LOGINNian’s POV
Hindi ko alam kung anong flavor ang gusto ng bata, kaya naman kumuha na ako ng dalawang pagpipilian niya. Orange at apple flavor. Pabalik na ako sa kanila nang madaan ko ang dalawang tao. Babae at lalaki na mukhang nag-aaway, nasa tabi sila ng kotseng nakaparada sa may puno. Mula rito, kita ko ang mag-amang nagkukulitan. "My fiancé is here! Bakit mo ba ako sinundan dito?" galit na saad ng babae. "I miss you so much, Cherry. Alam kong ako ang mahal mo at hindi ang lalaking 'yan." Tahimik akong naglakad sa gilid, nagkunwaring wala akong pakialam. Malapit ko nang malampasan ang kotse na nagsisilbing harang sa dalawa nang marinig ko ang binanggit na pangalan. "Kayamanan lang ang habol mo kay Zacharias." "I'm sorry, Kevin. I've learned to love him," sambit ng babae. "No, please. Don't lie to me," pagmamakaawa ng lalaki. Napagpasyahan kong hindi umalis doon, nagtago ako at nakinig. Namana ko ata ang pagiging chismosa ko sa mga kapitbahay namin. "Kilala kita, Cherry. Gusto mo bang ikasal sa lalaking may anak na? Kaya mo bang maging isang ina sa batang hindi mo naman iniluwal?" "Aray!" Natutop ko ang bibig ko, kinagat kasi ako ng langgam. Nakakainis naman oh! Tumahimik ang dalawa, mukhang narinig ang paghiyaw ko. Yumuko ako at mabilis na tumakbo paalis. Kinakabahan na baka makita ako. Hinihingal akong lumapit sa mag-ama. Ibinigay ko ang dalawang inumin kay Zacharias. "You look pale," aniya. Pinapili niya ang anak kung anong gusto at nilingon ulit ako. Ibinalik niya ang isa pang juice na hindi pinili. Kinuha ko naman iyon at agad na uminom sapagkat uhaw na uhaw na—pero busog sa chismis! Kawawang Zacharias, pogi nga at mayaman pero niloloko. Tumunog ang kanyang selpon. Isinenyas niyang tingnan ko ang bata, tumango ako at hinayaan siyang umalis at sagutin iyon. "Hi," bati ko. "Are you secretly dating my father?" akusa niya. Naku, kung alam mo lang. Ang ina mo ang may ginagawang mali! "Hindi. Hindi ko type ang daddy mo," sagot ko. "Sayang," biglaang lumukot ang mukha niya. "Bakit?" "I hate my stepmother, she's bad. She only acts nice when she's with dad." Hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Nakakanood ako ng mga ganyang drama tungkol sa madrasta na kinakawawa ang batang anak ng kanyang asawa sa ibang babae. Parang may umilaw sa utak ko... "Gusto mo bang may gawin ako?" "Huh?" "Ako na ang bahala sa lahat," kinindatan ko ang bata. "What do you mean by that?" takang tanong niya. "Hindi ko hahayaang siya ang maging nanay mo, 'di ba sabi mo bad siya?" "Really?" sumigla ang boses niya. "Oo." Lumapit ako sa kanya at bumulong. Makakatulong na ako sa bata, magkakaroon pa ako ng trabaho. Sana nga gumana. Ang talino ko talaga! "Okay," sang-ayon niya. Bumalik si Zacharias. Nginitian niya ang kanyang anak at binuhat. "Your mom is here. We're going home," saad niya. "Daddy, I like her." Oops. Ayan na. "You are still young, Zachu," tumawa ang kanyang tatay. "Make her my baby sitter." "Hala—" kunwari'y pagulat kong reaksyon. Nilingon ako ni Zacharias at ibinalik ulit ang tingin sa anak. Mukhang nagulat sa sinabi ni Zachu. "Are you sure?" Tumango ang bata. Nilingon ulit niya ako, tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Aba, small but terrible ako. Kahit anong klaseng trabaho pa 'yan, kayang-kaya ko. "What my baby wants, my baby gets." Ngumiti ako nang malawak. Ang ngiting 'yon ay dala ko pagkauwi hanggang kinabukasan. Pumayag si Zacharias na maging babysitter ako ng anak niya. Nakatayo kaming tatlo nila Mama sa labas, hinihintay ang susundo sa akin. Hindi nagtagal, dumating ang isang magarang kotse. Pero hindi si Zacharias ang lumabas mula sa pinto nito. Mukhang driver nila ang lalaking bumaba. Napanguso ako. Akala ko pa naman ay siya na. Bakit ba ako malulungkot? Busy siyang tao, kaya bakit ako mag-eexpect na siya mismo ang susundo sa akin? Napailing na lang ako sa iniisip ko. Niyakap ko nang mahigpit sina Mama at ang kapatid ko bago ako tuluyang sumakay sa loob. Mabilis magmaneho ang lalaki kaya nakarating kami agad. Nakakahilo nga lang. Pagdating namin sa harap ng malaking gate na itim na dahan-dahang bumukas, napanganga ako sa mangha. Tuloy-tuloy ang pagdadrive ng lalaki papasok sa sementadong daanan. Sa magkabilang gilid ng daan, may mga matataas na puno. Nadaanan