INICIAR SESIÓNNian’s POV
"Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya. "Pupunta iyon," paninigurado ko. "Dad never attends any school activities. He's always too busy," malungkot niyang dagdag. Tama siya. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Zacharias, parang nakakulong na lang lagi sa opisina niya. Ang huling usapan namin ay noong araw na dumating ang kanyang fiancé. "Don't worry, I'll try to encourage him." Hinaplos ko ang kanyang ulo para patahanin ang loob niya. "Really? Can you act as my mom, too?" Natawa ako at napailing. "Hindi pwede, meron naman ang stepmom mo—" "No, she's too maarte. I won't enjoy the event if she's there," putol niya sa akin. "Pag-iisipan ko," nakangiti kong sagot. Pinagbuksan kami ng driver, pinauna kong pinapasok si Zachu sa kotse bago ako. Nang makarating sa mansyon, iniwan at pinagpahinga ko muna si Zachu sa kanyang kwarto bago ko siya tulungan sa kanyang homework. Dahil nasa ikalawang palapag ang kwarto niya, nadaanan ko muli ang opisina ni Zacharias. Lumapit ako roon at kumatok. Walang sumasagot. Inulit ko pa iyon nang limang beses, pero tahimik pa rin. Baka wala siya? "Nian, anong ginagawa mo?" Boses iyon ni Kim, isa sa mga kasambahay dito. Mukhang natataranta siya. "Kumakatok, bakit?" takang tanong ko. "Naku, Nian! Hindi ka pwedeng kumatok o pumasok diyan nang hindi ka pinapatawag ni Sir," kinakabahan niyang bulong. "Ayaw niyang naiistorbo siya. Gusto mo bang mawalan agad ng trabaho?" "Ganoon ba?" "Halika na, bumaba na tayo!" Hinila ni Kim ang kamay ko, pero bago pa kami makahakbang paalis, biglang bumukas ang pinto. Ramdam ko ang panginginig ng kamay ni Kim na nakahawak sa akin. Nilingon namin ang pinto. Doon ay nakatayo si Zacharias, dalawang matalim niyang mata ang diretsong nakatutok sa akin. "Kim," malamig niyang tawag sa katabi ko, pero sa akin pa rin siya nakatingin. "P-po, Sir?" Sumenyas siya na umalis na ito. Mabilis namang nagtatakbo paalis si Kim. Susunod na sana ako nang maramdaman ko ang mahigpit na hawak sa aking braso. Napapikit ako sa kaba. Hindi naman nila kasi sinabing bawal kumatok kung hindi kami pinapatawag! "Ano?" tanong ko. Kinakabahan ako pero pilit kong hindi ipinapahalata. Hinila niya ako papasok sa office at mabilis na isinara ang pinto. Isinandal niya ako sa pader habang hawak ang magkabilang braso ko. Magkalapit ang mga mukha namin. Magkasalubong ang kanyang mga kilay, habang ang tingin ko naman ay bumaba at napako sa kanyang mapulang labi. "I don't want anyone disturbing me when I'm busy," mariin niyang sabi gamit ang kanyang malalim at maawtoridad na boses. Napakagat-labi ako. Naalala ko kung paano kami maghalikan noong una kaming magkita. Mauulit pa kaya iyon? "Are you listening?" tanong niya. Hindi ako nakasagot. Iniisip ko kung masarap ba ang lahat ng labi ng mga lalaki. Gusto kong umulit. Gusto ko ulit maramdaman ang hindi maipaliwanag na nararamdaman. "Fuck!" frustrated niyang sigaw. Sa gulat, bumalik sa normal ang pag-iisip ko. Nilalamon na rin ata ng kamanyakan ang utak ko. Naku, kailangan ko itong pigilan. Hindi ito tama. Tinulak ko di Zacharias, lumayo siya at napahawak sa kanyang noo gamit ang isang kamay at pumikit nang mariin. "Okay ka lang ba, Zacharias?" nag-aalala kong tanong. Lumapit ako para sana hawakan siya. "Don't come near me," babala niya. "Aanuhin ko lang, baka mainit ang ulo mo. Kukuhanan kita ng gamot—" "Iba ang nag-iinit sa akin," nagsusumamo niyang sambit, para siyang nahihirapan. "Ano bang masakit sa iyo?" "Wala. Lumabas ka na," utos niya. Nagpumilit akong hawakan ang noo niya para tingnan kung may lagnat siya pero mabilis niyang hinuli ang kamay ko. "Lumabas ka na habang nagpipigil pa ako," mahinahon niyang wika. "Nagpipigil saan ba?" "I'm hungry," sabi niya habang nakatitig sa akin. Nagpipigil sa gutom? "Bitawan mo ako kung ganoon, kukuhanan kita ng pagkain," sabi ko. "Iba ang gusto kong kainin." Binitawan niya ang kamay ko at nag-iwas ng tingin. Naguguluhan