Share

CHAPTER 67

Author: Anne
last update Last Updated: 2025-05-17 14:30:34

CHAPTER 67

Samantala naman matapos nga na makausap ni Harold ang dalaga sa cellphone ay bumalik na nga siya sa kanilang hapag-kainan para ipagpatuloy ang kanyang pagkain.

“Sino yung kausap mo? Mukhang importante yun dahil hindi ka na nakapaghintay pa at sinagot mo na kaagad ang tawag niya,” tanong na ni Louie kay Harold.

Dati kasi ay kahit na may tumatawag nga kay Harold ay hindi kaagad nito sinasagot kaya naman nagtataka nga siya dahil nag-excuse nga ito kaagad at nagmamadali nga na sinagot ang tawag na iyon.

“Ahm. Wala po yun dad. May importante lang po na sinabi kaya po sinagot ko kaagad,” sagot naman nga ni Harold at saka nga niya ipinagpatuloy ang kanyang pagkain.

Nagkatinginan naman nga ang mag-asawang Louie at Shirley dahil sa sinabi na iyon ng kanilang anak.

“Harold, maiba ako. Wala ka pa rin bang ipapakilala sa amin ng mommy mo na iyong nobya?” tanong pa nga ni Louie.

Bigla naman ngang natigilan si Harold at saka nga siya marahan na bumuntong hininga.

“Wala pa po dad. Pero
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Analyn Bermudez
thank you Ms A sa update...nku Harold wag kna magkaila sa nanay mo Sabihin mo ung bumabagabag sa isipan mo ...mukhang Hindi nmn matapobre pamilya ni Harold Ms A...
goodnovel comment avatar
Kulot Mo Leysa
hay mag pakilala kna kasi na ikaw at ang boss nya ai nag iisa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 181

    CHAPTER 181“Itigil mo na yang ginagawa mo Camille habang may respeto pa ako sa’yo at nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko na saktan ka,” gigil pa na sabi ni Harold.Tila nahihibang naman na tumawa si Camille habang dahan dahan niyang tinatanggal ang kanyang braso sa pagkakahawak ng binata. At nang tuluyan nga siyang mabitawan nito ay pinalandas nga niya ang kanyang daliri mula sa bibig nito patungo sa dibdib nito.“Kung sa kama mo naman ako sasaktan ay hinding hindi kita pipigilan baka nga ikalugod ko pa iyon, Harold,” tila nang aakit pa ang boses na sabi ni Camille.Natigilan naman bigla si Harold at para bang bigla siyang natuod sa kanyang kinauupuan. Napalunok pa nga siya ng kanyang sariling laway ng bigla ngang kumandong sa kanya si Camille.“Alam mo ba na matagal na kitang gusto kaso ay hindi mo naman ako pinapansin. Kaya heto… ako na lang gumawa ng paraan para naman mapansin mo na ako. Kaso masyado ka naman yatang mapili sa babae kasi hindi mo pa rin ako pinapansin kahit na

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 180

    CHAPTER 180Bigla naman natigilan si Louie dahil akala pa naman niya ay napapayag na niya si Miguel sa gusto niyang mangyari. Pero mukhang talagang gusto nitong pagbigyan ang anak nito. Pero sa kabilang banda ay naisip niya na ayos na rin yun kesa sa ipilit nito na mangyari na kaagad ang kasalan.“K-kung yan ang gusto mo ay sige… bigyan natin sila ng ilang buwan. Pero kapag wala talagang pagbabago at nanatiling ganon pa rin ang aking anak ay wag na natin itong ipilit pa. Pautay utay ay babayaran na lamang kita sa halaga na nagastos mo para sa aking kumpanya,” sagot naman ni Louie na halatang napipilitan na lamang.Dahan dahan naman na tumango si Miguel sa sinabi na iyon ni Louie. Sa totoo lang ay kaya siya nakipagkita rito dahil sa gusto na niya itong kausapin tungkol sa kasal ng kanyang anak na si Camille at sa anak nito na si Harold. Ayaw na kasi sana niyang pahirapan pa ang kanyang anak kung sa kasalan din naman ito matutuloy. Pero dahil nga sa mga sinabi na iyon ni Louie sa kanya

