Share

CHAPTER 195

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-17 16:45:29

CHAPTER 195

Pagkatapat ni Harold sa harapan ng department nila Jillian ay napabuga pa muna siya ng hangin sa kanyang bibig at saka siya tipid na ngumiti bago siya tuluyang naglakad papasok doon.

Agad naman na iginala ni Harold ang kanyang tingin upang hanapin ang babaeng pinakamamahal niya pero napakunot na lamang nga ang kanyang noo dahil sa hindi nga niya ito makita.

“Harold!? Ikaw ba yan?” rinig ni Harold na sabi ng boses babae sa may likuran niya kaya naman humarap nga siya sa nagsalita na iyon.

Ganon na lamang nga ang gulat ni Rose ng makita nga niyang muli ang kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na narito na nga itong muli.

“Ikaw nga… oh my god… kumusta ka na? Saan ka ba nanggaling at bigla bigla ka na lang nawala ng walang pasabi?” daldal pa ni Rose habang may ngiti nga sa labi nito dahil sa wakas ay nagbalik na ang kanyang kaibigan.

“Mahabang kwento Rose. Saka ko na lamang ikukwento sa’yo ang lahat,” sagot ni Harold. “Teka.. nasaan nga pala si Jillian? Bakit hindi ko yata sya
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (8)
goodnovel comment avatar
Marilou Lopez
anu ba yan lahat n lng ng nbasa kng mgbda laging putol
goodnovel comment avatar
Archie Love Archie
hala anong nangyari kay Jillian???
goodnovel comment avatar
Michelle Castillo
ngayon si jilian nman ang may sakit sa puso..nku...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 195

    CHAPTER 195Pagkatapat ni Harold sa harapan ng department nila Jillian ay napabuga pa muna siya ng hangin sa kanyang bibig at saka siya tipid na ngumiti bago siya tuluyang naglakad papasok doon.Agad naman na iginala ni Harold ang kanyang tingin upang hanapin ang babaeng pinakamamahal niya pero napakunot na lamang nga ang kanyang noo dahil sa hindi nga niya ito makita.“Harold!? Ikaw ba yan?” rinig ni Harold na sabi ng boses babae sa may likuran niya kaya naman humarap nga siya sa nagsalita na iyon.Ganon na lamang nga ang gulat ni Rose ng makita nga niyang muli ang kanyang kaibigan. Hindi niya akalain na narito na nga itong muli.“Ikaw nga… oh my god… kumusta ka na? Saan ka ba nanggaling at bigla bigla ka na lang nawala ng walang pasabi?” daldal pa ni Rose habang may ngiti nga sa labi nito dahil sa wakas ay nagbalik na ang kanyang kaibigan.“Mahabang kwento Rose. Saka ko na lamang ikukwento sa’yo ang lahat,” sagot ni Harold. “Teka.. nasaan nga pala si Jillian? Bakit hindi ko yata sya

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 194

    CHAPTER 194KINABUKASAN….Maaga naman na nagising si Harold at paggising pa pa lamang nga niya ay agad na siyang napangiti dahil sa isipin na mulo na niyang makikita ang kanyang nobya na si Jillian.Kagabi pa lamang nga bago siya matulog ay iniisip na niya ang sasabihin niya rito dahil kailangan talaga niyang magpaliwanag sa dalaga dahil sa kanyang biglaang pag alis ng wala man lang paalam.Pagkatapos na mag ayos ni Harold ng kanyang sarili ay dali dali na siyang bumaba sa kanyang kwarto habang hindi inaalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi pero ng makita niya ang kanyang ama ay bigla ngang napawi ang kanyang ngiti at tila ba bigla na naman siyang nakaramdam ng inis.“Good morning kuya. Ang aga natin ah. Kauuwi mo pa lang pero may date ka na kaagad?” daldal ni Rhian sa kanyang kuya Harold.“Oo nga kuya. Ang gwapo natin ngayon ah,” daldal din naman ni Charles.Napatingin naman si Harold sa kanyang nga kapatid at saka niya ito nginitian.“Good morning din sa inyo,” bati ni Harold sa

