CHAPTER 1
JILLIAN FLORES “Jillian tumawag si Jeffrey sa akin ngayon ngayon lang. Ang nanay mo raw isinugod sa ospital,” humahangos na pagbabalita ni Jane sa kanyang kaibigan. Nagulat naman si Jillian sa ibinalita na iyon ng kanyang kaibigan dahil nasa opisina nga sila ngayong dalawa. At abalang abala nga si Jillian sa kanyang trabaho dahil marami rami pa rin talaga ang nga paper works na kailangan niyang matapos ngayong araw. Kaya naman tahimik lang talaga sya ngayon sa kanyang table at seryoso sa kanyang trabaho. “Ha? S-si nanay? B-Bakit anong nangyari?” kandautal naman na tanong ni Jillian. “Halika na. Hindi ko rin alam kung anong nangyari. Ang mabuti pa ay pumunta na tayo sa ospital,” sagot naman nga ni Jane at hinawakan na nga niya sa kamay si Jillian at saka nya nga ito hinila. At dahil nga sa pagkabigla ay nagpatianod na lang nga si Jillian kay Jane at agad na nga silang pumunta sa ospital kung nasaan ang nanay ni Jillian. Pagkarating nga nila sa ospital ay naabutan na nga nila Jillian ang kapatid ni Jane na si Jeffrey sa labas ng emergency room. Ito kasi ang sumama kanina sa pagdala sa ina ni Jillian na si Leony sa ospital. “Jeffrey anong nangyari kay nanay?” agad na tanong ni Jillian kay Jeffrey ng makalapit nga sila rito. “Bibigyan ko lang sana ng ulam si nanay Leony pero naabutan ko na lang sya na nakahandusay sa sahig at walang malay. Kaya agad na akong humingi ng tulong para madala sya kaagad dito sa ospital,” sagot naman ni Jeffrey kay Jillian. Isang malalim na buntong hininga naman nga ang pinakawalan ni Jillian at saka nga niya ipinikit ng mariin ang kanyang mga mata. May sakit kasi sa puso ang kanyang ina at nasabi na rin nga ng doktor ng kanyang ina na kailangan na nga talaga nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. Pero wala nga silang sapat na pera para maisagawa nga ang pagpapaopera ng kanyang ina. Aabutin nga raw ng kalahating milyon ang kailangan nila para maisagawa ang operasyon ng kanyang ina. Kaya naman todo kayod nga si Jillian para kahit papaano ay makaipon nga siya kaso ang sahod nga niya ay sapat lamang nga para sa kanilang mag ina lalo na at may mga gamot pa nga na kailangang inumin din ang kanyang ina araw araw. Kaya naman kaunti lang talaga ang naitatabi niya sa kanyang sahod. Nag iisang anak lang kasi ni Leony Flores si Jillian Flores. Ang ama naman nga ni Jillian ay matagal na nga na namayapa kaya naman mag isa nga na itinaguyod ni Leony si Jillian at pinilit nga niya na makapagtapos talaga ito ng pag aaral dahil gusto nga niya na magkaroon ang kanyang anak ng magandang buhay. Nakapagtapos naman ng pag aaral si Jillian hanggang sa kolehiyo at ngayon nga ay nagtatrabaho ito sa Villanueva Empire bilang isa sa mga staff sa Finance Department. Bukod nga sa maganda na si Jillian ay matalino nga rin talaga ito at madiskarte pa. Minsan nga kasi ay nagtitinda pa nga ito ng linuto nila ng kanyang ina na kakainin sa kanilang opisina at kahit papaano nga ay nadadagdagan nga ang kanilang kita na mag ina. Minsan naman ay nagtutor ito sa mga bata sa kanilang lugar kapag walang pasok sa opisina at dagdag kita na rin nga iyon para sa kanilang mag ina. Sa trabaho naman sa opisina ay madalas naman nga na mapuri si Jillian dahil sa napakasipag nga nito at mabilis ding kumilos. Madalas nga rin itong mag overtime dahil iniisip nga niya na sayang din ang ilang oras na iyon at dagdag sahod din naman nga nya iyon. Tahimik naman nga na naghihintay sa labas ng emergency room sila Jillian, Jane at Jeffrey. Tahimik nga sila na nananalangin na sana nga ay ayos lang lagay ng ina ni Jillian. Ito na lang kasi ang meron ang dalaga kaya ayaw naman nila na may masama nga na mangyari sa ina nito. Maya maya nga ay lumabas na nga sa emergency room ang isang doktor at agad nga nitong nakita si Jillian kaya naman