Masuk"Ang pagsusuri ng pahayag pinansyal para sa project ay dapat makumpleto bago matapos ang araw ng trabaho sa tanghali."
Bumalik si Aerial sa kanyang workstation matapos sabihin iyon ni Sarah.
Bagama't inilipat siya sa mas mababang posisyon sa sekretarya, maraming gawain ang inuutos sa kanya ni Sarah na hindi niya responsibilidad.
At tinanggap niya iyong lahat ng walang reklamo. Patuloy siya noong nagsusumikap para lang mapansin siya noon ni Diego. Ngunit ngayon ay alam na niyang nililinlang na lang niya ang kanyang sarili dahil kahit na anong gawin niya ay hindi magkakaroon ng oras sa kanya si Diego.
Matapos tapusin ni Aerial ang pagsusuri ng ulat, ibinigay niya iyon kay Sarah kasama ang elektronik at papel na bersyon.
Saka naman siya umorder ng takeout.
Kahit may kainan ang kompanya, lagi siyang nagdadala ng sarili niyang tanghalian. Ayaw niyang pumunta sa mataong lugar, ayaw niyang mapansin siya ng ibang tao, ayaw niyang makihalubilo sa mga tao, at gusto na lang niyang mapag-isa nang payapa at tahimik.
Hindi siya nakapaghanda ng tanghalian kaninang umaga, kaya umorder na lang siya ng takeout at ang tagal na ginugol niya sa paghihintay ng takeout.
Pumasok na sa opisina ang isang kasamahan pagkatapos ng tanghalian, masayang nagkukwentuhan habang naglalakad.
"Napakabata pa ng kasintahan ni Mr. Natividad, siguradong estudyante siya sa kolehiyo!"
"Siguro nga, ang ganda-ganda niya talaga, parang manika na porselana."
"Napakabait ng tingin sa kanya ng CEO, halos malunod na ito sa pagmamahal. Hindi ko inaasahan na ang palaging seryosong CEO ay magkakaroon ng ganitong mapagmahal. Parang totoong bersyon ng isang dominanteng CEO at ng kanyang munting asawa!"
"..."
Nag-uusap ang dalawang kasamahan nang pumasok sila sa opisina at napansin nila si Aerial na nakaupo sa kanyang workstation. Mukha talaga siyang pinuno ng mga bandido.
Simula nang mailipat mula sa sekretarya sa ordinaryong empleyado, hindi na siyang nakikisalamuha kahit kanino maliban sa mga bagay na may kinalaman sa trabaho. Ngayon, lalo na siyang nagiging tahimik, nakasuot ng face mask buong araw na parang nahihiya siyang makita ng iba.
Mahirap talagang isipin na sa mahigit kalahating taon pa lang ang nakalipas, isa pa siyang kilalang assistant ng CEO.
Matapos makatanggap ng tawag mula sa deliveryman, tumayo si Aerial.
Bumaba siya para kunin ang takeout...
Nang sandaling iyon, dalawang kawani ng hotel na may dalang pagkain ang humingi ng tulong sa front desk, at agad na ini-swipe ng front desk ang kanilang mga elevator card para sa pribadong elevator ng pangulo.
Nakita ni Aerial ang isang bote ng pulang alak sa kamay ng isang kawani. Ang bote na iyon ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang sampung libo. Ang sampung libo ay perang kayang kikitain ni Diego sa loob ng wala pang isang minuto.
Dinala niya ang kaniyang takeout na pork trotter rice sa taas.
Alas-dos ng hapon.
"Hinahanap ka ng CEO." sabi sa kanya ni Sarah ng makita siya.
Nagulat si Aerial, isang kakaibang pakiramdam ng pagkabalisa ang gumapang sa kanyang puso.
Gaya ng inaasahan.
Pagpasok ni Aerial sa opisina ng CEO, agad siyang binalot ng tensiyon. Lumapit siya sa mesa.
"CEO Natividad." tawag niya kay Diego.
Nang tumingala si Diego sa kanya, ang guwapong mukha nito ay malamig at seryosong ekspresyon. Nagulat pa siya ng ihagis nito ang dokumentong hawak nito papunta sa mukha niya.
