Share

To go or not to go?

“Hanggang kailan mo itatago iyan, Harmony? Napag iisip ko tuloy iyan ang dahilan kung bakit ka umalis sa pamamahay nyo…” 

“SSHH!!!” Tigil ko sa iba pang sasabihin ni Cindy at kahit na mukha itong gulat at di makapaniwala ay puno ito ng pag-aalala sa kalagayan ko. Kahit na anong pilit kong tago ay nahalata pa rin talaga ni Cindy lalo at madalas niya akong bisitahin sa maliit na apartment na dalawang buwan ko ng inuupahan, “Please wag naman malakas ang boses mo, Cindy. Manipis lang ang pader ng apartment ko baka marinig ka ng kapitbahay nakakahiya.”

“Hay, ano ba gagawin ko sayo,” problemado nitong sambit sa akin at kahit na ako ay nastress lalo dahil mas muka pa itong apektado sa kalagayan ko, “Kailan mo sasabihin ito sa magulang mo? Hindi mo kakayanin ito mag isa, Harmony!”

Inirapan ko siya habang puno ang bibig ko ng mansanas na galing kay Logan. Ayoko sanang tanggapin ang mga iyon mula kay Anthony ngunit nanghinayang akong itapon ang mga iyon lalo at short ako sa budget dahil kaunti lamang ang naibenta kong libro sa Comic-con noong isang araw, “Wala akong balak bumalik, Cindy. OK? Babalik pa ba ako na ganito sitwasyon ko?”

Napangiwi siya nang silipin niya kung ano ang laman ng mangkok sa mesa, “Saka ako yan? Suka tapos apple?! Harmony naman… gusto mo ba maging kasing asim ng mukha ni Logan magiging baby mo?”

Biglang bumagsak ang balikat ko sa sinabi ni Cindy, “Ikaw dito maglihi … halika dito… para alam mo pakiramdam,” hila ko sa kanya na natatawa at naiinis at the same time.

Kahit na prangka magsalita si Cindy ay siya lamang ang taong pinagkakatiwalaan ko tungkol sa mga nangyayari sa buhay ko. We’re friends for over eight years mula highschool kaya alam ni Cindy ang lahat ng nangyayari sa buhay ko ngayon.

At sa lahat ng mga kaibigan ko ay siya lamang ang nakakaalam na anak ako ng isang huge business tycoon na isang taon ko ng tinatakasan dahil ayaw kong mabuhay na parang money machine na gaya ni daddy. Gusto kong mabuhay na nagagawa ang mga gusto ko at iyon ay maging isang manhwa artist. Dahil iyon ang calling na matagal ko ng gustong gawin ngunit hindi ko magawa-gawa dahil galit na galit si Daddy kapag sinasabi kong gusto kong gumawa ng sarili kong pangalan sa paraan na pinapangarap ko.

Ngunit bukod sa dahilang iyon ay mas mabigat pang dahilan.

Dahil sa isang gabi na pinagsaluhan namin n Logan, dalawang buwan lang ang nakalilipas.

“Iyan pala ang dahilan kung bakit desperadong-desperado ang tao na yun na sundan ka sa kung saan ka magpunta,” ani Cindy na kumuha ng isang slice ng apple sa aking plato at sinubukang isawsaw iyon sa uka at tinikman. Tumawa ako ng malakas ng tumirik ang mata nito sa asim.

“Ngayon alam ko na itsura mo kapag napapatirik ni Vance mata mo,” tawang tawa kong sabi at umilag nang batuhin niya ako ng throw pillow mula sa gilid ng kanyang kinauupuan. 

“Ano ngayon plano mo sa dinadala mo ngayon, Harmony? Imposibleng maitago mo yan sa parents mo lalong-lalo na kay Logan,”

“Alam na ni Logan.” sabi ko sa kanya at nanlaki bigla ang kanyang mga mata na parang naintriga lalo sa sinabi ko. Umayos ito ng upo at ngumiti sa akin ng nakaloloko.

“So ano? Ano reaksyon niya about sa magiging baby nyo? Nag offer ba siya sayo ng kasal?!”

Nagkunot ako ng noo, “Hindi yun ganun kadali, Cindy. “Alam, mo naman na inlove na inlove yun sa ate ko diba?!”

Oo. Isang napakalaking pagkakamali na may nangyari sa amin ng isang Logan Silva dahil kahit noong highschool pa lamang sila ay in love na ito sa aking nakatatandang kapatid na si Karina. Walang anak na lalaki si Daddy kaya kami ng ate ko ang inaasahan niya na magpapatakbo ng kumpanya. At parang anak na ang turing ni Daddy kay Logan dahil parati itong bumibisita sa bahay para magpatutor kay ate. Kaibigan ding matalik ni Daddy ang mga magulang ni Logan na sa kasawiang palad ay parehong namatay sa isang car accident matapos nilang mag graduate ng college.

Maganda, matalino at masunurin si ate Karina. Pati na ang pagpayag nito na magpakasal sa isa sa mga anak ng kasosyo ni Daddy. Hindi ko gusto ang tabas ng ugali ng lalaki na iyon ngunit waring nagayuma ang ate ko dahil patay na patay ito sa lalakeng iyon. Ano nga ba ang pangalan niya? Tyler Miranda? Hindi ako sigurado pero parang ganun.

At iyun nga, heartbroken si tanga noong gabi na nag propose si Tyler kay ate Karina at dahil crush na crush ko rin si Logan ng mga panahon na iyon at dahil langoi na rin sa alak ay nauwi sa hindi dapat ang gabing iyon. Kinabukasan pag gising ko ay mag isa na ako sa kama na hubo’t-hubad. Labis ang taranta ko sa nangyari lalo at binigay ko ang pagkabirhen ko sa lalaking bigla na lang nawala na parang bula after a month simula nang may nangyari sa amin.

“I can’t believe he came back after ka pagtaguan ng isang buong buwan, Harmony. I think it’s just right na hindi mo ipaalam sa kanya ang baby nyo—-mo pala,” suggest ni Cindy at napaisip ako ng malalim dahil wala naman talaga akong balak ipa-ako kay Logan ang magiging anak ko dahil unang-una, kahit na masakit malaman na si ate Karina ang tunay niyang gusto ay natatakot akong maging miserable sa piling ni Logan.

I f*cked up my life. For once, nangarap ako ng isang magandang love story na tulad nina mommy at daddy and I messed up big time dahil sa isang gabi na pinagbigyan ko lamang ang sarili na maramdaman ang mga bisig ng isang lalaki na hindi naman ako mahal.

“It’s ok, Cindy. Wala rin naman akong balak na maging second option lang. Determinado pa rin akong ituloy na mabuhay nang malayo kina daddy. Not because nahihiya ako sa nangyari sa akin but because gusto ko ring patunayan sa kanila na kaya ko gumawa ng sarili kong pangalan sa larangan na gusto ko…”

“Paano kung hindi ka na lubayan ni Logan, Harmony? Paano kung mabait na tao naman pala yun at gusto lang niya na protektahan ang dignidad mo?” nag-aalalang tanong ni Cindy sa akin sabay ngiwi muli ng kumagat siya ng apple na sinawsaw niya sa suka.

Napayuko ako at napakagat labi bago sumagot, “Then I have to leave the country, Cindy. Ayoko pilitin ang sarili ko sa taong hindi naman ako mahal…”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status