Simula ng lahat....
Ashley
Ako si Ashley Ruiz. Isa akong kerida, kabit, mistress at kung ano ano pang tawag sa taong karelasyon ng isang taong may asawa na. Ang tanging pinag-iba ko sa kanila ay mas malala ako sa kanila dahil sarili kong kapatid ang inaahas ko. Hindi lang basta kapatid, kung hindi sarili kong kakambal.
Nagsimula ang lahat ng idilat ko ang aking mga mata mula sa pagka comatose matapos maaksidente ang sinasakyan ko kasama ang aking mga magulang at ang aking kakambal na si Ashlyn. Mukha agad niya ang natunghayan ko at kahit na wala akong maalala ay sobrang gaan agad ng loob ko sa kanya. Ramdam ko ang pagmamahal at worry niya for me at ang bahagyang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi ay naghatid din sa akin ng kakaibang ligaya. Naisip ko na sobra ko siyang pinag-alala dahil mukha din itong walang tulog.
“Are you feeling okay?” ang tanong niya. Pinakiramdaman kong mabuti ang aking sarili bago sumagot. Medyo masakit pa ang aking katawan ngunit ayaw kong makita ang pag-aalala sa kanyang mukha kaya naman,
“Hindi naman na masyado. Pero sino ka?” napalis ang ngiti sa kanyang mga labi ng marinig ang tanong ko tapos ay tumingin sa doktor na kakadating lang.
“She doesn't recognize me, doc.” Ang turan niya.
“Hayaan mong tignan ko siya.” Ang sabi ng doktor at medyo umurong siya to give way. May mga tinanong ang doktor at sinagot ko naman sa abot ng aking makakaya.
“Nagkaroon din siya ng trauma sa ulo kaya meron din siyang temporary amnesia. Huwag kang mag alala at pasasaan ba ay magbabalik din ang alaala nyo. May mga gamot akong irereseta and just like you, she need to take it regularly.” Sabi ng doktor at tumango naman kaming dalawa bago ito tuluyang umalis.
“May amnesia ako at ganun ka din?” Ang taka kong tanong.
“Yes, we are twins and naaksidente ang sasakyan natin habang magkakasama tayo nila Mom and Dad.” Ang sagot niya. Bakit ganun, kambal kami at pati boses namin ay parang iisa kung hindi lang parang medyo paos ako. Napahawak tuloy ako sa aking leeg at hinagod ang parte ng aking lalamunan.
“Here, I know na nauuhaw ka. Ganyan din ako ng magising, parang nanunuyot ang lalamunan.” Ang sabi niya at tinanggap ko naman ang baso ng tubig na binibigay niya.
“Kamusta ang parents natin?” Ang tanong ko na nagbigay ng kalungkutan sa kanyang maamong mukha. Maluha luha na siya kaya naman nag alala ako para dito. “Hey..” Ang sabi ko,
“I'm sorry, they're gone.” Ang sabi niya at hindi na niya napigilan ang umiyak. Hindi ko man natatandaan ay ramdam ko ang sakit ng kaalamang nawala na ang aming mga magulang kaya naman hindi ko na rin mapigilan ang mapaiyak.
Makalipas ang ilang sandali ay pareho na kaming payapa. “Sa bahay ka na lang mag stay.” Ang sabi niya. “Nasabi ko na kay Marco at pumayag naman siya.”
“Marco?” Ang takang tanong ko.
“Siya ang asawa ko. Huwag kang mag alala dahil mabait siya.”
“Pero hindi ba nakakahiya kung makikitira ako sa inyo? I mean, kailangan nyo ng privacy.”
“Ano ka ba, magkapatid tayo. Hindi lang basta magkapatid, magkakambal pa. Kaya hindi ko hahayaang maiwan kang mag isa dahil alam kong magiging malungkot ka. Tsaka pansamantala lang naman. Kapag nagbalik na ang alaala mo ay pwede ka ng mag decide kung aalis ka sa amin or hindi. Basta sa ngayon, ang gusto ko ay magkasama tayo.” ang mahabang sabi niya.
Na touched ako sa totoo lang. Siguro ay sobrang close talaga kami kaya ganon siya. Napangiti ako at sumang ayon nalang sa gusto niya. Kapag pakiramdam ko ay okay na ako ay magpapaalam na ako para bumukod.
“Thank God. Mag aalala lang kasi ako sayo ng husto kung magkahiwalay pa tayo ng tirahan. At least masisiguro ko ang safety mo.”
