Masuk
Nian's POV Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang damit. Tinapangan ko ang sarili kong halughugin pa ang tray, at halos karamihan ay naligo na sa dugo ang mga laman. "May meron pa rito." Nagulantang ako nang marinig ang boses ni Zacharias. Nilingon ko siya at nakitang hawak niya ang suot niyang polo shirt kahapon—duguan din. Kalma, Nian, paalala ko sa sarili. "Nian," tawag niya kaya napabalik ako sa wisyo. "S-sir?" "Why are you stuttering?" "Wala po... akin na 'yan, ako na ang bahala," kinuha ko sa kanya ang hawak niya. Nakita ko ang mapanuksong ngiti niya, mukhang natutuwa siya sa reaksyon ko. Nakipagtitigan ako sa kanya habang namumuo na ang mga luha sa aking mga mata. Hindi ko na alam kung anong klaseng tao siya. Ngayon ko lamang napagtanto na mapanganib siya at kailangan kong umiwas para sa sariliko kong kapakanan. Gusto ko siyang murahin. Kung hindi lang talaga ako alipin ng pera, hindi ako papayag na tratuhin niya ako nang ganito. "Sir Zacharias!" Lumapit si
Nian's POV Hindi ko pa kilala nang lubusan si Zacharias, pero may pakiramdam na akong delikadong tao siya at mapapahamak ang mga taong malapit sa kanya. Siya ang totoong sadya ng mga dumukot sa akin—si Cherry na malapit sa kanya ang plano nilang gamitin para makuha ang atensyon niya, pero ako ang naging pain. At ang pinakakinakatakutan ko... kaya niyang pumatay. Sinabi niya mismo, at maging si Zachu ay kinumpirmang pinatay niya ang tatlong 'yon. Kung ganoon, may alam siguro si Zachu sa totoong katauhan ng kanyang ama at kung ano ang mga kaya nitong gawin. "Woi! Ang lalim ng iniisip mo, ah." Bahagya akong nagulat sa malakas na boses ni Rein na nasa tabi ko na pala. Nakasandal ako sa posteng may ilaw—dito ako laging tumatambay tuwing gabi kapag marami akong iniisip. "Ikaw na naman? Lagi ka na lang istorbo," reklamo ko. "Iniisip mo bang mag-resign?" "Tapusin ko lang ang buwan na ito, magre-resign na ako," diretso kong sagot. Hindi ako makatulog sa gabi dahil sa nangyari. Iniisip
Nian's POVNahihirapan akong imulat ang aking mga mata dahil sa liwanag na nanggagaling sa kisame. Hindi na matigas na sahig ang aking hinihigaan kundi isang malambot na kama.Taka kong pinagmasdan ang paligid. Yumaman yata ang mga kidnapper ko. Kung kanina ay abandonadong gusali, ngayon ay nasa loob na ako ng isang modernong kwarto.In fairness, malamig. Mukhang big-time ang mga kidnapper ko, naka-aircon. Nagka-budget ba sila bigla?Bumukas ang pintuan at pumasok si Zachu na mugto ang mga mata. Bahagya siyang nagulat nang makita akong gising, at mabilis na tumakbo palapit sa akin."Nian! I'm glad you're awake!" Niyakap niya ako nang napakahigpit."Bakit nandito ka?" takang tanong ko. "Na-kidnap ka rin ba?" nag-aalala kong dagdag."They're gone," pinunasan niya ang kanyang mga luha."Sino?""The kidnappers are gone. All dead... they deserve it!""Ha? Paano?" naguguluhan kong tanong. "Nasaan sila?""I already told you, they're all dead," nawawalan ng pasensyang sagot ni Zachu."Bakit?"
