Home / Romance / My Boss is a Bastard Maniac / KABANATA 2: ARE YOU FOLLOWING ME?

Share

KABANATA 2: ARE YOU FOLLOWING ME?

last update publish date: 2026-05-09 17:37:05

Nian’s POV

"Uncle."

Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig.

May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila.

"Nagdala ka pala ng babae. I'm sorry to disturb you both," mapaglarong ngumisi ang matandang lalaki.

"You've got it wrong, uncle. I think this woman is yours, she mistakenly thought I was you," sabi ng katabi ko, gamit ang malamig at baritonong boses.

Parang may tensyon sa dalawa.

"Oh." Humalakhak ang matandang lalaki. "Tumatanda na nga ako, nakalimutan ko ang usapan namin ni Darla."

"Thank you for letting me borrow the room. I'm leaving," paalam ng lalaki.

Akma sana siyang maglalakad na nang hinila ko ang kamay niya. Hindi siya pwedeng umalis na walang bayad. First kiss ko iyon kaya hindi ako papayag na wala akong makukuha.

Mukhang napakayaman naman niya, maibibigay niya naman siguro ang hihilingin ko.

"What?" iritado niyang tanong. Inalis niya ang kamay ko sa braso niya.

"Ten thousand para sa kiss." Inilahad ko ang aking palad.

Narinig ko ang malakas na halakhak ng matanda. Hindi ko alam kung anong nakakatawa. Malamig ang tingin ng lalaki sa akin, akala mo ay hindi nasarapan kanina sa halikan namin.

Edi sana tinulak na lang ako kanina kaysa patulan!

"You're cheap then."

Cheap pala ha.

"Fifty thousand," dagdag ko.

Tiningnan niya ang palad ko at walang ano-ano ay tumalikod.

"Aba!"

Susunod na sana ako nang magsalita ang matanda.

"Ako na ang magbabayad."

Kumalma ako sa narinig. Sayang ang naipong lakas ng loob ko kanina kung walang bayad iyon. Sa panahon ngayon, wala nang libre. Mahirap maghanap ng pera, kahit kiss lang iyon kailangan niyang magbigay.

"Okay lang po ba kahit na hindi kayo ang—"

"It's fine," putol niya sa sasabihin ko.

Naglabas siya ng makapal na pera sa wallet at inilagay sa palad ko, hindi niya iyon binilang.

Kuminang ang mga mata ko. Ngayon lamang ako nakahawak ng ganito karaming pera. Mangha kong binilang iyon, may sobra pa ang bigay niya.

"I can give you more than that."

"Naku, malaki na po ito. Salamat."

Swerte ko naman...

Maaga akong nagising kinabukasan. Naabutan ko si Darla na umiinom ng kape. Nakapag-isip-isip ako kaninang madaling araw na huwag na lamang tumuloy.

Malaki naman ang binigay nung matanda, maghahanap na lamang ako ng ibang trabaho.

"Ang aga mong nagising." Ngumisi si Darla sa akin. "Kamusta ang pempem mo?"

Wala, hindi ako natira. Kiss lang yung kagabi.

"Hindi na po ako magpapatuloy."

"Bakit?" takang tanong niya."Kulang ba ang ibinayad sa iyo? Sabihin mo at kakausapin ko para dagdagan niya."

"Hindi naman po dahil doon, at tsaka sobra naman po yung binigay. Malaking dagdag na iyon, maghahanap na lang po ako ng ibang trabaho."

Pagkatapos kong makipag-usap, inayos ko na ang mga gamit ko at umuwi. Takang-taka si mama, akala niya ay matatagalan ako. Hindi ko tuloy maiwasang ma-guilty kasi iba ang ipinaalam ko sa kanyang rason.

Nag-abot ako sa kanya ng pera para sa pambili ng gamot at allowance ni Nani. Hinati ko ang pera, itinabi ko ang iba. Buti na lang at hindi siya nagtanong kung saan ko iyon nakuha. Naku, baka lumabas ang pagiging dragon niya kapag nalaman kung saan galing iyon.

"Salamat, anak. Kung hindi lang ako sakitin at nanghihina tutulungan kitang magtrabaho."

"Nay, okay lang po. Magpahinga ka, ako ang bahala sa lahat," saad ko. "Kaya ko ito," masiglang sabi ko.

