Share

My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back
My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back
Penulis: BlackWolf

C1:

Penulis: BlackWolf
last update Tanggal publikasi: 2026-02-24 23:52:23

Sa ikadalawampu't siyam na linggong pagbubuntis ni Aerial, nahuli niya ang kanyang asawa na may ibang kasamang babae sa ospital.

Hindi siya puwedeng magkamali, sa tangkad nito at sa gwapong mukha ng kanyang asawa na nakasuot ng itim na amerikana. Isang maganda at mahinhin na babae na nasa mga bisig nito, nakaalalay ito sa babae.

Ang babae ay nakasuot ng puting mabalahibong diyaket, ang pisngi nito ay namumula, at ang maliit na mukha nito ay nababalot ng malambot na lana na bandana. Ang kulay ng kutis nito ay parang isang manikang porselana.

Humigpit ang hawak ni Aerial sa resulta ng pinagbubuntis niya, nanlalamig ang kanyang mga kamay. Parang may humampas na malamig na hangin sa kanyang mga pisngi, ngunit mas naging malamig ang kanyang pakiramdam sa kakaibang pagtibok ng kanyang puso. Parang pinipiga at may kung anong tumatarak sa kanyang puso.

Ang sakit.

Nakita siya ni Diego mula sa malayo. Ngunit nakita niyang wala man lang itong naging reaksyon nang makita siya. Taas ang noo nitong diretso lang ang paghakbang palabas ng ospital kasama ang babae. Maingat ang pagbukas ng pinto para sa babae; napakabanayad ng ekspresyon.

Hindi akalain ni Aerial na makikita niya si Diego nang ganoon ka banayad sa isang tao. Kilala ito bilang isang malupit na tao, ngunit hindi niya akalain na ang isang tulad ni Diego ay may tinatago sa banayad na ekspresyon.

Tila napansin naman siya ng babaeng kasama nito. Bahagya itong tumigil at napasulyap sa kanya na may nagtatakang tingin.

“Bakit nakatingin ang manang na iyon sa atin? Kilala mo ba siya, Kuya Diego?” tanong ng babae kay Diego.

Muli siyang nakaramdam ng malamig na hangin na tila humampas sa kanyang pandinig.

Tinawag siyang manang ng babae gayong dalawampu't-apat na taong gulang lamang siya.

Gayunpaman, dahil sa medyo bumilog na ang kanyang pangangatawan dahil sa kanyang pagbubuntis. Idagdag pa ang kanyang suot, nakabalot siya ng itim na malaking diyaket at nakasuot ng itim na sumbrerong lana, ang kanyang katawan, na nasa huling buwan ng pagbubuntis, ay namamaga na ang kanyang mga balat at mabigat sa kanyang pakiramdam. Kasama ang kanyang pagod na mukha, talagang mapagkakamalan siyang manang na nasa edad trenta o kuwarenta. At hindi na maihahambing sa isang batang magandang babae.

Tinulungan na ni Diego ang babae na makasakay sa kotse. Habang nanatili lang si Aerial sa kanyang kinatatayuan, pinanood ang pag-alis ng sasakyan.

Pinakasalan siya si Diego dahil nabuntis siya. Ang sapilitang pagpapakasal nila ay parang isang dagok sa buhay ni Diego, na kilala bilang isang batang bilyonaryo.

At para kay Diego ay ang batang nasa sinapupunan niya ay ginamit niyang kasangkapan para mapilitan itong pakasalan siya. Dahilan para kamuhian siya nito ng todo.

Walong taon niyang lihim na pinangarap na makasama ito, ngunit alam ni Aerial na hindi siya magkakaroon ng pagkakataon na malayang makalapit kay Diego.

Kaya pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral ng masundan ang yakap ni Diego na kilalang pinakamagaling na estudyante.

Dumating ang araw na kanyang pinakahihintay, natupad ang kanyang pangarap na mapalapit kay Diego, naging sekretarya siya nito sa sariling mga negosyo. Naging malaya siya na makalapit sa Diegong lihim niyang iniirog.

Ngunit nasira ang lahat ng kanyang pangarap dahil sa isang gabing pagkalimot. May nangyari sa kanila ni Diego, isang gabing minsan na rin niyang pinangarap pero hindi sa ganung pag angkin sa kanya. Winasak siya nito, ang buo niyang pagkatao. Hindi pinahalagaan ang kanyang kalinisan. Na sa unang gabi ay nawala sa kanya ang dangal na iniingatan.

At ang isa sa hindi niya malilimutan ay ng makita niya kinaumagahan ang tila nandidiri itong makita siyang katabi sa kama, na para bang may nakakahawa siyang sakit kaya ito nasusuklam sa kanya.

