 LOGIN
LOGIN



CHAPTER 490Matapos na magsalita ni Jeffrey ay sunod naman na magsasalita ay si Rose kaya naman iniabot na ni Jeffrey rito ang mic.Napabuga naman ng hangin sa kanyang bibig si Rose bago siya matamis na ngumiti kay Jeffrey. Bahagya pa nga silang nagkatawanan na dalawa dahil parehas silang kinakabahan ng mga oras na iyon.“Love ngayon ay pwede na kitang tawagin na hubby dhail finally ay kinakasal na tayo. Una sa lahat syempre ay gusto ko rin sabihin sa’yo na mahal na mahal kita. At ngayon ko napatunayan na age doesn’t kapag nagmahal ka at kapag mahal mo pala talaga ang isang tao ay wala ka na palang pakialam pa sa sasabihin ng iba dahil ang mahalaga ay nagmamahalan kayo,” panimula ni Rose at saglit pa siyang tumigil sa kanyang pagsasalita at saka siya huminga ng malalim.Tahimik naman na nakikinig si Jeffrey sa sinasabi ni Rose at titig na titig pa siya rito habang nagsasalita ito.“Hindi naging madali sa atin ang lahat bago tayo nakarating dito lalo na sa parte ko na talagang nag aal
CHAPTER 489Agad naman ng nagmano si Jeffrey sa magulang ni Rose pero bago ibinigay ni Gerome ang kamay ni Rose sa mapapangasawa nito ay saglit pa muna siyang natigilan at saka nagsalita.“Pinagkakatiwala ko na sa iyo ang aking anak, Jeffrey. At umaasa ako na gagawin mo ang lahat ng sinabi mo sa akin,” seryoso naman na sabi ni Gerome. “Pangako po na gagawin ko ang lahat ng iyon. At hinding hindi po kayo magsisisi na ipinagkatiwala nyo sa akin si Rose dahil mahal na mahal konpo siya,” sagot ni Jeffrey kay Gerome habang may matamis na ngiti sa labi nito.Napangiti naman si Gerome at saka niya ipinatong sa kamay ni Jeffrey ang kamay ng kanyang anak na si Rose.Matamis naman na nginitian ni Jeffrey si Rose kaya naman napangiti na lang din si Rose rito. Inalalayan naman ni Jeffrey ang kanyang nobya na makapwesto sa pwesto nito dahil alam niya na may kabigatan nga ang suot nitong gown.Agad na rin naman na sinimulan ang seremonyas ng kasal nila Rose at Jeffrey at talagang pinapakinggan nil
CHAPTER 488Nauna naman ng pumunta sa simbahan si Jeffrey at naabutan na niya roon ang ilan sa kanilang mga bisita at ang ilan sa mga naroon ay mga kasosyo nila sa negosyo kaya naman isa isa na rin niya itong binati.Naroon na rin ang buong entourage ng kanilang kasal at tanging si Rose na lamang din at ang pamilya nito ang kanilang hinihintay para masimulan na ang kasalan.Habang wala pa si Rose ay hinarap naman na muna ni Jeffrey ang ilan pa sa kanilang mga bisita. Pinilit na lamang din niyang ngumiti sa mga ito kahit na ang totoo ay pinagpapawisan na talaga siya ng malamig dahil na rin siguro sa excitement na nararamdaman niya ngayon.Agad naman na napansin ni Harold na para bang tuliro na si Jeffrey kaya naman linapitan na niya ito dahil naiintindihan naman niya ang nararamdaman nito.“Hey! Relax lang, Jeffrey. Ang mabuti pa ay pumasok na muna tayo sa loob at maupo ka na muna para kumalma ka. Naiintindihan naman kita dahil pinagdaanan ko rin naman iyan,” mahinang sabi ni Harold ka
CHAPTER 487“Binibiro lamang naman kita anak,” tatawa tawa pa na sabi ni Gerome. “Pero ang totoo nyan ay masayang masaya ako ngayon para sa inyo ni Jeffey. Alam ko na ako ang naging unang balakid sa pagmamahalan ninyong dalawa pero napatunayan ko na mahal na mahal ka pala talaga ni Jeffrey kaya tinanggap ko na rin ang inyong relasyon na dalawa. Pero aminin man natin o sa hindi ay naging maganda naman ang kinalabasan ng pagiging balakid ko sa inyo dahil napatunayan ni Jeffrey ang tunay na hangarin niya sa’yo,” sabi pa ni Gerome at saka niya hinawakan sa pisngi si Rose.“Natutuwa akong makita na masaya ka sa piling ng lalaking pinapahalagahan at iginagalang ka. Basta tatandaan mo na narito lang kami ng mommy mo para sa’yo at para na rin kay Jeffrey dahil isang pamilya na tayo ngayon at ang pamilya ay nagtutulungan kaya wag na wag lang mahihiya na magsabi sa amin kung may kailangan kayo. At isa pa ay tiwala naman din ako kay Jeffrey na hinding hindi ka niya pababayaan dahil hindi naman n
CHAPTER 486“Basta tatandaan mo na narito lang palagi si ate para sa’yo ha. Kung may problema ka at kailangan mo ako ay wag na wag kang mahihiya na lumapit sa akin. At kung magkaroon man kayo ng problema ni Rose ay magkasama nyo iyong harapin at magkasama ninyo iyong lutasin dahil mag asawa na kayo at kailangan nyo ng magtulungan na dalawa. Basta nandito lang din ako para sa’yo at para kay Rose yan ang tatandaan mo ha,” sabi pa ni Jane.Matamis naman na nginitian ni Jeffrey ang kanyang kapatid at tumikhim na nga muna siya dahil para bang may kung ano na nakabara sa kanyang lalamunan. “Salamat ate. Salamat at hindi mo ako pinabayaan simula pagkabata ko ay ikaw na talaga ang tumayong magulang ko at siyang nasasandalan ko sa lahat ng iraa. Wag kang mag alala dahil kahit naman mag asawa na ako ay hinding hindi kita pababayaan dahil ikaw na lang din ang nag iisang kadugo ko kaya hinding hindi kita pababayaan. Pangako yan,” sbai ni Jeffrey at saka niya yinakap ang kanyang nakatatandang kap
CHAPTER 485Kinabukasan ay maagang maaga naman na bumangon si Jeffrey kahit na ang totoo ay hindi talaga siya masyadong nakatulog magdamag. Marahil ay sa sobrang excited niya sa kanilang kasal ni Rose kaya talagang hindi siya dinadalaw ng antok.Unang ginawa ni Jeffrey pagkagising niya ay kumain na muna ng agahan at saka niya tiningnan muli ang lugar kung saan gaganapin ang kanilang reception at naabutan niya na abalang abala na ang mga naroon para mag ayos ng lugar at napangiti na lamang din siya dahil mukhang maayos naman ang lahat.Pagkatapos kumain ni Jeffrey ay agad na rin siyang nag asikaso ng kanyang sarili at nagbabad na rin muna siya sa shower para kahit papaano ay maginhawaan naman ang kanyang katawan. Ilang minuto rin siyang nanatili sa CR at pagkatapos ay agad na niyang inasikaso ang kanyang sarili dahil maya maya ay pupuntahan na rin siya ng mga photographer doon dahil siya ang unang kukuhanan ng mga larawan.Nang matapos ng mag ayos ng kanyang sarili si Jeffrey ay sakto








