Ashley
“Hey sis.” ang bati sa akin ni Ashlyn. Napaka masayahin nito at napakabait. Nasa penthouse na ako at nakikitira sa kanila. Napansin ko na parang hindi ako tanggap ni Marco sa kanila, ngunit ikinibit balikat ko na lang since ang kakambal ko naman ang importante sa akin. Sinikap ko na lang na makatulong sa mga gawaing bahay para hindi naman ako magmukhang pabigat.
Araw araw na nakikita ko ang lalaki ay hindi ko mapigilan ang humanga sa kanya kahit na napakasungit nito sa akin kapag hindi nakatingin ang kakambal ko. Hindi naman ako batang paslit para magsumbong dahil ayaw ko rin naman na mag away pa sila ng dahil sa akin. Kapag nagkataon ay magkakaroon ng dahilan ang pagiging masungit nito.
“Hey, good morning.” ang bati ko rin naman. Umaga at kasalukuyan siyang nasa kitchen. Natanghali ako ng gising kaya naman ready na ang breakfast pag labas ko. Si Marco ay nakaupo na at ready to dig in na rin.
“Take your seat and let’s eat.” ang masayang sabi ni Ashlyn. Wala akong matandaan about sa akin. Kung marunong ba akong magluto or what. Pero sinisikap ko na gumawa ng breakfast sa umaga lalo na kung simpleng prito lang naman iyon. Napansin kong pailing iling si Marco ng makaupo na ako kaya naman nag alangan ako kung babatiin ko rin ba siya o hindi. “Kumain ka ng kumain at ng lumakas ka.” ang sabi pa ng kakambal ko habang ipinaglalagay pa niya ako ng pagkain.
“Huwag mo akong intindihin, Ash. Ang asawa mo ang asikasuhin mo.” ang sabi ko naman sa kanya.
“Oo nga naman, Ash. Malaki na ang kapatid mo at kaya na niya ang sarili niya.” ang sabi ni Marco. Nakita ko ang pag ngiti ni Ashlyn at masasabi kong napakasaya ng kanilang pagsasama.
“Fine.” ang sagot niya, “Ikaw naman, masyado kang seloso. O hayan, kumain ka rin ng marami dahil alam kong super busy ka mamaya sa baba.”
“Thanks, Ash.” ang nakangiting tugon naman ni Marco. Hindi ko mapigilan ang makaramdam ng pagkainggit dahil doon. Napatingin ako sa lalaki at huling huli niya ako kaya naman mabilis kong itinungo ang aking ulo. Ayokong isipin niya na nag-iisip ako ng hindi maganda about sa kanya at nakakahiyang lalo sa kapatid ko na ubod ng bait at lambing.
“Anyway, Marco and dear sister, I am going out of town.”
“Again?” ang parang nagtatampong tanong ni Marco.
“Ano ka ba naman, alam mo naman ang trabaho ko.”
“Exactly, can’t you resign and stay here? Kaya naman kitang buhayin, para ano pa at nagpapakakuba ako sa pagtatrabaho kung ganun ka rin.” ang sagot ng bayaw ko. Naiintindihan ko siya sa totoo lang at hindi ko magets ang kapatid ko kung bakit kailangan pa niyang magtrabaho gayong bilyonaryo naman ang asawa niya.
“Napag usapan na natin ito, Marco. Masaya ako sa ginagawa ko. At least walang sino man ang magsasabi na pera mo lang ang habol ko sayo.” Ah ganun naman pala. May point siya, kaya lang sa palagay ko ay hindi na niya dapat isipin kung ano ang sinasabi ng iba, ang mahalaga ay silang mag asawa. “Please… Hindi pa naman kita napapabayaan, right?” ang tanong pa niya. Nakatingin lang ang asawa niya sa kanya at naisip siguro nito na wala na siyang magagawa kaya matapos na humugot ng napakalalim na buntong hininga ay tumango na ito. “Thank you so much. I love you.” ang masayang sabi ng kakambal ko.
“You know that I love you so much at hindi kita matitiis kaya ganito ang ginagawa mo ano?”
“Hindi naman, kailangan lang talaga. Alam mo naman ang trabaho ko.” Naikwento ni Ashlyn na sa isang malaking film production siya nagtatrabaho at isa sa mga gawain niya ay ang maghanap ng mga locations para sa shooting. Hindi ko alam kung sagot ba ng company ang gastos niya, pero malamang ay oo dahil sa mahigit isang buwan kong paglagi sa kanila ay 2 beses na siyang nag out of town.