“Sa palagay ko ay ang laki ko na para mag alala ka pa ng husto. Pero pagbibigyan kita ngayon since I have no idea about sa sarili ko. Wala akong maalala na kahit na ano about sa akin at medyo confuse ako.” Ang tugon ko. Tapos ay ikinuwento niya ang ilang bagay about sa aming dalawa.
“Sobrang close tayo at lahat ng bagay ay shine share natin sa isa't isa.” Sabi pa niya. “Pero lahat ng mga sinabi ko ay ayon lang din sa asawa ko dahil wala pa rin naman akong naaalala about sa past natin.”
“Gaano katagal ba akong walang malay?”
“May isang buwan na. Pero ako ay 3 days lang daw na walang malay at simula ng magising ako at malaman ko ang tungkol sa kalagayan mo ay hindi na ako nagpalya ng pagdalaw sayo para naman kausapin ka dahil sabi ng doktor ay makakatulong daw iyon sayo to find your way and eventually open your eyes.”
Grabe isang buwan? Isang buwan akong nakahiga lang dito? Kaya pala ang sakit ng likod ko at parang ang bigat ng katawan ko. Tapos ay naalala ko bigla, “Ano ngang pangalan mo? At anong pangalan ko?”
“Ako si Ashlyn at ikaw naman si Ashley. Mas matanda daw ako sayo ayon kay Marco. Kaya siguro ganito ako ka protective sayo.”
“Grabe ka naman, akala mo kung ilang taon ang age gap natin eh sigurado ko na ilang minuto lang.” Ang natatawa kong sabi na ikinatawa niya rin.
“Sabi ni Marco ay I always insist na older ako sayo dahil gusto ko raw ang pakiramdam ng pagiging ate. I always take care of you daw and happy about it.”
“Ang gaan ng pakiramdam ko sayo, siguro nga ay talagang alagang alaga mo ako. Don't worry, kung matigas ang ulo ko before the accident ay magpapakabait na ako ngayon. Lalo na at tayo na lang pala ang magkasama sa mundong ito.” ang sabi ko sa kanya. Pangako ko na rin sa sarili ko iyon at aalagaan ko rin siya.
Nagkwentuhan pa kami pero hindi namin napagkwentuhan ang tungkol sa aming mga magulang. Nasabi lang ng asawa niya na super bait din ng aming mommy at daddy. Pero bukod doon ay wala na.
Hindi pa rin naman ganun katagal ang kanilang pagsasama pala at may anim na buwan pa lang din silang kasal. Sa mga panahon daw na iyon ay puro out of town sila dahil nasa honeymoon stage pa lang sila.
Hindi ako iniwanan ni Ashlyn, inasikaso niya na rin ang discharge paper ko pero hindi pa pumayag ang doktor ko. Kailangan ko pa daw maobserbahan muna para masiguro na okay na okay na ako. “Di bale, aayusin ko na lang muna ang kwarto mo sa penthouse. Siya nga pala, pansamantala muna tayo doon dahil malapit lang dito sa ospital iyon. Ayaw ni Marco na magbiyahe ako ng may kalayuan kaya nagdecide siya na doon muna kami mag stay para madali lang kitang mapuntahan.”
“Okay lang kahit saan pa yang bahay nyo.” Ang tugon ko. “Makikitira na nga lang ako eh choosy pa?” Ang natatawa kong sabi.
Pamaya maya pa ay may kumatok sa aking hospital room at sabay pa kaming napatingin ng bumukas ang pintuan. Tapos ay iniluwa ang pinakagwapong lalaki yata na nasilayan ko. Nakangiti ito pero hindi sa akin kung hindi sa kakambal ko. “Am I late?” Ang tanong niya.
“No, ayaw pa ring pauwiin ng doktor si Ashley kaya hindi din natin siya masasabay pag uwi.” Ang sagot ni Ashlyn bago siya binigyan ng mainit na halik ng asawa. Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil feeling ko ay na out of place ako. At dahil din sa eksenang iyon ay sure akong siya si Marco.
“Eh di hayaan muna natin siya dito. Since gising na siya ay kaya naman na niya sigurong asikasuhin ang sarili niya at hindi mo na kailangang matulog pa dito.” Sabi ni Marco.
Dahil sa sinabi ng lalaki ay nagulat ako, “What, natutulog ka dito?”
“Yes, hindi siya mapalagay hangga't hindi niya nasisiguro na okay ka.” si Marco ang sumagot imbes na si Ashlyn. Okay lang naman sana kaya lang ay bakit parang galit ito sa akin?