Nagpakawala ng isang malalim na paghinga si Aerial ng maalala ang gabing iyon na may nangyari sa kanila. Hanggang sa malaman na lang niya na nagbunga na ang nangyari sa kanila ng gabing iyon. Wala naman siyang balak ipalaam ang kanyang pagbubuntis kay Diego pero naisip niya na may karapatan din itong malaman. Ngunit sa ginawa niyang iyon ay mas lalong namuhi sa kanya si Diego at sinabihan siya nitong ginagamit na lang niya ang batang pinagbubuntis niya para tuluyan itong matali sa kanya.

Hindi niya hinangad ang ganitong relasyon, mas gusto pa niyang makipag hiwalay na lang kay Diego pero mas nanaig sa kanya na mabigyan ng isang buong pamilya ang kanyang anak kahit na alam niyang hindi matutupad ang isang masayang pamilya na kanyang hinahangad.

Napakurap siya ng maramdaman ang mainit na tubig na dumaloy sa kanyang pisngi, lumuluha siya.

Kasunod ng kanyang pagluha ay ang matinding pagkirot ng kanyang tiyan. Napangiwi siya sa sakit habang hawak na niya ang bigat ng kanyang tiyan. Agad siyang napahawak sa malaking haligi sa tabi niya.

Nakita naman siya ng isang nurse na napadaan, dali-dali siyang tinulungan, at dinala sa emergency room.

Sumakit ang tiyan niya sa pagiging sobrang emosyonal at pagkabalisa. Sinabihan siya ng doktor na kailangan niyang kumalma para hindi siya mapaanak ng maaga at wala sa tamang oras.

Hindi na rin nagtagal si Aerial sa ospital matapos niyang mapakalma ang sarili sa magkakahalong emosyon na kanyang nararamdaman.

Kahit pagod na pagod na siya sa pisikal at mental na aspeto, pinilit niyang magmaneho pabalik ng Repulse Bay nang mag-isa.

Ang Repulse Bay kung saan ang villa ni Diego na inayos sa kanya ng lolo nito para doon siya tumira.

Kasama niya sa villa ang dalawang katulong na galing pa sa lumang mansyon ng pamilyang Natividad.

Sa oras na nakapasok siya sa villa, naabutan niya ang dalawang katulong na kasama niya sa bahay na komportableng nakaupo sa sala, masayang nagkukwentuhan na parang sarili nilang bahay ang villa.

Narinig nila ang kanyang pagdating. Sabay na lumingon ang dalawa sa kanya. 

Isa sa katulong ang unang tumayo at sinalubong siya.

“Kumusta ang resulta ng iyong check up?” Puno ng kaarogantehan na tanong ng katulong sa kanya.

Sa naging tono nito sa pagtatanong sa kanya ay parang hindi ito katulong kung umasta. Daig pa nito ang may ari ng bahay na binabantayan siya na na parang isa lang kabit na nakikitira lang.

Malamig na sinulyapan lang ni Aerial ang katulong, hindi niya ito pinansin, dumiretso siya paakyat ng hagdan.

“Nagtatanong ako sayo.” Kunot ang noo na pagsita sa kanya ng katulong.

Hindi pa rin niya ito pinansin. Ngunit hindi nakaligtas sa pandinig niya ang pagdura nito at ng huling sinabi.

“Para naman siyang matabang baboy. Akala mo naman siya ang mistress ng pamilyang Natividad. Halata naman na mapagpanggap lang siya.”

Iyon ang mga sinabi ng katulong ng nakatalikod na siya. Ngunit para sa kanya ay para saan pa para patulan ito. Para na rin niyang sinabi na magka-level lang sila ng katulong kung pinatulan niya ito sa kagaspangan ng ugali nito.

Maliban sa galit lang sa kanya si Diego ay hindi naman siya nito minamaliit tulad ng pagmamaliit sa kanya ng katulong o kahit ang matandang Natividad bilang asawa ng apo nito.

Ang lolo mismo ni Diego ang nag-ayos ng pagpaparehistro ng kanilang kasal kahit na malaki ang pagtutol ni Diego sa bagay na iyon.

Gayunpaman, walang nagawa si Duego dahil sa malubhang karamdaman ng kanyang lolo at ng malaman na buntis siya sa magiging apo nito sa tuhod ay agad nitong isinaayos ang kanilang kasal.

Nagkataon man o talagang nagdala siya ng swerte dahil unti-unting bumuti ang kalagayan ng lolo ni Diego.

Naging mabuti ang pakikitungo sa kanya ng matandang Natividad. Ngunit minamaliit pa rin siya ng ibang miyembro ng pamilya nila. At dahil doon, kaya hindi maganda ang trato sa kanya ng mga katulong na kasama niya sa bahay na galing pa nga sa lumang mansyon.

