MasukI was quietly sipping my coffee while relaxing in the back garden, savoring the peaceful atmosphere of the morning. Pagkalapag ko ng tasa sa konkretong mesa sa ilalim ng malabay na puno ng makopa, dahan-dahan akong napapikit ng mga mata at huminga nang malalim upang lumanghap ng sariwang hangin. Sa tuwing nakakakita ako ng puno ng makopa, hindi ko maiwasang maalala siya; bumabalik sa isip ko iyong init at tamis ng sandali noong may nangyari sa aming dalawa noong bagong kasal pa lang kami. Nailibot ko ang aking paningin sa malawak at napakagandang garden na punong-puno ng buhay. Ang sarap talagang tumambay rito dahil sa iba't ibang kulay ng mga bulaklak na tila nakikipag-unahan sa ganda, sadyang napaka-relaxing sa mata at nakakaalis ng pagod. Napasilip ako sa suot kong relo at nakitang 8:15 na ng umaga, kung saan ramdam na ng aking balat ang unti-unting pagtindi ng init at alinsangan ng sikat ng araw. Hindi ko alam kung gising na ba ang asawa ko dahil pareho kaming napagod sa mga p
“Susubukan kong kalimutan muna ang matinding galit ko sa gunggóng na 'yun dahil sa ginawa niyang paghiwalayin tayo ng ilang buwan. Sa ngayon, wala akong ibang gustong isipin kundi tayong dalawa lang,” ani Segundo sa malalim at paos na tono bago niya ako dahan-dahang ipinatagilid sa kama. Ramdam ko ang panggigigil sa bawat haplos niya sa aking balat, haplos na nag-uumapaw sa pagmamahal at matagal na pangungulila. “Ibubunton ko sa iyo lahat ng frustrations ko ngayong gabi dahil sa lahat ng kagagawan ni Shaun. Pasensyahan na lang tayo, baby, pero kailangan ko na talagang ilabas 'to,” pagpapatuloy niya habang ang kanyang mga mata ay nanunuot sa akin, nag-aapoy sa pagnanasa. “Bakit sa akin? Si Shaun naman ang may kasalanan sa lahat ng gulo natin,” sagot ko naman. Hindi siya sumagot bagkus ay hinawakan niya nang mahigpit ang isa kong hita at itinaas iyon sa kanyang baywang. “Eh, kasi tigang na tigang na ako at ayaw ko namang manakit ng tao dahil baka makapatay lang ako sa sobrang bw
**Olivia** Hindi ko na mapigilan ang mapaliyad at mapasabunot sa kanyang magulong buhok habang nararamdaman ko ang init ng kanyang hininga. Napapaungol ako nang malakas dahil sa paraan ng kanyang hayok na hayok na pag-angkin sa aking pàgkababae. Noong simula ay tila nagbibiruan lang kami at ang sabi niya ay mag-uunwrapping lang kami ng mga regalo na natanggap namin sa kasal, pero hindi ko naman akalain na ako pala ang uunahin niyang i-unwrap sa gabing ito. “Ohhh... ahhh, Seg... s-sabi mo unwrapping lang tayo, pero bakit ganito?” tanong ko habang humahangos at pilit na naghahabol ng hininga. Ang aking mga hita ay nakataas at nakabukaka sa kanyang mga balikat, dahilan upang mas lalong malantad sa kanya ang aking pagkatao. Napahinto siya, napatingin sa akin. “Who said I was going to bother with those wrapped boxes? I’d much rather open and savor this gift that’s been screaming with sweetness and scent right in front of me,” sagot niya na may pilyong ngisi sa kanyang mga labi.
Ilang beses akong napalunok upang alisin ang bara sa aking lalamunan. Pilit kong pinipigilan ang aking mga luha, subalit kusa pa rin itong tumutulo. Ramdam ko ang panghihina ng aking mga tuhod habang nakatayo sa gitna ng simbahan, sa harap mismo ng altar kung saan unti-unti nang nagaganap ang kasal na matagal ko nang kinatatakutan. Nang iabot sa akin ni Shaun ang isang puting panyo, wala akong nagawa kundi tanggapin iyon upang pahiran ang aking mga matang hindi na maampat sa pag-iyak. Nang tumigil sila sa harapan naming tatlo, pilit kong iniangat ang aking mga labi upang ngumiti sa kanya kahit na sobrang bigat ng aking dibdib. Parang may dumadagundong sa loob ng puso ko sa bawat tibok nito. Kahit na nakabelo siya, damang-dama ko ang kanyang mga tingin at ang kanyang ngiti, na lalong nagdulot ng kirot sa aking puso na tila paulit-ulit na hinihiwa. Olivia Carmen. Hindi ko akalain na hanggang dito na lamang pala ang lahat, ang maging isang saksi na lamang sa iyong kasal. Kahit nau
WEDDING DAY “Daddy, bakit hindi ka pa po nagpapalit ng damit? Hindi ka po ba dadalo sa kasal?” inosenteng tanong ni Flynn habang nakatayo sa harap ko. Hindi ko agad siya sinagot dahil nakatuon ang aking mga mata sa screen ng television. Paulit-ulit kong pinipindot ang controller ng Xbox at walang habas na pinapatay ang kalaban sa laro, na tila ba doon ko ibinubuhos ang lahat ng galit at frustration na hindi ko kayang ilabas sa totoong buhay. “Hindi,” maikli at malamig kong tugon. Nakaayos na si Flynn sa suot niyang maliit na suit na sadyang tinahi para sa kanya, na may matching bow tie at makintab na sapatos. Kanina pa siya halatang excited, subalit matapos marinig ang sagot ko ay nakita ko kung paano siya unti-unting yumuko sa aking tabi. Tila biglang lumaylay ang kanyang mga balikat at nabawasan ang ningning sa kanyang mga mata. Napahinto ako sa paglalaro at dahan-dahang ibinaba ang controller upang tingnan siya. Hindi ko talaga kayang tiisin ang lungkot sa mukha ng aking anak.
**Segundo** Tuwing dumadako ang aking paningin sa suit na ibinigay ni Shaun, ang damit na isusuot ko raw sa kasal nila ni Olivia, ay kusa na lamang kumukulo ang aking dugo. Nakabitin ito sa harap mismo ng aparador at nababalot ng plastik na tila ba nang-uuyam sa akin dahil sa isang katotohanang ayaw kong tanggapin. Kahit anong pilit kong umiwas, kusa pa ring bumabalik ang aking mga mata sa damit na iyon na para bang isang paalala kung gaano ako kaipit sa sitwasyong ito. Hindi ko pa rin matanggap na nagawa niya akong gawing best man. Ang bruhong iyon ay wala talagang konsiderasyon kahit kailan. Alam niyang si Olivia ang babaeng minahal ko at pinangarap kong pakasalan, pero nagawa niya pa akong gawing saksi sa kanilang pag-iisang dibdib. Para bang gusto niyang ipangalandakan na siya ang nanalo at ako ang talunan. Muli akong napabuntong-hininga nang mabigat at matagal. Napagdesisyunan kong ilibot ang aking paningin sa loob ng silid na ito na matagal ko nang tinatawag na "tagong silid.







