Share

Blind Date

Author: Msdimpleee
last update Huling Na-update: 2026-01-13 19:29:06

Nakahinga ng maluwag si Athena nang matapos ang report. Bumalik siya sa opisina ni Calyx at ibinigay ang naayos na report. Tumayo ang binata.

“Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na, Athena. Hindi puwedeng mag-isa kang biyabiyahe.”

Umiling si Athena. Matapos siyang pagurin sa report na maayos naman, ngayon maaawa ito sa kaniya?

“Hind na kailangan, Sir. May sarili akong sasakyan. Siguro wala na kayong ipapagawa. Bye!”

Saktong alas dyes ay nakarating na si Athena sa isang sikat na restaurant sa Makati kung saan sila magkikita ni Gabriel. Nakasuot ng sleeveless black dress na below the knee at three inches heels. Iginala niya ang tingin sa loob. Natawag ng pansin ni Athena ang isang lalaki na na nakasuot ng checkered polo at may iniinom na tsaa. May suot itong sunglass pero bumagay naman iyon sa lalaki. Lumapit siya rito. Nasa tsaa pa rin nito ang tingin. Tinanong ni Athena kung ito ba si Gabriel. Nag-angat ng tingin ang lalaki.

“Oo, ako nga. Maupo ka, Athena,” paanyaya ni Gabriel sabay lahad ng kamay sa katapat na upuan. Napangiwi si Athena sa inasal ng lalaki. Hindi man lang ito tumayo par ipaghila siya ng upuan. One day pa lang, red flag na. Pero ganon pa man, itutuloy pa rin niya ang date.

“Pasensiya ka na kung na-late ako. Ang dami kasing pinagawa ng msungit kong boss. May regla ata kaya may topak,” naaasar niyang sabi.

Ngumiti lamang si Gabriel tsaka kumaway sa isang waitress na nasa gilid. Lumapit ang babae sa kanila at ibinigay ang menu.

“Tiyak na nagugutom ka na lalo at pagod ka sa trabaho kaya kumain muna tayo bago tayo magtsismisan dahil maski din ako gutom na rin kakahintay.”

Napangiwi na lamang si Athena. Pakiramdam niya kasalanan niya kung bakit hindi pa kumakain ang lalaki. Tiningnan na lamang niya ang menu kahit na naiinis siya kay Gabriel. Gutom na rin kasi siya dahil hindi siya kumain para lang matapos reviewhin ang reports. Nag-snack lang siya.

Nang makapili, tinawag na nila ang waitress at sinabi ang order nila. Pagkaalis neto, nagtanong si Gabriel ng kung ano-ano tungkol sa buhay niya na sinagot naman niya. Ilang sandali lang, dumating na ang order nila kaya kumain muna sila.

“Anong masasabi mo sa first meet natin, Ms. Ruiz?” tanong ni Gabriel nang nasa kalagitnaan na sila ng pagkain. Ayaw magsinungaling ni Athena kaya sasabihin niya ang totoo.

“Alam mo, magpapakatotoo lang ako sa ‘yo. Hindi ka gentle—

Hindi na naituloy ni Athena ang iba pang sasabihin dahil may baritonong tinig siyang narinig sa kaniyang likuran. Nilingon niya iyon at nakita si Calyx na mataman na nakatitig sa kanila at madilim ang mukha. Napatingin si Athena sa hawak nitong expensive cuff ng suit na suot.

Biglang sumagi sa isip niya limang taon na ang nakararaan noong sila ay mag-asawa pa, binilhan niya ng ganoon si Calyx pero madalang lang nito ‘yon isuot dahil siguro sa mura. Inipon niya ‘yon mula sa kaniyang apat na buwan na sahod.

“Ms. Ruiz, may dadaluhan akong charity event later. Sasamahan mo ako sa ayaw at sa gusto mo,” may diin n autos ni Calyx.

“Mr. Montecillio, tapos na ang trabaho ko kaya hindi na ako puwedeng sumama sa ‘yo,” inis na tugon naman ni Athena.

