Napamaang ako nang tingin sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nang makahuma ako ay pabiro ko siyang hinampas sa kaniyang braso.
“Ikaw ah, ‘yang mga banat mo. Akala mo naman madadala ako sa ganiyan mo?”
Pinagtaasan niya ako ng kilay saka siya ngumisi.
“Bakit hindi ba? Ni minsan hindi ka naguwapuhan sa akin o natuwa man lang sa mga sinabi ko?” tanong niya sa akin habang ang kaniyang mata ay nagpapalipat-lipat sa mata at labi ko. Napalunok naman ako at umiwas nang tingin. Inirapan ko siya at nauna nang maglakad sa kaniya.
Gusto ko lang talaga malaman ang paraan kung paano kakalma sa tuwing inaasar niya ako.
“Uy Miss Rachelle. Long time no see. Hindi ka na bumibisita sa amin sa HR office.”
Napaangat ako nang tingin nang marinig ang boses ni Andra, ang middle aged na head ng Human Resources Department. Hindi ito mahilig bumaba rito sa cafeteria. Ano kayang meron nga
Gulat kaming napatingin sa kaniya.“Troy…” mahinang pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Pero hindi siya tumingin sa akin. Nanatili ang tingin niya kay Mama, wala itong planong bumitaw sa pagkakatitig kay Mama. Naguguluhang tumingin naman sa akin si Mama. Naramdaman ko ring humawak si Leon sa braso ko.“Louise.”Bumaling ako kay Leon. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa ganitong pagkakataon. Pakiramdam ko nagkabuhol-buhol ang takbo ng isipan ko.“Louise, seryoso ba itong kaibigan mo sa sinasabi niya?” kinakabahang tanong ni Mama.’Lumingon muna ako sandali kay Leon saka tumango sa kanilang dalawa.“Pero—““Hindi lang naman ikaw ang puwedeng manligaw kay Louise, ako rin.” pagputol ni Troy sa sasabihin sana ni Leon.Umiwas nang tingin si Leon sa kaniya at saka tumayo ito.“Troy puwede ba tayong mag-usap?” tanong ni Ma
“Hindi naman sa pinagbabawalan ko kayong dalawa sa kung anong nararamdaman niyo sa isa’t-isa. Gusto ko lang malaman kung talagang seryoso ba kayo sa nararamdaman niyo? Kasi mahirap kung pumasok kayo sa isang relasyon na hindi pa pala kayo handa.”Nakayuko lang ako habang nakikinig sa sermon ni Mama, habang si Troy ay diretsong nakatingin sa kaniya, halatang hindi natatakot sa posibleng sabihin o gawin sa kaniya ng Nanay ko.“Seryoso po ako sa anak niyo, seryoso po ako kay Louise.” aniya.Tumahimik ang paligid ng ilang minuto. Nang mag-angat ako nang tingin ay nakita kong nakatingin silang dalawa sa akin. Napahawak tuloy ako sa dibdib ko.“Bakit kayo nakatingin sa akin? May nagawa ba akong mali?” I asked.Narinig kong bumuntong hininga si Mama at nauubusan ng pasensiyang tumingin sa akin.“Tinatanong kita kung seryoso ka ba sa nararamdaman mo?”Nakagat
“Sigurado ka ba ate na gusto mo si Kuya Troy?”Napatingin ako sa kapatid ko na kasalukuyang nakatayo sa hamba ng pintuan ng aking kuwarto habang yakap niya ang kaniyang unan. Base sa kaniyang hitsura ay nakaligo na siya at mukha nang matulog. Ako naman ngayon ay abala sa pag-aayos ng higaan ko. Napangiti ako sa kapatid ko at marahang sumenyas sa kaniya na pumasok sa kuwarto ko. Umayos naman siya sa pagkakatayo, pumasok na siya sa loob at isinara ang pinto ng aking kuwarto. Marahan siyang naglakad at umupo sa kama ko. Umikot naman ako sa kabila at humiga na.Bumuntong-hininga muna ako bago humarap sa kaniya. Tumingin din siya sa akin at tipid na ngumiti. Marahan siyang umakyat sa kama at humiga sa tabi ko. Nakasanayan na naming gawin ito sa tuwing may problema ang isa sa aming dalawa. I know why he’s here. He probably wants to talk about me and Troy. Just like what he asked me a while ago, kung sigurado raw ba ako kung gusto ko si Troy.
