Share

CHAPTER 52

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-05-10 14:14:36

CHAPTER 52

Pagkarating nga nila Jillian sa kanyang bahay ay saglit nga muna silang iniwan ni Jane dahil bibili nga raw muna ito ng makakain nila. Kaya naman naiwan nga si Jillian na kasama si April doon.

“Kumusta ka na nga pala? Ano na ang balita sa’yo? Mabuti at nakahanap ka kaagad ng pera para sa pagpapa-opera ng iyong ina,” tanong nga ni April kay Jillian at saka nga siya may kinuhang sobre sa kanyang bag. “Eto nga pala idagdag mo sa pera mo. Pasensya ka na kung maliit lang na halaga iyan,” dagdag pa nga niya sabay abot kay Jillian ng sobre na iyon.

Nagulat naman nga si Jillian sa inaabot sa kanya ni April.

“N-Naku wag na April. Alam ko na kailangan mo rin iyan. Okay lang naman ako at isa pa ay naoperahan na rin naman si nanay,” sagot naman ni Jillian at imiiling pa nga siya bilang pagtanggi nga sa binibigay nito.

“Sige na Jillian. Tanggapin mo na ito. Idagdag mo sa pera mo,” pagpupumilit nga ni April at kinuha pa nga niya ang isang kamay ni Jillian at sapilitan na inilagay sa kama
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 219

    CHAPTER 219Pinag isipan na kasing mabuti ni Louie ang tungkol sa bagay na ito at habang lumilipas nga ang mga araw na hindi siya kinikibo ng kanyang asawa at mga anak ay sobrang sakit para sa kanya noon kaya buo na ngayon ang loob niya na magdesisyon na isuko na lamang ang kanilang kumpanya para sa kanyang pamilya dahil wala na talagang mas hihigit pa sa pamilya dahil aanhin nga naman niya ang kumpanya niyang iyon kung masisira naman ang kanilang pamilya.“Pasensya ka na sa naging abala na ito sa’yo at ikaw na lamang sana ang bahala na magpaliwanag sa iyong anak,” sabi pa ni Louie.“Pero paano naman ang anak ko? Malaki na ang nagastos ko para sa kumpanya mong ito bilang kapalit na pakakasalan ng iyong anak ang aking anak. Paano na ito ngayon? Ang usapan ay usapan Mr. Villanueva at kung hindi ka tutupad sa ating pinag usapan ay mapipilitan ako na idemanda ka,” galit pa na sabi ni Miguel. "Bilang ama ay naiintindihan mo naman siguro ako na gagawin ko ang lahat para sa aking anak. Kaya

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 218

    CHAPTER 218Napatitig na lamang talaga si Miguel kay Camille at mukhang hindi na talaga magbabago pa ang isip nito. Talagang pursigido na ito na si Harold ang gusto nitong mapangasawa.“Okay fine,” sumusukong sagot ni Miguel sa kanyang anak at bahagya pa nga siyang tumango. “Kung yan na talaga ang gusto mong mangyari ay gagawa ako ng paraan para mahanap si Harold at maipakasal kayong dalawa. Pero anak ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa’yo na hindi ko kayang diktahan ang puso ni Harold. Hindi ko maipapangako sa’yo na magagawa ko siyang pilitin na mahalin ka. Kaya kong ipakasal kayong dalawa sa lalong madaling panahon pero hindi ko maipapangako sa’yo na mapipilit ko si Harold na mahalin ka. Kaya habang may panahon pa ay pag isipan mo na muna itong mabuti anak,” pagpapatuloy pa niya.Napabuntong hininga naman si Camille at saka niya seryosong tiningnan ang kanyang ama. “Basta ipakasal nyo lang po kami dad at ako na po ang bahala sa pagsasama naming dalawa. At alam ko na matututunan din