dito na sya kaagad lumapit. “Miss Jillian pwede ba kitang makausap?” tanong ng doktor. “S-sige po dok. K-Kmusta po pala ang nanay ko? Ayos lang po ba sya?” agad naman na tanong ni Jillian sa doktor. Huminga naman nga ng malalim ang doktor at saka nga niya sinenyasan si Jillian na sumunod sa kanya. Kaya naman agad nga na sumunod si Jillian dito kahit na medyo kinakabahan nga siya. At naiwan nga muna roon sa emergency room ang kaibigan nya at ang kapatid nito na si Jeffrey. Agad naman nga na dumiretso ang doktor sa kanyang opisina at nakasunod nga rito si Jillian. “Miss nasabi ko naman na rin ito sa’yo nung nakaraan pa,” sabi ng doktor kay Jillian at saka nga ito umupo sa kanyang swivel chair. Naupo rin naman nga si Jillian sa katapat na upuan ng doktor. Hindi nga siya nagsasalita at hinihintay nya nga kung ano ang sasabibin ng doktor sa kanya. “Kailangan na talaga na mapaoperahan sa puso ang iyong ina sa lalong madaling panahon. Ang dahilan din kasi kaya sya nawalan ng malay kanina ay dahil sa mild heart attack at mabuti na lamang talaga at may nakakita kaagad sa kanya at agad siyang nadala rito sa ospital,” seryoso pa na sabi ng doktor kay Jillian. “D-dok pero ayos naman na po ba ang nanay ko ngayon?” tanong pa ni Jillian sa doktor. Tumango tango naman ang doktor kay Jillian pero nanatili nga na seryoso ang mukha nito. “Medyo ayos naman na ngayon ang lagay ng iyong ina at kailangan lang talaga nya na makapagpahinga. Pero kagaya nga ng sabi ko ay kailangan na natin sya mapaoperahan sa lalong madaling panahon. Hindi kasi natin alam kung kailan sya ulit aatakihin sa puso at sa lagay nya nga na yan ngayon ay hindi malabo na baka atakihin na naman sya at baka nga lalo pang lumala ang sakit niya,” seryoso pa na sagot ng doktor kay Jillian. “Dok w-wala na po bang ibang paraan pa? Baka po pwedeng idaan na lang po muna sa gamot gamot?” tanong pa ni Jillian sa doktor. “Sa totoo lang po ay kulang na kulang pa po talaga ang pampa opera ng nanay ko. Nag iipon pa po talaga kami,” dagdag pa nya. Napabuntong hininga naman nga ang doktor dahil sa naging sagot na iyon ni Jillian. “Miss sa lagay ng iyong ina ngayon ay kailangan na talaga niyang maoperahan. Noon ko pa rin naman ito sinasabi sa inyo. Alam ko naman na medyo malaki laki talaga ang halaga na kakailanganin ninyo pero pwede nyo naman subukan na humingi ng tulong sa gobyerno para kahit papaano ay madagdagan nga ang pampaopera ng iyong ina,” sagot ng doktor. “Pasensya ka na talaga miss pero yun na lang talaga ang mabisang paraan para kahit papaano ay gumaling ang iyong ina. Sa ngayon din ay kailangan nating i-admit muna ang iyong ina para maobserbahan namin siya ng maayos” dagdag pa ng doktor. Dahil sa sinabi na iyon ng doktor ay tanging pagtango na nga lamang talaga ang naging sagot ni Jillian sa doktor.CHAPTER 159Sigurado si Jillian na kung narito lamang si Harold ay matutuwa ito kapag nalaman nito na buntis siya. Pero bigla rin siyang napaisip kung bakut siya nabuntis gayong may pills naman siyang iniinomBigla rin nga na naalala ni Jillian ang kanyang ina dahil paano niya ito sasabihin dito gayong wala naman siyang ipinapakilala na nobyo rito.Napatingin naman si Jillian sa kanyang kaibigan at saka niya pinunasan ang kanyang luha.“P-paano ko ito sasabihin kay nanay? Baka kung mapaano si nanay kapag nalaman nya ang tungkol dito,” sabi ni Jillian sa kanyang kaibigan.Napabuntong hininga naman si Jane at sandali pa nga siyang napaisip dahil paano nga ba ito sasabihin ni Jillian sa kanyang ina. Nag aalala rin siya na baka kung mapano ito kapag nalaman nito ang totoo.“S-siguro pag isipan na muna natin kung paano mo ito sasabihin kay nanay Leony. Pero sa ngayon ay mas mabuti na malaman muna natin kung maayos ba ang kalagayan ng bata sa sinapupunan mo,” sagot ni Jane sa kaibigan niya.
