Home / Romance / My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss / She's Regretting Marrying Him

Share

She's Regretting Marrying Him

Author: Msdimpleee
last update Huling Na-update: 2026-01-19 16:03:00

Ika-pito ‘yon ng gabi, dinala si Athena ni Calyx sa may private dock. Nag-renta ang binata ng isang mamahaling yate. Pinagmamasdan nilang dalawa ang dagat at ang bilog na buwan sa kalangitan. Nagtungo si Calyx sa likod ni Athena at inamoy ang buhok niya.

“Napakabango naman ng buhok mo, Athena. Na-miss kong amuyin ang iyong buhok,” sambit ni Calyx habang nakapikit ang mga mata.

Kaagad na nagtungo si Athena sa gilid at hinarap ang dating asawa. Ayun na naman ang malakas na tibok ng kaniyang puso kapag malapit ang lalaki sa kaniya.

“Iyong totoo, tayo lang bang dalawa rito, Calyx?” tanong ni Athena. Isiniksik niya ang sarili sa railings para hindi na makalapit sa kaniya si Calyx. Ngumiti ang binata at dahan-dahan na lumapit sa kaniya.

“Bakit ka ba nagmamadali, Athena? Puwede bang solohin muna natin itong lugar? Iyong tayong dalawa lang ang magkasama.”

Hindi na pinansin ni Athena si Calyx. Humarap siya sa dagat at sinamyo ang malamig na hangin. Ipinikit pa niya ang kaniyang mga mata para mas damang-dama niya ang lamig niyon. Natigilan siya ng maramdaman ang pagpulupot ng malaking braso sa kaniyang beywang. Ayun na naman ang mabilis na pagtibok ng puso ni Athena. Napapikit siya ng maramdaman ang hininga ng lalaki sa kaniyang punong-taenga.

“Natatandaan mob a ‘yong sinabi mo noong sa ‘kin, Athena? Na kapag may pera ka nang malaki, bibili ka ng yate? At magkasama tayong pupunta sa dagat? At ngayon, tinupad ko na ‘yon.”

Naikuyom ni Athena ang kamao. Kaya ba siya dinala ni Calyx roon ay para akitin siya at baka sakaling bumigay siya? Ginawa niya ang lahat para makaalis sa pagkakayakap ni Calyx sa kaniya. Hindi naman siya puwenersa ng binata. Hinayaan si Athalia na makaalis. Napatitig siya rito.

Matangkad si Calyx, malapad ang kaniyang balikat. Napakaganda rin ng hugis ng katawan nito na parang hinulma ang binata ng isang magaling na manlililok.

“Athena, nagsisi ka ba?”

May halong pang-iinsulto ang boses ni Calyx. Nagsisi? Bakit naman siya magsisisi? Ginawa lang ni Athena kung ano ang tama. Ginawa niya kung saan siya magkakaroon ng peace of mind.

“Nagsisisi ka ba na nag-divorced tayo? Kung hindi mo sana ‘yon ginawa, lahat ng ito ay mapapasayo.”

Ramdam ni Athena ang pang-iinsulto ni Calyx. Na para bang sinasabi nito n asana maginhawa ang buhay niya ngayon at hindi nagtratrabaho kung hindi niya hinawalayan ang lalaki.

“Oo, nagsisisi ako,” tugon ni Athena habang titig na titig sa mga mata ni Calyx. Tumaas ang isang kilay nito. Kita ang tuwa sa mukha ng lalaki dahil sa sagot niya. Ngumisi din siya at natawa ng bahagya.

“Nagsisisi ako na pinakasalan kita, Calyx. Dapat hindi ako pumirma ng marriage certificate dahil pakiramdam ko hindi ko binastos ko ang kasagraduhan ng kasal.”

Pinatatag ni Athena ang boses. Nilakipan ng pang-iinsulto ang kaniyang boses. Punong-puno iyon ng pagkamuhi. Naikuyom naman ni Calyx ang kamao at nanginig iyon. Kung nakakamatay lang ang tingin, parehas na silang bumulagta sa sahig.

“Athena, hanga ako sa tapang mo. Sana ganito ka katapang sa mga susunod na buwan na magkasama tayo.”

Talagang ginagalit si Calyx ni Athena. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng dating asawa. Hindi na niya nakayanan ang sitwasyon, tumalikod na siya para pumunta sa cabin niya, sakto naman na may dumating na dalawang lalaki na may kasamang dalawang babae.

“Mr. Montecillo, pasensiya ka na kung nahuli kami at pinaghintay ka.”