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 217

    CHAPTER 217Mabilis lang naman ang naging byahe ni Camille at agad na nga siyang nakarating sa kanilang bahay. Nagmamadali pa nga siyang pumasok sa loob at naabutan pa nga niya ang kanyang ama na nagpapabalik balik ng lakad sa kanilang sala.“Dad, ano pong gagawin ko? Nasaan na po kaya si Harold ngayon? Bakit po wala siya sa kanyang opisina at wala rin pong tao sa kanilang bahay?” sunod sunod naman na tanong ni Camille sa kanyang ama pagkalapit niya rito.“Dad, hindi ko po kayang mawala sa akin si Harold. Mahal na mahal ko po sya. Please dad do something,” sabi pa ni Camille at hindi na niya napigilan pa ang kanyang sarili at napayakap na nga siya sa kanyang ama habang siya ay umiiyak.Napabuntong hininga naman si Miguel dahil sa sinabi na iyon ng kanyang anak at parang dinudurog nga ang kanyang puso habang nakikita niyang umiiyak ito ng dahil lang sa isang lalaki na wala namang nararamdaman para rito.“Listen to me first, Camille,” sabi ni Miguel at agad naman na bumitaw si Camille s

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 216

    CHAPTER 216Kahit kasi naroon nga siya ay sinesend na lamang ng kanyang secretary sa kanyang email ang mga dokumento na kailangan niyang basahin kaya abala pa rin talaga siya. Gustuhin man sana niyang umuwi na ng Pinas ay hindi naman niya maiwan si Camille roon dahil sa baka nga kung ano pa ang gawin nito.“Sige po dad. Aalis na po ako,” sagot ni Camille at humalik pa nga muna siya sa pisngi ng kanyang ama bago siya tuluyang umalis.Napapailing na lamang talaga si Miguel habang nakatingin siya sa kanyang anak na papaalis na. Ngayon lang din kasi talaga niya ito nakita na ganon kahumaling sa isang lalaki at umabot pa sa punto na hiniling nito na ipagkasundo siya rito.Agad naman na umalis si Camille at hindi na nga maalis alis ang ngiti sa kanyang labi habang nasa daan nga siya papunta kila Harold. Naisip pa nga ni Camille na sa kumpanya muna ni Harold siya pupunta dahil baka nga naroon ang binata ngayon.Pagkababa ni Camille ng kanyang sasakyan ay agad na siyang dumiretso sa opisina n

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 215

    CHAPTER 215“Maraming salamat talaga sa inyo dahil kung wala siguro kayo rito ay hindi ko na talaga alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko na rin alam kung saan ako kukuha ng ipambabayad ko rito sa ospital dahil wala naman akong trabaho,” sabi pa ni nanay Leony.“Wag mo na ngang isipin pa ang tungkol sa bagay na iyan. Basta ang mahalaga ngayon ay gagaling na si Jillian at magiging maayos na sila ng mga apo natin. Wag ka ng mag isip pa ng kung ano ano dahil ang importante ngayon ay ayos na ang lahat ha,” nakangiti pa na sabi ni Shirley at saka niya hinawakan ang kamay ni Leony at bahagya pa nga niya iyong pinisil.“Ang mabuti pa ay kumain na muna tayo ng dala kong pagkain habang mainit init pa iyan. At wag na tayong mag isip pa ng kung ano ano ngayon. Think positive lang palagi dapat,” sabi pa ni Shirley dahil baka hindi na naman tumigil ang ina ni Jillian na magpasalamat ng magpasalamat sa kanila dahil sa tuwing napag uusapan nga nila ang tungkol sa bayarin ay wala na nga itong tigil

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 214

    CHAPTER 214Mabilis naman na lumipas ang mga araw at unti unti na nga na bumubuti ang lagay ni Jillian. Kahit papaano ay nakakaya na nito na walang nakakabit na oxygen pero nakaantabay pa rin naman ang private nurse na kinuha ni Harold para rito dahil alam naman niya na maselan pa rin ang lagay nito dahil sa pagbubuntis nito.Pinayagan na rin si Jillian na mailipat sa private room dahil meron na nga itong private nurse na magbabantay dito. Mas panatag din naman talaga ang loob ni Harold kapag may nurse na nakatutok kay Jillian dahil mas alam nga nito ang dapat gawin kapag nahirapan na huminga si Jillian.Masaya na rin naman sila nanay Leony dahil sa makakasama na nila muli si Jillian dahil ilang araw din nga na nagbabantay lang sila sa labas ng ICU at naghihintay lamang kung kelan sila maaaring pumasok sa loob.Habang nagpapahinga naman na si Jillian sa kanyang private room ay bigla namang may kumatok sa pinto kaya naman agad na nga itong binuksan ni Harold.“Mom!? Ano po ang ginagawa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status