Nagpunta siya sa ospital kanina para muling magpa-check-up at muling malaman ang kasarian ng kanyang dinadala, at hindi nagbago ang unang resulta noon dahil babae talaga ang nakitang kasarian ng baby niya.

At alam niya na may abiso na ang ospital sa lolo ni Diego na babae ang anak niya at malamang ay tuwang tuwa na ito sa resulta.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C156

    “Kuya.”Sabay napalingon sina Arthur at Sean.Nagkataon lamang na nagkita ang dalawa. Hindi man sila malapit sa isa't isa—at sa totoo lang ay magkaribal pa sa negosyo—nagbatian pa rin sila at nagpalitan ng ilang magagalang na salita.Ngunit nang marinig nila ang boses ni Aerial...Sabay silang napalingon.Hawak ni Aerial ang maliit na kamay ni Danica.Sa ilalim ng maliwanag na ilaw ng lobby, magkatabi ang mag-ina. Pareho silang may masasayang ngiti sa mukha.Sa isang iglap...Parang may kung anong pamilyar na eksenang dumaan sa paningin ni Sean.Biglang sumikip ang dibdib niya.Parang may kung anong bagay na matagal nang nakabaon sa kanyang puso ang biglang ginising.Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam.Samantala, pagpasok ni Aerial, hindi man lang niya nilingon si Sean.Sa halip, kay Arthur siya tumingin.“Kuya, nasaan sina Mom at Dad?”Napansin ni Sean ang pagkilos niya at pilit na inayos ang sarili.“Nasa loob sila.”Nang makita ni Danica si Sean, magalang itong ngumiti.“Uncle.

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C155

    PAGBALIK sa Repulse BaySinundo ni Aerial si Danica at dinala ito pabalik sa Repulse Bay.Pagkapasok pa lang nila sa sala, nakita niya ang isang taong nakaupo sa sofa.Lumingon si Yannah at tumingin sa pintuan. Nang makita niya si Aerial, naging malamig ang kanyang mga mata.Pero nang marinig niya ang boses ni Danica, agad lumambot ang kanyang mukha.“Grandma!”Tumayo si Yannah at lumapit sa kanila.Tumakbo si Danica papunta sa kanyang lola.Lumapit si Yannah at binuhat si Danica. Punong-puno ng pagmamahal ang kanyang mga mata habang sinasabi niya,“Ang tagal na nating hindi nagkita, Danica. Na-miss mo ba si Grandma?”“Opo.”Umupo si Yannah sa sofa habang yakap-yakap si Danica.“Kung ganoon, sumama ka kay Grandma sa bahay natin ngayon.”Nang marinig iyon ni Danica, parang ayaw niyang umalis.“Pero gusto kong manatili dito kasama si Aunt Evelynn.”Bahagyang nawala ang ngiti sa mukha ni Yannah, pero wala na siyang sinabi.Pinapunta niya si Danica sa klase.Nang umalis ang bata, silang d

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C154

    ANG Dalawang Araw ng WeekendSa loob ng dalawang araw ng weekend, inalagaan ni Aerial si Danica sa villa sa Repulse Bay at isinama niya ito sa pamimili. Araw-araw naman ay naglalaan ng oras si Diego para makipag-video call kay Danica. Mahaba ang kanilang pag-uusap bilang mag-ama.Dumating ang Lunes.Sinamahan ni Aerial si Danica papunta sa kindergarten.Unang araw ngayon ng pasukan. Karamihan sa mga magulang ay sinamahan ang kanilang mga anak, pero napuno ng iyakan ng mga bata ang buong paaralan.“Aerial!”Nang marinig ni Aerial ang pamilyar na boses, napalingon siya at nakita sina Yunna at Yasmin.Masayang nagbatian ang dalawang bata nang magkita sila.Nagkataon na magkaklase pala sina Yasmin at Danica.Sandaling nakipag-usap sina Aerial at Yunna sa kanilang homeroom teacher at nagpalitan din sila ng contact information.Pagkatapos, nagpaalam na sila sa mga bata.Napakabait ng dalawang bata. Hindi sila umiyak o nagwala. Magkahawak-kamay silang sumunod sa kanilang guro papunta sa clas

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C153

    Nang makita ang determinasyon sa mga mata ni Gabriel, wala nang sinabi pa si Diego.“Mas mabuti pang mag-ingat ka.”Tumalikod siya, sumakay sa kanyang kotse, at tuluyang umalis.Nakatayo lamang si Gabriel roon habang pinapanood ang kotse hanggang sa tuluyan itong mawala sa kanyang paningin. Pagkatapos, bumalik ang kanyang tingin at naglakad siya patungo sa sarili niyang villa.Mahimbing na natulog si Danica hanggang kinaumagahan.Ang unang nakita niya nang imulat niya ang kanyang mga mata ay si Aunt Evelynn. Masaya siyang ngumiti at sinabi, “Good morning, Aunt Evelynn.”Hinalikan ni Aerial ang noo niya. “Good morning, Danica.”Niyakap ni Danica ang leeg ni Aerial at muli siyang hinalikan.Naglaro muna sa kama sina Aerial at Danica nang ilang sandali. Pagkatapos, binuhat ni Aerial si Danica papunta sa banyo para maghilamos, maligo at mag-ayos. Ang mga gamit niya sa banyo ay dala niya mula sa bahay.Isinuot ni Aerial kay Danica ang kanyang damit at sinuklay ang buhok nito.Itinali niya