“Make sure na mag-iingat ka. Malayo ako sayo at tanging kasamahan mo lang sa trabaho ang kasama mo.”
“Of course.” ang sagot ni Ashlyn dito. Tapos ay bumaling siya sa akin. “Ikaw na muna ang bahala dito. Alam mo naman si Marco pagdating sa trabaho ay nawawala sa isip ang oras so don’t wait for him para kumain. Sarili mo lang ang asikasuhin mo at may assistant naman ang mahal ko to prepare his food.”
“Okay. Basta mag-iingat ka doon at tumawag ka ng madalas. Gaano ka ba katagal pala na mawawala?” ang tanong ko,
“One week.”
“One week?” Marco exclaimed. Paanong hindi, eh napakatagal nga naman non. Nung nakaraan ay three days lang siyang nawala.
Oo eh. Kailangan kasi ni Direk ng complete details ng lugar.”
“Grabe naman yon, Ash.” ang sabi ni Marco. “Isa pa, hindi ka pa nga tuluyang magaling. Ni hindi mo pa nga naaalala ang mga bagay tungkol sa atin.”
“Please naman Marco, aalis ako at ayaw ko sanang umalis na magkaaway tayo.” ang sabi ni Ashlyn na mukhang lungkot na lungkot talaga. Hindi ko na rin alam kung ipagpapatuloy ko pa ba ang pagkain dahil naiilang na rin ako.
“Excuse me, balik lang ako sa kwarto ko.” ang sabi ko sabay tayo. Hindi ko hinintay na sumagot ang sino man sa kanila dahil talagang naiilang na ako.
Iyon ang unang beses na narinig ko silang nagtalo. After non ay wala na. Ang mga sumunod na mga araw ay sweet na sila na parang walang nangyari. Lumipas ang mga linggo at patuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Ashlyn kaya madalas pa rin itong nawawala.
Si Marco naman ay minsan hindi din umuuwi. Ayaw siguro akong makita dahil namimiss niya ang kakambal ko. Magkamukhang magkamukha naman kasi talaga kami ni Ashlyn. Hindi ko nga alam kung nakikilala ba niya kami or what. Pero siguro nga ay alam niya ang pagkakaiba namin since mag asawa sila.
Kagaya ngayon. Pangalawang araw ng wala si Ashlyn mula sa paalam nito na 10 days out of town kaya hindi ko inaasahan na uuwi ang bayaw ko, kaya naman malaya akong lumabas ng aking silid na naka pantulog lang. Manipis na nighties na binili ko mula sa perang ibinigay sa akin ni Ashlyn noon. Ayaw ko man ay tinanggap ko na rin, wala kasi akong trabaho. Pero nitong mga huling mga araw ay nag decide na akong maghanap since may palagay akong hindi agad magbabalik ang aking mga alaala. Para na rin hindi nakakahiya ng bongga sa kakambal ko at sa asawa niya na rin.
Pumunta ako sa kusina na walang pag aalinlangan at binuksan ang ref. Kumuha muna ako ng baso kaya hindi ko na isinara ang pinto at naglagay muna ng tubig bago ko ibinalik ang pitsel sa loob ng ref at isinara ang pinto nito. Ininom ko ang tubig at saktong pagbaba ko ng baso sa lamesa ay nakita kong nakatayo si Marco. Naka robe lang ito na bahagyang nakalitaw ang bandang dibdib, hindi ko tuloy maiwasang mapalunok dahil kitang kita ko kung gaano siya kakisig mula sa liwanag na nagmumula sa medyo mapanglaw na ilaw ng living room. Parang nalanghap ko rin ang bahagyang amoy ng alak. Uminom ba ito? Saan?
“Nandito ka pala.” ang sabi ko. Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin. Pamaya maya pa,
“Next time, get dressed kapag lalabas ka ng silid mo, hindi lang ikaw ang nakatira dito.” tapos ay tinalikuran na niya ako kaya hindi na ako nakapag dahilan pa. Naiinis man ay bumalik na ako sa aking silid.
‘Napaka sungit talaga!’ ang naiinis na sabi ko pagpasok ko ng aking silid. Kung hindi lang gwapo ito hay naku!! Sumalampak na ako sa aking kama para matulog, pero sa hindi ko mawari ay hindi ko magawang makatulog kahit na anong pikit ko. Si Marco at ang dibdib niya ang nasa isipan ko.
