Share

CHAPTER 232

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-07-30 18:27:46

CHAPTER 232

“Villanueva Empire,” basa ni Hazel sa nakasulat sa building na nasa harapan nila kung saan tumigil ang sasakyan ni Camille.

“Isa iyan sa mga kumpanya ng pamilya nila Harold at sa pagkakaalam ko ay si Harold ang namamahala r’yan. Kaya naman dito ko naisip na unang puntahan siya dahil baka nariyan siya ngayon,” sabi ni Camille at saka niya pinatay ang makina ng kanyang sasakyan.

Seryoso naman na tiningnan ni Hazel ang kanyang kaibigan.

“Camille, sigurado ka na ba talaga rito sa gagawin mong ito? Hindi naman sa tinututulan kita pero bakit ba ipinipilit mo pa rin ang sarili mo sa kanya gayong sinabi na niya sa’yo na ayaw niya sa’yo. Maganda ka Camille at panigurado na marami namang lalaki ang magkakagusto sa’yo. Kaya bakit kailangan mo pang ipagsiksikan ang sarili mo sa isang lalaki na wala naman nararamdaman para sa’yo,” seryoso pa na sabi ni Hazel sa kanyang kaibigan at talagang inulit niya itong itanong kay Camille.

Kahit naman kasi may pagkamaldita nga itong si Hazel ay gi
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 240

    CHAPTER 240Napabuntong hininga na lamang si Rose habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan at kitang kita niya sa mukha nito na galit na galit pa nga ito. Kaya naman kumuha na muna siya ng tubig para kahit papaano ay kumalma nga ang kanyang kaibigan.“Uminom ka na muna ng tubig at ikalma mo iyang sarili mo. Kilala na kita Harold at kapag ganyan na galit na galit ka ay hindi mo kayang kontrolin ang iyong sarili,” seryoso naman na sabi ni Rose at saka niya inilapag na muna ang isang baso ng tubig sa may harapan ng binata.Umayos naman ng pagkakaupo niya si Harold at pilit nga niyang pinapakalma ang kanyang sarili. Pero sa totoo lang ay grabeng pagpipigil na talaga ang ginawa niya kanina dahil baka nga makalimutan niya na ama niya ang kanyang kausap at baka masaktan niya ito. Kinuha naman na rin ni Harold ang tubig na ibinigay ni Rose at inilang lagok lamang nga niya iyon.Napapailing naman si Rose habang nakatingin siya sa kanyang kaibigan. Hindi kasi niya akalain na talagang susugod

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 239

    CHAPTER 239“Dad, alam nyo po kung ano ang hindi ko maintindihan? Hindi ko po maintindihan kung bakit ako nadamay sa pinaggagawa ninyo,” halos pasigaw pa nga na sgaot ni Harold sa kanyang ama dahil talagang galit na galit siya ngayon at hirap na hirap na talaga siyang kontrolin ang kanyang sarili. “Wala po akong kaalam alam sa ginawa ninyo na iyan pagkatapos ngayon na nagkaroon kayo ng problema ay idinamay ninyo ako. Dad ayoko po na magkasira tayo at alam nyo po kung gaano ko po kayo rinerespeto at iginagalang pero kung ganito na kalayaan ko na ang nagiging kapalit ng ginawa ninyo ay pasensyahan na lang po tayo pero hindi ko na kayo mapagbibigyan pa sa bagay na yan,” pagpapatuloy pa niya.“Wag kang mag alala dahil pipilitin ko na makahanap ng paraan para tigilan ka na nila. Pasensya ka na talaga anak kung nadamay ka pa rito. Alam ko naman na kasalanan ko ito kaya humihingi ako ng tawad sa iyo,” sagot ni Louie at nagyuko na nga siya ng kanyang ulo dahil nahihiya na siya sa kanyang anak

