Share

My Brother's Girl Bestfriend
My Brother's Girl Bestfriend
Penulis: AKHIRAH MIAMOR

Chapter 1

Typhoon JR.:

"Congratulations, Captain Del Mundo Jr!"

NAPANGITI ako sa masiglang pag-welcome at bati sa akin ng aming headquarters.

"Salamat! Salamat!"

Isa-isa ang mga itong kinakamayan ako para sa pagkaka-promote ko bilang bago nilang Captain sa aming departamento.

"Congrats, Dos! You deserved it!"

Napangiti akong yumakap sa girl bestfriend kong si Lieutenant Angelique Madrigal, pamangkin ng Tita Cathleen ko.

"Thanks, Ange, regalo ko?" biro kong ikinangiwi nito.

"Eto," saad nito sabay halik sa pisngi ko.

Umani tuloy ng hiyawan at tuksuan sa amin ng mga kapwa naming pulis.

Tatawa-tawa lang naman ito ng pamulaan ako sa paghalik nito sa akin in public.

Sanay naman na kaming naglalambingan ni Ange. Mula pagkabata ay magkasanggang dikit kami kaya nga kahit sa kursong kinuha ko ay ginaya rin nito.

Madalas tuloy napagkakamalhan kaming magkasintahan ng mga tao sa sweetness namin sa isa't-isa pero. . . hanggang magkapatid lang ang turing namin sa isa't-isa.

Hinahayaan ko itong makipag-date sa iba at gano'n din naman ito sa akin as long as boto kami sa mga makaka-date namin.

Madalas mag-over-night din ito sa mansion lalo na kung may hawak kaming kasong kailangan naming pag-aralang maigi.

Hindi rin naman siya iba sa akin kaya walang malisya kahit pa ba nagtatabi kaming matulog sa kama ng naka-underwear lang.

"Haist, ihanap mo naman ako ng iba. Sawa na ako sa halik mo eh,"  biro ko habang umaakyat na kami ng hagdanan paakyat sa bagong opisina ko.

"Ah. . . gano'n?" anitong tinaasan ako ng kilay saka binatukan!

Tatawa-tawa akong napakamot sa batok lalo't pinaniningkitan na ako nito.

"Aray! Hahaha! Biro lang ito naman."

Umakbay na ako dito at inakay papasok ng opisina.

"Hmfpt!" pagmamaldita pa nito pero yumakap din naman sa tagiliran kong ikinangiti ko.

MAGHAPON akong nakasubsob sa harapan ng laptop ko dahil sa bagong ipinagkatiwala ng General namin sa aking kaso. Terrorism. Ang pinaka hinihintay kong mahawakang kaso. Hindi lang para matigil na ang pagsaliwat ng mga kasapi ng samahang 'to sa pamamahala ng gobyernong pinaglilingkuran ko. Kundi para na rin mabigyan ko ng hustisyang nararapat para sa ama kong dating Captain na may hawak ng kasong ito pero siya ring dahilan ng pagkawalay nito sa amin. . . at pagdurusa ng ina naming hanggang ngayo'y nakalugmok pa rin sa kalungkutan.

Mahal na mahal ni Mommy si Daddy. Kaya gano'n na lamang kahirap sa kanyang tanggaping wala na ito dahil sa serbisyo. Hanggang ngayo'y hindi pa rin tanggap ni mommy na ibinuwis ni Daddy ang sariling buhay dahil sa tungkulin. At hanggang ngayo'y. . . tuluyan na siyang kinain ng depression niya kaya naman lumaki kaming lima ng mga kapatid kong walang ama at walang ina.

Mabuti na lamang may malaki at mapagmahal kaming pamilya. Si Mama Liezel at Papa Cedric at Tatay Moon na mga grandparents namin ang siyang tumayong mga magulang namin ng mga kapatid ko. Maging sina Tito Khiro, Khiranz, Collins, Ethan at Cloudy ay hindi kami pinapabayaan at pinupunan nila ang kalinga ng isang amang hindi namin naranasan dahil sa pagkakaulila namin ng maaga.

Sina Tita Cathleen, Danaya, Sam, Charrie at Rain naman ang dumadamay kay Mommy para aliwin ito pero wala ring silbi dahil hanggang ngayo'y may sakit pa rin si Mommy.

Ni minsa'y hindi namin naramdaman ang kalinga at pagmamahal ni Mommy sa amin pero naiintindihan naman namin ang sitwasyon nito.

Lugmok si Mommy sa depression niya mula ng mawala na si Daddy nasa sinapupunan niya pa lang kaming triplets niya noon.

