Se connecterMy Cold Husband
Janine POV Ilang linggo na ang lumipas simula nang tangkain ni Lucas ang wakasan ang sariling buhay. Simula noon, sinikap kong huwag na siyang masyadong lapitan. Umiwas ako—para hindi siya magalit at baka saktan na naman ang sarili niya. Alam ko ring palagi silang magkasama ni Sophia. Saan man siya magpunta, tila binabantayan siya nito—baka kung ano na naman ang gawin ni Luc sa sarili niya. At nakikita ko rin kung paanong palagi siyang nakangiti kapag kasama ito. Tuwing dumadaan ako, parang hangin lang ako sa paningin nila. O kung minsan, kapag alam kong nasa sala sila, sa likuran na lang ako dumaraan para hindi masira ang maganda nilang araw. Napagdesisyunan ko nang subukang sundin ang gusto ni Mommy. Hindi ko na ipinaalam kay Lucas—alam kong wala rin naman siyang pakialam sa mga nangyayari sa akin. Ilang araw na lang, at alam kong kakayanin ko nang tuluyang umalis sa poder niya. Nandito na ako sa building ng kumpanya ni Mommy. Ngumiti agad sa akin ang mga guard dahil kumalat na ang balitang ako na ang magpapatakbo nito. “Good morning, Ma’am. Nasa loob na po si Sir Samonte,” bungad sa akin ng assistant ni Mommy. Makikilala ko na rin ang business partner niya—iyon daw ang una kong dapat gawin, ang makilala siya upang magkasundo kami sa pagpapalago ng negosyo. “Good morning din, and thank you,” sagot ko. Pagpasok ko, may isang lalaking nagbabasa ng magazine. Hindi niya agad napansin ang presensya ko kaya ako na ang lumapit. “Hi, good morning. I’m Janine Samaniego. You are Mr. Samonte, right?” nakangiti kong bati. Agad siyang tumayo at inilapag ang magazine sa mesa. Hindi ko maiwasang mamangha sa itsura niya—napakagwapo. Akala ko kaedad ng Mommy ko ang business partner niya, pero bata pa pala. Pero mas gwapo pa rin si Luc. “Good morning too. I’m Jerome Samonte—your soon-to-be partner,” sabi niya na may ngiti. “In life.” Kumunot ang noo ko. “I mean, in the life of business,” mabilis niyang dagdag. “Your husband is Lucas Samaniego, right?” tanong niya. Ngumiti ako ng bahagya at tumango. “Don’t worry, Ms. Janine. Alam ko ang lahat. Ang Mommy mo ang nagkuwento sa akin.” Si Mommy talaga—ang daldal. “Ganun ba? Nakakahiya naman sa’yo. Pasensya ka na, masyado siyang feeling close,” biro ko. Mahina siyang natawa. “Okay lang. Mabait siyang ina. Pangarap ko ngang magkaanak na katulad niya.” Napatawa ako. “Pwede naman, kung willing kang magpaampon.” Sabay kaming natawa. “Bakit ko pa kailangang magpaampon kung pwede naman sa ibang paraan, Ms. Janine?” makahulugang sabi niya.Hindi ko na lang pinansin. “I think we should focus on business, Mr. Samonte. Time is gold,” seryoso kong sabi. Bigla siyang natawa nang malakas. Mag-iisang buwan na akong pumapasok sa opisina. Malaking tulong ito sa akin—hindi na ako palaging umiiyak. Kaunti na lang ang oras ko sa bahay, at ramdam kong kaya ko na talagang mag-isa. Palagi akong busy sa kumpanya ni Mommy. Nakakapagod, pero masaya. At kapag may free time, si Jerome ang kausap ko. Mabait pala ang mokong na ito—hindi lang halata. “Janine, let’s have dinner together, please,” aya niya. Madalas akong tumatanggi, pero minsan naaawa rin ako. “Sige na nga, basta treat mo,” biro ko. “Of course. Basta for you,” sagot niya na may ngiti. Kinabukasan, nagising akong masakit ang ulo. Nang tingnan ko ang alarm clock—sobrang late na ako. Kasi naman, pagkatapos ng