Compartir

My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss
My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss
Autor: Msdimpleee

The New Boss

Autor: Msdimpleee
last update Última actualización: 2026-01-13 19:26:42

Huminga ng malalim si Athena bago pumasok ng bahay. Nasa salas si Calyx, nakabihis at mukhang hinihintay siya habang nanonood ng TV. Pinatay nito ‘yon ng makita siya sabay tingin sa hawak niyang brown envelope.

“Bakit ngayon ko lang, Athena? Saan ka galing. Alam mo na galing ako Dubai para sa business meeting tapos hindi kita madadatnan?” tanong ni Calyx habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sa kaniya ng matalim. Natawa si Athena.

“Mabuti naman at hinanap mo pa ako, Calyx. Pero ito na ang huling gabi na makikita mo ako.”

Pabagsak na ibinaba ni Athena ang brown envelope sa mesa. Kinuha ‘yon ni Calyx at tiningnan ang laman. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki.

“What?! Are you crazy, Athena? Nag-file ka ng divorce?! Bakit? Nagsawa ka na ba sa ‘kin? Ayaw mo na ba ng marangyang buhay?” galit na tanong ni Calyx. Mas lalong natawa si Athena.

“Me? Crazy? Baka ikaw? Halos hindi ka na umuuwi dito sa bahay. Ako na lang lagi ang nag-a-adjust para sa ‘yo! Lagi kang nasa opisina. Gabi o madaling-araw na kung umuwi. Lagi kang nasa ibang bansa para sa kung anoman business trip mo roon! Nakakasawa na, Calyx!” galit na rin na sigaw ni Athena.

Lumapit ang asawa sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso niya ng ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa’t isa. Naaamoy na rin niya ang hininga nito na may halong alak.

“Wala na akong nagagawa kung ayaw mo na. I’m a business tycoon at hindi ako magmamakaawa na manatili ka sa ‘kin. Kung ayaw mo, walang problema.”

Nakatitig nang matiim si Calyx sa kaniya. Napalunok si Athena. Kinuha niya ang divorce papers sa mesa.

“Pirmahan mo ito ngayon para matapos na ito, Calyx.”

“Hindi ko pipirmahan iyan hangga’t hindi mo ibibigay ang gusto ko,” seryusong sabi ni Calyx. Kinabahan tuloy si Athena.

“Ano ang gusto mo na kailangan kong ibigay?” tanong ni Athena. Ang kaniyang kamay ay pinagpapawisan.

“I want to have sex with you now!”

Bago pa makasagot si Athena, pinunit na ni Calyx ang kaniyang damit. Napasinghap siya sa ginawa ng asawa. Kinabig siya ni Calyx palapit sa katawan nito at hinalikan ng mariin sa labi. Nagpaubaya si Athena. Pinagsaluhan nilang ang maalab na halik na ng mga sandaling ‘yon ay hindi na nila kayang pigilan.

‘Huling gabi na ‘to kaya ibubuhos ko na ang lakas ko sa mangyayari sa ‘min’ sabi ni Athena sa isip.

Ipinalibot ni Athena ang mga binti sa beywang ng asawa. Naramdaman na lang niya na nakahawak na si Calyx sa kaniyang pang-upo at bahagya ‘yon pinisil. Napa-ung*l si Athena ng malakas ng hampasin ‘yon ng asawa.

“Oh, Sh*t! Gusto ko ang ginagawa mo, Calyx! More, please!”

Mas lalong pinanggigilan ni Calyx ang kaniyang pang-upo. Hanggang sa maramdaman ng kaniyang likod ang malambot ng sofa. Isa-isang hinubad ng asawa ang kaniyang saplot hanggang sa wala ng natira. Pinasadahan ni Calyx ng tingin ang kaniyang kabuuan.