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 238

    CHAPTER 238Pagkatapos na makausap ni Harold ang babae na naroon sa front desk ay imbes na dumiretso na siya ng alis papunta sa bahay nila Jillian ay napaakyat nga muli siya upang puntahan naman ang kanyang ama na siyang dahilan kaya siya ginugulo ng Camille na iyon.Kung hindi kasi dahil sa kanyang ama ay hindi naman magkakaroon ng pagkakataon si Camille na mapalapit sa kanya at hindi nito maipipilit ang gusto nito.Habang naglalakad pa nga lang si Harold papunta sa opisina ng kanyang ama ay kitang kita mo na sa mata nito na galit nga ito. At kahit nga nakasalunong niya si Rose ay para bang wala itong nakita at dire diretso lamang ito sa paglalakad.“Harold! Harold!” tawag ni Rose sa kanyang kaibigan pero ni hindi man lang nga siya nito liningon at dire diretso lamang ito sa paglalakad kaya naman napakunot ang noo niya. At dahil nag aalala nga siya rito dahil napansin niya na galit nga ito ay dali dalu na nga niya itong sinundan.Pagkarating naman ni Harold sa opisina ng kanyang ama

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 237

    CHAPTER 237“Maganda po sir. Maputi at medyo matangkad din po. sagot naman ni Jane. Saglit naman na natahimik si Harold at iniisip niya kung sino kaya ang babae na iyon pero sa dami ng kilala niyang maganda, maputi at matangkad ay hindi niya malaman kung sino ba ito.“Sige salamat. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung sino ba ang babae na iyon. Pero wag kang mag alala dahil hindi totoo ang sinasabi niya. At hindi ko magagawang lokohin si Jillian,” sagot ni Harold sa dalaga.Napangiti naman si Jane sa sinabi na iyon ni Harold dahil kanina pa rin talaga siya hindi mapakali dahil baka nga linoloko na ni Harold ang kanyang kaibigan.“Naniniwala naman po ako sa inyo sir. At alam ko po na hindi ninyo magagawa iyon sa kaibigan ko,” sagot ni Jane.“Oo naman kaya ipanatag mo ang sarili mo,” sagot ni Harold. “May ipapakiusap lang sana ako sa iyo… sana ay hindi na ito makarating pa kay Jillian. Alam naman natin kung ano ang kundisyon niya ngayon at ayaw ko lamang na mag isip siya ng kung ano ano

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 236

    CHAPTER 236“Anong problema mo? Bakit bigla bigla ka na lang nananampal dyan?” kunot noo pa na tanong ni Harold sa dalaga. “Pinapunta punta mo ako rito tapos mananampal ka na lang ng walang dahilan. Nababaliw ka na ba talaga, Rose?” pagpapatuloy pa nito dahil talagang nabigla siya sa ginawa na iyon ni Rose at wala siyang ideya kung ano ba ang problema nito sa kanya.“Umamin ka nga sa akin Harold Villanueva. Bukod kay Jillian ay may iba ka pa bang nobya? Meron ka na bang fiance ng hindi ko nalalaman?” parang nanay pa na sunod sunod na tanong ni Rose kay Harold.Lalo namang napakunot ang noo ni Harold dahil sa tanong na iyon ni Rose.“Ano ba ang pinagsasasabi mo r’yan? Nababaliw ka na ba talaga?” naguguluhan pa rin na tanong ni Harold dito.“Basta sagutin mo na lamang ang tanong ko. Ang dami mo pang sinasabi e,” inis naman na sagot ni Rose dahil kanina pa talaga siya hindi mapakali sa kakaisip tungkol sa babae na sinasabi ni Jane kanina.“Wala… wala akong ibang nobya kundi si Jillian la

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 235

    CHAPTER 235Pagkabalik naman ni Rose sa kanyang pwesto ay hindi na rin nga siya mapakali dahil talagang iniisip niya ang mga sinabi na iyon ni Jane.Kilala naman na niya noon pa si Harold at ni minsan ay hindi niya ito nakitang pinagsabay ang dalawang babae. Alam din niya na marami ang naghahabol dito dahil nga sa napakagwapo nito pero wala pa siyang nabalitaan na may pinatulan ito sa mga babae na iyon. Sobrang malapit din kasi talaga sila Rose at Harold kaya naman nagsasabihan sila ng mga sikreto nila sa buhay. Kaya alam ni Rose na hindi ito magagawa ng binata kay Jillian dahil ngayon lang din niya nakita si Harold na mahumaling ng ganoon sa isang babae.At dahil nga hindi na mapakali pa si Rose ay agad na niyang kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan si Harold dahil talagang hindi siya makakapag concentrate sa trabaho kapag ganitong mayroon siyang iniisip.“Hello Harold. Nasaan ka?” agad na tanong ni Rose sa kaibigan niya pakasagot nito ng kanyang tawag.“Nasa condo ko ako ngay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status