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C152

    Nang huminto ang kotse sa harap ng villa, isang pamilyar na Rolls-Royce ang nakaparada roon.Bumaba ng kotse si Aerial.Sinundan siya ni Gabriel papasok sa villa.Nasa sala sina Arthur at Danilo, ngunit hindi maganda ang kanilang mga mukha.“Dad, Kuya, anong nangyari?”Maputla ang mukha ni Danilo nang sabihin niya, “Narito si Diego. Nasa taas siya.”Nagulat si Aerial.Paliwanag ni Arthur, “Biglang umiyak si Danica nang matutulog na sana siya. Hindi siya mapatahan ni mama niya. Tinawagan ni Danica si Diego, na kakarating lang.”Karaniwan, mas sensitibo ang mga bata sa hindi pamilyar na lugar kapag gabi. Kapag wala ang mga taong malapit sa kanila, maaari silang hindi komportable at umiyak.Ganoon din si Danica.Mabilis na umakyat si Aerial.Nakatayo si Belen sa may pintuan ng kanyang kwarto.“Aerial, nakauwi ka na pala.”Tumango si Aerial at sinabi, “Ma, ikaw na po muna ang mag-alaga kay Bryan.”“Sige.”Binuksan ni Aerial ang pinto at pumasok sa kwarto.Nakita niya si Diego na buhat si

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C151

    BIGLANG parang may bumara sa lalamunan ni Danilo. Nagdahilan siyang pupunta sa restroom at umalis.Agad siyang sinundan ni Belen.“Bakit ka umiiyak?”Pinunasan ni Danilo ang kanyang mga luha at paos na nagsalita.“Naañlñawa lang ako kay Aerial. Anak niya ito. Pero hindi man lang sila makapagkilala bilang mag-ina.”Sabi ni Belen, “At least, mabait at marunong ang bata. Napalaki siya nang maayos ni Diego.”Samantala.Dumating si Alvert kasama sina Yunna at Yasmin sa bahay ng pamilya Miller.Nakakita na noon si Yunna ng magagandang larawan ni Aerial. Pero ngayong personal na niya itong nakita, mas maganda pala ito kaysa sa mga larawan. Sa unang tingin pa lang, talagang kapansin-pansin na ang ganda niya.Kailangang aminin na talagang maganda ang genes nina Aerial at DiegoIpinakilala ni Aerial sina Danica at Yasmin sa isa't isa.Magkasing-edad halos ang dalawang bata at pareho silang masayahin at palakaibigan. May dala pa ngang maliit na regalo si Yasmin para kay Danica.Hindi nagtagal ay

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C3:

    "Lunes bukas, may oras ka ba sa hapon? Bakit hindi tayo pumunta sa Civil Affairs Bureau para asikasuhin ito nang maaga? Pero, hindi naman dapat maging problema kung pupunta tayo nang dalawang buwan nang maaga, 'di ba?" dagdag ni Aerial habang tahimik si Diego na halatang nagulat sa pagpayag niya.P

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C6:

    "Ang pagsusuri ng pahayag pinansyal para sa project ay dapat makumpleto bago matapos ang araw ng trabaho sa tanghali."Bumalik si Aerial sa kanyang workstation matapos sabihin iyon ni Sarah.Bagama't inilipat siya sa mas mababang posisyon sa sekretarya, maraming gawain ang inuutos sa kanya ni Sarah

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C5:

    "Bakit mo gusto mong ipagpaliban?" Seryosong tanong ni Professor Cortez.Napayuko si Aerial bago sumagot sa tanong ni Professor Cortez."Pagkatapos kong maipanganak ang bata, plano ni Diego na hiwalayan ako. Ayokong ipagpatuloy ang malas na relasyong ito. Gusto kong magsimulang muli ng sarili kong

  • My Cold-Hearted Husband Wanted Me Back   C4:

    Kalaliman ng gabi.Laking gulat ni Aerial nang makita si Diego. Hindi ito umuuwi sa villa sa gabi. Dadaan lang ito sa umaga at kukumustahin ang batang dinadala niya kung maayos lang ba ito."Ikaw…""Igawa mo ako ng isang mangkok ng sopas para sa hangover at dalhin mo sa aking study room."Pagkatapo

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status