CHAPTER 2
Matapos nga na makausap ni Jillian ang doktor na sumuri sa kanyang ina ay tulala nga siyang naglakad pabalik ng emergency room kung nasaan ang kanyang ina. Mabigat pa nga ang bawat hakbang niya at tila ba hindi na nga niya alam kung anong gagawin nya dahil hindi naman nya maaaring pabayaan ang kanyang ina dahil mahal na mahal nga niya ito at ito na lang nga talaga ang meron siya. Pagkabalik nga ni Jillian sa emergency room ay nadatnan nga niya ang kanyang kaibigan na si Jane na nakaupo sa upuan na nasa tabi ng higaan ng kanyang ina. At nang makita nga siya ni Jane ay dali dali nga itong lumapit sa kanya. “Kumusta? Anong sabi ng doktor? Kumusta si nanay Leony?” sunod sunod na tanong ni Jane kay Jillian. Hindi naman nga kaagad nakasagot si Jillian sa kanyang kaibigan at napatingin na lamang nga siya sa gawi ng kanyang ina at parang dinudurog nga ang kanyang puso na makita ang kanyang ina na maputla at wala pa rin ngang malay. Lumapit naman nga muna si Jillian sa kanyang ina at saka nya nga hinawakan ang kamay nito at saka nya ito hinalikan sa noo. “Nay magpagaling po kayo ha. Ako na po ang bahala sa inyo. Gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko basta po magpagaling po kayo kaagad. Kayo na lang po ang meron ako kaya please po nay magpagaling po kayo, lumaban pa po kayo nay,” sabi ni Jillian sa kanyang ina na wala pa rin ngang malay. At kasabay nga ng pagbigkas niya noon ay ang pagpatak nga ng kanyang luha. Napabuntong hininga naman nga si Jane habang tinitingnan nga niya ang kanyang kaibigan na si Jillian. Alam nya na mahirap para rito na makita sa ganoong kalagayan ang ina nito. Kaya naman hinayaan na lamang nya nga muna ito at sinamahan na lang nya ito roon. Maya maya nga ay may lumapit nga sa kanila na mga nurse at inassist nga sila nito para mailipat na nga sa room ang pasyente. Pagkarating nga nila sa silid kung saan nga mag stay si Leony ay saglit lamang nga na inayos ng mga nurse ang pasyente at umalis na rin naman kaagad ang mga ito. “Ano friend? Kaya pa ba?” tanong ni Jane kay Jillian ng makita nga niya na nakatulala na lamang nga ito sa ina nito. Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Jillian at naihilamos na lamang nga niya ang kanyang kamay sa kanyang mukha at pilit nga niyang pinipigilan ang kanyang mga luha. “Hindi ko na alam Jane. Ang hirap maging mahirap,” sabi ni Jillian at tuluyan na nga na umagos ang masaganang luha sa kanyang mga mata. “Mahal na mahal ko si nanay at ang hirap makita na nasa ganyan syang kalagayan. Gusto ko na syang mapaoperahan para naman hindi na nga sya nagkakaganyan at hindi na nga rin sya mahirapan. Pero paano? Paano ko sya mapapaoperahan? Wala kaming sapat na pera. Hindi ko na alam ang gagawin ko,” humahagulhol pa na sabi ni Jillian habang nanatili nga na nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang mukha. Napabuntong hininga na lamang din nga si Jane dahil naaawa nga siya sa kanyang kaibigan pero hindi naman nga niya alam kung paano ba nya ito matutulungan dahil kagaya ni Jillian ay sapat lamang din naman ang kanyang sahod para sa pang araw araw nilang buhay. Hinaplos haplos na lamang nga niya ang likod nito para kahit papaano nga ay kumalma ito. “Pasensya ka na Jillian. Kung may pera lang sana ako ay tinulungan ko na sana kayo ni nanay Leony pero wala rin kasi ako e,” mahinang sabi ni Jane sa kaibigan. “Basta lakasan mo lang ang loob mo. Alam ko na kaya mo yan at malalagpasan nyo yan ni nay Leony,” dagdag pa niya. Hindi na nga sumagot pa si Jillian sa kaibigan niya at patuloy na lamang nga siya na umiyak para kahit papaano nga ay mabawasan naman ang bigat na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hinayaan na lamang nga din ni Jane si Jillian na umiyak at hindi nga niya ito iniwanan dahil alam nya na ngayon nga siya higit na kailangan ng kaibigan niya. Maya maya nga ay napansin nga ni Jane na gising na ang ina ni Jillian. “Jillian gising na si nanay Leony,” mahinang sabi ni Jane sa kaibigan. Agad naman nga na napatingin si Jillian sa gawi ng kanyang ina at nakita nga