ログインELENA's POV Pagpasok pa lang namin sa kubo, nakaramdam na agad ako ng antok at kaginhawaan.Simula kasi nang dumating si Faye si bahay ni Adrian hindi naman sa pag-iinarte dahil wala naman akong karapatan na mamili kung sino ang patuluyin ni Adrian sa bahay niya. Dahil isa lang din naman akong sampid sa bahay ni Adrian. Pero mabigat na ang pakiramdam ko at pakiramdam ko din laging may nakabantay sa kilos ko. " Elena, dito ka muna ah. Samahan ko lang si Yuhan para ako taga-salo sa nakuha na niyang santol." Ani ni Collin. " Sige maraming salamat, Collin." " Ano ka ba okay lang 'yon.Nagpasalamat pa nga ako na pinaglihian mo ngayon ang santol dahil may pagkakataon tuloy akong makausap at makasama si Yuhan." Natatawang sambit ni Collin na may kasama pang kilig sa sinabi niya. Napaawang naman ako sa nalaman. Ngayon alam ko na may lihim na pagtingin ang dalaga kay Yuhan. Napailing na lamang ako dahil huwag sanang matulad sa akin si Collin na ako lagi ang gumawa ng effort dati kay
ELENA'S POV Kahit nakaramdam na ako ng gutom tiniis ko pa rin ang sarili na hindi lalabas ng kwarto. Dalawang araw ng nandito si Faye sa bahay ni Adrian. Sa tuwing magtagpo ang aming landas lagi nalang nuya akong tinaasan ng kilay at nandidiri sa akin na para bang may nakakahawa akong sakit. Napaayos ako ng upo sa kama nang may biglang pumasok sa kwarto ko. " What's wrong with you, Ellena? There's something wrong?" Sunod-sunod na tanong ni Adrian.Ngayon lang ulit kami nagkita dahil madalas siyang wala sa bahay niya. At kung makarating man siya ng bahay tuwing gabi. Malaman tulog na siguro ako sa oras na iyon. "Adrian..." mahinang sambit ko sa pangalan niya. Nag-alala niya akong nilapitan at tumabi siya sa akin ng upo sa kama. " I was worried, minsan ka nalang daw lumalabas sa kwarto mo. Diba sabi ko sa'yo kailangan mong maglakad-lakad at magpainit saglit." Aniya, na hindi mapigilan ang sarili na haplusin ang mukha ko. Napangiti ako ng tuluyan sa ginawa niya. Nararamdaman
ELENA'S POV Nakangiti ako habang pinagmamasdan ang mga magagandang tanawin na nadaanan namin. Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Kanina pa nagriring ang cellphone ko pero hindi ko ito tinitingnan kung sino ang tumawag sa akin. Dahil alam ko naman naman na walang mahalagang tao na mag-aksaya ng oras para kumustahin ako.Baka nga scammer pa ito. " Kanina pa nagriring ang cellphone mo,Elena. Ayaw mo bang sagutin?" tanong sa akin ni ate Belen. " Opo..." sagot ko,na napilitan na tingnan ang aking cellphone.Gan'on na lamang ang paglaki ng aking mga mata sa tumawag. Si Bethany... ang dami na niyang misscalls at messages sa akin. " Si sir Adrian ba ang tumawag?" nilingon pa ako ni ate Belen. " Hindi ho, kaibigan ko po." Napaisip lang ako kung bakit naman ako tatawagan ni Adrian. Iyong pangako nga niya na sasamahan niya akong mamasyal sa siyudad ay napako pa. Tatawagan pa kaya? Sa inis ko na may kasamang galit kay Bethany ay mabilis ko na lang na pinatay ang
ELENA'S POV Tahimik lang ako habang nasa loob na ng sasakyan ni Adrian. Katabi ko siya sa loob na tahimik lang din habang busy sa kapipindot ng kanyang cellphone. Kaya malaya kong napagmasdan ng lihim ang kanyang gwapong mukha. " May sasabihin ka ba, Elena?" nagulat ako nang bigla siyang lumingon sa akin na ngayon ay nakangisi na. " Ah, wala po," mabilis kong sagot na agad binaling ang aking tingin sa labas ng bintana. Narinig ko pa ang mahina niyang tawa. Tinatawanan ba niya ako? Nakita kaya niya na panay sulyap ko sa kanya? " Anong plano mo na ngayon? Alam mo nang niloloko ka ng kaibigan mong si Bethany?" tanong niya. Nilingon ko siya ulit," Wala akong balak sa kanya. Mas naka-focus ako ngayon sa pinagbubuntis ko.Gusto ko sanang habang maliit pa ang aking tiyan,makahanap ako ng trabaho. Kahit pa extra-extra lang." Mahabang wika ko. Nakita ko naman ang reaksyon ng mukha niya. " Gusto mo talagang magtrabaho? Hindi mo naman kailangan, kaya ko naman kayong buhayin ng ba
ELENA'S POV Warning!! Mature Content!! Bago ako tuluyang matulog, nagpasya muna akong magpahangin sa terrace ng aking kwarto. Nakakalungkot dahil hindi ko inaasahan na mangyari sa akin ito.Akala ko perpekto na ang relasyon namin ni Dylan.Akala ko siya na ang lalaking makasama ko habambuhay.. Nakatingala akong nakatingin sa kalangitan. Bilog ang buwan kaya kita ko ang buong paligid sa ibaba. Mas lalo na iyong harden at nangingislap na tubig galing sa pool. " Bakit gising ka pa?" nagulat pa ako nang may biglang nagsasalita. Si Adrian, sa kabilang terrace na extension din sa kwarto niya. May hawak itong isang bote ng beer. Nagtama pa ang aming paningin. Kaya naalala ko tuloy ang halìkan namin sa falls n'ong nakaraang araw.. " Nagpapahangin lang..." Mahinang wika ko. " Na-miss mo na ba ang Maynila?" tanong niya,na medyo lumapit sa pwesto ko.Tagusan ang terrace sa dalawang kwarto kung saan ako nanatili at ang kwarto niya. Kaya mabilis siyang nakalapit sa pwesto ko.Lan
ELENA'S POV Nagpasya na kaming bumalik sa bahay ni Adrian.May inutusan na siyang tao na siyang magsundo sa amin ng sasakyan. Para na rin makapagpahinga na ako. Hindi ko alam kung mabait ba ako sa past life ko. Bakit ganito nalang kabait si Adrian sa akin? Hindi parin pala ako tuluyang pinabayaan sa itaas na mag-isa at mapahamak kami ng baby ko. " Salamat po, Adrian," pasasalamat ko sa kanya nang hinatid pa niya ako sa kwarto na tinutuluyan ko. Daig ko pa ang buhay prinsesa kay Adrian. Tinitigan niya lang ako at kalaunan ngumiti. " Take a rest." Wika niya. May sinasabi pa siya sa akin na tahimik lamang akong tumango bilang tugon. Sumampa agad ako sa kama nang maramdaman ko ang pagod. Ilang oras din ang ninatili namin sa ilog. Nabusog pa nga ako sa pagkain na dala ni Adrian. Bago ako tuluyang umidlip. Tiningnan ko muna ang cellphone ko baka may text na sa akin ang kaibigan ko na si Bethany. May miss call ngunit ibang number naman na hindi nakasave sa phonebook ko. Hu