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 193

    CHAPTER 193“Siguro naman ay nakita mo ang galit ni Harold dahil sa ginawa mo. Kaya dapat lang na bumawi ka sa anak mo para hindi tuluyang masira ang relasyon ninyong mag ama. Alam mo naman sa sarili.mo na nagkamali ka kaya habang may pagkakataon ka pa ay bumawi ka sa anak mo. Walang ibang inisip si Harold kundi ang sumunod na lang sa gusto mo at kahit ang sarili niyang kaligayahan ay sinakripisyo niya para lang sa’yo. Kaya naman sana ay makunsensya ka,” sabi pa ni Shirley sa kanyang asawa na nanatili pa rin nga na walang imik habang nakayuko ang ulo nito.Sinadya talaga ni Shirley na sabihin ang lahat ng iyon kay Louie. Ayaw man sana niyang saktan ang damdamin nito pero naisip niya na kung magiging mahina sila ay kakayanin lang sila nito at baka bga gawin lang lalo nitong sunud sunuran si Harold. Kaya mas minabuti niya na sabihin na ang mga salita na iyon kay Louie ngayon pa lang.“K-kumikilos naman ako pero kasi… kahit na anong gawin ko ay hindi sapat ang pera na meron akonpara maba

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 192

    CHAPTER 192Sandaling katahimikan naman ang namayani sa kanila roon at maya maya nga ay isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Louie.“S-sige… gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tigilan na ni Mr. Rodriguez at ng kanyang anak si Harold. Pero ang kumpanya…” saglit naman na tumigil sa kanyang pagsasalita si Louie at muli nga siyang nagyuko ng kanyang ulo. “H-hindi ko maipapangako na mababawi ko pa iyon. Malaking halaga talaga ang kakailanganin ko para mabawi iyon at hindi ko iyon kayang mabayaran agad,” pagpapatuloy pa niya.“Kung mawawala man sa atin ang kumpanya na iyon ay wala na tayong magagawa pa dahil kasalanan mo rin naman iyan. At kung yun na lang talaga ang tanging paraan para tigilan na ni Mr. Rodriguez at ng kanyang anak si Harold ay gawin mo na kesa naman magkagulo pa tayo at masira pa ang ating pamilya,” sagot ni Shirley.Dahan dahan naman na tumango si Louie at sa totoo lang ay nanghihinayang talaga siya sa kanilang kumpanya na iyon sa London dahil iyon a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 191

    CHAPTER 191“Patawarin mo ako anak,” mahinang sabi ni Louie at saka siya nagyuko ng kanyang ulo. “Hindi ko ginusto na ganito ang mangyari. Hindi ko namalayan pa na masyado na pala akong nalibang sa ginagawa ko. Kaya sana ay mapatawad mo pa ako anak,” paliwanag pa niya kay Harold.“Dad, ano naman po ang kinalaman ko dun? Bakit po pati ako ay nadamay sa ginawa ninyo? Wala po akong kaalam alam sa ginagawa ninyo. Hindi nyo po alam kung gaano ako nahirapan habang mag isa ako roon. Sinunod ko po kayo kahit na labag sa kalooban ko na umalis ng bansa at iwan ang nobya ko. Sinunod ko po kayo dahil ayoko naman po na may masabi kayo sa akin. Pero bakit ganito po dad? Bakit naman nadamay ako sa gulo na ito? Naniwala po ako sa inyo na may problema ang kumpanya kaya nyo ako pinadala roon yun pala ay kayo po pala ang may problema at idinamay nyo pa po ako,” sagot ni Harold at talagang linabas na niya ang sama ng loob niya sa kanyang ama.“Patawarin mo ako anak. H-hindi ko naman gusto na madamay ka p

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 190

    CHAPTER 190Bumitaw naman na muna si Harold sa pagkakayakap sa kanyang mga kapatid at saka siya mabagal na naglakad papalapit sa kanyang ama na nakatulala na lang sa kanya.“Kumusta po dad? Hindi nyo po ba kami namiss ni mommy? Hindi nyo man lang po ba kami sasalubungin ng isang mahigpit na yakap? Nasorpresa po ba namin kayo sa biglaan naming pagdating ni mommy?” sunod sunod pa na tanong ni Harold habang nanatili nga siyang seryosong nakatingin sa kanyang ama.Napakurap kurap naman si Louie at napalunok pa nga siya ng sarili niyang laway lalo na ng tuluyan ng makalapit sa kanya si Harold.“B-Bakit hindi kayo nagsabi na uuwi na pala kayo? Sana ay nasundo namin kayo? At saka diba sabi ko sa’yo ay wag kang uuwi ng bansa hanggat hindi ko sinasabi? Bakit narito ka na?" sunod sunod pa na tanong ni Louie at pilit na niyang itinatago ang kaba na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. Bigla kasing naisip ni Louie na hindi siya sinusuway ni Harold kaya malakas ang kutob niya na may alam na ito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status