Mabuti pa nga sina Kuya Tyrone at Typhus ay naranasan nilang maka-bonding noon ang mga magulang namin. Marami silang masasayang ala-ala. Hindi katulad naming triplets na hindi naranasan kahit ang makalaro o makakwentuhan manlang sana si mommy.

Pero maaga pa lang ay ipinaintindi na nila Mama at Papa sa amin ang sitwasyon. At hindi rin naman sila nagkulang ng paggabay, pagpapahalaga at pagmamahal sa aming magkakapatid. Kung tutuusi'y sobra-sobra pa nga ang ipinaranas nila dahil buong angkan namin ay karamay naming bumangon at nagpatuloy sa agos ng buhay.

Sa aming lima ay ako lang ang napasunod sa yapak ni Daddy. Ayaw sana akong payagan nila Mama at Papa na maging alagad ng batas kagaya ni Daddy pero dahil mapilit ako at hindi nila ako matitiis lalo na't ako ang bunso ay wala na silang nagawa kundi suportahan ako.

Sina Kuya Tyrone at Typhus na panganay na kambal sa amin ay sa opisina sila namamahala ngayon. Maging si Kuya Taylor at Ate Marione ay sa negosyo rin nakatuon ang attention nila dahil hindi maasikaso ni Mommy ang mga nakapangalan sa kanya.

NAPAANGAT ako ng mukha sa pag-vibrate ng phone ko dahil sa alarm. Napahilot ako ng noo na mapansing mag-aalas-otso na pala ng gabi.

Nagligpit na ako ng mga gamit ko at lumabas na ng opisina.

Magalang namang nagpaalam sa akin ang mga tao kong naiwan dito sa headquarters namin. Napalinga-linga ako sa paligid dahil wala si Angelique sa paligid. Sanay kasi akong magkasabay kaming umuuwi dahil iisa lang naman ang subdivision ng tinitirhan namin.

Napakibit balikat na lamang ako at sumakay na ng motor ko. Kahit bagong promote ako ay hindi ko maramdaman ang saya ng pagiging Captain ko ngayon. Siguro dahil sa kalagayan ni Mommy. Kaya nga limitado ang kasiyahan sa mansion dahil hindi rin naman nakikisalamuha sa amin si Mommy.

Malimit lang siyang nakatulala sa kawalan habang kayakap ang picture frame ni Daddy. Kahit nga pananalita nito ay saka lang namin naririnig ang tinig niya kapag nagwawawala ito sa tuwing wala ng bisa ang gamot na sinasaksak sa kanyang pangpakalma at kung naaagaw ko ang attention nito at nakikita niya sa akin. . . si Daddy.

Hindi na nga namin mabilang kung ilang beses na niyang sinaktan ang sarili at pinagtangkaang kitilin ang sariling buhay. Kaya 24/7 ay may nakatutok sa kanya kahit sa pagtulog nito ay minomonitor siya nila Mama at Papa.

Kilala ang pamilya namin hindi lang dito sa bansa kundi maging sa abroad kaya para sa proteksyon ng imahe ni Mommy ay hindi namin pinapaalam sa publiko ang sitwasyon niya. Ayaw din naming husgaan at tawaging baliw ang ina namin ng mga tao. Kaya ingat na ingat kaming lahat. Mabuti na lamang at hawig na hawig sila ni Tita Cathleen kaya sa tuwing kailangan ni Mommy magpakita sa public dahil sa negosyo o dahil sa aming mga anak nito ay si Tita Cathleen ang nagiging substitute nito.

PAGDATING ko ng mansion ay napakatahimik na ng paligid at tanging mga guard lang dito sa labas ang siyang nag-iikot-ikot para mag-ronda.

"Good evening, Sir!" panabay pang bati ng mga ito.

Nginingitian at tanguhan ko lamang ang pagbati ng mga ito. Magalang at mapagkakatiwalaan ang mga tao nila Mama at Papa dito sa mansion kaya walang rason para magsuplado kami sa kanila. Isa pa ay pinalaki kami ng mga grandparents namin na maging mapagpa kumbaba kahit pa nasa taas ang angkan namin.

Pagpihit ko ng double door na main door ng mansion ay napatalon pa ako sa gulat na bigla na lamang nagbukas ang mga ilaw! Kasabay ng pagsabog ng mga confitti sa ere.

" Congratulations, Captain! "

Panabay nilang bati. Nangilid ang mga luha ko sa pa-surprise welcome ng buong pamilya ko. Akala ko busy ang mga ito gaya ng sinabi nila kaya sobrang bigat ng loob ko at 'di magawang magdiwang sa pagkaka-promote ko pero heto at may niluluto pala silang party para sa pag-uwi ko.