"Ito ba ang inihanda mong ulat sa pagsusuri?" sabi nito sa kanya.
Dumausdos ang matalas na A4 na papel sa pisngi ni Aerial, at nakaramdam siya ng matinding kirot. Nang tingnan niya ang mga nakakalat na dokumento sa kanyang paanan, nakita niya ang ulat na inihanda niya nang umagang iyon.
Hawak niya ang kanyang tiyan gamit ang isang kamay at hirap na yumuko para pulutin ang mga dokumento na nagkalat na sa sahig.
Malamig na nakatitig sa kanya ang maitim na mga mata ni Diego habang dahan-dahan siyang yumuko, sinusuportahan ang kanyang tiyan.
Maingat na kinuha ni Aerial ang ulat at masusing pagsusuri na nasa kanyang kamay at agad na napansin ang ilang pagkakaiba sa mga numero. Nagprotesta siya.
"CEO Natividad, hindi ito ang ulat na inihanda ko."
"Ayusin iyan, ayokong marinig ang mga dahilan mo."
Mahigpit na hinawakan ni Aerial ang dokumento.
Hindi lingid kay Diego ang kakayahan niya, ni hindi rin niya tinanggihang makinig sa mga dahilan nito; palihim na tinanggap na lang niya na inaabuso siya nito.
Ang kapootan nang ganito ng lalaking lubos niyang minamahal ay tunay na kaawa-awa at nakakatawa.
Huminga siya nang malalim, sandaling pumikit, at nang idilat niya itong muli, naglakas-loob siyang sabihin.
"Mayroon akong backup. Maaari ko itong ipadala sa iyo, CEO Natividad, para sa iyong pagsusuri ngayon. Maaari mo na akong pagalitan kung nakita mong hindi parin maganda ang aking ulat."
Pinikit ni Diego ang kaniyang maitim na mga mata, halata sa mga ito ang pagkadismaya.
Kinakabahan si Aerial. Sa kaibuturan niya, nakakaramdam siya ng takot kay Diego, takot sa awtoridad, lalo na kapag malamig ang mukha nito. Hindi siya nangahas na magsalita para ipagtanggol ang sarili niya.
Sa sandaling ito, sinubukan niyang pakalmahin ang sarili. Gayunpaman, malapit na silang magdiborsyo, at gagawin niya ang gusto nito habang nakatali pa rin siya sa kasunduan nila. Hindi na siya muling tutuntong dito kapag hiwalay na sila, at wala na siyang dapat aasahan dito. Ano pa ba ang dapat ikatakot niya?
"Pakiramdam mo ba ay nagawan mo ng mali?" Ang boses ng lalaki ay parang nagyeyelong mga piraso, may bahid ng sarkasmo.
Sinalubong ni Aerial ang malamig at maitim na mga mata ni Diego, ang mga dulo ng daliri nito ay nakasubsob nang malalim sa kanyang mga palad. Lumakas ang kanyang boses nang sabihin niya, "Maling inakusahan ako ni CEO Natividad nang hindi man lang nagtatanong kung bakit. Hindi ba dapat patunayan ko ang aking sarili?"
Nanlamig nang husto ang mukha ni Diego. "Nararapat lang sa iyo iyan."
Nakaramdam si Aerial ng matinding kirot sa kanyang puso, at ang kanyang mukha ay namutla nang husto.
Sa sandaling iyon.
Bumukas ang pinto ng sala.
Isang batang babae na nakasuot ng kulay rosas na silk slip dress ang lumabas, may mahaba at makintab na itim na buhok, maputi ang balat na tila kumikinang, at maselang mga pigura na napakaganda kaya't mahirap ilihis ang tingin.
"Kuya Diego!"
Ang boses ng batang babae ay kasingbanayad at pino ng simoy ng hangin at ulan sa tagsibol.
Sa wakas ay nakita nang malinaw ni Aerial ang mukha ng babae, at tunay ngang napakaganda nito kaya nahihiya siya sa sarili.
Sinulyapan lang niya ito bago narinig ang matigas na boses ng lalaki, "Lumabas ka!"