Tumango lamang si Calyx at pinatuloy ang dalawang lalaki sa isang luxurious cabin. Senenyasan niya si Athena na sumunod. Pagpasok nila sa loob, may nakalapag ng card game sa gitna ng isang malapad na mesa. Naupo silang tatlo.

Tinabihan ng dalawang babae ang dalawang lalaki at nagsimula na silang maglaro habang pinag-uusapan ang isang proyekto na nagkakahalaga ng hundred of million. Pinagkrus ni Calyx ang mga binti. Nilingon niya si Athena na nakaupo sa di-kalayuan.

“Athena, ipaghanda mo kami ng tsaa,” utos ni Calyx sa babae. Napakagat-labi naman si Athena dahil inutusan siya ng lalaki. Pero kailangan niyang sundin si Calyx dahil boss niya ito.

Pagkatapos siyang utusan na magtimpla ng kape, inutusan siyang kumuha ng wine, towel, meryenda at iba pa. Para siyang waitress ng mga sandaling ‘yon. Sumasakit na rin ang kaniyang paa dahil sa suot na heels. Akmang uupo na si Athena ng pigilan siya ni Calyx.

“Tumayo ka lang, Athena. Para kapag may iuutos ako, madali mo lang iyong magagawa,” wika ni Calyx habang ang mga mata ay nasa baraha.

Walang nagawa si Athena kundi sundin ang sinabi ng lalaki. Lumipas ang ilang minuto, nakakaramdam na siya ng pananakit ng binti. Nang walang nakatingin, bahagya siyang yumuko para imasahe ang kaniyang binti. Nang mag-angat si Athena ng tingin, nakatingin na pala sa kaniya si Calyx.

“Hindi na kita kailangan, Athena. Lumabas ka na muna,” utos ni Calyx na may pagkumpas pa ng kamay. Nakahinga ng maluwag si Athena. Nagmamadali siyang lumabas ng cabin. Nagtungo siya sa gilid kung saan may upuan roon. Naupo siya at tinanggal ang kaniyang heels. Napabuntong-hininga si Athena.

“Salamat at pinaalis niya ako. Manginginig ata ang mga binti ko dahil sa tagal ng pagkakatayo ko,” reklamo ni Athena habang nakanguso. Minasahe niya ang kaniyang paa pataas sa binti. Tingin niya nasa pasado alas-dose na. Hindi kasi suot ng babae ang kaniyang relo.

Si Calyx naman, matapos makipaglaro sa dalawang lalaki. Nagpaalam na rin ang mga ito. Tinawagan ng binata ang kaniyang driver para magpasundo. Iginala ni Calyx ang tingin para hanapin si Athena. Nakita niya ang babae na nakaupo’t nakasandal habang nakapikit ang mga mata. Nilapitan niya si Athena.

“Athena, gumising ka na diyan. Aalis na tayo,” malamig na turan ni Calyx.

Nagmulat naman ng mga mata si Athena. Tumayo na siya pero mabilis din napakapit sa upuan ng makaramdam siya ng hilo. Pagod na pagod na si Athena. Tatlong araw na niyang sinasamahan si Calyx sa mga lugar na gusto nitong puntahan. Bumaba na sila ng yate. Saktong naroon na ang driver ni Calyx.

“Pasok ka!” pagalit na sabi ni Calyx.

Hindi na ‘yon pinansin ni Athena dahil pagod na siya at wala na siyang lakas ng loob na makipagbangayan. Tahimik lamang sa loob ng sasakyan. Nagpasiya si Athena na ipikit ang mga mata. Nang marating ang kaniyang apartment, mahimbing pa rin ang tulog niya. Si Calyx naman ay sinenyasan ang driver na huwag magsasalita. Napatingin siya sa magandang mukha ng dalaga. Tinitigan niya ang maamo nitong mukha. Sa nakalipas na apat na taon, hinangad niyang makita at matitigan muli ang magandang mukha ng dating asawa.

“Napakaganda mo talaga, Athena. Pero ang laki ng ipinagbago mo,” saad ni Calyx. Iniangat niya ang mga kamay at hinaplos ang pisngi ni Athena gamit ang kaniyang hintuturo. Biglang nagmulat ng mga mata si Athena dahilan para magkatitigan sila. Bumalik sa ala-ala ni Calyx ang mga sinabi ng babae kanina. Inalis ang kaniyang kamay sa mukha ng dalaga at nag-iwas ng tingin.