dinner, nagyaya pa siyang uminom sa bar. Kaya inumaga na ako ng uwi. Bago ako umakyat sa kwarto, parang nakita ko si Lucas—nakasilip sa pinto ng kwarto niya, tapos bigla rin niyang isinara. Binalewala ko na lang. Naligo at nag-ayos agad ako. Nagmamadali akong bumaba nang may nagsalita sa likuran ko. “Where are you going?” Si Lucas. “Sa office. Nagmamadali ako,” sagot ko. Paalis na sana ako nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. Napalingon ako—bumilis ang tibok ng puso ko sa titig niya. Ngayon lang ulit niya ako tinignan nang ganito. “Bakit? May kailangan ka?” tanong ko. Wala siyang sinabi. Hinila niya lang ako papunta sa dining table. “Sit down.” “Luc, kung may iuutos ka—sorry, pero hindi ako pwede ngayon,” reklamo ko. “I said, sit down. Kumain ka.” Nagulat ako. “Sa office na lang ako magbe-breakfast—” “You are the owner of that company. Bakit ka nagmamadali? Kumain ka diyan, o gusto mo subuan pa kita?” Napabuntong-hininga na lang ako at umupo. Habang kumakain, panay ang tingin niya sa akin. “Are you on a diet? Pumayat ka.” Hindi ko pinansin. “Lagi ka bang nalilipasan ng gutom?” tanong niya ulit. “Minsan… kapag maraming inaasikaso.” Tumango siya, saka iniabot sa akin ang isang envelope. Pagbukas ko—annulment papers. Biglang kumirot ang puso ko. “May pen ka ba? Pirmahan mo na para ma-process agad.” Inabot niya agad ang kaniyang pen, Kinuha ko agad din iyon, pero bigla niyang inagaw ang papel. “I’m in a hurry. Some other time,” sabi niya. Paalis na siya nang bumalik at lumapit, may ibinulong sa akin— “I miss your coffee. Lalo ka na.” Napatigil ako. Nalito. Bakit parang bigla siyang nagbago? Sa opisina, hindi ako makapag-focus. “Janine, okay ka lang?” tanong ni Jerome. Kinuwento ko sa kanya ang lahat. “Wag mo munang seryosohin. Hangga’t hindi niya sinasabing mahal ka niya, wag ka munang magpadala.” Tama siya. Nag aya na naman siya ng dinner pero this time sabi ko walang alak dahil palagi akong late pumasok dahil sa hang over. Pagkatapos ng dinner, hinatid niya din ako pauwi. “Masaya ka talagang kasama, nakakatuwa kang kausap ” sabi ko. “Sana hindi ka lang matuwa—sana magustuhan mo rin ako.” Huminga ako ng malalim. “Jerome, alam mo kung sino ang mahal ko.” Natawa siya. "Kaya ka nasasaktan, madali ka kasing mabola eh!" Sabi niya sakin na tumatawa pero may bakas na lungkot sa mga mata. “Loko ka talaga.” agad ko siyang sinuntok ng mahina sa braso, lumabas ako ng kotse at parang batang nakipag asaran sa kaniya kaya hinabol niya ako. Naghabulan kami, nagkulitan hanggang sa... Parehas kaming natumba sa damuhan, hindi ko namalayan ay nakatitig na pala kami sa mata ng bawat isa. Unti unting bumaba ang tingin niya sa aking mga labi kaya naman napapikit na lang ako na parang hinihintay na dumampi ang kaniyang mga labi. Hanggang sa may bumusina. Si Lucas. Bigla kaming natauhan ni Jerome at naghiwalay, inalalayan niya ako at pinagpag ang dumikit na mga damo sa aking binti. Sumenyas si Lucas na lumapit kami. Paglapit namin, si Sophia ay nasa likod niya, nakapamewang at nakangisi. Inirapan ko siya. Pagod na akong hayaan niyang ganunin ako. “Bakit ngayon ka lang? Tamang uwi ba yan ng may asawang tao, Janine?! At ano ito, para kayong batang naglalaro dito! Nakakahiya! ” malamig na tanong ni Luc. Nagpaliwanag ako. Pero binalewala lang niya. “And who are you?” galit niyang tanong kay Jerome. “I’m Jerome