로그인Nian’s POV
Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumunod ako sa kanya, umakyat kami sa engrandeng hagdanan na nasa gitna. "Mahirap ang trabaho mo. Kailangan mong bantayan nang maigi ang anak ni sir. Isang kamali mo lang, tatanggalin ka na niya agad." "Masungit ba?" tanong ko. "Hindi lang masungit, nakakatakot siya. Sa fiancé niya lang ata nilalabas ang kabaitan niya," sagot ni Mira. Ah, sa fiancé niyang cheater. Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. "Dito ang office niya. Ayusin mo ang mga sagot mo," paalala niya. "Maiwan na ulit kita, chismisan tayo kapag may time tayo ha!" Pagkaalis niya, kumatok na ako sa pintuan. Inulit ko pa nang tatlong beses at medyo nilakasan, baka kasi hindi marinig. "Come in," utos ng nasa loob. Binuksan ko ang pinto at dahan-dahan kong isinara iyon pagkapasok. Agad na yumakap sa aking balat ang lamig. Para akong nasa loob ng ref. Malamig sa labas, doble pa ang lamig dito. Next time na papasok ako, magdadala ako ng jacket. Nakaupo sa swivel chair si Zacharias. Nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa akin. Ang gwapo ng itsura niya ngayon, mala-mafia ang dating. Lutang na lutang ang tikas niya sa suot na charcoal suit. Naglakad ako palapit habang pinagmamasdan ang malawak niyang office. May mga paintings sa pader, may couch din na para siguro sa mga bisita. "Maasahan ba kitang maaalagaan mo ang anak ko?" "O-oo. M-makakaasa k-kayong s-safe na safe ang a-anak niyo." "Why are you stuttering? I can barely hear you. Come closer," utos niya. Para akong si Anna na nabalutan ng yelo ang damit na naglakad at pumunta sa tabi niya. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya, mukhang nadisapunto. Sabi come closer, edi lalapit. "Bzzzzz. Z-zacharias, a-anlamig," nanginginig kong sabi. "P-pwede bang h-hinaan mo ang aircon m-mo?" Kinuha niya ang isang maliit na remote sa table niya, may pinindot siya roon. Humina ang lamig sa loob kaya medyo nawala na ang panginginig ko. "Alam mo ba kung ano ang mga gagawin mo—" "Oo naman, ako ang magbabantay sa kanya twenty-four-seven, itututok ko lagi ang mga mata ko kay Zachu, hindi ko hahayaang mawala siya sa paningin ko," mabilis kong sabi. "Make sure you do. I’m entrusting my son to you. If anything happens to him, you will answer to me," he glared. Grabe naman. Nananakot? "Huwag kang mag-alala, Zacharias. Nasa tamang kamay ang anak mo kapag ako ang mag-aalaga." Bumukas bigla ang pintuan. Nakabusangot ang mukha ng babaeng iniluwal niyon. Nakasuot ng kulay pulang dress, pati ang heels na suot ay kulay pula rin. Yung fiancé niya! Siya yung babae kahapon na may kausap na lalaki. Nag-isip ako kung ano ang magandang gawin. One, two, three, action! Nagkunwari akong nahihilo at sinadyang mapaupo sa hita ni Zacharias. Mabilis naman niyang sinalo ang likod ko gamit ang kamay niya. Umarte akong masakit ang ulo, at pumikit-pikit. Para ito kay Zachu. Ipaghihiganti kita sa stepmother mong bad at manloloko. Pagseselosin ang cheater na 'to. "Hey, are you okay?" "Umm." Umayos ako nang upo. Nagpapanggap at humawak sa ulo sabay pasimpleng sumandal sa braso niya. Shet, ang bango niya! Mukhang alam ko na ang next na kukunin kong trabaho. Maging