Kayo lang lakas ko. Gagawin ko ang lahat para maibigay ko ang buhay na maginhawa. Mahirap pero okay lang, para sa kanila naman.

Hindi ako nag-sayang ng oras. Lumabas ako para maghanap ng trabaho. Dala ko ang mga requirements para makapag-apply.

At sa huli, nabigo ako.

Laglag ang dalawang balikat na umupo sa bench. Sumandal ako para makapagpahinga. Hindi ako pasado, ang iba naman ay punuan na kaya hindi na tumatanggap.

Masarap ang malamig na hangin dito sa parke, nakaramdam ako ng ginhawa. Pinapanood ko ang mga batang masayang naglalaro at nagtatakbuhan. Nasa gilid naman ang mga magulang nila, binabantayan ang mga anak.

"Are you following me?"

Napalingon ako sa pamilyar na boses galing sa gilid ko. Tinaasan ko siya ng kilay, ang kapal naman ng mukha niya para isiping sinusundan ko siya.

Naka-simpleng puting t-shirt lang siya na lapat na lapat sa malapad niyang balikat at shorts. Kahit ganoon lang ang suot niya ay masasabi pa ring mayaman siya.

May suot siyang gold na kuwintas at mukhang mamahaling relo sa kamay.

Umayos ako ng pagkakaupo at pinakita ang busangot kong mukha.

"Ikaw ang biglang sumulpot dito tapos sasabihin mong sinusundan kita?"

"You're completely a mess," puna niya sa itsura ko.

Alam ko. Kanina pa akong lagkit na lagkit sa sarili dahil sa pawis.

Umupo siya sa tabi ko, nasinghot ko ang matapang niyang pabango. Gumilid ako, nahihiyang baka hindi nakakatuwa ang amoy ko.

Buti naman at hindi na siya nagsalita pa, gusto kong magpahinga. Puyat ako at ngayo'y pagod na pagod.

Tahimik kaming nanonood sa mga bata. Siguro ay may anak siyang binabantayan.

At kung may anak man siya, edi may asawa rin? Lagot na! Mukhang makakalbo ata ako nang wala sa oras.

Tumikhim ako, tiningnan ko ang katabi para sana tanungin kung meron. Kaso bumaba ang mga mata ko sa kanyang labi, alam kong malambot iyon dahil nahalikan ko kagabi at madaling nasugatan dahil sa suntok na pinakawalan ko sa kanya.

Napakagat ako sa labi nang maramdamang tumigas ang u***g ko. Naaalala ko kasi kung paano niya iyon pisilin kagabi. Kalma, Nian! Hindi ka naman ganito dati ah?

"Gusto mo bang umulit?" biglaang sabi niya.

Namula ako at agad na umiwas. Pilit pinapakalma ang sarili. May kung ano kasing nagwawala. Ito ba yung sinasabi nilang kapag natikman mo ay hahanap-hanapin na?

"Asa ka." Nagkunwari akong nauubo.

"How did your night go with my uncle?"

"Wala, walang nangyari sa amin kagabi."

"Good thing, hindi ka nga marunong humalik, sa kama pa kaya. Hindi ka nababagay sa ganoong trabaho," aniya. "You are paid to satisfy men, yet I'm certain you can't."

"Oo na, hindi na ako marunong. Hindi naman na ako babalik."

"Do you want me to teach you, then?"

"Bastos."

"What? It’s a win-win for you. I’m pretty good in bed, you know."

Wow, parang kagabi lang ay nandidiri siya sa akin. Muntik pa akong ihulog sa bintana. Tumaas tuloy ang mga balahibo ko nang maalala ang pangyayaring iyon.

"Wala akong pake. Hindi ako interesado."

"Nakikita mo ang batang iyon? Dahil sa galing ko, nabuo siya."

Takte, may anak nga.

"Alam mo, may anak ka na nga, napakalandi mo pa rin. Sana mamatay na ang mga tulad mo para maiwasan," naiiritang saad ko.

Tumawa siya. Mana ata sa uncle na tumatawa kahit wala namang nakakatawa.

"Daddy!" sigaw ng isang bata habang tumatakbo papunta sa amin. Masaya ang mukha at tuwang-tuwa.