"Congrats, dude!"

Napapahid ako ng luha sa paglapit ni Kuya Tyrone na may dalang cake na nakasindi na ang candles.

"Thanks, Kuya, " saad ko bago hinipan ang candles na ikinapalakpak nilang lahat.

"Let's go, kaininan na!" masiglang sabat ni Kuya Typhus na ikinatawa ng lahat.

" Congrats, Dos, ang galing naman talaga ng apo naming 'yan."

Napangiti akong yumakap kay Mama at Papa sa pagbati nila.

" Thank you, Mama, Papa." Aniko at humalik din sa kanilang noo.

Ayaw kasi nila na nagmamano kaming mga apo nila sa kanila. Hindi raw sila ganoo'ng katanda para magmano kami. Okay na raw 'yong yakap at halik na ibibigay namin bilang tanda ng pagbibigay galang namin sa kanila. Kahit nga tawagin silang Lola at Lolo ay hindi p'wede. Hindi nga naman halata sa itsura nilang ang dami na nilang apo. Kung tutuusin nga eh para lang silang magkakapatid nila Mommy at mga Tito namin.

"Mauna na po kayo, silipin ko muna si Mommy," paalam kong ikinatango ng mga ito at pumasok na ng dining.

Pinaningkitan ko naman si Angelique na ngingisi ngising nauna na pala dito at malamang ay kinakuntsaba ang pamilya ko para i-surprise ako.

NAPAHINGA ako ng malalim bago pinihit ang doorknob papasok ng silid ni mommy. Tumuloy na ako ng veranda ng isenyas ni Ate Catriona na nandoon si Mommy. Psychiatrist doctor kasi si Ate Catriona na pinsan ko, isa sa triplets ni Tita Cathleen at siya rin ang personal doctor ni Mommy.

"Congrats, Dos, ilibre mo naman ako next time, hmm?" saad nito bago sinenyas na lalabas na.

"Sige, Ate Yoona, sa day off ko labas tayo. Nakakasawa na kasing kasama ang pinsan mo eh," natatawang sagot kong ang tinutukoy ay si Angelique na pinsan nito dahil magkapatid ang ama nila.

Natatawa at iling naman ito sa biro ko.

"Isumbong kita sa kanya eh," saad pa nitong pananakay sa biro ko.

"H'wag naman, kung hindi ako gulpihin na naman no'n."

Sumaludo pa at kumindat pa ito bago lumabas ng silid kaya nagtungo na ako sa veranda kung saan madalas tambayan ni Mommy na tila may hinihintay dumating dahil kita dito ang malaking gate sa baba.

Mapait akong napangiti na maabutan itong nakatulala na naman sa kawalan habang nakaupo sa wheelchair nito at dala ang picture frame ni Daddy.

Nakakalakad naman si Mommy pero mas magagaanan kasi si Ate Yoona na alalayan ito kung nakasakay siya sa wheelchair nitong de remote control.

Niyakap ko itong pinaghahalikan sa ulo bago pumihit paharap dito na nakaluhod para mapantayan ito.

"Mommy, how are you? Nandito na ako, aren't you congratulate me?" nakangiting untag ko dito.

'Di ko mapigilang pangilidan ng luha ang mga mata kong matiim itong tinititigan at umaasang titignan din ako kahit pa walang kabuhay-buhay ang nanlalalim nitong mga mata.

"Mommy. . . look oh, nagmana talaga ako kay Daddy. Simula bukas. . .tatawagin na rin akong, Captain Typhoon Del Mundo Jr," masiglang saad ko.

Pero hindi ko manlang ito makitaan ng reaks'yon na parang wala siyang narinig. Tumulo ang luha kong hinaplos ang humpak nitong pisngi at dumukwang para mahalikan ito sa noo at muling niyakap.

Hinaplos ko ang hawak nitong picture ni Daddy na nakangiti at uniform sa litrato. Kung tutuusi'y kuhang-kuha naming mga lalake ang mukha ni Daddy. Kahit nga si Ate Marione ay mas lamang ang pagkakahawig nito kay Daddy kaysa si Mommy.

"Daddy, I hope I've make you proud. Kayo ang inspiration ko kaya naabot ang posisyong katulad sa posisyon niyo noon. How I wish you were here. Mas masaya sana tayo. . . lalo na si Mommy."

Kahit lalake ako ay napaka-emosyonal ko pagdating sa pamilya.

Dahil na rin siguro sa nangyari sa mga magulang ko. Kung saan maaga kaming nawalan ng ama. At para na ring nawalan ng ina dahil kasa-kasama nga namin si Mommy, pero para din naman siyang patay na buhay sa amin.