“Marco,” Ang sita ni Ashlyn dito. Siguro ay naramdaman din niya ang hostility sa tono ng asawa. “May problema ba sa company?” Ang tanong ng kakambal ko sa asawa niya na para bang iyon talaga ang dahilan kung bakit ganon ang tono ng pananalita nito.
“I'm just tired. Hindi pa ba tayo uuwi?” Ang tanong niya.
“Sige na, umuwi na kayo. Kaya ko naman na ang sarili ko at madali lang naman ang nurse tawagin.” Ang pagtataboy ko sa kanila. Baka kasi kaya mainit ang dugo sa akin ni Marco ay dahil nakukuha ko na ang buong oras ni Ashlyn at nawawalan na ito ng panahon sa asawa.
“Are you sure?” Ang naninigurong tanong pa nito.
“Oo naman. You go ahead at pagod na pala ang asawa mo. I can take care of myself na.” Sagot ko naman.
“Okay. Pero magbibilin ako sa mga nurse na tawagan ako kung ano't ano man.”
“Ikaw ang bahala.” Ang sabi ko na lang para tuluyan na silang umalis dahil bakas na sa mukha ni Marco ang pagkayamot. Napaisip tuloy ako kung okay lang ba talaga sa lalaki na makitira ako sa kanila.
Naiwan akong mag isa sa akin silid at doon ko naramdaman ang sobrang kalungkutan. Naalala kong wala na ang aming mga magulang tapos ngayon ay kailangan kong makisama kila Ashlyn.
At si Marco. Napaka gwapo niya at hindi ko mapigilan ang makaramdam ng paghanga rito. Nang gabing iyon ay siya ang laman ng isip ko kaya paulit ulit kong ipinipilig ang aking ulo dahil hindi tamang isipin ko siya. Asawa siya ng kapatid ko. Hindi lang basta kapatid, kung hindi kakambal pa.
AshlynKinabukasan, mabigat ang aking katawan. Para bang bawat kalamnan ko ay humihingi ng pahinga. Masama ang aking pakiramdam at tinatamad akong bumangon, ngunit ramdam ko rin ang init ng sikat ng araw na sumisilip sa siwang ng kurtina.“Rise and shine, Sweet…” malambing na wika ni Marco. Nang imulat ko ang aking mga mata, ang unang bumungad sa akin ay ang kanyang nakangiting mukha, tila ba siya ang pinakamagandang tanawin sa umaga. Kaya kahit gaano kasama ang aking pakiramdam, hindi ko napigilan ang mapangiti. Hinawakan niya ang aking pisngi at dahan-dahang inilapit ang kanyang labi sa akin. Tinanggap ko ang halik na iyon, malambot, mainit, at puno ng pag-aalaga.“Hmmm…” bahagyang ungol ko nang palalimin pa niya ang halik, para bang hinahayaang lamunin kami ng init ng umaga. Ihahanda ko na sana ang sarili ko para sa isang mainit at masayang simula, ngunit bigla kong naramdaman ang pag-ikot ng aking sikmura.Mabilis kong tinulak si Marco at halos hindi na ako nakapagpaliwanag nang da
AshlynNaunang naligo si Marco at habang nasa bathroom siya ay nasa kwarto naman ako ng mga bata at binabasahan sila ng bedtime story. Nang pumasok ang asawa ko upang siya naman ang humarap sa mga bata ay ako naman din ang naglinis ng aking katawan.Kalalabas ko lang ng walk-in closet para ilagay sa marumihan ang robe at tuwalya na ginamit ko ng pumasok si Marco. Ang liwanag mula sa lampshade sa tabi ng kama ay nagbibigay ng malambot na glow sa paligid, tila inaanyayahan kaming magpahinga, pero iba ang nasa isip ko nang mga oras na iyon.Marco locked the door quietly, his eyes never leaving mine. May kung anong lalim sa tingin niya, parang sinasabi na ngayon, wala nang ibang mundo kundi kaming dalawa lang. Lumapit siya nang dahan-dahan at ng nasa harap na niya ako ay hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, tsaka hinalikan ako nang marahan, isang halik na puno ng lambing, ngunit may halong pagnanasa na unti-unting tumitindi.“Ang ganda mo,” bulong niya habang dinadampian ng halik ang