artista! "Nahihilo ako," maarte at pabebeng saad ko. "'Yan ba ang kukunin mong babysitter ni Zachu?" inis na sabi ng babae. Nilingon ko siya, masama ang tingin sa akin. Hindi na maitago ang selos sa kanyang mukha, sumakses. In fairness, maganda siya. Kaya siguro nabaliw si Zacharias sa kanya. Pero teka... May kung anong tumigas sa pwetan ko. Pasimple kong kinurot ang braso ni Zacharias at binalaan gamit ang masamang titig ko. Tinaasan niya ako ng kilay, may multong ngiti sa labi. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang pasimpleng pagtusok ng dambuhalang sawa na naupuan ko. Napabalikwas ako. "O-okay na ako." Umayos ako nang tayo. Grabe, manyakis! Parang wala sa harap ang fiancé niya ah? "You didn't tell me that you're coming." "Ganyan ba ang ibabati mo sa akin?" galit na tanong ng babae, may halong pagtatampo sa boses. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Zacharias. Tumayo siya at lumapit sa kanyang fiancé. Napairap ako nang makitang hinalikan niya ang noo. Bagay sila, cheater yung isa tas si Zacharias naman ay manyakis na malandi. "I'm sorry." "Bakit hindi ko alam?" "Alin?" "Na may balak ka palang kumuha ng babysitter ni Zachu? Sana hinayaan mo na lang na ako ang maghanap," saad ng fiancé niya. "Hindi sa kung saan-saan ka na lang pumupulot, baka mamaya may sakit pala 'yan, mahawaan pa ang anak natin." Natin daw, sus. Ni ayaw nga ni Zachu sa iyo! Tas ano sabi? Baka may sakit akong nakakahawa? "For your information po, malinis ako. Hindi tulad ng iba diyan, bait-baitan, tapos nagmamilinis," parinig ko sabay tingin sa ceiling. "You may go now," nilingon ako ni Zacharias. Agad akong gumalaw at naglakad, pinanood ako ng babae. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa kaya naparampa tuloy ako sabay tinaasan siya nang kilay. Mas sexy ako sa iyo no! Pagkalabas sa office ni Zacharias, bumaba na agad ako. Napagpasyahan kong maglakad-lakad sa labas para naman makabisado ko ang lugar. Pumunta ako sa likod, mas malawak ang garden dito kumpara sa nadaanan namin kanina sa harap. Nakaayos nang mabuti ang mga tanim na bulaklak. "Nian!" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. Si Zachu, kumakaway sa akin. Nasa duyan siya at may kasamang matanda. Ang uncle ni Zacharias. Kinakabahan akong naglakad palapit sa kanila. Nakatitig sa akin ang matanda, napatingin din sa uniporme ko. "Hello po," bati ko. "You look good with that uniform." "Thank you po, sir." "Lolo daddy, she's what I've been telling to you who will help me get rid of my step mom." Napapikit ako. Nakakahiya... "Ah, sabi niya kasi bad ang step mom niya kaya nagpresinta akong tulungan siya." Hindi ko na dinugtungan ang sinabi ko. Ayokong ipagsabi kung ano ang narinig ko kahapon sa usapan ng fiancé ni Zacharias at sa lalaki. "Marunong kang pumili ng nanny, Zachu." Hinaplos niya ang buhok ng bata. "I have work to do, I need to go now. Your nanny is here, huwag mo siyang papagurin." "Okay po." "Take care of my son." "I will," sabi ko, may ngiti sa labi. Taray, marunong na pala ako mag-Ingles. Tumango siya at naglakad na paalis. Para akong naghabol ng hininga pagkakitang malayo na siya, nakakakaba kasi. Malakas ang dating niya. "Nian, where's