Iniwas ni Aerial ang tingin, pinigilan ang nag-aalab na emosyon, at tumalikod para maglakad palabas.
Lumabas na lang siya ng opisina.
Nang marinig ang malumanay at nakakaaliw na boses ng dalaga, mabilis na kumalma ang lalaki.
"..."
Itinaas ni Aerial ang kanyang ulo, pilit na pinipigilan ang mga luhang namumuo sa kanyang mga mata.
Pumunta siya sa isang liblib na sulok ng hagdanan, sumandal sa barandilya gamit ang isang kamay, at sa wakas ay hindi na niya napigilan ang kanyang emosyon. Umagos ang mga luha sa kanyang mukha, at nakalimutan na niya ang kanyang gutom kanina.
Matapos sabihin ni Mina na hindi naaprubahan ang evaluation, wala nang sumunod na balita. Malinaw na tahimik nilang sinuportahan ang ginawa ni Anne kaya bakit bigla na lamang nila gustong i-acquire ang Huihe?Paliwanag ni Professor Cortez. “Sinabi niya na muli niyang nirepaso ang impormasyon tungkol sa Huihe at nakita niyang pasado naman ito sa acquisition standards. Kahit masyadong protektado ni Sean ang kapatid niya, hindi naman siya ganap na walang katinuan.”Napairap si Joan. “Akala ba niya mabibili niya ang Huihe kung kailan niya gusto at tatanggihan kung kailan niya trip?”Bugso lamang iyon ng galit niya.Hindi siya pinansin ni Professor Cortez.“Tingnan na lang natin kung ano ang magiging sagot ng Mingqi sa Huihe.”--*---*--SAMANTALA, dumating si Sean sa kumpanya ni Diego.Pumasok siya sa opisina.Abala pa rin noon si Zorren sa pagrereport ng trabaho.At nang makita niyang nakatutok pa rin si Diego sa trabaho, tila wala itong kahit katiting na pakialam sa buntis nitong asawa.
SA HALIP na usisain pa ang detalye ng nangyari, agad na nagtungo si Madam Natividad sa ospital.Punong-puno ng pag-aalala si Belen nang dalhin si Aerial sa emergency room noong nakaraang gabi. Tinawagan niya ito, ngunit ang sumagot ay mga medical staff.Agad namang nagmadaling pumunta sa ospital sina Danilo, Belen, at Arthur.Nang makitang naging stable na ang kondisyon nito ay umuwi rin kinaumagahan sina Danilo at Arthur matapos ang mahabang pagbabantay, habang si Belen naman ay nanatili sa ospital upang bantayan si Aerial.Hindi nakatulog si Belen buong gabi. Bandang alas-kuwatro ng madaling-araw ay umuwi pa siya upang maghanda ng almusal para kay Aerial bago muling bumalik sa ward.Kumakain noon ng almusal si Aerial nang mapansin niya ang nag-aalalang mukha ni Belena kaya marahan niya itong inalo.“Auntie Belen, ayos na po ako ngayon kaya huwag na po kayong mag-alala.”Labis na naawa si Belen para kay Aerial.Ganu'n pala, kapag hindi ka mahal ng isang lalaki, kaya ka niyang tratuhi
ISANG dokumento ang biglang ibinato ni Alvert sa kaniya na agad naman niyang nasalo.“Imbes na magtsismis ka rito, magtrabaho ka na lang.”“Grabe ka naman, hindi ka ba pwedeng maging less seryoso kahit minsan? Paano ka magkakagirlfriend niyan?” reklamo ni Charles.“...”WALANG naging sagot si Professor Cortez.Hindi nagtagal ay nakatanggap si Aerial ng balita mula sa kaniyang ama. Nakipag-ugnayan na raw ang person in charge ng Zhongrun Development at magpapadala ito ng tao kinabukasan para sa mas detalyadong pag-uusap.Nang marinig niya ang magaan na tono ng kaniyang ama ay nakahinga siya nang maluwag.Ngunit hindi naging maayos ang sumunod na negosasyon ng dalawang panig.Palihim kasing humaharang ang Yunshan kaya napilitan nang mangialam si Danilo.Ayaw mag-alala si Aerial kaya hindi sinabi ng kaniyang ama ang totoong sitwasyon. Samantala, tahimik ding inaayos ni Alvert Cortez ang lahat sa likod ng eksena at hindi muna siya kinokontak. Nasa alanganing sitwasyon ngayon ang usapan ng