namin ang isang malawak at berdeng garden na parang sa pelikula lang nakikita. May malaki ring fountain sa gitna bago kami makarating sa tapat ng mismong bahay. Nang huminto ang kotse, doon ko lang nakita nang buo ang mansyon. Sobrang laki at kulay puti na may matataas na poste sa harap. Ang daming bintana na gawa sa salamin. Hindi ko inaasahang ganito pala kayaman si Zacharias. Sana mataas din ang sahod ko. Hehe. Bumaba ang driver para pagbuksan ako ng pinto. May mga babaeng nasa labas na sa tingin ko'y mga katulong. Nakasuot sila ng uniporme. "Welcome sa Viglianco mansion," nakangiting bati ng pinaka-matanda sa kanila. "Thank you po." "Ako si Flora, household manager. Kung may kailangan ka, ako ang lalapitan mo. Sa ngayon, magpahinga ka muna bago simulan ang trabaho mo," diretsahang sabi niya, seryoso at mukhang istrikto. Sinenyasan niya ang isa na tulungan ako sa mga bitbit ko. "Tara, pasok sa loob." Sumunod ako sa kanya. Parang nahiya ang suot kong gusot na sapatos sa makintab at napakalinis na floor. Napakalawak at mataas ang ceiling, may malaki ring chandelier. Sumunod ako sa babae, nag-iingat akong maglakad dahil baka may mabangga akong mga kagamitan. Mukhang mamahalin pa naman ang lahat. Nakarating kami sa maid's quarters, may kanya-kanyang kwarto. Simple lang pero maayos at komportable. "Pasensya ka na at hindi namin naayos nang mabuti ang kwarto. Biglaan kasi ang pagkasabi ni Sir Viglianco, abala kaming lahat kahapon." "Okay lang." "Oh siya, maiwan muna kita para makapagpahinga ka na." Pagkalabas niya ng pintuan, agad akong napahiga sa kama. Hindi ko maiguhit ang sayang nararamdaman ko ngayon. May trabaho na rin ako sa wakas. Pagbubutihin at gagalingan ko!Nian's POVHanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan ang boses ni Zachu. Parang pinipiga ang puso ko habang inaalala ang sinabi niyang hindi niya ako kilala.Hindi ako makaisip ng magandang gawin. Gusto kong bumawi pero paano?I dialed Zacharias' phone number. Kailangan ko siyang makausap. Tinatanggap ko nang mahihirapan akong iwasan siya."I didn't expect you to call me first...""May number ka ba ni Zachu?" agad na tanong ko."I don't have. Why?"Anong klaseng ama 'to? Number ng anak ay wala siya."Sige, ibababa ko na—""Check his social media," putol niya sa sasabihin ko."Zachu Viglianco ba?" tanong ko habang sinisimulan nang hanapin ang account niya. Kaso walang lumabas, niloloko ata ako ng isang 'to. "Wala naman!""Chill, ang init ng ulo mo kaagad. What's your account?""Bakit?""I'll add you so that I can share his account link," aniya."Nian Nian," napipilitang saad ko. Gumagawa lang ata ng paraan ang mokong para makita din ang account ko.Agad na nag-pop sa
Nian's POVPinipigilan ko ang sariling iuwi ang mga sariwang flowers na nakadisplay sa flower shop ko. Ang gaganda kasi ng disenyo dahil magaling ang mga nag-ayos niyon.Salamat sa magandang gawa nila kaya maraming nagtitiwala sa produkto namin."Ma'am, may naghihintay po sa inyo sa labas."Naabala ang pagtingin ko sa mga bulaklak dahil sa narinig at kuryosong tumanaw sa glass wall para silipin kung sino iyon.Shit talaga ng lalaking 'to, anong ginagawa niya rito?Napahawak ako sa batok at napilitang lumabas at harapin siya. Sabi na, hindi talaga coincidence ang muli namin pagkikita. Anong balak niya? Makaisa ulit at dagdagan si Zariuz? Asa siya.Hindi ko na nga sinasagot ang text niya, pinuntahan pa talaga ako rito.Nakasandal siya sa kaniyang magarang kotse at nakapamulsa. Marami tuloy ang napapalingon sa kaniya dahil sa kakaibang pormahan, na para bang model na naghihintay na makuhaan.Sana nga 'yan lang ang mamanahin ng anak ko sa 'yo. Baka sumakit lalo ang ulo ko kapag n
Nian's POVNakahinga lamang ako nang maluwag nang makarating na kami sa bahay. Sumama si Zacharias sa amin kahit na hindi naman na kailangan.Ngayon alam niya na kung saan kami nakatira.Ano naman, Nian? Hindi naman ikaw ang sadya niya rito.Nauna na si Zariuz sa loob."Call me if you need anything," panimula niya.Umiling ako at pinilit ngumiti. "Okay na kami, kaya wala ka nang alalahanin pa.""I guess it's a goodbye then.""Mmm."Tumalikod na ako pero bago pa man makahakbang, nagsalita si Zacharias sa likod ko."Did you cheat on me?"Huh?Lito akong napalingon sa kaniya. Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Ako? Ako pa talaga ang nag-cheat? At isa pa, hindi naman naging kami kaya siya lang ang cheater."What are you saying?""Never mind.""Kapal ng mukha," bulong ko."What did you just say?""Wala, umalis ka na. Ingat," mabilis na saad ko at pumasok na ng bahay.Sumandal ako sa likod ng pintuan habang hawak ang dibdib ko dahil sa mabilis na pagtibok. Nang makabaw
