Share

CHAPTER 373

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-09-14 17:48:20

CHAPTER 373

Saglit lamang naman na nagbihis si Rose dahil marumi na ang suot niyang damit at agad na rin naman siyang umalis upang mamili ng kanyang mga kakailanganin. Agad na rin naman siyang umalis upang pumunta sa supermarket.

Bago mamili si Rose ay mabilisang kain na muna ang kanyang ginawa sa isang kilalang kainan. At pagkatapos ay mabilisang pamimili lang din ang kanyang ginawa dahil baka may makakita pa sa kanya roon. Nag iingat lang din kasi talaga siya dahil ayaw talaga niya na may makaalam ng kabyang pinupuntahan kapag gusto niya ng katahimikan. At kahit pa nga ang kanyang pamilya ay hindi rin alam ang tungkol dito.

Matapos na makapamili ni Rose ay agad na rin naman siyang bumalik sa kanyang bahay at agad na rin naman niyang inayos ang kanyang mga pinamili dahil balak niya na matulog na dahil nakakain naman na rin siya at isa pa ay inaantok na talaga siya dahil na rin siguro sa pagod.

Naging mabilis naman ang bawat pagkilos ni Rose at mabilisang ligo na rin talaga ang kanyan
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 434

    CHAPTER 434“Please, Gerome. Huminahon ka na muna. Makinig ka muna sa sasabihin nila,” sabi pa muli ni Anna at agad na siyang humarang sa daraanan ni Gerome.“Alam mo ang tungkol sa bagay na ito pero hindi mo sinabi sa akin? Kinukunsinti mo ang katigasan ng ulo ng anak mo? Anong klaseng ina ka, Anna?” galit naman na sabi ni Gerome sa kanyang asawa.Isang malalim na buntong hininga naman ang pinakawalan ni Anna at saka niya seryosong tinitigan ang kanyang asawa “Yan… yan ang dahilan kung bakit hindi namin kaagad sinabi sa iyo ang tungkol sa kanila. Inuuna mo kasi ang init ng ulo mo kesa ang pakinggan ang paliwanag ng nga bata,” sagot ni Anna. “At wag na wag mong kukwestyunin ang pagiging ina ko sa mga anak natin dahil wala akong ibang hangad sa kanila kundi ang mapabuti sila at maging masaya sila sa kanilang mga buhay,” pagpapatuloy pa niya at gaya ni Gerome ay napapataas na rin ang kanyang boses.“Ibang usapan kasi ito Anna. Hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol sa kanila at k

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 433

    CHAPTER 433“Oo naman. Kaya natin ito… kaya nating harapin ang daddy mo,” sagot naman ni Jeffrey. “At kung sakali man na hindi ako matanggap ng iyong ama ay handa kong gawin ang kahit na ano para lamang matanggap niya ako. At kung kinakailangan na lumuhod ako sa harapan niya ay gagawin ko para sa’yo,” pagpapatuloy pa niya.Napangiti naman si Rose dahil sa sinabi na iyon ng kanyang nobyo. Sa totoo lang ay ayaw pa sana niyang harapin ang kanyang ama pero naging mapilit nga ang binata na magpakilala sa kanyang ama dahil ang sabi nito ay hindi naman daw maaari na habambuhay silang magtatago na dalawa sa ama nito. May punto rin naman kasi talaga ang sinabi ng binata kaya naman agad na rin na pumayag si Rose sa nais na mangyari ni Jeffrey kahit na medyo kabado talaga siya sa muli nilang paghaharap ng kanyang ama.“Tsk… sira ka talaga. Palibhasa kasi ay hindi mo pa nakitang magalit si dad kaya mo nasasabi ang bagay na yan. Pero pag nakita mo siyang magalit ay baka parehas talaga tayong mapa

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 432

    CHAPTER 432Lumipas pa ang mga araw at linggo at naging maayos naman ang lahat sa pagitan nila Rose at Jeffrey. Laking pasalamat din talaga nila dahil hindi na sila ginugulo pa ng ama ng dalaga marahil ay dahil bumalik na rin ang kanyang ina sa kanilang mansyon. At siguro ay nakausap na nito si Gerime ng masinsinan kaya hindi nananahimik na ito.Sa ngayon ay bumalik na rin si Rose sa kanyang trabaho at bukod doon ay bumalik na rin siya sa kanyang unit. Napagkasunduan kasi nila ng kanyang ina na kung gusto talaga ni Rose na ituloy ang relasyon nito kay Jeffrey ay hindi maaari na doon sila pareho nakatira sa poder nila Harold. Kaya naman ng umalis si Anna sa bahay nila Harold ay kasabay noon ang pagbalik din ni Rose sa kanyang unit.Palagi pa rin naman kinukumsta ni Anna si Rose at palagi nitong tinatanong kung ginugulo ba ito ng ama nito. Isa rin kasi sa dahilan ng pagbalik ni Anna sa mansyon ay kinausap niya ang kanyang asawa na kung gusto nito na hindi masira ang kanilang pamilya ay