‘Hay naku, Ashley! No! Hindi pwede ang tinatakbo ng isip mo! Ang sabi ko sa sarili ko baka kasi nakakalimutan na eh. ‘Bayaw mo si Marco at masaya silang mag-asawa kaya huwag kang umepal.’ dagdag ko pa, nagbabakasakaling tuluyan na ngang mawala siya sa isipan ko.
May 30 minutes na akong sige ang baliktad sa kama pero hindi pa rin ako makatulog. Nagulat tuloy ako ng biglang may kumatok. Napatingin ako sa pintuan at ayaw kong isipin kung sino ang nasa likod non dahil dadalawa lang naman kami ng bayaw ko ang nasa penthouse na ito.
Hindi tumigil ang marahang pagkatok kaya naman tumayo na ako at pinagbuksan ko na siya ng pinto. Parang mahuhulog ang puso ko ng bumungad sa akin ang mapungay na mga mata ng bayaw ko kaya naman napalunok na ako.
“I can’t sleep.” ang sabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya nanahimik na lang ako. “I keep thinking about you.” ang dagdag pa niya na nagpalaki ng aking mga mata. Bago pa ako makasagot sa kanya ay bigla na lang niya akong tinulak ng marahan papasok sa aking silid. Then he pinned me behind the closed door and kissed me. What’s going on?
Ashlyn“Dito ka, Rere. Ako sa kanan. Tiyakin mong bantayan ang lahat ng exit points. Bawat sulok, bawat posibleng lagusan. Kung sakaling lumabas si Asher, dapat hindi siya makalayo,” utos ko, halos habol ang hininga habang sinisikap na manatiling kalmado.“Opo, Ma'am,” tugon niya. Halata sa tinig niya ang pagod, pero mas nangingibabaw ang pag-aalala. Pareho kaming lumalaban sa kaba at pagod.Ang maze garden ay hindi basta simpleng taniman ng mga halamang ornamental. Para itong isang dambuhalang labyrinth mataas ang mga hedges, mga isa at kalahating metro ang taas na medyo okay lang sa mga bata, at sa bawat liko’y may sulok na pwedeng taguan ng isang bata. Isang lugar na parang dinisenyo para sa paglalaro… o pagtatago.Habang binabaybay ko ang mga daan, bawat hakbang ay katumbas ng tumitinding kaba. Naririnig ko ang sarili kong paghinga, mabilis, mabigat, parang may hinahabol akong multo ng pangamba. Minsan, iniisip kong baka hininga na iyon ni Asher. Pero sa bawat pagliko ko, wala pa
AshlynHindi pa man ako nakalalayo mula sa restroom ay may kutob na akong hindi maganda. Mula sa kalayuan, narinig ko ang sigaw ni Ana, kasunod ang pag-echo ng pangalan ni Asher sa paligid."Asher!" sigaw ng isa pang boses na kung hindi ako nagkakamali ay mula kay Rere. Baki? Nasaan si Marco?Napakunot ang noo ko. Mabilis akong lumingon sa direksyon ng pinanggalingan ng ingay. Mula sa pagkakatayo ko, nakita ko si Rere na patakbo, paikot sa maze garden. Wala si Asher. Wala rin sina Ana at Maya pati na si Marco.Kinabahan ako. Agad akong napatakbo, hindi ko na alintana ang init ng semento sa ilalim ng flats kong sapatos."Asher?! Rere!" sigaw ko habang hinahabol ang direksyon nila. Nanlalamig ang aking palad habang hawak ang sling bag. Naramdaman kong bumibilis ang tibok ng puso ko hindi dahil sa pagtakbo, kundi dahil sa takot.Pakiwari ko ay mabibingi ako sa sariling kaba. Baka kung ano ang mangyari sa anak ko. No, hindi ko dapat hayaan na mapaano si Asher.Pagdating ko sa bukana ng ma