Nian's POVMy hands were trembling as I held my unconscious son. Lumabas na ang doktor na tumingin sa kaniya.Thank God!Ligtas na ang anak ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala ang pangamba ko."I'm sorry, baby," saad ko at hinalikan ang kaniyang kamay.I should have been more careful. Sana hindi na lang kami sumipot, hindi siguro mangyayari 'to.Pinunasan ko ang luha ko nang bumukas ang pintuan at maramdaman ang presensya niya. I am angry at him, napahamak ang anak ko dahil sa kaniya.Tumayo ako at hinarap siya."Kapag okay na ang anak ko, aalis na kami agad dito. Ayoko nang muling magkaroon ng koneksyon sa 'yo. My son's safety is my priority.""I understand and I'm very sorry.""Kay Zariuz ka mag-sorry.""I caught the man who did it. As usual, I was the target." Napahinga siya nang malalim."You should have checked first or hired a food tester," madiing saad ko.Mapait akong napangiti. Yeah right, I was once a food tester."Again, I'm sorry. You should rest
Nian's POVHindi ako makapaniwalang magkikita kaming muli. Ang bumabagabag sa isip ko ay kung bakit nandito siya. Wala akong alam na business niya rito.Should I call Nanay Flora?She's the only one who could control him. Thanks to her, I managed to escape from his arms.And how about Zachu, nandito rin ba siya? God knows how much I miss that boy."Mommy!"Napatigil ako sa pag-aayos ng mukha ko dahil hinihila na ni Zariuz ang braso ko. Excited na siya. Hindi niya kinain ang inorder ni Zacharias kahapon dahil gusto niya raw na makakain nang marami ngayon.Ipinamigay ko na lamang sa isang katulong namin dito sa bahay."Okay, let's go."Nang nasa biyahe, doon ko lamang tinext ang number ni Zacharias. Tulad ko ay hindi pa rin siya nagpapalit ng SIM card, so I unblocked him.Nagtipa ako. "Almost there, same place. If you're late for five minutes, we will not wait for you anymore."Pagkasend, nagulat ako nang tumunog iyon agad."Already here."Is he waiting for my text? Ang bil
Nian's POVHindi ako kailanman nagsisi. At bakit ako magsisisi?"Mommy!"Binitawan ko ang hawak na bulaklak at nilingon ang anak ko. Ngumiti ako nang makita siyang palapit, nasa likod niya ang kapatid kong si Nani. Pareho silang nakasuot ng uniporme at may bag na dala."Zariuz, baka madapa ka..." nag-aalalang saad ko."Mommy, I'm hungry! I want pizza," nagpapacute niyang saad nang makalapit sa akin.Yumuko ako para punasan ang kaniyang pawis sa mukha. "Nag-pizza na naman tayo kahapon, hindi healthy, baby.""But—""No more buts," putol ko sa kaniya. Tumayo ako at hinawakan ang kamay niya. "Mag-lunch na tayo, Nani."Lumabas kami sa flower shop na pagmamay-ari ko. Iyon ang pinili kong business, naging successful siya na karamihan sa mga bumibili ay mga mayayaman. Marami na rin kaming natatanggap na order.Akala ko, guguho na ang mundo ko. But unexpectedly, he came into my life. My baby, my Zariuz, my everything. Wala na akong hihilingin pa kundi ang makasama siya.Pumunta ako
Nian’s POV "Nian!" Nakasandal ako sa kotse nang marinig ang sigaw ni Zachu. Palabas na siya sa gate ng school nila habang kumakaway. Naglakad ako para salubungin siya at kinuha ang kanyang bag para ako na ang magbitbit. "We have an event next week. I wish Dad could come and watch me," sabi niya.
Nian’s POV Nakarinig ako ng katok galing sa labas. Katatapos ko lang ayusin ang mga gamit ko, suot ko na rin ang unipormeng binigay sa akin. Lumapit ako sa pintuan at binuksan iyon. "Tawag ka ni sir sa office niya," nakangiting sabi ng maid na sa tingin ko ay kasing edad ko lamang. "Sige." Sumu
Nian’s POV"Uncle."Naglakad ang matandang lalaki palapit sa amin. Nakasuot ng mamahaling uniporme. Matikas ang pangangatawan at matindig. May pagkakapareho sila ng katabi ko, kung hindi ko lamang narinig na tinawag siyang uncle ay baka pagkakamalan kong mag-ama sila."Nagdala ka pala ng babae. I'
DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Nian's POV Sa buong b