Kinarga siya ni Zacharias at pinaupo sa kanyang hita.

"Pagod ka na ba?" tanong niya sa anak.

"I want juice."

Nilingon ako ni Zacharias. Pinagtaasan ko ulit siya ng kilay. Naglabas siya ng wallet at kumuha ng isang libo. Inilahad niya iyon sa akin.

"Oh bakit?" takang tanong ko.

"Buy some juice."

Ang kapal. Gagawin pa akong utusan?

"Bakit ako?"

"Iyo na ang sukli."

Inagaw ko agad ang perang hawak niya. Easy money.

"Okay, wait niyo ako."

"Leave your bag, just to make sure you'll come back."

Sinunod ko ang utos niya. Mas malaking pera naman ang hawak ko kaysa sa perang nasa bag ko. Patakbo akong umalis doon at naghanap ng mapagbibilhan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 82: FINDING ZARIUS

    Nian's POV Hindi ko na alam kung saan pa ako lulugar o kung paano ko hihinga sa sobrang takot. Hanggang ngayon, wala pa ring magandang balita tungkol kay Zarius. Oras na ang lumipas pero tila bula na naglaho ang van at ang nag-iisa kong anak. Paulit-ulit kong binabasa ang mga huling text message at notification sa telepono ko, umaasang kahit papaano ay may magpadala ng mensahe na nagsasabing ligtas siya, pero puro pagkabigo at walang kasiguraduhan ang sumasalubong sa akin.​Nanginginig nang husto ang mga kamay ko habang mahigpit na nakahawak sa isang tasa ng mainit na kape na kanina pa lumalamig. Wala na akong ganang kumain o uminom; ang tanging laman ng isip ko ay ang kalagayan ng anak ko ngayon. Natatakot ba siya? Nilalamig kaya siya? Sino ba kumuha sa kaniya at bakit kailangang idamay ang isang inosenteng bata?​"Nian, kailangan nating lumipat ng lugar," seryosong wika ni Zacharias habang abala sa pag-aayos ng ilang mahahalagang gamit sa kaniyang sasakyan.​Nagtaka ako at napaanga

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 81: VAN

    Nian's POV​"Ang ganda niyan, sir. Magugustuhan talaga ng asawa mo."​Tinutulungan ko ang kapapasok na customer namin na namimili ng bulaklak para sa kaniyang maybahay. Siya na rin ang huling customer na pinapasok ko dahil malapit na mag-alas-sais ng gabi at isasara ko na ang shop.​"Sige, miss. Sana nga magustuhan niya, nagtatampo kasi sa akin," malungkot na saad niya.​"Sige—"​"Ate!"​Napalingon ako nang malakas sa sigaw na nagmula sa labas. Agad akong tumakbo palabas dahil alam kong si Nani iyon.​Nakaluhod siya sa salsada at humahagulhol habang nanginginig. Nag-aalala akong lumapit at dinaluhan siya.​"Bakit, Nani? Anong nangyari?" nagpapanik kong tanong, habang nagsisimulang kabigin ng kaba ang dibdib ko.​"A-ate, si Zarius... kinuha!" umiiyak niyang saad.​Kumabog nang paglakas-lakas ang dibdib ko sa narinig. Parang nawalan ako ng hangin sa lalamunan.​"H-huh? Sinong kumuha? Anong nakuha?!" nanginginig at nagpapanik kong tanong habang inaalog siya.​"Ate, kinuha siya ng nakatab

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 80: FLOWER

    Nian's POVNakasunod lamang ako sa kaniya habang pumipili siya ng bulaklak. Parang pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ang pipiliin.​Mukhang espesyal na tao ang pagbibigyan niya. Sino naman kaya 'yon? Bakit kailangan pagalawin ang utak ng isang Zacharias para lang sa bulaklak? Bigla akong nakaramdam ng kaunting kurot at inis sa dibdib ko.​Sino 'yong babae? May bago na ba siya?​Dati sarap na sarap siya sa bulaklak ko, ngayon mukhang may bibilhan na siyang iba. Napairap ako sa hangin habang nakatingin sa likod niya. Kainis.​"I can't pick," aniya at nilingon ako.​"Bakit?"​"Do you have any recommendations?"​Tumikhim ako at pinilit na maging propesyunal kahit na kinakain na ako ng selos sa loob-loob ko. Tiningnan ko ang mga bouquet. "'Yang mga red roses, fresh pa," malamig kong sambit. Baka sakaling nababagay 'yan sa bago niyang kalandian.​"Do you love roses?" he asked.​Teka, ako ba pagbibigyan niya?​Biglang nagbago ang ikot ng mundo ko. Parang biglang napawi ang inis at pinalit