MarcoSabado ng umaga. Maaga kaming umalis ng aking pamilya kasama ang dalawang yaya para sa meeting ko with Mr. Vergara. Sinalubong kami ng amoy ng brewed coffee at tahimik na ambiance ng isang high-end café sa BGC, perfect para sa ganitong klaseng discussion.Nakareserba na ang table namin sa may dulo, malapit sa salaming tanaw ang labas. Pagdating ko, naroon na si Mr. Vergara, naka-long sleeves, reading glasses, at mukhang may pinagbabatayan ng mood. Tahimik siyang nakasandal habang binubuklat ang printed layout na pinasa ko kahapon."Good morning, Mr. Vergara," bati ko habang iniabot ang kamay ko."You're on time. Good, and you're with-" Tinanguan niya ako at tinuro ang bakanteng upuan. "Let's make this quick, Marco. Gusto kong matapos ‘to bago mag-lunch.""They're my family. It's Saturday so para sa kanila sana ang araw na ito kaya sinama ko na para diretso gala na rin. They will be staying on another table.""It's okay, Marco. At humanga ako sa pagiging family man mo." Tumayo si
MarcoNapatunayan ko nang hindi talaga ako pwedeng mapalagay. Kahit anong pilit kong iwasan, lumilitaw pa rin ang mga multo ng nakaraan gaya ni Ashley. Simula nang nagpakita siya sa opisina ko, muling nabuhay ang mga tanong na pilit ko nang ibinaon sa limot.Hindi pa kami tapos. At kahit anong gawin ko, ramdam kong hindi pa rin siya lubusang nawawala sa pagitan naming dalawa ni Ashlyn.Pero kahit pa ganoon, hindi pwedeng tumigil ang mundo ko. May kumpanya akong kailangang pangalagaan. At ngayon, kaharap ko si Ashlyn, ang babaeng sa kabila ng lahat ay patuloy na nagiging matatag sa kabila ng sakit na nararanasan.Nasa living area kami ng bahay. Nakaupo siya sa couch, habang ako naman ay hindi mapakaling nakaupo sa tabi niya. Pinagmamasdan namin ang kambal naming masayang naglalaro sa playpen. Ngunit hindi makapokus ang utak ko sa kakulitan nila, dahil sa bigat na gustong kumawala sa dibdib ko.Napansin niya siguro ang pagkabalisa ko.“May problema ba, Marco?” tanong niya. May lambing s
MarcoPagkatapos naming makuha si Asher, pakiramdam ko’y unti-unting bumabalik ang kaayusan sa buhay ko. Sa wakas, may katahimikan na ring namayani, kahit panandalian. Hindi ko na gaanong inaalala si Ashley, lalo at may mga tao akong palaging nakabuntot sa kanya. Binabantayan ang bawat galaw niya, kahit saan siya magpunta.Pero kahit ganon, hindi ako lubusang mapalagay lalo at sariwa pa sa isip ko ang impormasyong ibinigay ni Sandro. Posibleng nasa panganib si Ashlyn. Lalo na at wala na kay Ashley ang anak naming si Asher, wala na siyang panangga, wala na siyang alas para manipulahin ako.Nagpatuloy lang ako sa trabaho. Araw-araw akong pumapasok sa opisina, mas maaga na rin akong umuuwi para makaiwas sa trapiko. Gusto kong makasabay sa hapunan ang pamilya ko, kahit man lang doon ay maramdaman nilang buo kami. Mabuti na lang at napaka-reliable nina Andy at ng tatlo kong secretary na hindi ko alam kung anong mangyayari sa kumpanya kung wala sila.Tuwing darating ako sa opisina, nakalata
AshlynHindi pumapalya, sa tuwing may pagkakataon kami ni Marco, nauuwi iyon sa pagtatalik. At hindi lang basta init ng katawan ang dahilan; para sa akin, iyon ay pag-asa. Isang tahimik ngunit masidhing panalangin na sana, sa paglipas ng mga araw, sa bawat pagniniig namin, ay mabigyan kami ng pagkakataong makabuo.Dama ko ang pagmamahal at pagkalinga niya sa akin sa bawat haplos, sa bawat paghinga niya sa aking leeg habang magkayakap kami sa gabi. Hindi lang siya basta mapagmahal na asawa, isa siyang haligi ng tahanan na kahit abala sa negosyo ay sinisiguradong hindi kami napapabayaan.Napakapasensyoso ni Marco. Kung nasa bahay siya, wala siyang ibang inaatupag kundi ang pag-aalaga sa amin ng mga bata. Siya ang nagpapaligo sa mga anak namin, siya ang nagluluto ng paborito kong sinigang kung nakakaramdam ako ng hilo. At kahit minsan, kahit pagod mula sa meeting, ay ipinipilit pa rin niyang makasama sa mga lakad ko lalo na kung sa hospital ang tungo ko.“Hindi ko kayang hayaan ka lang m