Samonte. Boyfriend niya,” sagot nito. Nagulat ako. Sinugod ni Luc si Jerome at sinuntok ito. Hinila niya ako saka nilagay sa kaniyang likuran. “Stay away from my wife!” Susugurin niya ulit si Jerome kaya pumagitna na ako. “Luc, tama na!” sigaw ko. “Nakakapagod ka nang mahalin! Ano bang problema mo?! Lahat na lang ng taong nasa paligid ko ginaganyan mo dahil ayaw mo kong maging masaya! Kaya wag na wag si Jerome ang sasaktan mo, dahil isa din niya sa mabuting tao na hindi mo kayang gawin sa akin! ” Tahimik siya. Gulat. Lumapit ako kay Jerome saka humingi ng tawad sa nangyari, at sinabi ko sa kaniyang sobranh maloko kasi. Ngumiti lang siya sakin saka ako niyakap. Umalis si Jerome matapos may ibulong kay Luc. Pagpasok ko sa kwarto, napahiga ako. Grabe ang araw na ’to. Nakakaloka.FinaleIlang buwan na ang nakalipas mula nang mag propose si Lucas kay Janine.Pero napagdesisyunan nilang ipagpaliban ang kasal hanggang sa susunod na taon dahil sa dami ng nangyari sa kanila. Ka buwanan na din ni Janine, lahat ng gamit para sa magiging mga anak nila ay handa na. Lahat ay magkakapares—dahil kambal na naman ang anak nila.Nasa kusina silang lahat, naghahanda para sa pagdating ng mga kaibigan nilang mag-asawa. Linggo kasi ito, at regular silang dumadayo."Dad, Mom, Tito Vince, at Tito Jeric, kasama nila mga girls nila!" nakangiting sabi ni Enzho."Good morning!" sabay-sabay na bati nina Vince at Jeric, at lumapit kay Lucas para sa pist bomb.Ang dalawang kasama nilang babae naman ay lumapit kay Janine at nakipag-beso—close na silang magkaibigan. Si Lalaine, girlfriend ni Jeric, at si Vannessa, ang wife ni Vince, ay kabilang din.Kasunod nilang dumating sina Nilo at Diego, kasama ang mga girlfriends na si Alex at Cindy. Lumapit din ang mga ito kay Janine.Pumunta an
Janine POVIsang buwan na ang nakalipas mula nang pumanaw ang Papa ko. Unti-unti, bumabalik na rin sa ayos ang buhay namin ni Lucas.Paminsan-minsan, pumupunta kami sa bahay ng ate ko—kami na lang kasi ang magkasamang natira sa iisang mundo matapos ang lahat.Nag-aalmusal kami nang dumating ang Mommy ko.“Good morning, Mom,” bati ko, sabay halik sa pisngi niya. Lumapit din si Lucas para batiin ang byenan, at isa-isang humalik ang tatlong bata sa kanilang Lola.“Ahm… I’m here, Janine, for this,” sabi ng Mommy ko, halatang alanganin dahil sa presensya ng manugang ko, habang hawak ang isang puting sobre.“I have an invitation for you. Farewell party ni Jerome,” paliwanag niya. “He’s going back to Australia for good. At ang wish niya, makapunta ka sana.”Bago pa siya magpatuloy, tumingin muna siya kay Lucas.“Ikaw lang at yung tatlong bata raw… naiilang siya kay Lucas.”Tumingin ako sa asawa ko, nag-aalangan. Pero ngumiti lang siya.“It’s okay, Honey. Go ahead,” sabi niya—walang halong p
Janine POVNandito ako sa harap ng pinto ng morgue. Hindi ko mapigilan ang pag-agos ng luha ko. Ang lalaking minahal ko ng buong buhay ko… nandito sa loob. Wala nang buhay.Nilakasan ko ang loob ko. Huminga ako nang malalim bago ko pilit na pinihit ang pinto.Pagpasok ko, bumungad sa akin ang dalawang katawan na nakahiga at parehong nakatalukbong. Dalawang taong minsan ay naging bahagi ng buhay ko.Nanikip ang dibdib ko nang makilala ko kung sino ang una.Si Sophia.Nanghina ang mga tuhod ko habang lumalapit sa kanya. Nanginginig ang kamay ko nang hawakan ko ang malamig niyang balat.“Kahit na pinagtangkaan mo akong patayin, Ate… mahal pa rin kita,” pabulong kong sabi, halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. “Sana ngayong tahimik ka na, mawala na rin ang galit sa puso mo. Pinapatawad na kita.”Hinalikan ko siya sa noo. Isang huling paalam. Isang pagpapatawad na matagal ko ring ipinagdasal na kayanin ng puso ko.Pagkatapos noon, binalingan ko ang nasa tabi niya.Dito na ako nat