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 179

    CHAPTER 179Wala naman ng inaksaya pang oras si Louie at agad na siyang pumunta sa naturang restaurant. At habang nasa daan nga siya ay nagtatalo pa rin nga ang kanyang isip kung ano ba ang dapat niyang gawin.Gusto na kasi talaga niyang sundin ang sinasabi ng kanyang asawa pero naisip niya na paano naman niya mababayaran kaagad si Mr. Rodriguez gayong wala naman siyang ganong kalaking halaga para mabawi niya ang kanyang kumpanya. Kaya talagang gulong gulo ang kanyang utak ngayon kung ano ba talaga ang dapat niyang gawin.Pagkarating ni Louie sa naturang restaurant ay agad naman ng itinuro ng staff kung saan ang table nila at nadatnan na niya roon si Mr. Rodriguez na naghihintay sa kanya. Kaya naman isang malalim na buntong hininga na muna ang kanyang pinakawalan bago siya nagpasya na lumapit na rito.“Good afternoon, Mr. Rodriguez,” agad na bati ni Louie rito at saka niya inilahad ang kanyang kamay rito.“Good afternoon,” sagot din naman ni Miguela t saka niya tinanggap ang pakikipag

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 178

    CHAPTER 178“Hello Shirley! Kumusta kayo riyan ni Harold?” agad na tanong ni Louie pagkasagot niya sa tawag ng kanyang asawa at pilit pa niyang pinapasigla ang kanyang boses na para bang walang nangyayari.“Ayos lang naman kami rito ng anak mo kaya wag mo kaming alalahanin. Napatawag ako dahil ako ang dapat na mangamusta sa’yo. Kumusta? Nakausap mo na ba si Mr. Rodriguez? Nasabi mo na ba sa kanya na hindi na matutuloy ang usapan ninyo na ipapakasal mo si Harold sa kanyang anak?” seryoso naman na sagot ni Shirley mula sa kabilang linya.Mahigit isang buwan na rin kasi ang nakalipas simula ng umalis siya at binigyan pa niya talaga ng oras ang kanyang asawa para magkaroon ito ng pagkakataon na gawan ng paraan ang ginawa nitong problema. Kaya ngayon ay napatawag nga siya rito upang kumustahin na ang tungkol sa bagay na iyon.Bigla naman napalunok ng sarili niyang laway si Louie at laking pasalamat na lang talaga niya dahil hindi niya kaharap ngayon ang kanyang asawa dahil kung nagkataon a

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 177

    CHAPTER 177 Ilang minuto rin nga na nanatili roon si Jillian habang hawak ng isa niyang kamay ang kanyang dibdib dahil para bang bigla siyang nahirapan na huminga kaya naman pinakalma na rin muna niya ang kanyang sarili dahil wala siyang mahingan ng tulong dahil wala ngang dumaraan na mga empleyado roon dahil ang floor na iyon ay para lang nga sa kanilang boss.Nang maramdaman ni Jillian na medyo ayos na ang kanyang paghinga ay dahan dahan nga siyang tumayo ng tuwid at isang malalim na buntong hininga pa nga ang kanyang pinakawalan at naipikit pa nga niya ng nariin ang kanyang mata.Hindi talaga niya akalain na darating sa punto na aalukin siya ng ama ni Harold ng pera para lamang layuan niya ito. Sobrang durog na durog pa nga sita ngayon dahil bukod sa hindi na nga niya kasama si Harold ay ganoon pa ang trato ng ama nito sa kanya.At kahit nga medyo nanghihina pa ang tuhod n8 Jillian ay pinilit na niya ang kanyang sarili na makabalik sa kanilang department para makaupo siya ng maayo

  • My Boss is Obsessed with me   CHAPTER 176

    CHAPTER 176“Oo… pinatawag kita dahil gusto sana kitang makausap ng masinsinan,” seryoso naman na sagot ni Louie kay Jillian at umayos pa nga ito ng kanyang pagkakaupo.Napalunok naman ng sarili niyang laway si Jillian at hindi nga niya magawang salubungin ang nagbabagang tingin sa kanya ng ama ni Harold.“A-ano pong gusto ninyong pag usapan natin, sir? K-kung tungkol po ito kay Harold ay wala na po talaga akong balita pa sa kanya at hindi ko po alam kung nasaan na ba siya ngayon,” sagot ni Jillian.“Mabuti naman kung ganon. Nabanggit mo na rin naman ang tungkol kay Harold ay sige simulan na natin ang usapan na ito para matapos na kaagad tayo,” sagot ni Louie at pinaupo na rin muna niya si Jillian sa katapat niyang upuan.Nanatili naman na walang imik si Jillian at sobrang kaba na talaga ang nararamdaman niya ngayon dahil wala talaga siyang ideya kung bakit siya gustong kausapin ng ama ni Harold gayong wala na nga silang komunikasyon ni Harold.“Alam ko na hindi ka magpapatalo at ipag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status