“Nandito na tayo sa tapat ng apartment mo, bumaba ka na,” malamig na turan ni Calyx. Binuksan na ni Athena ang sasakyan at lumabas. Nakangiting lumingon siya sa dating asawa.

“Thank you, CEO Montecillo for taking me home. Sana mahimbing ang tulog mo ngayong gabi. Sana mapanaginipan mo ang mga masasamang espiritu para kunin ang buhay mo!”

Pabalyang isinara ni Athena ang pinto ng sasakyan. Halos tumunog ‘yon. Humingi ng pasensiya ang driver dahil sa nangyari. Sana pinagbuksan na lamang niya ng pinto ang dalaga. Napangisi si Calyx sa inasal ng dating asawa.

“Paki-check bukas ang pinto ng sasakyan, Manong Ginoo. Kapag may pinsala, sisingilin natin si Athena.”

“Naku, Sir. Paano kung hindi mabayaran ni Athena? Hindi birong halaga ang gagastusin kung sakali?” nag-aalalang tanong ni Gino.

“Mababayaran niya ‘yon. Mayaman ang dati niyang asawa. Magsabi lang siya at ibibigay ko,” nakangising sabi ni Calyx. Napatango na lamang ang driver at ipinagpatuloy ang pag-da-drive.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    He Has No Rights

    —“Grabe ang sekretarya no Sir Calyx. Napaka-iksi ng kaniyang pasensiya at ang tapang sa harap ninyo na isang CEO?” napapailing na tanong ni Gino. Natawa lamang si Calyx.“Huwag niyo na lamang pansinin. Sanay na ako. May nasabi kasi akong hindi maganda kaya nagawa niya ‘yon.”Napailing na lamang si Gino. Inutusan na ni Calyx ang driver na pausadin na ang sasakyan para makauwi na siya at makapagpahinga. Dahil kahit siya pa ang CEO, napapagod din siya sa dami ng ginagawa.Sa kabilang banda, nang makakain si Athena nang hapunan. Tinanggal na niya ang warmer at tinapon sa basurahan. Nanggigigil niyang itinuro ang basurahan.“Diyan ka lang, ha?! Hindi mo na ako mauuto pa!” sigaw niya na para bang si Calyx ang basurahan. Umirap na lamang siya. Nagtungo na siya sa silid at nagbihis para makatulog na. Kaagad siyang nakatulog dahil sa pagod. Nanaginip pa siya. Ang kaniyang panaginip ay ang intimate moments nila ni Calyx. Mayroon din ‘’yong nag-aaway sila pati iyong puno na lagi nilang pinupu

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Kneel Infront Of You

    Tiningnan siya ni Calyx. Nagsalubong ang kilay nito nang makita ang itsura ni Athena. Mukhang iniisip nito na wala sa kondisyon ang dating asawa. “Okay, let’s start the meeting para mabilis tayong matapos,” panimula ni Calyx. Noong una ay ayos naman ang deliver ng meeting, hanggang sa bumilis ‘yon at direct to the point ang mga sinasabi ng binata. Maging ang iba ay napansin ‘yon, pero hinayaan na lamang nila basta masabi ang mga importanteng impormasyon ay ayos na ‘’yon. Pagkatapos ng isang oras, natapos na ang meeting. “That’s all for today. Bukas na lang ulit ang iba pang pag-uusap. You need rest,” pagtatapo ni Calyx sa meeting. Tinatamad na tumayo ang mga officers ng kompanya at lumabas ng silid. “Ang bilis natapos ang meeting ‘no? Makakauwi tayo ng maaga mamaya!” excited na sabi ni Mia. Ngumiti lamang si Athena dahil wala pa talaga sa kondisyon ang kaniyang katawan. Mabilis natapos ang maghapon. Kahit papaano ay nagawa naman ng maayos ni Athena ang trabaho, ‘yong mga madadali

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Keeping A Secret To A Friend

    “Nay hindi ko puwedeng sabihin kay Benjamin na anak ko si Rohan dahil ayaw kong may makaalam na iba. Iniingatan ko lang ang anak ko ‘nay,” sagot ni Athena.“Makaalam na iba? Ano naman ngayon kung may makaalam? Anak, natural na lang ngayon ang pagiging single mom. Baka nga humanga pa sila at si Benjamin dahil kaya mong itaguyod mag-isa si Rohan,” katwiran ni Irene. Napailing si Athena. Mukhang kailangan na niyang sabihin sa ina ang totoong dahilan.“ ‘Nay, ang ama ni Rohan ay si Calyx Montecillo at siya ang boss ko ngayon na boss rin ni Benjamin.”Nanlaki ang mga mata ni Irene at napaawang pa ang labi. “Ngayon, alam niyo na kung bakit? Kasi sa totoo lang, puwede ko naman sabihin kay Benjamin eh. Pero hindi ko naman puwedeng sabihin na ‘Benjamin, huwag mo na lang sasabihin kay Calyx ha kasi siya ang ama ni Rohan’ hindi ko naman puwedeng sabihin ‘yon,” paliwanag ni Athena. Napabuntong-hininga na lamang si Irene at napatango-tango.“Tama ka nga anak. Hindi puwede. Pero paano mo naging bo