niya na nakamulat na nga ito kaya naman agad na nga siyang nagpunas ng kanyang luha dahil alam nya na ayaw nga ng kanyang ina na nakikita syang umiiyak. “Nay!” sabi ni Jillian at agad na nga itong tumayo at agad na lumapit at yumakap sa kanyang ina na nakahiga. “Sshhh. B-bakit ka na n-naman umiiyak a-anak? B-buhay pa ako. B-bakit mo ako i-iniiyakan?” tila nahihirapan pa na sabi ni Leony sa kanyang anak. “Nay naman e,” sabi ni Jillian at hindi na nga niya napigilan ang kanyang sarili at napahagulhol na nga talaga siya ng iyak sa kanyang ina. “W-wag ka ng umiyak anak. K-kaya ko to. L-lalaban ako p-para sa’yo anak,” nakangiti pa na sabi ni Leony kay Jillian kahit na medyo nahihirapan pa nga rin talaga ito na huminga. Pinipilit nga ni Leony na ipakita sa kanyang anak na kaya nya at nagtatapang tapangan na nga lang talaga siya. Pero ang totoo nyan ay madalas nga talaga na manikip ang kanyang dibdib at sadyang linalakasan lang nga niya ang kanyang loob dahil sa kaisa isa niyang anak na si Jillian. Ayaw naman din kasi ni Leony na maulila ng tuluyan si Jillian dahil wala na nga itong ama. Alam nya na baka hindi nga ito kayanin ng kanyang anak. Kaya kailangan nga talaga nyang lumaban at magpakatatag. Nang medyo kalmado na nga si Jillian ay agad na nga niyang pinunasan ang kanyang luha at saka nya nga hinarap ang kanyang ina. “Nay ano po ba ang nangyare? Bakit po nawalan kayo ng malay? Diba sabi ko naman po sa inyo na wag na po kayong magkikikilos sa bahay dahil ako na po ang bahala sa inyo. Baka naman po hindi nyo iniinom ang gamot nyo kaya po kayo inatake,” daldal kaagad ni Jillian sa kanyang ina. “Wala naman akong ginawa anak. Basta nanikip na lang ang dibdib ko,” pagsisinungaling ni Leony dahil ang totoo nyan kaya sya nanikip ang dibdib nya ay dahil sa napagod nga siya sa paglilinis ng kanilang bahay. Inip na inip na kasi siya at hindi nga siya sanay na uupo at hihiga na nga lang siya buong maghapon. Para kasing pakiramdam nya ay mas lalo syang magkakasakit kapag nakahiga na lamang sya maghapon at walang ginagawa.CHAPTER 343 “Sa harap ng lahat ng narito ngayon sa ating kasal ay gusto kong ipagsigawan na napakaswerte ko dahil ikaw ang napangasawa ko at napakaswerte ko dahil ikaw ang ina ng aking mga anak. At gusto ko ring sabihin sa iyo ngayon na hindi naman hadlang ang estado ng buhay mo para hindi kita mahalin dahil minahal kita kung sino ka at kung ano ka,” pagpapatuloy pa ni Harold habang hindi niya inaalis ang matamis na ngiti sa kanyang labi habang nakatitig siya sa mga mata ni Jillian. Samantalang si Jillian naman ay napangiti na lamang talaga habang may ngiti sa kanyang labi dahil palaging sinasabi sa kanya ni Harold noon na hindi naman basehan ang estado ng kanyang buhay para hindi siya mahalin nito. “Jillian Flores Villanueva, sa harap ng mga narito ngayon sa kasal natin at sa harap ng Diyos ay gusto kong malaman mo na mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang mamahalin ko at gusto kong makasama habambuhay. Pinapangako ko rin sa’yo na lalo pa kitang mamahalin. aalagaan kita hangg
CHAPTER 342 “Kaya naman Mr. Harold Villanueva ipinapangako ko na mula ngayon hanggang sa kahuli hulihang hininga ko ay ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ipinapangako ko rin na pakamamahalin pa kita lalo, aalagaan at susuportahan kita sa lahat ng iyong mga pangarap. Basta tatandaan mo na narito lamang din ako para sa’yo at sa mga bata. Mahal na mahal kita Harold at ikaw lang ang gustong kong maksama habambuhay” pagpapatuloy pa ni Jillian at saka niya matamis na nginitian si Harold. Hindi naman napigilan ni Harold ang mapangiti dahil sa mga sinabi na iyon ni Jillian. Ngayon pa nga lang din ay excited na siya sa mga darating pang mga araw na kasama niya ang kanyang pamilya. Ang mga naroon naman na nakikinig sa sinabi ni Jillian ay hindi na malaman ang kanilang magiging reaksyon sa sinabi ni Jillian dahil naiyak din talaga sila sa sinabi nito pero bahagya rin silang kinilig sa pahapyaw na kwento ng love story ng dalawa. Sumunod naman na nagsalita ay si Harold kaya naman ibinigay na ni Jil