ako sa inaasta niya. "Ano ba ang gusto mong kainin?" kuryosong tanong ko. Binalik niya ang tingin sa akin. Namumungay ang kanyang mga mata. "You." Sabi niya gutom siya, pero ako raw ang gusto niyang kainin? Manyakis na, bastard pa! Pekeng humalakhak ako para itago ang kaba. Ramdam ko ang pamamawis ng leeg ko kaya kinuha ko ang panali sa aking pulsuhan at itinali ang buhok ko. "Bakit ang init dito ngayon?" reklamo ko. Kumunot ang noo ko nang mahuli siyang titig na titig sa leeg ko, tila hindi siya makahinga nang maayos. "Bakit?" tanong ko muli. May lahi ata itong bampira. Lumayo ako nang kaunti, para naman makabwelo at handang makatakbo palabas. Malay natin, baka kaya siya hindi lumalabas kasi may lahi siyang bampira. Hindi kayang magtagal ng katawan niya sa initan. "Are you seducing me?" biglaan niyang tanong. "Bakit? Nasu-seduce ka ba?" pang-aasar ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Ayan na naman yung tingin niyang parang nandidiri! Kapal! Bumalik siya sa kanyang swivel chair. Buti naman, baka masapak ko yang poging mukha mo. O yung betlog na lang kaya para hindi na madagdagan si Zachu. Ang manyakis pa naman ng lalaking ito. "How's my son?" "Okay na okay," sagot ko. "Ah, nga pala. May event sa school nila next week. Para mas ganahan siyang mag-perform, pumunta ka at panoorin mo siya." "I'm busy," agad niyang sambit, per mukhang hindi siya interesado sa sinabi ko. Nagsimula na ulit siyang magbasa ng mga papel sa lamesa. Lumapit ako at inagaw ang hawak niyang dokumento. "What?" "Mas importante ba ito kaysa sa anak mo?" "Give it back to me and leave," sabi niya, naiinis sa inaasta ko. "Pupunta ka." "I'm the boss here, Nian." "I'm the nanny of your son. I care for him and his feelings," matapang kong saad. "Sanay na siya. He knows that I'm busy. Give me back the paper or I'll fire you," seryosong banta niya. Binalik ko agad ang papel, mahirap maghanap ng trabaho. Sabagay, hindi ko siya pwedeng pilitin kung ayaw niya. "Sabi mo nga, sanay na siya. Baka mamaya, tuluyan nang lumayo ang loob sa iyo ng anak mo dahil nasanay na siyang wala kang suporta sa mga ginagawa niya." Natahimik siya. Umatras ako nang kaunti—takteng bibig ito, baka mawalan nga talaga ako ng trabaho. "S-sorry sa istorbo. Lalabas na ako, Sir," sabi ko at tumalikod. Patakbo akong lumabas sa pintuan, baka mamaya ay pauwiin na ako. Pagkasa ko sa pintuan, nakaramdam ako ng lungkot para kay Zachu. Mahirap maging mahirap. Mahirap din palang maging mayaman. Noong bata ako, akala ko masaya ang maging mayaman dahil maibibigay lahat ng gusto mo. Pero ngayon ko napagtanto, kapalit pala ng magandang buhay ay ang kawalan ng atensyon at oras mula sa mga magulang.Nian's POV Naguunat akong lumabas sa kwarto ni Zachu, gumagawa siya ng homework nang magising ako. Napasarap ang tulog ko, sakto lang ang lamig ng aircon tapos ang lambot pa ng kama niya. Bumaba ako sa engrandeng hagdanan nila, wala na roon sina Zacharias at Cherry. Siguro'y nagbe-bembangan na, mukhang matagal silang hindi nagkita. Bwisit na Zacharias, sa akin pa talaga inaano ang kalibugan niya habang hindi pa sila nagkikita ng kanyang fiancé. Naalala ko na naman yung ginawa niya kanina. "Nian, kanina ka pa hinahanap ni Nay Flora," si Remi, nagpupunas sa vase na display malapit sa living area. "Nagluto siya ng meryenda kanina." Oo nga pala, sinabi niya kaninang magluluto siya kaso pinasama ako ni Zacharias. "Nasaan siya ngayon?" tanong ko kay Remi. "Naroon sa dirty kitchen sa likod, puntahan mo." Pumunta ako roon. Naabutan ko siyang nag-aayos ng mga laman sa refrigerator. Nilingon niya ako nang maramdaman ang presensya ko. Naiilang akong ngumiti, hindi ko alam
