Share

Ang kulit mo Logan Silva!

“Sure na ba ang pag alis mo? Hindi ka na papapigil?”

Kahit na hirap ay hila hila pa rin ni Harmony ang dalang dalawang malaking maleta. Ok na ang lahat. Naiempake na niya ang lahat ng gamit na kailangan niya, nakapag book na siya ng ticket sa flight niya papuntang New York at nakapag settle na siya ng condo na titirahan roon sa tulong ni Cindy na ang negosyo ng pamilya ay real estate. 

Labag man sa loob na gamitin niya ang funds ng kanyang daddy ay kinailangan niyang lumayo sa lugar na ito bago pa man gumawa ng eskandalo ang kababata niyang si Logan na kahapon lamang ay nag sabi na alam nitong ipinagbubuntis niya ang anak nito. Kaya bago pa man gumawa ng hakbang at kalokohan si Logan para guluhin lalo ang buhay niya ay uunahan na niyang takasan ang binata hanggat hindi pa nito alam kung saan siya nakatira.

“Buo na desisyon ko, Cindy. I have to get away from him dahil hindi ako papayag na maging second option lang niya after nyang ma heartbroken kay ate. I don’t want him to take responsibility of the baby and feel as if he’s forced dahil lang sa pagkakamaling nagawa namin, Cindy. I can take care of the baby on my own.”

“But he’s still the father though. I think may karapatan pa rin siya sa baby. Why don’t both of you talk and have an agreement about it? Feeling ko kasi nagiging impulsive ka nanaman.”

I sighed exasperatedly sa pinaghalong pagod sa pagbaba ng mga gamit ko galing sa napakataas na hagdan, “Pakiramdam ko ay makukunan yata ako sa bigat ng mga bagahe ko! Bakit ba walang elevator sa building na to?!”

“Relax, I asked you to stay in one of my properties here in Taguig but you refused at pinili dyan sa cheap na apartment na yan, Harmony. Wait. Do you need my help? Punta ako dyan—”

“No, Cindy. Kaya ko na to, thanks!” Napangiti ako dahil kahit na matigas ang ulo ko ay super supportive pa rin sa akin ng aking best friend na si Cindy, “Just don’t tell anyone kung saan ako mapapadpad ok? Kahit na magmakaawa sayo sina mommy at daddy.”

“Ayoko talagang magsinungaling kina Tita pero dahil nag aalala ako sayo, sige na lang,.” maktol niya at narinig ko siyang bumuntong hininga sa kabilang linya, “Just be careful ok? Nagpacheck up ka na ba?”

“No not yet. Sige na Cindy. I have to go baka maiwan ako ng eroplano,” putol ko ng iba pang tanong ni Cindy dahil ramdam kong nag pa-panic nanaman ito sa pag-aalala. Mas itinuturing ko pa siyang kapatid kaysa sa ate Karina ko na walang ibang inatupag kundi ang magpa-impress kay daddy. At dahil busy siya madalas noong college sa pagkuha ng highest honors until na magtrabaho siya sa company ay hindi kami naging close sa isa’t-isa. We didn’t shared so much memory being together simula noong mag highschool ako dahil wari’y may sarili na siyang mundo at ganoon din si Logan noong mga panahon na iyon.

Ngunit paglabas na paglabas ko pa lamang sa pinto ng apartment building ay namataan ko na agad ang isang mamahaling kotse sa gilid ng kalsada at doon ay napaatras ako bigla mula sa lobby. Natatarantang binuhat kong muli ang mga bagahe ko pataas ng hagdan dahil alam ko na kung kanino ang sasakyang iyon.

“MON MON!!!” 

Napangiwi ako ng matindi dahil isang tao lang nag tumatawag sa akin ng napaka-pangit na palayaw na iyon.

Ang nag iisang si Logan Silva.

Nagpatuloy pa rin ako sa pag-akyat na waring walang narinig ngunit sa pagmamadali ay nadulas ang sapatos ko sa tiled na hagdan ng lobby at bago pa man magkabali-bali ang buto ko sa pagbagsak sa matigas na tiled floor ay nasalo na agad ako ng malalakas na bisig ni Logan. I gasped when I saw his handsome face. I just hope na hindi ito nakasuot ng shades dahil gusto kong makita ang emosyon sa mga mata nito.

Agad akong nahimasmasan ng tulungan niya akong tumayo, “Where do you think you’re going?” tanong niya sa ma-awtoridad na tinig habang nakapamulsa.

“You don’t have to know, Logan. I can do good on my own,” Inis kong sabi sa kanya, “I will go to a very far place just to get rid of you at para hindi mo na ako kulitin.”

“And you think I will let you do that?” uyam niyang sagot, his face cold and impatient, “You can’t get away from me, Mon Mon. I know already that you are pregnant with my child. Sa tingin mo hahayaan kitang umalis nga basta-basta?”

Napasimangot ako ng marinig ko nanaman ang nakakahiyang tawag niya sa akin, “Can you stop calling me that? HIndi na ako bata, ok?”

“What? You are still my little Mon Mon,”

May lambing sa tinig ni Logan nang sabihin niya ang mga salitang iyon at wala akong nagawa kundi mapatitig sa kanyang mukha. But no. He can’t stop me! 

“I have to go kaya wag mo na akong guluhin ok? I am not pregnant and you don’t have to feel responsible kung ang tinutukoy mo ay ang—”

He took his phone from his pocket and pinakita niya iyon sa akin, “You have to go with me ok? Or else, I have to tell your parents your real situation. And why are you living in this kind of place anyway?” Tinakpan nito ang ilong, “This place smells like men urinals!”

Tiningnan ko siya ng masama mula sa sulok ng aking mga mata at itinaas ang isang kilay, “You can’t do that to me, Logan. Gyera ang aabutin natin kapag ipinaalam mo sa parents ko ang sitwasyon ko!”

“So I am right. You’re pregnant.” he also raised one eyebrow at me na parang nag-iinis.

Oh god, hindi niya talaga ako titigilan!!!

Nang-gigigil na ibinagsak ko ang mga maleta ko sa magkabilang gilid at nilapitan siya habang nagbabanta ang mata kong tinitigan ang kanyang gwapong mukha, “You don’t have to do this, Logan ok?! Kaya ko ang sarili ko!”

“I am not saying hindi mo kaya ang sarili mo, Harmony. I am concerned with the child!”

“I AM NOT PREGNANT!”

Umalingawngaw ang boses ko sa buong lobby at buti na lamang ay kaming dalawa lamang ni Logan ang naroon. Kundi ay siguradong kahiya-hiya ang magiging kahihinatnan ko habang nakatitig ng masama kay Logan.

“Get inside the car, Harmony! Now!” 

“NO!” pagmamatigas ko. Sa gulat ko nang bigla akong buhatin nito ay napatili na lamang ako habang pinaghahampas siya sa kanyang dibdib, “Let me go, Logan! Bakit ba ang kulit mo!”

He quickly locked all the doors of the car matapos niya akong maibaba sa passenger side at dagling umikot at nagmamadaling umupo sa driver’s seat. Agad niyang binuhay ang makina at nagpapanic na ako nang pinaandar niya iyon.

“HOY! Yung mga gamit ko iniwan mo! Walang hiya ka talaga!” Pinaghahampas ko siya sa kanyang braso dahil pikon na pikon na ako sa pangungunit niya sa akin, “LOGAN!”

“One of my men will take care of your things, Harmony. You give me no choice but to use force! Ang tigas ng ulo mo,” asar na sabi nito at wala na akong nagawa kundi tumungin na lang sa harap ng sasakyan.

Saan ako dadalhin ng lalaking ito?!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status