Ang sabi ni Troy, sa bahay daw muna niya kami pupunta ngayon so I can help him prepare his things. Kung hindi kasi ako nagkakamali ay ang pagkakaalam ko, magtatagal kami ng tatlong araw at dalawang gabi sa Sagada. May lahing Igorot kasi ang kaniyang kliyente at mayroon daw event na gaganapin doon. Hindi ko nga alam kung bakit ko pa siya kailangang tulungan sa pag-aayos ng mga gamit niya eh may kasambahay naman silang laging tumutulong sa kaniya.“Hindi ba, naroon naman sa bahay niyo si Manang Esme? Bakit kailangan pa kitang tulungan sa pag-aasikaso ng gamit mo?” tanong ko habang nakasakay kami sa kaniyang sasakyan, kasalukuyang bumibiyahe patungo sa bahay nila.The thing is, apat na taon na yata ang nakakalipas magmula ng huli akong nakapunta roon. Hindi naman dahil sa hindi niya ako pinapapunta or ayaw ko. Hindi ko rin lang talaga maharap na bumisita sa dati nilang bahay dahil abala rin ako sa mga trabaho ko sa opisina na minsan ay dinadala k
WARNING: R-18Nang magpatuloy kami sa biyahe ay hindi ko alam kung kakayanin ko pa bang tumingin sa kaniya. Hiyang-hiya ako at alam kong pulang-pula na rin ang mukha ko ngayon. I can’t imagine that I let him do that to me. That we did that thing inside his car. Ang aga-aga pa pero ginawa namin ‘yon?!I want to slap myself at this moment. Okay lang sana kung halik lang. But he massaged and tasted my boob just a kid asking for his Mom’s milk. Oh my Jesus Christ!“Louise, are you okay?” he asked.“Ah, yes.” Sagot ko naman nang hindi tumitingin sa kaniya. I was looking at the familiar scenery of vehicles, trying to forget what happened a while ago.“Louise, look at me.” utos niya.Hindi ako nagpatinag sa sinabi niya. Hindi ko sinunod ang utos niya. Mas lalo ko pang ipinokus ang aking atensiyon sa mga sasakyan. Pero sa loob-loob ko ay hindi ko maitago ang kabang
WARNING R-18Nauna akong nagising sa aming dalawa. Mukhang napagod talaga siya sa ginawa namin. I totally understand. Siya rin naman kasi ang gumalaw at kumilos kanina. Nakatagilid ang kaniyang posisyon pero nakaharap pa rin siya sa akin. Nang mapatingin ako sa digital wall clock na nasa kuwarto niya ay napagtanto kong alas diyes na pala ng umaga. Ibig sabihin, halos isang oras din akong nakatulog. Our body was covered with blanket. Gustuhin ko mang bumangon pero hindi ko magawa dahil nakayakap sa akin ang kaniyang kaliwang braso. Kung sakaling gumalaw ako, paniguradong magigising siyaKaya imbes na bumangon ay pinagsawa ko na lang ang mata ko sa pagtingin sa maamong mukha ni Troy. Iniangat ko ang kamay ko para sana ilapat sa kaniyang pisngi nang bigla niyang hawakan ang kamay dahilan para mapasinghap ako. Nakita ko agad ang pagngisi ng kaniyang labi at unti-unting pagmulat ng kaniyang mga mata. Masuyo ang tingin na ibinigay niya sa akin.
Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong ng mga kapatid ni Troy. I was shocked when I see the both of them sitting on the sofa in their living room. Even Troy’s eyes widened when he saw the two of them.“What are you doing here?” he asked.Umayos sa pagkakaupo ang dalawang kapatid niya at ngumisi. Rio’s eyes darted on our hands kaya mabilis akong napabitaw roon. Troy cleared his throat and walked towards Riye and Rio.“Hindi ba dapat nasa school kayo ngayon?”Riye rolled her eyeballs.“Duh. Wala naman kaming gagawin do’n at isa pa, tapos na yung practice namin para sa graduation.” sagot nito saka tumayo.“Kami rin. Ayoko namang tumambay ng school, nakakatamad doon.” simpleng sagot ni Rio.Troy scoffed.“At talagang sa dinami-rami ng araw na gugustuhin niyong umuwi, ngayon pa talaga?”Agad napahawak si Rio sa kaniyang dibdib
“Akala ko gagabihin kayo eh.” bungad ni Mama sa amin nang makapasok kami sa loob ng bahay.Ilang beses ko nang sinabi kay Troy na okay lang kahit hindi niya ako ihatid sa loob para makauwi na siya nang maaga pero ayun, mapilit pa rin talaga ang loko.“Pasensiya na Tita Grace, nagpatulong po kasi ako kay Louise na mag-asikaso ng mga gamit na dadalhin namin bukas sa biyahe.” sagot naman ni Troy.Napahinto si Mama sa pagwawalis sa sala at makahulugang tumingin sa akin bago bumaling kay Troy.“Ibig sabihin ay talagang tuloy kayo bukas?”Hindi ko alam kung bakit kailangan pa iyong tanungin ni Mama na para bang kinukumpirma niya ang desisyon ni Troy.“Wala ka bang nakakalimutan kung anong meron bukas?” tanong ni Mama.Gusto ko siyang sawayin dahil sa sinabi niya. Hindi ko na nga binubuksan ang ganoong usapan kay Troy dahil baka biglang mag-iba ang kaniyang mood t