Nian POV "Ano ka, Mafia boss?" natatawang tanong ko. "What if I told you that I am?" Humalakhak ako. Akala ko ako lang 'yung feeling dito, siya rin pala. Pero okay lang, libre mangarap. May suminding ilaw sa utak ko. Itinuloy kong isinubo ang hawak. Nginuya ko iyon at ninamnam ang pagkain na mayaman sa sangkap, nilunok ko iyon lahat. Hinawakan ko ang lalamunan ko at umaktong nahihirapang huminga. "T-tubig—" "Tsk," asik niya. Tumigil ako sa pag-akto. Mahirap palang mauto ang isang 'to. Tinikman ko ang lahat ng mga pagkain. Kada subo, parang may lumalabas na puso sa dalawang mata ko. Ito na ata ang pinakamasayang trabahong ginawa ko—taga-tikim ng masasarap at yayamaning pagkain. "Safe lahat, pwede ka nang kumain," sambit ko. "Yung sabi mo, ah, dadagdagan mo ang sahod ko." Hindi na siya nagsalita pa. Pinanood ko siyang kumain. "What? Aren't you going to join me?" iritado niyang baling. Malay ko ba, hindi naman niya sinabi agad. Umupo ako sa kabila at kumain na rin. Mabilis a
Nian's POV "Buti na lang nakipag-usap si Nanay Flora, kung hindi, naku, wala na siguro kaming trabaho ngayon." "Galit na galit siya. Paano, hindi namin napansin na nakapasok si Sir Zachu sa office eh may bisita si Sir Zacharias." Nakikinig ako sa kwentuhan nina Kim at Remi. Nasa garden kami, nagdidilig sila ng halaman habang nagtsitsismisan. "Eh sino ang nanay ni Zachu? Nasaan siya?" tanong ko sa dalawa. "Si Ma'am Artemis ang nanay ni Zachu. Naabutan namin siya, napakabait niya," kwento ni Kim. Nabanggit ni Zacharias ang pangalan na 'yon bago niya ako halikan. Siguro inakalang ako si Artemis. Kaya pala parang nadismaya siya nung makita niya ang mukha ko. "Ang sweet nila dati ni Sir Zacharias. Nagtatakbuhan sila rito sa garden tapos minsan ang daming sorpresa na nagaganap." "Kaso magmula nung naglaho si Ma'am Artemis ilang buwan bago niya ipinanganak si Zachu, nagbago na si Sir Zacharias," si Remi. "Naglaho? Iniwan niya si Zacharias at ang sarili niyang anak?" lito kong tanon
Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya. "Pupunta iyon," paninigurado ko. "Dad never attends any school activities. He's always too busy," malungkot niyang dagdag. Tama siya. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita si Zacharias, parang nakakulong na lang lagi sa opisina niya. Ang huling usapan namin ay noong araw na dumating ang kanyang fiancé. "Don't worry, I'll try to encourage him." Hinaplos ko ang kanyang ulo para patahanin ang loob niya. "Really? Can you act as my mom, too?" Natawa ako at napailing. "Hindi pwede, meron naman ang stepmom mo—" "No, she's too maarte. I won't enjoy the event if she's there," putol niya sa akin. "Pag-iisipan ko," nakangiti kong sagot. Pinagbuksan kami ng driver, pinauna kong pinapasok s
Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumunod ako sa kanya, umakyat kami sa engrandeng hagdanan na nasa gitna. "Mahirap ang trabaho mo. Kailangan mong bantayan nang maigi ang anak ni sir. Isang kamali mo lang, tatanggalin ka na niya agad." "Masungit ba?" tanong ko. "Hindi lang masungit, nakakatakot siya. Sa fiancé niya lang ata nilalabas ang kabaitan niya," sagot ni Mira. Ah, sa fiancé niyang cheater. Tumigil kami sa tapat ng isang pintuan. "Dito ang office niya. Ayusin mo ang mga sagot mo," paalala niya. "Maiwan na ulit kita, chismisan tayo kapag may time tayo ha!" Pagkaalis niya, kumatok na ako sa pintuan. Inulit ko pa nang tatlong beses at medyo nilakasan, baka kasi hindi marinig. "Come in," utos ng nasa loob. Binuksan k
Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito, kita ko ang mag-amang nagkukulitan. "My fiancé is here! Bakit mo ba ako sinundan dito?" galit na saad ng babae. "I miss you so much, Cherry. Alam kong ako ang mahal mo at hindi ang lalaking 'yan." Tahimik akong naglakad sa gilid, nagkunwaring wala akong pakialam. Malapit ko nang malampasan ang kotse na nagsisilbing harang sa dalawa nang marinig ko ang binanggit na pangalan. "Kayamanan lang ang habol mo kay Zacharias." "I'm sorry, Kevin. I've learned to love him," sambit ng babae. "No, please. Don't lie to me," pagmamakaawa ng lalaki. Napagpasyahan kong hindi umalis doon, nagtago ako at nakinig. Namana ko ata ang pagiging chismosa ko sa mga kapitbahay namin. "Kilala kita, Cherry. Gu