daddy?" tanong ni Zachu. "Nasa office, kasama niya ang stepmom mo," sagot ko, kitang-kita ko kung paano bumusangot ang kanyang mukha. Baka masundan ka Zachu, matigas ang sawa, kaya posibleng may nagaganap na sa loob.Nian's POV Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang damit. Tinapangan ko ang sarili kong halughugin pa ang tray, at halos karamihan ay naligo na sa dugo ang mga laman. "May meron pa rito." Nagulantang ako nang marinig ang boses ni Zacharias. Nilingon ko siya at nakitang hawak niya ang suot niyang polo shirt kahapon—duguan din. Kalma, Nian, paalala ko sa sarili. "Nian," tawag niya kaya napabalik ako sa wisyo. "S-sir?" "Why are you stuttering?" "Wala po... akin na 'yan, ako na ang bahala," kinuha ko sa kanya ang hawak niya. Nakita ko ang mapanuksong ngiti niya, mukhang natutuwa siya sa reaksyon ko. Nakipagtitigan ako sa kanya habang namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung anong klaseng tao siya. Ngayon ko lamang napagtanto na mapanganib siya at kailangan kong umiwas para sa sariliko kong kapakanan. Gusto ko siyang murahin. Kung hindi lang talaga ako alipin ng pera, hindi ako papayag na tratuhin niya ako nang ganito. "Sir Zacharias!" Lumapit si
Nian's POV Hindi ko pa kilala nang lubusan si Zacharias, pero may pakiramdam na akong delikadong tao siya at mapapahamak ang mga taong malapit sa kanya. Siya ang totoong sadya ng mga dumukot sa akin—si Cherry na malapit sa kanya ang plano nilang gamitin para makuha ang atensyon niya, pero ako ang naging pain. At ang pinakakinakatakutan ko... kaya niyang pumatay. Sinabi niya mismo, at maging si Zachu ay kinumpirmang pinatay niya ang tatlong 'yon. Kung ganoon, may alam siguro si Zachu sa totoong katauhan ng kanyang ama at kung ano ang mga kaya nitong gawin. "Woi! Ang lalim ng iniisip mo, ah." Bahagya akong nagulat sa malakas na boses ni Rein na nasa tabi ko na pala. Nakasandal ako sa posteng may ilaw—dito ako laging tumatambay tuwing gabi kapag marami akong iniisip. "Ikaw na naman? Lagi ka na lang istorbo," reklamo ko. "Iniisip mo bang mag-resign?" "Tapusin ko lang ang buwan na ito, magre-resign na ako," diretso kong sagot. Hindi ako makatulog sa gabi dahil sa nangyari. Iniisip
Nian's POVNahihirapan akong imulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa kisame. Hindi na matigas na sahig ang aking hinihigaan kundi isang malambot na kama.Taka kong pinagmasdan ang paligid. Yumaman yata ang mga kidnapper ko. Kung kanina ay abandonadong gusali, ngayon ay nasa loob na ako ng isang modernong kwarto.In fairness, malamig. Mukhang big-time ang mga kidnapper ko, naka-aircon. Nagka-budget ba sila bigla?Bumukas ang pintuan at pumasok si Zachu na mugto ang mga mata. Bahagya siyang nagulat nang makita akong gising, at mabilis na tumakbo palapit sa akin."Nian! I'm glad you're awake!" Niyakap niya ako nang napakahigpit."Bakit nandito ka?" takang tanong ko. "Na-kidnap ka rin ba?" nag-aalala kong dagdag."They're gone," pinunasan niya ang kanyang mga luha."Sino?""The kidnappers are gone. All dead... they deserve it!""Ha? Paano?" naguguluhan kong tanong. "Nasaan sila?""I already told you, they're all dead," nawawalan ng pasensyang sagot ni Zachu."Bakit?"