BAHAGYANG ngumiti si Aerial. Ngunit malamig ang mga mata niya. “At kung hindi mo naman kayang sagutin ang isang simpleng tanong,” sagot niya, “mukhang hindi rin ganoon kahusay ang vetting capability ng kumpanya ninyo.”Kaagad na dumilim ang ekspresyon ni Anne.Tahimik na inabot ni Aerial ang mga dokumento at ibinalik iyon sa bag.“Pasensya na kung nakaabala ako ngayon, President Carbonel.”Dahan-dahan siyang tumayo, isang kamay ang nasa bewang at ang isa’y nakaalalay sa kaniyang tiyan. Agad namang tumayo si Professor Cortez upang tulungan siya.Lalong lumamig ang tingin ni Anne.Bahagyang tumayo si Sean, tila may nais sabihin ngunit—Biglang natigilan si Aerial at napatingin sa may pintuan.Napalingon din si Sean. At doon nila nakita si Diego na papasok.Sa oras na makita nito si Aerial, agad na nanlamig ang mukha ng lalaki. Halatang narinig nito ang naging usapan nila ni Anne.Agad na umiwas ng tingin si Aerial sa malamig na mga mata nito.“Diego!”Masayang lumapit si Anne at buong l
SA HULI, wala siyang ibang choice kundi abalahin si Professor Cortez. Pareho naman silang nasa iisang social circle kaya marahil ay madali nitong makontak si Sean Carbonel.Ngunit nasa meeting si Professor Cortez noon kaya ibinaba rin nito ang tawag at nag-reply na lamang sa message niya;"Nasa meeting ako ngayon. Tatawagan kita pagkatapos."Nag-reply si Aerial: Okay. Pasensya na at nakaabala pa ako, Professor Cortez.'Ayos lang,' simpleng sagot nito.Dalawang araw nang hindi lumalabas si Aerial. Nang luminaw ang panahon at sumikat ang araw kinahapunan, pinayuhan siya ni Belen na maglakad-lakad muna sa labas.Sakto rin iyon dahil matatapos na rin ang meeting ni Professor Cortez.Inalalayan siya ni Belen palabas ng bahay bago nagtanong, “Kinontak ka ba ni Diego?”Umiling si Aerial.Mahinang napabuntong-hininga si Belen at hindi na nagtanong pa.Makalipas ang kalahating oras.Pagkauwi ni Aerial ay nakatanggap siya ng tawag mula kay Professor Cortez.Ipinaliwanag niya rito ang buong sitwa
NGUNIT matapos siyang ma-demote, nagtungo sa ibang bansa si Fatima upang asikasuhin ang negosyo, at minsan na lamang silang nagkausap nang mabalitaan nitong na-demote siya.Hindi na ipinaliwanag pa ni Aerial ang dahilan noon.Nagulat si Fatima nang matanggap ang tawag ni Aerial at napabuntong-hininga.“Oo nga, matagal na tayong hindi nagkakausap. Kumusta ka na nitong mga nakaraan?”Nagkuwentuhan muna sila nang ilang minuto.Pagkatapos ay nagsalita si Aerial, “May nais sana akong ipakiusap kay Fatima kung ayos lang.”Hindi tumanggi si Fatima. “Sige, sabihin mo.”Maikling ipinaliwanag ni Aerial ang sitwasyon.“Sige. Magtatanong-tanong ako para sa’yo at babalikan kita bukas,” sagot ni Fatima.“Okay. Salamat, Fatima.”Nagulat si Aerial sa dali ng pagsang-ayon nito.Pagkababa niya ng tawag ay lumabas siya ng kuwarto at sinabi kina Danilo ang tungkol doon.Tumango si Danilo. “Kapag alam natin ang dahilan, mas mauunawaan natin kung paano ito haharapin.”Nagpasya si Aerial na manatili muna sa







