ng building ay mabilis na sumaludo ang guwardiya roon. Huminto ako sa paglalakad at sumaludo rin pabalik dito.  

“Welcome back, Miss Richelle.”

“Thank you very much, Manong.” sabi ko. Mabilis akong naglakad papalapit dito at kumuha ng isang keychain at isang bar ng chocolate at nilagay sa lamesa nito.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status