Nian's POVAt dahil sumipot ang hipokritang iyon, pupuntahan ko na lang ang pamilya ko. Sana nga nasa bahay sila. Ilang araw pa lamang na hindi ko nakikita si Mama at ang kapatid ko, nakakaramdam na ako ng pangungulila.Gusto kong ikwento lahat ang mga ganap sa mansyon, maliban sa kamanyakan ng amo ko. Baka sugurin ni Mama, naku! Wag na lang.Naghintay ako sa isang waiting shed ng maaaring masakayan papunta sa amin. May dahan-dahang dumaang itim na van sa harapan ko hanggang sa huminto iyon at bumukas ang pintuan.Napaatras ako nang makita ang dalawang lalaking lumabas na may takip sa mukha. Hinila ako ng isa. Napasigaw ako sa gulat pero hindi nagtagal ang ingay sa bunganga ko dahil tinakpan iyon ng panyo.Nagkukumahog akong kumawala sa kanila pero masyadong mahigpit ang hawak sa akin—malalaki rin ang katawan nila. Matagumpay nila akong naipasok sa loob at isinara ang pintuan ng van bago iyon mabilis na umandar."Mmm!""Takpan mo ang mata niya."Piniringan ang mga mata ko. Nahihilo ak
Nian's POV Tatlong sasakyan ang sumama sa amin, isa sa harap at dalawa sa likod na sumusunod kaya naman agaw-pansin ang pagdating namin sa paaralan ni Zachu. Naglahad ng kamay si Zacharias mula sa labas ng kotseng sinakyan namin, tinanggap ko naman iyon. Nagpapanggap kaming mag-asawa, kaya dapat lang na makisabay ako sa trip ng mokong na 'to. Gusto kong mapasaya si Zachu at mas maganahan siya sa event nila. Nakatingin ang mga nasa labas sa amin, yayamanin din ang kasuotan ng iba. Pero sa tingin ko'y walang makakatalo sa dating ng katabi ko. Napakagwapo ba naman at matikas. "Pasok na tayo, baka nagsimula na," bulong ko sa katabi. "Should I just build my own school?" nakatingin siya sa paaralan. "Tsk. Tara na nga sa loob," hinila ko siya papasok sa gate. Nauna akong maglakad dahil kabisado ko naman kung saan ang room ni Zachu. "It's Mr. Viglianco!" "Omg, ang gwapo niya!" Nagsimulang magbulungan ang paligid. "I heard his son was studying here." "Is that his fiancée?" "Not su
Nian's POV Nasa loob na kami ng school ni Zachu. Kanina ko pa siya napapansing inililibot ang tingin sa paligid. Alam kong naiinggit siya sa mga batang may kasamang mga magulang. Walang kwenta ba naman kasi si Zacharias. Chineck ko ang oras sa selpon ko, alas siyete pa lamang. Mamayang 8:30 magsisimula ang event nila kaya wala pang masyadong tao. Sasali siya sa pagkanta at pagguhit. Pumayag din akong maging mama niya kunwari, ano pang magagawa ko. "Sorry, Zachu," malungkot kong sabi. "Why?" taka niyang tanong. "Hindi ko napapayag ang Daddy mo na umattend." "It's okay," nakangiti niyang sambit, pero alam kong malungkot siya kapag tiningnan mo nang mabuti ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang bag at inilabas ang mga gamit. "I think I forgot my mechanical pencil." "Baka naman nakasuksok lang diyan," sabi ko at tinulungan siyang tingnan ang lapis sa kanyang bag. "It's not here. Can you get it from my room? I think I forgot to put my mechanical pencil in my bag." "Bibili
Nian's POV"Bitawan mo nga ako," utos ko pagkatapos kabisaduhin ang bawat anggulo ng mukha niya.Ibinaba niya ang kamay ko, pero bago niya tuluyang bitawan ay mabilis niya itong idiniin sa kanyang dibdib. Namula ako at agad na umiwas ng tren—este, ng tingin. Sheet of paper! Tama nga ako, matigas at
Nian's POV "What is that?" "Aso," proud kong ipinakita ang ginuhit ko kay Zachu. Nasa garden kami, may maliit na lamesa at upuan na pinapalibutan ng mga bulaklak at iba pang halaman. Sariwa rin ang hangin. "I think it's a cow." "Aso 'to, Zachu. Tingnan mo kasi nang maayos." "It's too big
Nian’s POV"Uncle."Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig. May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila."Nagdala ka pala ng babae. I'
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Nian's POV Sa buong b