“Napaka-sexy mo talaga, Athena. Sa gabing ito ay akin ka. Akin ang katawan mo at gagawin ko lahat para maging maligaya ka lang,” puno ng pagnanasa na sambit ni Calyx habang pinapasadahan ng tingin ang kaniyang katawan mula ulo hanggang paa. Para itong leon na handa ng sakmalin ang kaniyang nahuling hayop. Tinanggal na rin ng asawa ang mga saplot sa katawan at inihagis sa salas.

“Gawin mo ang gusto mo, Calyx. Ngayong gabi ay iyong-iyo ako dahil bukas, hindi na,” tugon naman ni Athena habang nakatitig sa magandang hubog ng katawan ng asawa. Nang gabing ‘yon ay inangkin ni Calyx ng paulit-ulit ang asawa. Napuno ng daing at ung*l ang buong salas. Ginawa nila lahat ng posisyon hanggang sa magsawa sila.

Nagising si Athena na masakit ang katawan. Maging ang kaniyang pang-ibabang parte ng katawan ay mahapdi. Ilang beses ba naman siyang inangkin ni Calyx hanggang sa makatulog na siya. Bumangon siya at tiningnan ang divorce papers. Pirmado na ‘yon ng lalaki.

“Hiwalaya na talaga kami. Hindi na ako Mrs. Montecillo,” malungkot na sabi ni Athena. Napaupo siya at naiyak. Iyon naman ang gusto niya kaya kailangan niyang panindigan. Inisip na lamang niya ang mga pangkukulang ni Calyx bilang asawa.

“Dapat lang kami maghiwalay dahil hindi na ako masaya sa kaniya.”

Makalipas ang apat na taon, nagtratrabaho si Athena bilang isa sa mga sekretarya ng YG Group of Company sa Quezon City, Manila. Bumukas ang pinto at pumasok sa opisina si Mia, isa sa mga sekretarya.

“May bago tayong boss!” sigaw ni Mia dahilan para mapatingin sa kaniya ang mga naroon. Huminga ng malalim si Mia.

“May bago ng CEO YG Group of Company. Isa siyang sikat na business tycoon! Naibenta ni boss ang YGC sa kaniya,” malungkot na sabi ni Mia.

“Ano?! Pumunta lang siya sa business trip tapos ngayon naibenta na pala! Paano na tayo ngayon? Tiyak na tatanggalin na tayo. Ang hirap pa man sin maghanap ng trabaho,” nakasimangot na tanong ni Jean. Isa rin sa mga sekretarya.

“Hindi naman nalugi na kailang ibenta. Nagbago lang ng CEO. Nandito na siya mamayang alas dos kaya ihanda ninyo ang sarili ninyo para batiin siya! Napaka-guwapo raw niya! ” bulalas ni Mia. Samantala, nasa gilid lamang si Athena at abala sa ginagawa at hindi pinansin ang mga sinabi ni Mia.

Samantala, sa labas ng gusali ng YG Group Of Company, may pumaradang Rolls Royce Phantom sa parking area ng gusali. Napatingin ang mga empleyado na nasa labas sa magarang sasakyan na ‘yon. Lumabas roon ang isang lalaking naka-formal business attire na nakasuot ng shades. Matangkad, malapad na balikat at moreno. Huminto ang lahat at parang tumigil ang oras ng mga sandaling ‘yon.

“Sino yan? Ang guwapo niya!” bulalas ng isang babae na mukhang na-starstruck sa lalaki. 

Madadama sa awra niya na hindi siya basta kung sino lang. Pumasok ang lalaki sa lobby kasama ang assistant. Maging ang mga naroon ay nahinto sa ginagawa at napatingin sa kaniya. Sumakay na sila ng elevator patungong 7th floor kung saan naroon ang conference room.

Hindi magkadaugaga ang assistant na nakabitbit ng mga suitcase at nakasunod sa lalaki na naglalakad patungong conference room. Huminto sila sa isang malapad na pinto. Binuksan ‘yon ng assistant. Pumasok ang lalaki kaya napatingin sa kaniya ang lahat. Tumayo si Angelo, ang bise presidente. Yumuko ang lalaki sa bagong dating.

