Share

Hindi ko na maitatago pa

“Seriously, Harmony? You went here wearing those pajamas!?”

Kumunot and noo ko sa pinagsasabi niya. “Anong pajama? Tshirt at jeggings to. Di mo ba alam pinagkaiba nun?!”

Aware ako na pinagtitinginan na ako ng mga tao sa loob ng mamahaling restaurant na ito ngunit imbis na ma-awkward at mahiya sa harap ng nakararami ay mas itinaas ko pa ang aking noo upang mas maasar sa akin ang gwapong lalaki na ngayon ay halos takpan ang namumula niyang mukha sa pagka pahiya.

“Sit down here, please!” he hissed at me at natatawa naman akong sinunod siya. Bakit ang cute niya kapag nagagalit?

“Ano nanaman ang pakay mo at naisipan mong makipag-kita?” tanong ko na nakataas ang kilay at kumuha ng isang hipon na naka-hain sa aking harapan. Isa sa pinaka-ayaw ni Logan ay ang pinaghihintay siya ng matagal kaya siguro ay pumili na ito ng pagkain. He didn’t failed though. Hanggang ngayon alam pa rin niya na paborito ko ang hipon.

“I just want to see you,” sabi niyang medyo nangingimi pang sabihin ang mga salitang iyon at tinitigan niya ako ng matiim, “Alam mo na ibig kong ssabihin—-”

“What? Okay lang ako. Kung ang tinutukoy mo ay yung gabi na—”

“Hey! Lower your voice for God’sake, Harmony!” saway nito sa akin na halatang naeeskandalo dahil napatingin ito sa paligid, “And yes, about that night…”

Napabuntong hininga ako at inalala ang mga nangyari.

It was two months ago…

Halos mahilo-hilo ako noon at di ko na namalayan na nabuhat na pala ako ni Logan papunta sa isa sa mga kwarto ng hotel na pinag ganapan ng ika twenty-seventh birthday ng aking nakatatandang kapatid na babae. Hindi ko na namalayan na lango na pala ako sa alak ng mga oras na iyon matapos kong solohin ang isang bote ng red wine habang malagkit na nakatitig ang isang lalaki na kanina pa nakasunod ng tingin sa akin mula ng makarating ako ng hotel. 

My sister introduced me to him during the event at saka ko lamang siya nakilala. Logan Silva. Isa sa mga kilalang artist sa industriya ng manhwa comics at ang kanyang mga likha ay na-adapt na sa ibat-ibang palabas sa telebisyon, locally at internationaly. Nagkaroon ako ng kaunting interes sa kanya lalo pa at super heart-broken ako after kong mahuli ang crush ko na may kahalikan at ang mas masakit pa roon ay in love pala siya sa best friend ko na si Cindy.

Nang magsimula ang sayawan ay panay ang lapit sa akin ni Logan at kung hindi nga lang ito sobrang gwapo at hunk na hunk tingnan ay hindi ko iyon papansinin dahil tanging si Vance lamang ang tinitibok ng puso ko. 

But there is something in him that I get so curious kaya I let myself go flirty with him hanggang sa hilahin na niya ako papunta sa corridor ng hotel at nakita ko na lamang ang sarili na nakalingkis ang aking mga braso sa kanyang leeg habang hinahalikan ako ng mariin at puno ng pagnanasa na agad ko namang sinuklian ng mainit at sabik kong mga halik.

At nauwi ang gabing iyon sa hindi inaasahang one night stand na hanggang ngayon ay pinagsisisihan ko dahil ibinigay ko ang sarili sa kauna-unahang beses sa isang lalaki na gaya ni Logan Silva na walang ginawa kundi guluhin ako at sirain ang career na matagal ko ng pinapangarap.

I squinted on him, “If iniisip mo na responsable ka about my virginity, pwes, hindi ako ganun ka conservative, Mr. Silva. Nagkataon na pareho lang tayong lasing ng mga panahon na yun so don’t feel responsible about it.” Pero sa loob loob ko ay napapalunok ako habang nakatingin sa mamula-mulang mga labi ni Logan ngunit hindi ko pwedeng ipakita sa kanya na naaakit nanaman ako sa mga mapupungay niyang mga mata.

Bumuntong-hininga siya at napasandal sa kanyang kinauupuan na parang disappointed siya sa narinig. Mas naging matiim ang titig nito sa akin matapos kong sabihin ang mga salitang iyon na parang hindi siya natutuwa sa pambabale-wala ko sa kanya, “Look. I am here to tell you that your parents are worried, Harmony. Tigilan mo na ang pagmamatigas and just face your fate. Your father needs you to manage your company at hindi na siya bumabata.”

“But that’s not what I want with my life!” I hissed at him exasperatedly at sa totoo lang ay hindi ito ang unang beses na pinaki-usapan niya akong bumalik sa aming mansyon, “Masaya ako sa simpleng buhay ko ngayon. I don’t need that kind of money para sabihin na very fullfilled ang buhay ko, Logan. You can go back and tell my parents that!”

“What about that?”

Nagulantang ako ng mapunta ang kanyang mga mata sa aking tiyan. Does he know already?! 

“What? Kakanoodles ko yan kaya lumalaki tyan ko, Mr. Silva. Wag kang assuming dahil walang nabuo ok? Isa pa, I never want to be with a guy na sunud-sunuran sa daddy ko kaya you can just leave me alone dahil kaya ko ang sarili ko,” nakangiwi kong banggit sa kanya na nagpadilim ng kanya mukha. 

Bahagya akong nahintatakutan sa tindi ng titig niya sa akin kaya nagpasya na akong tumayo at lisanin ang lugar without giving him a second glance. 

Habang papunta sa parking lot ay naghi-histerya ang aking isipan kung paano niya nalaman ang pinaka tinatago kong sikreto. Ni hindi ko ito nabanggit kay Cindy na halos araw araw kong nakaka-usap.

“Harmony, wait!”

Napatingala ako sa langit sa sobrang inis at nagbuga ng hangin. Lord… sabihan nyo naman itong lalake na to na tigilan ako please?” usal ko sa sarili habang nagdadabog na nakanguso, “Ano pa ba ang kailangan mo?!”

Nang lumingon ako ay hindi si Logan ang namataan ko kundi si Anthony na kanyang bestfriend. May dala itong paperbag at dagli daling tumakbo papunta sa direksyon ko at habol hiningang iniabot sa akin ang laman ng paperbag na iyon.

Prutas? Puno iyon ng prutas!

“I’m sorry, Harmony pero ponahabol lang sa akin ni Sir Logan itong prutas para sayo. I hope you’re feeling well.” ani Anthony sa pag aakalang may sakit ako kaya nagbigay ang kanyang boss ng bag ng prutas.

Kinabahan ako at kumunot ang aking noo matapos kong kunin ang maliit na piraso ng card sa loob niyon.

“I know you are pregnant, Harmony. Hindi mo kailangan itago sa akin.”

Pinagpawisan ako ng malamig.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status