“Baka nakakalimutan mo na sekeretrya pa rin kita kahit saan ako pumunta basta saklaw ng trabaho ko? Pinirmahan mo yan sa kontrata.”

Napakagat-labi si Athena. Panira talaga ng gabi niya si Calyx! Nag-eenjoy pa lang siya! Tumalikod na siya at akmang uupo na ng buhatin siya ni Calyx at isampay sa balikat nito.

“Calyx Montecillo, ano ba! Ibaba mo ako! May paa ako kaya kaya kong maglakad!” sigaw ni Athena.

Nakakaagaw na sila ng pansin sa mga costumer na naroon. Pinaghahampas at pinagsisipa ni Athena sa likod si Calyx pero hindi natinag ang binata. Lumipad na rin ang high heels niyang suot na bagong-bago pa! Ag tibay ng likod nito at parang bakal sa tigas!

Samantala, sa mesa kung saan naroon si Gabriel ay natulala at napaawang ang labi ng marinig ang pangalan ng lalaki. Kilala niya si Calyx Montecillo, isa sa sikat na business tycoon sa bansa.

“Calyx, bitawan mo ako, ano ba! Sasama ako basta ibaba mo lang ako! Nakakahiya yang ginagawa mo at baka nasilipan na ako!” sigaw ni Athena. Ibinaba siya ni Calyx. Matalim ang mga mata niyang nakatitig sa lalaki.

“Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Calyx Montecillo! Bakit mo ito ginagawa ha?” sigaw ni Athena. Hinawi niya ang mga nagkalat na buhok sa kaniyang mukha. Tiningnan siya ni Calyx.

“Iniligtas lang kita sa lalaki na ‘yon. Hindi siya para sa ‘yo, Athena,” kalmadong sabi ni Calyx.

Natawa ng malakas si Athena.

“At sino ka para pangunahan ang mangyayari? At tsaka Calyx, wala ka ng pakielam doon. Personal na buhay ko na ito!” naiinis na sigaw ni Athena. May mangilan-ngilan na napapatingin na sa kanila. Nakakahiya ang ginagawa nila pero naiinis talaga siya!

Si Calyx naman ay hindi makaya na makita si Athena na kasama ang ibang lalaki. Ibinigay niya ang lahat rito. Bago sila naghiwalay, may ibinigay cash ari-arian at cash sa dating asawa. Si Athena ang nakipaghiwalay at sinabing hindi na siya mahal. Ayaw niyang mapunta ang babae sa iba!

“Gusto mo maikasal sa iba pero ako, mananatiling biyudo hanggang mamatay ako? Paano mo naaatim iyon, Athena?” pang-uusig ni Calyx. Umling si Athena.

“Wala akong panahon sa mga ganiyang usapan, Calyx. Pagod ako at gusto ko na magpahinga. Kung galit ka sa ginawa ko, tanggalin mo na lang ako bukas,” walang-lakas na sabi ni Athena tsaka itinulak si Calyx.

Naglakad na si Athena paalis sa lugar na ‘yon. Isinasayaw ng hangin ng gabi ang kaniyang mahabang buhok. Naalala ni Athena ang ginawa ni Calyx matapos ang gabing may nangyari sa kanila. Nag-iwan ng malaking pera sa bangko at mga ari-arian sa kaniya ang lalaki. Nagising siya na wala na sa tabi niya si Calyx. Masakit ang pang-ibabang bahagi ng kaniyang katawan dahil sa paulit-ulit na pag-angkin nito sa kaniya. Nagkaroon pa siya ng lagnat noon.

“Four years na relasyon sa college, two years na kasal pero napunta lang din sa wala,” bulong ni Athena habang naglalakad at walang direksiyon kung saan pupunta.

Hindi siya gusto ng ina ni Calyx na si Mariana. May napupusuan itong babae para rito na galing sa mayamang pamilya para mas mapalawak pa lalo ang kompanya. Gusto ng ginang na i-divorce ni Athena si Calyx pero tumanggi siya.