Inakay ko na ito papasok ng silid. Malamig na rin dito sa labas at 'di 'yon maganda sa kanya. Tahimik lang siyang parang robot na hinahayaan kami.

"Mommy, punasan na kita, huh?" lambing kong pagpapaalam dito.

Tahimik lang naman ito ng buhatin kong inilipat sa kama nito.

Sanay naman na kaming pinupunasan at binibihisan si Mommy. Kahit kasi maligong mag-isa o magbanyo ay 'di nito magawa kaya kami na ang alternate na umaasikaso sa kanya.

Hindi naman kami nabibigatang asikasuhin si Mommy. Awang-awa nga kami sa kanya dahil sa sinapit. Masyado niyang mahal na mahal si Daddy kaya no'ng nawala na ito ay tuluyan na siyang kinain ng depression.

Matapos ko itong punasan at binihisan ng pangtulog ay sumampa na ako sa tabi nito at niyakap para patulugin.

"Typhoon."

Nangilid ang luha ko sa pagbanggit nito sa pangalan ko. Pero alam ko namang hindi ako ang tinatawag nito kundi. . . si Daddy.

"Pahinga ka na, Mommy. Nandito lang ako," maalumanay kong sagot.

Mas nagsumiksik pa ito sa bisig kong ikinangiti ko kahit tumutulo na naman ang luha kong 'di ko mapigilan.

Hinahaplos ko ito sa ulo habang yakap-yakap para patulugin. Madalas kasi ay ako ang nakakapag patulog sa kanya sa gabi na 'di na kailangang saksakan ng pangpatulog sa suero nito. Ako rin ang nakakapagpa kalma sa kanya sa tuwing wala ng bisa ang gamot nitong pangpakalma at nagwawawala o kaya'y sinasaktan ang sarili.

Kaya kahit nahihimbing ito ay meron at merong nakabantay sa kanya para tignan siya. Ayaw din naman naming kumuha ng private nurse nito dahil sa kondisyon niya. Kaya malaking tulong na iginive-up ni ate Yoona ang career at tinutukan na lamang si Mommy na siyang pasyente niya.

Maingat akong bumangon at inayos si Mommy sa pagkakahiga nito. Napahaplos ako sa mukha nitong kasalukuyang nahihimbing na. Kahit tulog na ito ay bahagya pa ring kunot ang noo nito at kita mong napakalungkot nitong tila pasan ang lahat ng problema sa mundo.

"Please, fight for us, Mom. Nandito kaming mga anak mong nagmamahal sayo. We love you so much, Mommy. I hope and pray na sana dumating na ang araw. . .na makabalik ka na sa katinuan mo," pagkausap ko dito bago mariing humalik sa noo nito.

Ni-press ang buzzer sa tabi ng headboard ng kama nito para tawagin ang sunod na babantay kay Mommy.

Saglit lang at bumukas na ang pinto at niluwal no'n si Ate Marione na may dala pang pagkain.

"Kumain ka na muna, Dos. Ako ng bahala kay Mommy," saad nito at maingat inilapag sa center table nitong silid ang dala nito.

Inayos ko muna ang comforter ni Mommy bago lumapit sa sala nitong silid kung saan tumuloy si Ate.

"Congrats, Dos. Ang galing mo. Proud kami sa narating mo," nakangiting saad nito pagkaupo ko sa tabi nito.

"Salamat, Ate Yonyon. Kahit na napilitan lang kayong suportahan ako sa pinili kong tatahaking landas ay nand'yan pa rin kayo para unawain at suportahan ako."

Maluha-luha itong humawak sa mga kamay ko at matiim akong tinitigan sa mga mata ko.

"Just promise us, Dos. Uuwi ka lagi sa amin. . . ng buhay. Nawala na si Daddy sa atin dahil sa pinili niyang profession na sinundan mo. Maawa ka kay Mommy, ikaw na lang ang nakakapag pakalma at patino sa kanya sa tuwing may sumpong siya. Baka tuluyan na siyang bumigay oras na pati ikaw mawala dahil sa trabaho mo."

Pinahid ko na ang luha nitong nag-alpasan at kinabig payakap sa akin. Pinaghahalikan ko rin ito sa ulo at napangiti ng yumakap din ito sa akin pabalik.

"I promise, hindi mangyayari sa akin ang nangyari kay Daddy, Ate Yonyon. H'wag ka ng umiyak. Alam niyo naman kung bakit ko pinasok ang trabahong 'to." Sagot ko.

Kumalas ito at napahaplos sa mukha ko.