CHAPTER 158 Sandali namang natigilan si Jillian at pilit nga niyang inaalala ang mga nangyari at nagtataka pa nga siya kung bakit siya naroon. “B-bakit ako narito? Anong nangyari? B-bakit ako dadalhin sa ospital?” tila naguguluhan pa nga na tanong ni Jillian at saka siya dahan dahan na bumangon. Agad naman na inalalayan nila Jane at Rose si Jillian para makaupo nga ito. “Hindi mo ba natatandaan na nawalan ka ng malay sa CR kanina pagkatapos mong magsuka? Ano ba ang nangyayari sa’yo Jillian?” sagot naman ni Rose sa dalaga. Saglit pa nga na nag isip si Jillian at napabuntong hininga na lamang siya ng maalala niya na nagsuka siya kanina. “Masama ba ang pakiramdam mo? Dapat nagsabi ka sa akin kanina nung kumain tayo ng lunch,” nag aalala naman na sabi ni Jane sa kanyang kaibigan. “Ayos naman na ako. Hindi naman masama ang pakiramdam ko ngayon. Siguro ay napagod lang talaga ako kaya ako nawalan ng malay kanina,” mahinang sagot ni Jillian. Nagkatinginan naman sila Jane at Rose dahi
CHAPTER 157Agad naman na sinundan ni Ms. Rose si Jillian dahil nag aalala siya rito. Kita rin niya na hawak na ni Jillian ang bibig nito ng tumakbo ito kaya agad na siyang sumunod dito at nadatanan niya ito na sumusuka na nga roon.“Masama ba ang pakiramdam mo, Jillian? Dapat ay nagsasabi ka kaagad sa akin para naman napag under time kita. Kesa naman mahirapan ka sa pagtatrabaho. Maiintindihan ko naman kayo basta magsabi lang kayo ng maayos sa akin kung hindi kayo makakapasok sa trabaho,” sabi ni Ms. Rose na pumasok na rin sa loob ng CR at sinarahan na rin muna niya ito dahil baka may makakita pa kay Jillian sa ganoong kalagayan.Nagmumog naman na muna si Jillian at saka siya napasandal sa pader dahil pakiramdam niya ay nanghihina nga siya.“Ayos ka lang ba, Jillian? Namumutla ka na,” puno ng pag aalala na tanong ni Rose sa dalaga dahil napansin kaagad niya na bigla nga itong namutla.Tila naman habol ang hininga ni Jillian habang nakasandal sa pader. Pakiramdam niya ngayon ay babags
CHAPTER 156Sa kabilang banda naman ay naging abala rin nga si Jillian sa kanyang trabaho sa mga nakalipas na linggo. Sinadya niya iyong gawin para kahit papaano ay makalimutan niya ang lungkot na nararamdaman niya kapag naaalala niya ang kanyang nobyo. Sa nakalipas din kasi na mga linggo ay wala pa rin siyang balita kung nasaan na nga ba ngayon si Harold kaya naman hindi talaga niya maiwasan na hindi mag alala rito.Ngayon nga ay narito si Jillian sa kanyang pwesto at abalang abala siya ngayon sa mga prinint niya na mga papeles na kailangan niyang ipamigay sa mga kasamahan niya roon.“Psst. Tara nang kumain,” aya ni Jane kay Jillian ng dumaan nga ito sa pwesto ni Jillian.“Medyo busog pa ako e. Maya maya na lang siguro ako kakain,” sagot ni Jillian sa kanyang kaibigan.“Busog? Hindi ka pa naman kumakain simula kanina,” kunot noo pa na sagot ni Jane. “Alam ko naman na may iniisip ka. Pero wag mo naman pabayaan yang sarili mo. Sa tingin mo ba ay matutuwa siya kapag bumalik siya at naki
CHAPTER 155Samantala naman inabala na lamang talaga ni Harold ang kanyang sarili sa kanyang trabaho. Ilang linggo na siya roon pero hanggang ngayon ay tila ba naguguluhan pa rin siya sa naging problema ng kanilang kumpanya dahil wala naman talaga siyang makita na mali rito.Sa nakalipas din nga na mga linggo ay madalas na hindi sinasagot ni Harold ang tawag ng kanyang ama dahil sa totoo lang ay may sama pa rin siya ng loob dito dahil sa ginawa nito sa kanya na pagpapadala roon sa London.Habang seryosong seryoso naman si Harold sa kanyang mga ginagawa ay narinig nga niya ang mahinang pagkatok sa kanyang opisina.“Come in,” sabi ni Harold at hindi na nga siya nag abala pa na tingnan kung sino ba ang pumasok na iyon sa kanyang opisina.“Ahm. Sir Harold hindi pa po ba kayo maglulunch?” sabi ng isang boses babae kay Harold.Napabuntong hininga naman nga si Harold at saka niya saglit na inilapag ang hawak niyang nga papel.“Ms. Camille, pwede ba na wag mo akong pakialaman kung kakain ba a
CHAPTER 154Hindi rin pinaalam ni Louie sa kanyang asawa na si Shirley ang kanyang pinaggagawa na iyon dahil alam niya na mali naman talaga ang ginawa niya at panigurado na magagalit ang kanyang asawa dahil ang kumpanya na iyon ay isa rin sa kanilang pinaghirapang ipundar na mag asawa.At noong mga panahon na hindi na malaman ni Louie ang kanyang gagawin dahil hindi na niya alam kung paano ba niya mababawi ang kanilang kumpanya ay sakto naman na nakilala niya si Miguel at naikwento nga niya ang mga nangyari na iyon.“Gusto mo ba na mabawi ang iyong kumpanya?” seryosong tanong ni Miguel kay Louie matapos niyang marinig ang kwento nito sa nangyari sa kumpanya nito.Narito kasi sila ngayon sa isang restaurant dahil inaya ni Miguel si Louie na mag lunch dahil may gusto siyang sabihin dito. At agad naman siyang pinaunlakan ni Louie dahil sino ba naman ang hihindi sa isang kilalang negosyante.“Oo naman. Mahalagang mahalaga sa amin ng aking asawa ang kumpanya na iyon dahil isa iyon sa mga p