Hanggang isang araw, nabalitaan na lang niya na maysakit ang kaniyang ama at kailangan ng malaking halaga para sa gamutan at bayad sa hospital. Dumagdag pa sa problema niya ang natanggap niyang litrato ni Calyx na may damit at sandal sa may kama nito. Nasaktan si Athena dahil pakiramdam niya nagloko ang lalaki. Pero gsto niyang hintayin ang paliwanag ni Calyx.

Pero pag-uwi ng dating asawa, wala siyang natanggap na explanation. Sinabi lang na nag-extend ng ilang araw ang business trip at business meeting niya sa Dubai at Malaysia. Kaya tinanggap ni Athena ang alok ni Mariana na i-divorce si Calyx dahil hindi na niya kaya pang pakisamahan pa ang dating asawa.

Hindi namalayan ni Athena na umiiyak na pala siya. Pinunasan niya ‘yon.

“Sana hindi ko na lang nakilala si Calyx. Pakiramdam ko nagdusa ako simula ng ikasal kami,” bulong niya sa sarili.

Napatingin si Athena sa relo. Quarter to 12 na at gusto na niyang magpahinga. Pagod siya mentally at emotionally. Nang may papalapit na taxi, pinara niya ‘yon at nagpahatid sa restaurant kung saan naroon ang kaniyang sasakyan. Mabuti na lang at wala na roon si Calyx. Napabuntong-hininga na lamang si Athena ng makasakay ng sasakyan.

“Sana makapagpahinga ako ng maayos ngayon para may lakas akong magtrabaho bukas,” pagkausap niya sa sarili bago pinausad ang sasakyan.

Kinabukasan, pagpasok ni Athena sa opisina, pinatawag siya ni Calyx.

“Ano na naman kaya ang ipapagawa niya,” naiinis niyang bulong sa sarili. Pumasok siya sa loob. Nadatnan niya si Calyx na nakatalikod at pinagmamasdan ang mga building sa labas. Tumikgim si Athena.

“May kailangan po ba kayo, sir?” magalang na tanong ni Athena kahit na gusting-gusto na niyang sungitan ang lalaki. Humarap si Calyx. Napakaguwapo nito sa suot dark blue suit. Mukhang bagong gupit rin ito. Hindi maiwasang humanga ni Athena dahil mas lalong naging matikas ang dating asawa.

“Gagawin kitang Executive Secretary. Ikaw lang ang inofferan ko ng ganitong posisyon, Ms. Ruiz. Be grateful. Oo, dadami ang trabaho mo pero lalaki ang sahod mo. Di ba magandang offer ‘yon?” tanong ni Calyx habang nakataas ang sulok ng labi nito.

“Hindi ko matatanggap ang posisyon na inaalok mo sa ‘kin, Mr. Montecillo. Hindi ko deserve ang posisyon dahil mas maraming mas magaling at nauna sa ‘kin nararapat bilang Executive Secretary.”

Inilapit ni Calyx ang kontrata sa kaniya na nasa mesa nito. Naroon ang pangalan niya at pirma na lang ni Athena ang kailangan.

“Sign the contract now, Ms. Ruiz. Huwag mo akong paghintayin. I’m the boss at ako ang masusunod kung sino ang gusto kong ma-promote,” maawtridad na sabi ni Calyx.

“Kaysa ipilit mo sa ‘kin ang posisyon na hindi karapat-dapat para sa ‘kin, mas mainam na mag-resign na lamang ako,” palabang sabi ni Athena. Tumalikod na siya. Akmang maglalakad na patungo sa pinto nang magsalita si Calyx.

“You’re contract is valid for seven years. At nasa pinirmahan mong kontrata five years ago na kapag hindi mo natapos ang pitong taon, kailangan mong magbayad for breach of contract. Ano? Mamili ka, magbabayad ka o tatanggapin ang posisyon? Ikaw naman ang makikinabang ‘non,” nakangising sabi ni Calyx.