"Para ka talagang si Daddy. Sa mukha, katangian at prinsipyo. But, please? Sana h'wag tayong umabot sa punto na mas pipiliin mong isugal ang buhay mo para sa bansa. Kaysa ang makasama kaming pamilya mo kagaya ng ginawa ni Daddy. Hindi namin kailangan ng bayani sa pamilya, Dos. Ikaw ang kailangan namin. Promise that, huh?" saad nito.

Tumango-tango akong ikinangiti na nito. Maya pa'y biglang umatungal si Mommy kaya taranta kaming lumapit dito.

"Mommy! Mommy, wakeup!" pagyugyog ko dito na mariing nakapikit at humahagulhol yakap ang unan.

Nagmulat ito at natigilang makita ako. Inalalayan naman namin ni Ate Yonyon makaupo ito at isinandal sa headboard ng kama. Kahit parang pinipiga ang puso ko ay ngumiti ako ditong pinahid ang mga luha.

Napalabi itong matamang akong tinititigan at parang nahihipnotismong hinaplos ako sa mukhang ikinatulo ng mga luha ko. Sa uri kasi ng pagtitig niya ay hindi ako ang nakikita niyang kaharap niya. . .kundi si Daddy lalo na't naka-uniporme pa ako.

"Typhoon."

Tumango-tango akong hinawakan ito sa kamay at mariing humalik sa mga palad nito.

"Nandito ako, Mommy. Nagugutom ka ba? Gusto mong kumain tayo?" pag-aalok ko.

Saka lang siya nakakakain ng maayos kapag ako ang kasabay kaya bago ako pumasok sa trabaho ay sinasabayan ko ito sa agahan at maging sa hapunan para magana itong makakain.

Napangiti kami ni Ate Yonyon ng tumango-tango itong bahagyang nakangiting nakatitig sa akin. Tumayo naman na si Ate at kinuha ang dala nitong pagkain para sa amin ni Mommy.

Masaya akong sinusubuan ito at sinasabayan na rin ang sariling subuan kaya napapangiti itong matiim akong tinititigan.

Kaya hanggang ngayo'y hindi pa ako naggi-girlfriend eh. Kasi si Mommy ang instant girlfriend ko. Idagdag pa si Angelique na sanggang-dikit ko sa trabaho kaya wala talaga akong oras maghanap ng magiging jowa ko.

Masaya naman akong pinagsisilbihan si Mommy. Magaan sa loob ko bilang anak nito na sa kabila ng sitwasyon niya ay napapasaya ko kahit paano ito. Kahit pa ba si Daddy ang nakikita niya sa katauhan ko at hindi. . .ako bilang anak niya.

"Kumain ka pa, Mommy," alok ko ng pinaabot na nito ang tubig at ininom kalakip no'n ang gamot nito.

Umiling na ito kaya inabot ko na kay Ate ang tray at pinunasan na si Mommy sa bibig.

"Dito ka, Typhoon," mahinang saad nito at tinapik ang kama katabi nito.

Napapalabi naman si Ate na pinanonood kami ni Mommy. Gustong-gusto rin kasi nilang inaalagan at nalalambing si Mommy pero sadyang sa akin lang ito malapit.

Tumabi na ako dito at isinandal sa dibdib ko. Panay ang halik ko sa ulo nito na alam kong ikinakagaan ng loob nito.

"Inaantok ka na ba, Mommy?" tanong ko ng panay na ang hikab nito habang nakayakap sa akin.

Tumango-tango naman ito kaya umayos na ako at maingat itong inihiga. Pinaunan ko rin ito sa braso ko at niyakap para patulugin.

Matamis akong napangiti ng tumingala pa ito at nag-smack-kiss sa mga labi ko. Wala namang malisya sa akin ang halik ni Mommy dahil smack lang at kahit nga kina Mama Liezel at sa mga Tita ko ay nag-i-smack-kiss din ako. Kaya hindi ko na kailangan ng girlfriend sa dami nilang instant girlfriend ko.

"Kita mo na kung paano mo siya napapakalma? Kaya please, Dos, kung p'wede lang bumitaw ka na lang kasi sa trabaho mo."  

Napahinga ako ng malalim at inakay na si Ate Yonyon sa may pinto.

"Saka na, Ate. Kapag nabigyan ko na ng hustisya ang pagkamatay ni Daddy lalo na't hanggang ngayo'y unsolved pa rin ang kasong dahilan ng pagkamatay niya. I'll extra careful from now on. Pinapangako kong babalik at babalik ako ng buhay sa inyong pamilya ko. Lalo na kay Mommy."

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status