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 431

    CHAPTER 431Gustuhin mang tumutol ni Rose sa ginagawa ni Jeffrey ay para bang ayaw kumilos ng kanyang katawan. At nang maramdaman na niya ang malambot na labi ng binata na nakalapat sa kanyang labi ay napapikit na lamang talaga siya.Agad naman na tinugon ni Rose ang ginagawang paghalik sa kanya ni Jeffrey at ramdam niya na napakasaya ng uso niya ngayon lalo na at kasama na niya muli ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso. Sa totoo lang ay hindi na talaga akalain pa ni Rose na mangyayari ito lalo na at alam niya kung gaano kastrikto ang kanyang ama kaya naman laking pasalamat talaga niya sa kanyang ina at mga kapatid dahil naiintindihan siya ng mga ito.Ilang minuto rin na magkahinang ang mga labi nila Rose at Jeffrey at kung hindi pa sila kakapusin ng hininga ay hindi nila bibitawan ang labi ng isa’t isa.“Mahal na mahal kita, Rose,” mahinang sabi pa ni Jeffrey ng bitawan niya ang labi ng dalaga.“Mahal na mahal din kita, Jeffrey,” mahinang sabi rin naman ni Rose.Nagulat naman si

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 430

    CHAPTER 430“Kumusta ka?” sabay pa nilang sabi na dalawa kaya naman nagkatitigan na lang talaga silang dalawa at sabay pa silang natawa ng dahil doon.“Sige na. Mauna ka na,” tatawa tawa naman na sabi ni Jeffrey.“Okay. Kumusta ka na? Bakit tila yata iniiwasan mo ako? Galit ka ba sa akin dahil bigla na lamang akong umalis ng walang paalam?” sunod sunod na tanong ni Rose sa binata dahil gusto rin niya talagang malaman kung galit ba ito sa kanya.“Sino naman ang may sabi sa’yo na galit ako sa’yo? Kahit kailan ay hindi ko magagawang magalit sa babaeng pinakamamahal ko. Hindi naman din kita iniiwasan. Sadyang hindi lang siguro tayo magkatagpo kahit na magkalapit lang tayong dalawa,” sagot naman ni Jeffrey.“Ganon ba!? Akala ko kasi ay nagalit ka na sa akin e. Pasensya ka na ha. Hindi ko rin naman kasi akalain na bigla bigla akong susunduin ni dad noon,” sagot ni Rose.“Naiintindihan ko naman yun Rose. Marahil ay nag aalala lang din ang iyong ama sa’yo kaya ka niya biglaang sinundo,” sago

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 429

    CHAPTER 429“Teka po. P-Paano nyo nga po pala nalaman ang tungkol sa bagay na ito mom?” hindi na napigilan na tanong ni Rose sa kanyang ina ng bumitaw siya sa kanyang pagkakayakap dito.“Syempre maraming akong source. Kaya ko nalaman ang tungkol sa bagay na iyon,” nakangiti pa na sagot ni Anna sa kanyang anak.Pinanliitan naman ng mata ni Rose ang kanyang ina dahil para bang may kakaiba rito. Talagang nagtataka rin siya kung paano nito nalaman ang tungkol sa bagay na iyon gayong wala naman siyang ibang pinagsabihan non kundi ang kanyang mga kaibigan lamang.Natawa naman si Anna sa ginawa na iyon ng kanyang anak dahil alam niya na nagtataka ito kung bakit niya nalaman ang tungkol doon.“Hindi ko kasi sinasadya na marinig ang pinag uusapan ng mga boys,” tatawa tawa pa na sabi ni Anna. “At sakto naman na ang tinatanong ng mga kuya mo ay si Jeffrey. Kaya naman kinompronta ko na ang maswerteng lalaki na nagpatibok sa puso ng prinsesa ko. Mukha namang ayos siya at mukhang mapagkakatiwalaan

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status