Nian's POVAt dahil sumipot ang hipokritang iyon, pupuntahan ko na lang ang pamilya ko. Sana nga nasa bahay sila. Ilang araw pa lamang na hindi ko nakikita si Mama at ang kapatid ko, nakakaramdam na ako ng pangungulila.Gusto kong ikwento lahat ang mga ganap sa mansyon, maliban sa kamanyakan ng amo ko. Baka sugurin ni Mama, naku! Wag na lang.Naghintay ako sa isang waiting shed ng maaaring masakayan papunta sa amin. May dahan-dahang dumaang itim na van sa harapan ko hanggang sa huminto iyon at bumukas ang pintuan.Napaatras ako nang makita ang dalawang lalaking lumabas na may takip sa mukha. Hinila ako ng isa. Napasigaw ako sa gulat pero hindi nagtagal ang ingay sa bunganga ko dahil tinakpan iyon ng panyo.Nagkukumahog akong kumawala sa kanila pero masyadong mahigpit ang hawak sa akin—malalaki rin ang katawan nila. Matagumpay nila akong naipasok sa loob at isinara ang pintuan ng van bago iyon mabilis na umandar."Mmm!""Takpan mo ang mata niya."Piniringan ang mga mata ko. Nahihilo ak
Nian's POV Tatlong sasakyan ang sumama sa amin, isa sa harap at dalawa sa likod na sumusunod kaya naman agaw-pansin ang pagdating namin sa paaralan ni Zachu. Naglahad ng kamay si Zacharias mula sa labas ng kotseng sinakyan namin, tinanggap ko naman iyon. Nagpapanggap kaming mag-asawa, kaya dapat lang na makisabay ako sa trip ng mokong na 'to. Gusto kong mapasaya si Zachu at mas maganahan siya sa event nila. Nakatingin ang mga nasa labas sa amin, yayamanin din ang kasuotan ng iba. Pero sa tingin ko'y walang makakatalo sa dating ng katabi ko. Napakagwapo ba naman at matikas. "Pasok na tayo, baka nagsimula na," bulong ko sa katabi. "Should I just build my own school?" nakatingin siya sa paaralan. "Tsk. Tara na nga sa loob," hinila ko siya papasok sa gate. Nauna akong maglakad dahil kabisado ko naman kung saan ang room ni Zachu. "It's Mr. Viglianco!" "Omg, ang gwapo niya!" Nagsimulang magbulungan ang paligid. "I heard his son was studying here." "Is that his fiancée?" "Not su
Nian's POV Nasa loob na kami ng school ni Zachu. Kanina ko pa siya napapansing inililibot ang tingin sa paligid. Alam kong naiinggit siya sa mga batang may kasamang mga magulang. Walang kwenta ba naman kasi si Zacharias. Chineck ko ang oras sa selpon ko, alas siyete pa lamang. Mamayang 8:30 magsisimula ang event nila kaya wala pang masyadong tao. Sasali siya sa pagkanta at pagguhit. Pumayag din akong maging mama niya kunwari, ano pang magagawa ko. "Sorry, Zachu," malungkot kong sabi. "Why?" taka niyang tanong. "Hindi ko napapayag ang Daddy mo na umattend." "It's okay," nakangiti niyang sambit, pero alam kong malungkot siya kapag tiningnan mo nang mabuti ang kanyang mga mata. Kinuha niya ang kanyang bag at inilabas ang mga gamit. "I think I forgot my mechanical pencil." "Baka naman nakasuksok lang diyan," sabi ko at tinulungan siyang tingnan ang lapis sa kanyang bag. "It's not here. Can you get it from my room? I think I forgot to put my mechanical pencil in my bag." "Bibili
Nian’s POV Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito,
Nian's POV"Bitawan mo nga ako," utos ko pagkatapos kabisaduhin ang bawat anggulo ng mukha niya.Ibinaba niya ang kamay ko, pero bago niya tuluyang bitawan ay mabilis niya itong idiniin sa kanyang dibdib. Namula ako at agad na umiwas ng tren—este, ng tingin. Sheet of paper! Tama nga ako, matigas at
Nian's POV "What is that?" "Aso," proud kong ipinakita ang ginuhit ko kay Zachu. Nasa garden kami, may maliit na lamesa at upuan na pinapalibutan ng mga bulaklak at iba pang halaman. Sariwa rin ang hangin. "I think it's a cow." "Aso 'to, Zachu. Tingnan mo kasi nang maayos." "It's too big
Nian’s POV"Uncle."Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig. May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila."Nagdala ka pala ng babae. I'