“Welcome to YG Of Company, Sir Calyx Monticillo,” bati ni Angelo. Hindi sumagot si Calyx. Iginala niya ang tingin at huminto ‘yon kay Athena.

Samantala, nagulat naman si Athena nang si Calyx ang pumasok sa conference room. Her ex husband. Successful pa rin ang dating asawa sa nakalipas na apat na taon. Tumingin sa kaniya ang lalaki.

“Nandito ako para sabihin na ako na ang bagong boss ninyo. Marami ang magbabago na tuntunin. Gawin ang lahat ng reprt sa tamang oras at huwag gagawa ng sariling desisyon ng hindi isinasangguni sa ‘kin. Alam niyo na ang mangyayari kung sakali. Gawin niyo lahat ng trabaho ninyo ng tama at seryuso,” puno ng awtoridad na sabi ni Calyx.

Sumang-ayon ang lahat ng mga naroon. May mga ipinaliwanag pa si Calyx pero hindi ‘yon naintindihan ni Athena. Kinakabahan siya sa mga mangyayari sa kaniya ngayon na isa siya sa mga sekretarya ni Calyx. Matapos ang meeting, pinalabas na rin silang lahat. Biglang bumalik sa ala-ala niya ang mga nakalipas. Mula sa buhay niya ng maging asawa niya si Calyx hanggang sa maghiwalay sila.

“Di ba may blind date ka ngayon? Sabi nila, guwapo daw?” tanong ni Jean nang pabalik na silang tatlo sa kanilang opisina. Muntik na palang makalimutan ni Athena ‘yon.

“Oo, makikipagkita ako mamaya. Hindi ko alam. Tingnan natin kung swak sa panlasa ko,” biro niya na ikinatawa ng dalawa.

Bandang alas dos ‘yon ng hapon, napatingin si Athena sa may pinto nang makita si Calyx na nakatayo roon at pinagmamasdan siya.

“Ms. Ruiz, ipagtimpla mo ako ng kape ngayon din,” dumagundong ang boses ni Calyx sa buong office.

Tumango si Athena at nagtungo agad sa office tea room na kadugtong lang ng opisina nilang tatlo para magtimpla ng kape. Nang matapos, kumatok muna siya bago pumasok sa opisina ng CEO. Nang makapasok, ibinaba niya ang tasa ng kape sa mesa ni Calyx. Humigop ang lalaki habang nakatingin kay Athena.

“Masarap ang timpla mo ng kape ha, Ms. Ruiz. Mukhang gumagaling ka na,” puri ni Calyx habang tumatango.

“Salamat po, sir. Lalabas na po ako. Madami pa akong gagawin,” paalam ni Athena. Tumalikod na siya at akmang lalabas na ng opisina ng magsalita si Calyx.

“Paki-check itong mga reports. Pinasadahan ko kanina at may mga nakita akong mali at mga error. Pakiayos ng mabuti, Athena.”

Humarap si Athena at tiningnan ang mga reports. Nagsalubong ang kilay niya. Sa pagkakaalam niya, maayos niyang naipasa ang mga ‘yon. Ilang beses niya ‘yong ni-review at sinigurong walang mali.

“Sa pagkakaalam ko Sir Montecillio, maayos kong naipasa ‘yan at mali diyan. Paki-review na lang po ulit at baka nagkamali lang kayo,” mahinahon niyang sabi. Natawa na lamang si Calyx.

“So ako pa ngayon ang mali? Go, check again. Urgent ang report na yan kaya dapat matapos yan ngayon,” utos ni Calyx.

“Hindi ba puwedeng bukas ko na ipasa, Sir? May pupuntahan kasi ako,” pakiusap ni Athena.

“Mas importante pa ba ang blind date na ‘yan kaysa sa trabaho mo? Tapusin mo ‘yan ngayon din,” may diiin n autos ni Calyx. Naikuyom ni Athena ang kamay. Kinuha ang reports at lumabas ng opisina ng aroganteng boss niya! Huminga siya ng malalim.