CHAPTER 341 Una naman na magsasalita si Jillian kaya naman medyo kinakabahan siya dahil hindi naman talaga siya sanay na magsalita sa harap ng maraming tao kaya naman ang ginawa na lamang niya ay inisip na lamang niya na sila lamang dalawa ni Harold ang naroon para masabi niya ang kanyang mga nais sabihin para kay Harold. Isang malalim na buntong hininga naman muna ang pinakawalan ni Jillian at saka siya matamis na ngumiti kay Harold. “Hubby, pasensya ka na dahil hindi talaga ako sanay sa mga ganitong klase ng pag uusap pero syempre para sa espesyal na araw nating dalawa ay kakayanin ko ito kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako,” panimula ni Jillian. Bahagya naman na natawa si Harold sa sinabi na iyon ng kanyang asawa dahil alam naman niya na napakamahiyain din talaga ni Jillian. “Una sa lahat gusto kong magpasalamat sa lahat lahat ng naitulong mo sa akin at sa aking ina. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko na napaswerte pa yata ako sa pagpunta ko sa bar ng gabi na
CHAPTER 340Unang una naman na nagmartsa papapunta sa unahan ay si Harold na hindi na mawala wala ang ngiti sa labi habang ito ay naglalakad sa red carpet. Sumunod naman na nag martsa ay ang nga magulang ni Harold na sinundan ng mga ninong at ninang nila. Kasunod naman na naglakad sa gitna ay ang kanilang mga bridesmaid at groomsmen.Kasali naman sa mga bridesmaid ni Jillian ay sila Rhian na kapatid ni Harold, kanilang nga kaibigan na sila April, Rose at Jane na mamaya pa maglalakad kasama ang isa sa kambal at bukod sa kanila ay may iba pa silang kinuha na bridesmaid na kamag anak nila Harold. Habang ang kasali naman sa mga groomsmen ay ang kapatid ni Harold na si Charles, si Jeffrey na mamaya pa rin magmamartsa kasama ang isa sa kambal, mga kaibigan ni Harold na sila Benedict at Wilson na kasama niya noon sa pagpunta sa bar at bukod sa kanila ay may ilang kamag anak pa rin si Harold na kinuha nila para maging groomsmen.Nang matapos na makapag martsa ang mga abay ay sumunod naman na
CHAPTER 339Samantala sa resort naman ay natapos na rin na kuhaan ng nga larawan si Jillian kaya naman naghahanda na rin ito na umalis upang pumunta sa simbahan. Pero bago pa man ito pasakayin sa sasakyan ay saglit naman munang inayos ang buhok nito na nagulo kanina sa pictorial.Hindi naman nagtagal ay agad na rin naman na umalis sa resort si Jillian at kasama niya ang kanyang ina sa loob ng sasakyan. Sila na lamang din kasi ang hinihintay sa simbahan dahil naroon na ang kanyang groom at ang kanilang mga abay.Saglit lamang din naman ang naging byahe ni Jillian lalo na at wala namang traffic at pagkarating niya sa simbahan ay agad na rin naman na nagsipasok sa loob ang kanilang nga bisita dahil magsisimula na ang kasalan.Pagkababa ni Jillian sa sasakyan ay agad niyang nakita ang kambal kaya naman sinenyasan niya si Jane at Jeffrey na ilapit muna saglit sa kanya ang kambal dahil hindi siya makalapit sa mga ito at kahit ilang oras pa lang na nawalay sa kanya ang kambal ay namimiss na
CHAPTER 338Matapos naman na kuhaan ng larawan sila Harold ay nauna na rin ito kasama ang kanyang buong pamilya na umalis sa resort dahil kailangan na sila ang mauna sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nila ni Jillian. Malapit lamang naman din ang simbahan doon kaya saglit lang din talaga ang kanilang byahe.Pagkarating nila sa simbahan ay naabutan na nila roon ang kambal na nakasakay sa stroller at panay ang tawa. Sila Jane na rin kasi muna ang nag alaga sa mga ito at sila na rin ang nagsabay sa kambal papunta sa simbahan dahil abala pa sila Jillian at Harold. Malapit din naman kasi ang loob ng kambal sa kanilang mga kaibigan lalo na at palagi nilang nakikita ang mga ito.“Ang cute naman ng mga apo ko,” sabi ni Shirley ng malapitan niya ang kambal. Nakasuot din kasi si Harlene ng gown dahil isa rin ito sa mga flower girl pero dahil nga hindi pa naman nito alam ang kanyang gagawin ay aakayin na lamang ito ni Jane na isa rin sa mga abay nila Jillian. Samantalang si Harvey naman