Share

White Villa

Habang nasa daan ay wala kaming imikan ni Logan. Ilang oras na ba kaming nasa daan? Lima? Anim? Mukhang sa malayong probinsiya ako nito dadalhin at nahihintakutang sinilip ko ang kanyang seryosong mukha sa gilid ng aking mga mata habang focus ito sa pagmamaneho ng kanyang sportscar.

“I’ll make you pay for this,” nagmamaktol kong sabi kay Logan habang nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Pinipigilan ko lamang na hindi maiyak dahil nag-aalala ako sa mga gamit na naiwan ko sa lobby ng apartment.

“I’m sorry if I have to do this, Harmony. You give me no choice!” hindi ko alam kung nagso-sorry ba ito o napipilitan lang dahil nakasimangot pa rin ito sa akin.

“Sabi ko naman sayo hindi ako buntis, Logan. You don’t have to force yourself to me dahil lang sa nagi-guilty ka sa nangyari sa atin. Hindi ka nga nagpakita ng isang buong buwan diba? And now you are saying na I am carrying your child?”

“I left because I got scared, Harmony! I just can’t believe na nagawa ko iyon sayo! You’re like a little—”

“Sister? I know. That’s why I don’t want you to do this, Logan. Just take me back. I am not pregnant and you don’t have to feel responsible sa nangyari sa atin ok?. Pareho lang tayoing lasing ng mga panahon na iyon…”

“We will find out as soon na makarating tayo sa villa, Harmony. Just please huwag ka ng magmatigas dahil kung totoo na hindi ka buntis ay pakakawalan kita agad. I am not the kind of man na hahayaan kang harapin mag-isa ang sitwasyon na meron ka ngayon. So please! Don’t make me the villain,” pakiusap nito ngunit hindi ito tumitingin sa akin. 

I can see the pain on his face dahil alam ko naman na hindi masamang lalaki si Logan. Maybe that’s why ayoko na abalahin siya sa bunga ng nagawa namin dahil batid ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan ng lahat. Super broken-hearted siya matapos na ma-engage si ate sa iba and I took advantage of him that night dahil lang sa hindi ko napigilan ang sarili at ang puso ko na mahalin siya nang gabing iyon. 

Akala ko ay sa simpleng halik lang mauuwi ang lahat but pareho naming hindi napigilan ang init ng aming mga katawan. He was just so d*amn sexy para hindian ng mga sandaling iyon. At higit sa lahat, minamahal ko na siya for so many years. 

Sa loob ng mga taon na iyon ay nagkasya lamang ako na titigan siya sa malayo habang masaya siya na kasama si ate Karina. And now I totally messed things up. Kasalanan ko itong lahat. Ako ang kontrabida dito dahil hinayaan kong mangyari ang gabing iyon. He is the victim kaya pilit kong dine-deny sa kanya ang totoo.

Besides, it is ate Karina he truly loves and not me. Masyado lang siyang mabait kaya ginagawa niya ito at iyon ang dahilan kung bakit galit na galit ako sa sarili ko ngayon.

Madilim na ang paligid. At dahil hindi naman ako galang nilalang ay hindi ako pamilyar sa location na tinatahak naming dalawa. Ang alam ko lamang ay marami nang kakahuyan ang dinaanan namin at maliliit na komunidad na lamang ang nakita ko habang palayo kami ng palayo sa kabihasnan. 

Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako sa pagod sa byahe kaya nagising na lamang ako na niyugyugyog ni Logan ang balikat ko na may halong pag-aalala sa kanyang mukha.

“Wake up, Harmony. We’re here.”

Agad akong bumalikwas ng upo habang tinitingnan ang paligid sa labas. Malamig ang hangin na pumapasok sa loob ng sasakyan at amoy na amoy ko ang halimuyak ng mga bulaklak at sariwang amoy ng hardin na nasa gilid lamang ng malawak at puting villa. 

Nakakagulat na walang gate o bakod man lang ang buong property at naisip ko na baka isa ito sa mga pagmamay-ari ni Logan dahil kilala namin itong nangongolekta nga mga lupain na malapit sa mga magagandang tanawin.

Nang lumabas ako ng sasakyan ay bumungad sa akin ang bilog at kulay silver na buwan and I smelled the saltiness in the air. Niliitan ko ang mga mata ko at namataan na sa harap ng Villa ang isang malawak at napaka-gandang beach. Rinig na rinig ko rin ang paghampas ng alon sa puting buhangin ng dagat.

Namangha ako sa ganda ng lugar at hindi makapaniwala na dinala ako dito ni Logan. But wait—bakit niya ako dinala sa lugar na ito?

“L-Logan, anong meron bakit mo pala ako dinala dito?” tanong ko sa kanya habang yakap-yakap ang sarili dahil malamig ang simoy ng hangin at manipis lamang ang suot kong puting Tshirt. Agad niya akong iginiya papunta sa Villa matapos makitang namumutla na ako sa lamig kaya imbis na sumagot at diretso kaming pumasok sa pinto matapos niya iyong buksan gamit ang susi.

“Welcome to one of my most favorite places, Monmon. I just thought na ayaw mong malaman ng parents mo ang kalagayan mo and it only concludes that my speculation is right na buntis ka dahil ayaw mong madisappoint si Tito Ramon.”

Inirapan ko siya dahil hindi talaga siya tumitigil kahit na pilit kong sinasabi na hindi ako buntis. Ang hirap kaya magsinungaling!

Ngunit inaagaw ang atensyon ko ng napaka-gandang disenyo ng bahay. Hindi ko akalain na ganito kayaman si Logan para makabili ng ganitong ka engrandeng property dahil sa interior pa lang ng lugar na ito ay halatang milyon-milyon na ang halaga! Kahit na mayaman ang pamilya namin ay hindi gagastos ng ganito kamahal na gamit si daddy. Everything looks so expensive and perfect lalo na ang napaka-garang crystal chandelier sa sala na kumikintab sa sobrang ganda.

But wait…

“Paano ako magpapalit ng damit? Lahat ng gamit ko naiwan sa apartment!” reklamo ko sa kanya nang maalala ang mga gamit ko na naiwan. Nag-alala pa ako ng bahagya dahil naroon ang mga gamit ko sa paggawa ng mga story ko sa manhwa kaya bumalik ang inis kong muli kay Logan.

“You don’t have to worry about that. Nakapamili na ako ng mga damit mo sa kwarto na gagamitin mo, Harmony. I will accompany you here in this place para masiguro ko na ligtas ka at hindi ka nadedeprive dahil sa katigasan ng ulo mo,” sermon nito sa akin at naunan na itong naglakad, marahil sa kwarto nito. Ngunit nang silipin kong muli ay sa kusina pala ito nag punta habang chine-check ang laman ng fridge na parang nagbabalak itong magluto ng kakainin namin.

And the realization came to me in a huge wave at bigla na lamang akong nahilo.

Oh my god… I have to live with Logan Silva in this place!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status