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Weakness Of A Woman

    Nagdilim ang mukha ni Calyx. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ni Athena. Para mawala ang badtrip niya, nagtungo siya sa pinakamalapit na club house. Naroon siya kanina, umalis lamang siya dahil may ipapagawa siya kay Athena pero iba ang nadatnan niya. Nang makapasok sa pribadong silid, naroon pa rin ang tatlo. Sina Joseph, Andrew at si Angelie at ibang magagandang babae na kasalukuyang naglalaro ng baraha.“Tumabi ka,” utos ni Joseph sa katabing magandang dalaga. Tumabi ang babae pero hindi naupo si Calyx. Bagkus, naupo siya sa sofa na nasa gilid at tahimik na uminom ng wine glass.“Mukhang may badtrip ngayon,” komento ni Angelie habang ang mga mata ay nasa baraha. Napangisi habang napapailing si Joseph.“Bakit ganoon? Guwapo ka naman at nasa ‘yo lahat ng katangian na hinahanap ng isang babae, pero bakit hindi mo kayang i-handle si Athena? Bakit kasi hindi mo na lang bigyan ng malaking pera? Tiyak na mapapasunod mo ‘yon. O kaya ay landiin siya. Ang daming advantage mo, kaya gamitin m

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    He's Jealous

    Hindi na siya nagsalita pa at inabala na lamang si Rohan na abala sa panonood. Si Irene naman ay nagkukuwento lamang kay Benjamin tungkol kay Rohan. Napatingin ang binata kay Rohan.“Sino po ang ina ni Rohan? Hindi naman puwedeng si Athena dahil ang alam ko ay dalaga pa siya,” sambit ni Benjamin. Nagkatinginan sina Athena at Irene. Tumango ang ginang tanda na dapat siya ang may karapatan na magsabi. Pero napagdesisyonan niyang magsinungalang dahil baka mabanggit nito kay Calyx kaya tiyak na malaking gulo ‘yon kung sakali. Hangga’t maaari ay ayaw niyang may makaalam na iba tungkol kay Rohan kahit sabihin pang mabuti ito sa kaniya. “Kapatid ko siya, Benjamin,” tipid niyang sagot. Tumango ang binata. Magkasalubong ang kilay ni Irene na napatingin sa kaniya. Marahil ay nagtataka ito kung bakit nagsinungaling siya dahil base sa ekspresiyon ng mukha nito kanina ay gusto nitong sabihin niya sa binata na anak niya ni Rohan. Ayaw ni Athena pakasiguro. Mas okay na ‘yong nag-iingat. Alam niya

  • My Cold-Hearted Husband Is Now My Boss    Director Benjamin's Kindness

    Napatitig na lamang si Athena kay Benjamin. Tingin niya, hindi na kailangan ng direktor na makipag-blind date pa. Sa ugali nito, isang tingin palang nito sa isang babae, tiyak na malo-love at first ito sa binata. Idagdag pa ang maganda nitong ugali. Tumingin kay Athena si Benjamin. Walang emosyon ang mga mata nito na nakatingin sa kaniya.“Wala ‘yon, Athena. Maliit na bagay lang ito. Kapitbahay namin si Tita Irene kaya walang dahilan para hindi ko siya tulungan,” paliwanag ni Benjamin. “Maraming salamat pa rin, Benjamin.”“Mas mabuting mailabas na natin rito si Tita Irene. Tulungan mo ako. Tumawag ka ng nurse, magdala sila ng wheelchair,” utos ni Benjamin. “Sige, pupuntahan ako sa nurse station,” sagot ni Athena at nagmamadaling lumabas ng silid at tinungo ang nurse station. Nang naroon na siya, sinabi niya ang sadya sa isa.“Okay, ma’am. Hintayin niyo na lang po ako sa silid,” tugon ng babaeng nurse. Nagpasalamat naman si Athena at bumalik sa silid.“Papunta na rito ‘yong nurse na

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status