“Kaya mo ‘yan, Athena. Huwag kang magpapaapekto sa kaniya.”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Their Endearment

    Natigilan si Athena. Tinawag siyang love? ‘Love, my ass!’ aniya sa isip. Itinulak niya si Calyx at nagmamadaling lumabas ng opisina. Noong nililigawan siya ng lalaki, lagi siyang tinatawag na ‘Love’. Maghapon na hindi lumabas si Calyx sa opisina. Dinadalhan lamang ang binata ng pagkain nina Jane at Mia. Nagtataka nga ang dalawa dahil ayaw ni Athena na dalhan ng pagkain ang boss nila. “Ath, bakit ayaw mong dalhan si boss? Don’t tell me nahihiya ka dahil crush kita?” tukso ni Mia na may ngisi sa labi. Magkatabi lang kasi ang desk nila. Magkasalubong ang kilay na tiningnan niya ang babae. “At saan mo naman napulot ang ideya na ‘yan, Mia? Hindi ba puwedeng busy lang ako? At tsaka naiirita ako sa pagmumukha ni sir,” aniya sabay irap. Natawa naman si Jean na ipinaikot pa ang swivel chair paharap sa kaniya. Nasa kanan naman niya ang babae. “Alam mo ba ang kasabihan na ‘the more you hate, the more you love’? Bahala ka diyan, baka hindi mo namamalayan na nagkakagusto ka na pala sa ka

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Blind Date

    Nakahinga ng maluwag si Athena nang matapos ang report. Bumalik siya sa opisina ni Calyx at ibinigay ang naayos na report. Tumayo ang binata. “Ihahatid na kita sa inyo. Gabi na, Athena. Hindi puwedeng mag-isa kang biyabiyahe.” Umiling si Athena. Matapos siyang pagurin sa report na maayos naman, ngayon maaawa ito sa kaniya? “Hind na kailangan, Sir. May sarili akong sasakyan. Siguro wala na kayong ipapagawa. Bye!” Saktong alas dyes ay nakarating na si Athena sa isang sikat na restaurant sa Makati kung saan sila magkikita ni Gabriel. Nakasuot ng sleeveless black dress na below the knee at three inches heels. Iginala niya ang tingin sa loob. Natawag ng pansin ni Athena ang isang lalaki na na nakasuot ng checkered polo at may iniinom na tsaa. May suot itong sunglass pero bumagay naman iyon sa lalaki. Lumapit siya rito. Nasa tsaa pa rin nito ang tingin. Tinanong ni Athena kung ito ba si Gabriel. Nag-angat ng tingin ang lalaki. “Oo, ako nga. Maupo ka, Athena,” paanyaya ni Gabriel sabay

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The New Boss

    Huminga ng malalim si Athena bago pumasok ng bahay. Nasa salas si Calyx, nakabihis at mukhang hinihintay siya habang nanonood ng TV. Pinatay nito ‘yon ng makita siya sabay tingin sa hawak niyang brown envelope. “Bakit ngayon ko lang, Athena? Saan ka galing. Alam mo na galing ako Dubai para sa business meeting tapos hindi kita madadatnan?” tanong ni Calyx habang magkasalubong ang kilay na nakatitig sa kaniya ng matalim. Natawa si Athena. “Mabuti naman at hinanap mo pa ako, Calyx. Pero ito na ang huling gabi na makikita mo ako.” Pabagsak na ibinaba ni Athena ang brown envelope sa mesa. Kinuha ‘yon ni Calyx at tiningnan ang laman. Mas lalong nagsalubong ang kilay ng lalaki. “What?! Are you crazy, Athena? Nag-file ka ng divorce?! Bakit? Nagsawa ka na ba sa ‘kin? Ayaw mo na ba ng marangyang buhay?” galit na tanong ni Calyx. Mas lalong natawa si Athena. “Me? Crazy? Baka ikaw? Halos hindi ka na umuuwi dito sa bahay. Ako na lang lagi ang nag-a-adjust para sa ‘yo! Lagi kang nasa opisina.

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status