Share

Paternity Test

Author: Msdimpleee
last update publish date: 2026-01-20 21:27:38

Kinabukasan, sa opisina ni Athena, nanlalalim ang kaniyang mga mata. Napakaitim niyon na para bang ilang araw siyang walang tulog. Napatingin tuloy ang babae sa salamin. Napabuntong-hininga siya.

“Paano ako hindi mapupuyat? Alas tres na ako natulog. Pagkadating ko ng bahay, naglinis pa ako at naghugas ng pinagkainan. Tapo, pumasok pa ako ng 7am impunto. Daig ko pa ang mga nasa call center,” napapailing na sabi ni Athena sa sarili. Mas lalo siyang napabuntong-hininga ng malalim ng mapatingin sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Her Body, Her Rules

    “Nakikiusap ako, Ms. Athena, huwag mo naman sana akong pahirapan. Baka magalit pa sa ‘kin si Mr. Montecillo kapag hindi ka pumayag,” pakiusap ni Melvin.“Nandiyan naman ang dalawa pa niyang sekretary, bakit ako ang lagi niyang peneperwisyo?” naiinis niyang sabi.“Ikaw daw kasi ang gusto ni Sir Calyx. Ikaw ang gusto niyang kasama,” tugon ni Melvin. Napabuntong-hininga na lamang si Athena. Well, kahit na siya ang laging kasama ni Calyx, mas malaki naman ang sahod niya sa dalawa.“May kasama kasi ako dito sa bahay na bata. Hindi ko siya pwedeng iwan dito ng mag-isa,” pagdadahilan pa niya.“Wala kang dapat ipag-alala, Ms. Athena.”May inilabas na laruan si Melvin sa kaniyang likuran.“Ako na po ang bahala sa bata, ma’am. Ako na po muna ang mag-aalaga sa kaniya habang wala po kayo ‘yon po ang bilin sa ‘kin ni Sir Calyx. Nasa sasakyan ang driver at siya ang maghahatid sa inyo sa party,” nakangiting tugon ni Melvin. Nangitngit sa galit si Athena. Talagang gagawin ni Calyx ang lahat para lam

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Benjamin's Confession

    Sinimulan nang kainin ni Benjamin ang nilutong noodles ni Athena. May kung ano pang dinagdag roon ang dalaga na mas nagpasarap sa canton. Napatango siya ng malasahan ‘yon. Napakasarap niyon at nanuot sa kaniyang lalamunan.“Ang sarap ng pagkakaluto, Athena. Puwede ka na mag-asawa,” biro ni Benjamin na tinawanan lang niya.“Darating din tayo diyan, Benjamin. Salamat naman at nasarapan ka sa luto ko.”Huminto sa pagkain si Benjamin at napatingin sa kaniya. Nag-iwas si Athena ng tingin dahil hindi niya kayang tagalan ang tingin nito.“May dumi ba sa mukha ko, Benjamin?” nag-aalangan niyang tanong. Umiling naman si Benjamin.“Wala namang dumi sa mukha mo, Athena. May gusto lang sana akong itanong,” tugon ni Benjamin.“Ano naman ang gusto mong itanong, Benjamin?”“May posibilidad ba na magkagusto ka sa ‘kin, Athena?” tanong ni Benjamin habang titig na titig sa kaniyang mga mata. Natigilan si Athena. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong na ‘yon ni Benjamin.“Hindi ko alam kung pa

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Home

    Nagmamadaling sinundan naman siya ni Calyx.“Alam kong ayaw mo na sa ‘kin, Athena. Pero puwede naman tayo maging bed partner di ba?” tanong ni Calyx. Tumigil sa paglalakad si Athena. Naikuyom niya ang kamao dahil sa galit. Sumikip rin ang kaniyang dibdib dahil sa mga sinabi ni Calyx. Iyon ba ang dahilan kaya persistent itong nakabuntot sa kaniya para lang insultuhin siya?! Akala ni Athena nagbago na ang dati niyang asawa pero hindi pala. Humarap siya kay Calyx.“Talaga namang gagawin mo ang lahat para makuha ako dahil lang sa tawag ng laman. Willing kang gumastos ng malaki para lang ibigay ko kung ano ang gusto mo,” matigas ang boses ni Athena at mararamdam ang galit roon.“Kung hindi mo lang sana ako hiniwalayan, ang lahat ng mayroon sa ‘kin ay sa ‘yo. Hindi mo na kailangang magtrabaho, Athena.”“Sige pag-iisipan ko ang offer mo, hindi dahil sa gusto ko kundi dahil sa offer mo. Iyon lang.”Halos masugat na ang palad ni Athena dahil sa pagkakadiin ng kuko nito roon. Tumalikod na siya