Three years later…AshlynTatlong taon na ang lumipas, pero para bang kahapon lang nangyari ang lahat. Sa bawat paggising ko tuwing umaga, minsan ay sumisilip pa rin ang alaala ng huling araw na nakita ko si Ashley.Dama ko pa rin ang kirot. Hindi ko man gustuhin, nakaukit na sa puso’t isipan ko ang araw na iyon. Subalit natutunan ko na ring tanggapin na may mga sugat na hindi agaran na maghihilom, pero maaari pa ring mamuhay kahit dala-dala ang peklat.Kailangan kong magpatuloy. Kailangan kong maging ina at asawa sa pamilyang umaasa sa akin. Unti-unti kong itinayo muli ang sarili ko, pinilit maging normal ang lahat kahit na may mga gabing tahimik akong umiiyak. Alam kong ang mga kasalanan at sama ng loob ni Ashley, siya na ang bahalang humarap at magpaliwanag sa Panginoon.Hindi rin nagkulang si Marco. Sa bawat araw na tila gusto kong bumigay, siya ang naging lakas ko. Ramdam ko ang kanyang pang-unawa, ang tahimik niyang suporta na hindi kailanman nanghusga sa akin.Ngayon, narito kam
AshlynNailibing na si Ashley.Tahimik ang paligid habang isa-isa nang nagsiuwian ang mga taong nakiramay. Naiwan ako sa tapat ng kanyang puntod, hawak pa rin ang maliit na puting sobre na ibinigay sa akin ng nurse ng dalhin sa morgue ang kakambal ko. Ang liham na iniwan ng kapatid ko bago niya kitlin ang sarili niyang buhay.Masakit. Masakit dahil kahit sa huli, hindi niya pa rin nagawang humingi ng tawad.Hindi para sa akin, kundi para sa sarili niya. O para man lang sa Diyos. Sana bago siya nalagutan ng hininga, naisip niyang lumapit sa Kanya. Pero wala. Ang iniwan niya sa akin ay ang parehong damdaming gusto kong burahin sa pagitan naming dalawa: galit, inggit, at poot.Pagkatapos naming dalhin ang kanyang bangkay sa morgue, saka lumapit sa akin ang nurse. May pagkailang siyang inabot ang liham, waring nag-aalangan kung ibibigay ba talaga iyon o itatago na lang habang buhay.Pagkarating namin sa bahay, agad kong naramdaman ang biglang paghigpit ng dibdib ko. Tahimik ang paligid, pe
AshlynTahimik kaming nakaupo ni Marco sa gilid ng kama, mga kamay namin ay magkahawak, ngunit parehong may bigat sa dibdib. Ang buong bahay ay tila tahimik na sumasalamin sa alon ng mga emosyong hindi namin masambit agad. Ang ilaw sa lampshade ay may malamlam na liwanag, sapat lang para makita ko ang pag-aalala sa mga mata ng asawa ko.“Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya,” bulong ko habang pinipilit kong pigilan ang pag-angat ng luha sa aking mga mata. “Sa halip na matuwa ako na ligtas siya, na buhay pa rin siya... bakit parang mas lalo pa akong nasasaktan?”Hinagod ni Marco ang likod ng kamay ko, tila sinusubukang palakasin ang loob ko, pero ramdam ko rin ang tensyon sa kaniyang bisig."Sinabi niya ‘yon habang alam niyang ikaw ang tunay kong asawa," mahinahon ngunit mariing sabi niya. "Walang pasintabi, walang pagkilala sa tama at mali. Wala siyang pinagsisisihan."Tumango ako, bagamat mas lalong sumikip ang dibdib ko. "Akala ko, pagkatapos ng lahat ng ginawa niya… matatauh
AshlynTahimik ang paligid habang nakaupo ako sa tabi ng kama ni Ashley. Okay na ako at dalawang araw na rin ang lumipas mula ng dalhin dito si Ashley at operahan. Ang sabi ng doktor ay okay na ang kanyang kalagayan maliban sa kanyang likod dahil sa tinamong saksak nang harangin si Ismael.Si Marco ay nasa labas lang ng silid. Gusto kong makausap ng sarilinan si Ashley kaya hiniling ko na hintayin na lamang niya muna ako.Tinitigan ko ang kakambal ko. Kahit nakahiga siya, pilit pa rin niyang pinananatili ang tikas ng kanyang pagkatao. Ngunit hindi ko maikakaila ang sakit at pagod sa mga mata niya, pero ang pinaka-matindi ay ang sa kanyang likod. Lahat ‘yon ay dulot ng pagtatanggol niya kay Marco. Ito ang unang beses na magkakausap kami. “Salamat,” mahina kong sambit habang hawak ang kanyang kamay. “Kung hindi mo hinarangan si Ismael, baka… baka wala na si Marco ngayon.”"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama kay Marco. Mahal na mahal ko siya..." tugon niya na hindi inaalis ang ting