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 79: ACCOUNT

    Nian's POV​Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang boses ni Zachu. Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang sinabi niyang hindi niya ako kilala.​Hindi ako makaisip ng magandang gawin. Gusto kong bumawi pero paano?​I dialed Zacharias' phone number. Kailangan ko siyang makausap. Tinatanggap ko nang mahihirapan akong iwasan siya.​"I didn't expect you to call me first..."​"May number ka ba ni Zachu?" agad na tanong ko.​"I don't have. Why?"​Anong klaseng ama 'to? Number ng anak ay wala siya.​"Sige, ibababa ko na—"​"Check his social media," putol niya sa sasabihin ko.​"Zachu Viglianco ba?" tanong ko habang sinisimulan nang hanapin ang account niya. Kaso walang lumabas, niloloko ata ako ng isang 'to. "Wala naman!"​"Chill, ang init ng ulo mo kaagad. What's your account?"​"Bakit?"​"I'll add you so that I can share his account link," aniya.​"Nian Nian," napipilitang saad ko. Gumagawa lang ata ng paraan ang mokong para makita din ang account ko.​Agad na nag-pop sa

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 78: ZACHU

    Nian's POV​Pinipigilan ko ang sariling iuwi ang mga sariwang flowers na nakadisplay sa flower shop ko. Ang gaganda kasi ng disenyo dahil magaling ang mga nag-ayos niyon.​Salamat sa magandang gawa nila kaya maraming nagtitiwala sa produkto namin.​"Ma'am, may naghihintay po sa inyo sa labas."​Naabala ang pagtingin ko sa mga bulaklak dahil sa narinig at kuryosong tumanaw sa glass wall para silipin kung sino iyon.​Shit talaga ng lalaking 'to, anong ginagawa niya rito?​Napahawak ako sa batok at napilitang lumabas at harapin siya. Sabi na, hindi talaga coincidence ang muli namin pagkikita. Anong balak niya? Makaisa ulit at dagdagan si Zariuz? Asa siya.​Hindi ko na nga sinasagot ang text niya, pinuntahan pa talaga ako rito.​Nakasandal siya sa kaniyang magarang kotse at nakapamulsa. Marami tuloy ang napapalingon sa kaniya dahil sa kakaibang pormahan, na para bang model na naghihintay na makuhaan.​Sana nga 'yan lang ang mamanahin ng anak ko sa 'yo. Baka sumakit lalo ang ulo ko kapag n

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 77: CHEAT

    Nian's POV​Nakahinga lamang ako nang maluwag nang makarating na kami sa bahay. Sumama si Zacharias sa amin kahit na hindi naman na kailangan.​Ngayon alam niya na kung saan kami nakatira.​Ano naman, Nian? Hindi naman ikaw ang sadya niya rito.​Nauna na si Zariuz sa loob.​"Call me if you need anything," panimula niya.​Umiling ako at pinilit ngumiti. "Okay na kami, kaya wala ka nang alalahanin pa."​"I guess it's a goodbye then."​"Mmm."​Tumalikod na ako pero bago pa man makahakbang, nagsalita si Zacharias sa likod ko.​"Did you cheat on me?"​Huh?​Lito akong napalingon sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ako? Ako pa talaga ang nag-cheat? At isa pa, hindi naman naging kami kaya siya lang ang cheater.​"What are you saying?"​"Never mind."​"Kapal ng mukha," bulong ko.​"What did you just say?"​"Wala, umalis ka na. Ingat," mabilis na saad ko at pumasok na ng bahay.​Sumandal ako sa likod ng pintuan habang hawak ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok. Nang makabaw

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 5:

    Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya.

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 4:

    Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumu

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 3:

    Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito,

  • My Boss is a Bastard Maniac   KABANATA 1:

    DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Nian's POV Sa buong b

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status