Naikuyom ni Athena ang kamao. Gumagawa talaga ng paraan ang lalaki para pahirapan siya. Hindi siya umimik. Nagmamadali siyang lumabas dahil baka ano ang magawa ni Athena kay Calyx. Dahil sa kamamadali, hindi niya napansin ang glass door na nakasara. Tumama ang noo niya roon dahilan para mawalan siya ng balance. Mabilis naman ang naging aksiyon ni Calyx. Nasalo siya nito at pinakatitigan.

“Love.”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Their Endearment

    Natigilan si Athena. Tinawag siyang love? ‘Love, my ass!’ aniya sa isip. Itinulak niya si Calyx at nagmamadaling lumabas ng opisina. Noong nililigawan siya ng lalaki, lagi siyang tinatawag na ‘Love’. Maghapon na hindi lumabas si Calyx sa opisina. Dinadalhan lamang ang binata ng pagkain nina Jane at Mia. Nagtataka nga ang dalawa dahil ayaw ni Athena na dalhan ng pagkain ang boss nila. “Ath, bakit ayaw mong dalhan si boss? Don’t tell me nahihiya ka dahil crush kita?” tukso ni Mia na may ngisi sa labi. Magkatabi lang kasi ang desk nila. Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ang babae. “At saan mo naman napulot ang ideya na ‘yan, Mia? Hindi ba puwedeng busy lang ako? At tsaka naiirita ako sa pagmumukha ni sir,” aniya sabay irap. Natawa naman si Jean na ipinaikot pa ang swivel chair paharap sa kaniya. Nasa kanan naman niya ang babae. “Alam mo ba ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’? Bahala ka diyan, baka hindi mo namamalayan na nagkakagusto ka na pala sa ka

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Blind Date

    Nakahinga ng maluwag si Athena nang matapos ang report. Bumalik siya sa opisina ni Calyx at ibinigay ang naayos na report. Tumayo ang binata. “Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na, Athena. Hindi puwedeng mag-isa kang biyabiyahe.” Umiling si Athena. Matapos siyang pagurin sa report na maayos naman, ngayon maaawa ito sa kaniya? “Hind na kailangan, Sir. May sarili akong sasakyan. Siguro wala na kayong ipapagawa. Bye!” Saktong alas dyes ay nakarating na si Athena sa isang sikat na restaurant sa Makati kung saan sila magkikita ni Gabriel. Nakasuot ng sleeveless black dress na below the knee at three inches heels. Iginala niya ang tingin sa loob. Natawag ng pansin ni Athena ang isang lalaki na na nakasuot ng checkered polo at may iniinom na tsaa. May suot itong sunglass pero bumagay naman iyon sa lalaki. Lumapit siya rito. Nasa tsaa pa rin nito ang tingin. Tinanong ni Athena kung ito ba si Gabriel. Nag-angat ng tingin ang lalaki. “Oo, ako nga. Maupo ka, Athena,” paanyaya ni Gabriel sabay

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The New Boss

    Huminga ng malalim si Athena bago pumasok ng bahay. Nasa salas si Calyx, nakabihis at mukhang hinihintay siya habang nanonood ng TV. Pinatay nito ‘yon ng makita siya sabay tingin sa hawak niyang brown envelope. “Bakit ngayon ko lang, Athena? Saan ka galing. Alam mo na galing ako Dubai para sa business meeting tapos hindi kita madadatnan?” tanong ni Calyx habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sa kaniya ng matalim. Natawa si Athena. “Mabuti naman at hinanap mo pa ako, Calyx. Pero ito na ang huling gabi na makikita mo ako.” Pabagsak na ibinaba ni Athena ang brown envelope sa mesa. Kinuha ‘yon ni Calyx at tiningnan ang laman. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki. “What?! Are you crazy, Athena? Nag-file ka ng divorce?! Bakit? Nagsawa ka na ba sa ‘kin? Ayaw mo na ba ng marangyang buhay?” galit na tanong ni Calyx. Mas lalong natawa si Athena. “Me? Crazy? Baka ikaw? Halos hindi ka na umuuwi dito sa bahay. Ako na lang lagi ang nag-a-adjust para sa ‘yo! Lagi kang nasa opisina.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status