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    The Villa

    Nagpumiglas si Athena sa pagkakahawak sa kaniya ni Calyx. “Bitawan mo nga ako, Calyx. Kaya ko na ang sarili ko,” naiinis niyang sabi.“Hindi, baka mamaya tumakas ka sa ‘kin.”Tumango siya kay hinila siya pabalik ng hospital. Nagsalubong naman ang kilay ni Benjamin habang pinagmamsdan ang dalawa. Naisip niya na baka may gusto si Calyx kay Athena o baka si Athena ang may gusto sa binata.Pagbalik naman nina Calyx at Athena sa hospital. Sinabi ng doktor na puwede na siyang i-discharge dahil hindi naman malala ang nangyari. Lumabas na sila at pumasok sa sasakyan ni Calyx. Pumasok na silang dalawa at pinausad naman ng binata ang sasakyan.“Iuwi mo na ako sa ‘min, Calyx.”Ngunit hindi sumagot si Calyx. Madilim ang mukha nito na nakatingin sa unahan.“Anong relasyon niyo ni Direk?”“Manliligaw ko si Direk pero hindi ko siya gusto. Bakit ba?” naiinis na tanong ni Athena.“Hahayaan ko muna siyang mag-stay sa kompanya ng ilang araw bago ko siya i-terminate.”“Ayos naman ako. Palampasin mo na l

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Accident

    Samantala, maghapon na hindi siya ginulo ni Calyx. Nakahinga si Athena ng maluwag dahil doon. Nang oras na nang uwian, umuwi kaagad siya. Nang makalabas ang sasakyan, may mabilis na sasakyan na nauna sa kaniya at sinabayan siya. Bumaba ang windshield niyon, si Direk, ang manliligaw niya, ang unang bumungad sa kaniya. Nakasuot ang binata ng sunglesses at white suite, may ngisi na nakapaskil sa kaniyang labi.“Ath, bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko kanina?” tanong ni Direk. Umirap lamang si Athena at binilisan ang pagpapatakbo. Ngunit mas mabilis magpatakbo si Direk kaya nasabayan ulit siya. Mabuti na lang at maluwang ang kalsada kaya wala silang napeperwisyo.“Huwag mo nama akong deadmahin. Kababalik ko lang galing business trip. Gusto sana kitang yayain mag-dinner, Ath,” alok ni Direk.Hindi pinansin ni Ath ang makulit na manliligaw. Itinaas niya ang windshield. Sa di-kalayuan, may Rolls Royce na nakasundo sa kanila, minamanego ‘yon ng driver ni Calyx.“Mukhang sinunsundan ng sasa

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    He Tried To R*pe Her

    Nanginig si Athena hanggang sa tumulo ang luha sa kaniyang mga mata.“Calyx, huwag mong gawin ‘to sa ‘kin, please?” pakiusap ni Athena. Narinig ng binata ang pakiusap niya pero hindi ito nagpatinag. Idinikit nito ang mukha sa kaniyang taenga.“I want you, Athena. Give my needs now.”“No, Calyx! Hindi mo ako puwedeng pilitin sa isang bagay na ayaw ko!” may diin na sabi ni Athena. “Pakawalan mo ako!”“Na-miss kita, Athena. Huwag mo naman sana i-reject ako. Alam kong gusto mo rin na may mangyari sa ‘tin.”Bumaba ang kamay ni Calyx sa may beywang niya.“Calyx, please. Huwag mong gawin sa ‘kin ‘to. Dahil kapag ginawa mo ito, habambuhay kitang kamumuhihan!”Natigil si Calyx sa ginagawa. Tiningnan siya nito.“Apat na taon na ang lumipas, Athena. Hindi mo ba ako namimiss? Hindi ka ba nasasabik sa mga yakap at halik ko sa ‘yo?”Naglandas ang labi ni Calyx sa kaniyang taenga. Nang-aakit ang ginagawa nito.“Hindi. Hindi kita namimiss at kailanman ay hindi kita mamimiss. Marumi ka na Calyx,” may

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status