Dalawang linggo ng nakalipas nang nalaman ng mag-asawa na magkakaron ulit sila ng munting anghel.Alagang alaga ni Lucas ang kanyang asawa medyo naninibago siya sa asawa dahil sa pabago bago nitong mood. Pero kailangan nya ng mahabang pasensya."Honey, ano nabili mo na ba ko ha?" Nagpabili kasi ng mangga si Janine kay Lucas at gusto nya yung pinakamaasim."Ofcourse honey, lahat ng gusto niyo ng mga babies ay ibibigay ko sa inyo." Nakangiting sabi ni Lucas na kumunot ang noo ni Janine."Anong babies sinasabi mo Lucas?" Inis na sabi ni Janine. Hinalikan ni Lucas ang asawang nakasimangot."Kasi Honey. Ramdam ko triplets na naman nyan eh pero minsan naman quadruplets ang kutob ko, feeling ko lang ahh. Pero ayaw mo nun happy big family tayo." Hinampas sa braso ni Janine si Lucas. Natawa naman sya sa asawa at niyakap"Eh kung ikaw ba manganganak eh okay lang kaso ako eh!" Sabi ni Janine at inirapan ang asawa niyakap siya ng mahigpit nito."Honey, thank you for loving me always, for making m
Nakauwi na rin sa bahay ang mag-asawa kinaumagahan. Nakaakbay pa rin si Lucas sa kanyang asawa, akala mo’y hindi siya makakalayo.“Dad! Mom!” sabay-sabay na tawag ng mga bata sa kanilang mga magulang. Sabik silang lumapit at niyakap ang mag-asawa. Ganon din ang naramdaman nina Lucas at Janine.“Mom, we have a surprise for you!” Masiglang sabi ni Cassandra, na may malaking ngiti sa mukha.“Oh! What is it?” sagot ni Janine, halatang excited.“Mom, hindi what, who?” Kumunot ang noo ni Janine sa anak niya at may tinuro sa kaniyang gilid.Lumingon siya at nakita si Jerome, ang taong palaging nandiyan kapag malungkot siya.“Da! I miss you!” Sabik na tumakbo si Janine kay Jerome at niyakap ng mahigpit. Ganun din ang ginawa ni Jerome.“Ehem! Honey, I’m here,” Masungit na sabi ni Lucas, naka-simangot, kaya napilitan si Janine na bitawan si Jerome.“Anong ginagawa mo dito, unggoy? Hindi ka welcome sa bahay ko,” Nakasimangot na sabi ni Lucas. Tumawa si Jerome sa sinabi niya.“Don’t worry,
Third POV Ilang araw na nang nagka tampuhan si Janine at Lucas.Di sila nagpapansinan sobrang nasasaktan din kasi si Lucas sa inasal na pamimigay muli sa kaniya ng mahal niyang asawa.May lakad ngayon si Janine papunta sa kaniyang pabrika. Wala siyang inobliga na mag drive sa kaniya mas gusto niyang siya lang muna para makapag isip isip.Nagpaalam na siya sa kaniyang mga anak, nagtaka siya na wala si Lucas siguro ay pumasok na ito sa opisina nito.Pumunta na siya ng kaniyang kotse at nabigla siya dahil pagbukas niya ay nasa loob si Lucas." Anong ginagawa mo dyan sa loob? "Nakataas na isang kilay ni Janine sa inis kay Lucas.“I’m your driver today, my dear wife.” Nakangiti naman si Lucas dito. At inirapan lang niya." Nagmamadali ako ngayon kaya wag ka ng mang asar. "Umiling si Lucas. At parang batang nakiusap sa kaniya na pasamahin siya nito. Dahil nagmamadali na si Janine ay pinagbigyan niya na ito dahil sa sobrang kulit.Natapos na ang pag visit ni Janine sa kaniyang pabrika. K







