Share

Kabanata 125.1

Author: Rhea mae
last update Huling Na-update: 2025-06-21 14:42:01

Habang nasa byahe sila pauwi ay lingon nang lingon si Tyrone kay Czarina. Namamaga ang mga mata nito at putlang putla na rin siya. Alam ni Tyrone na nahihirapan ang asawa niya na makatulog sa gabi pero hindi niya na ito maasikaso at makausap dahil pagod na rin siya at ang gusto na lang ng katawan niya ay ang makapagpahinga.

“Love, okay ka lang?” tanong ni Tyrone. Tanging tango lang ang isinagot ni Czarina. Habang nasa byahe ay pinainom na ni Tyrone ng gamot ang asawa niya. Nakakaginhawa naman na si Czarina. Masakit ang ulo niya pero walang makakapantay sa sakit na nararamdaman ng puso niya. Ang dami-dami na namang tumatakbo sa isip ni Czarina. Paano kung hindi na umabot ng isang linggo ang anak niya? Ano na lang ang mangyayari sa kanila?

Gusto niya ng matapos ang lahat, kung pwede lang ay lumipas kaagad ang panahon. Gusto niyang makita ang future, gusto niyang malaman kung kasama pa ba nila ang bunso niyang anak.

Muling nanubig ang mga mata ni Czarina pero sa labas na ng bintana siya
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter

Pinakabagong kabanata

  • My Contract Marriage   Kabanata 127.2

    “I’m sorry babies, nagulat lang si mommy. Gising na kayo, kakain na tayo.” Saad niya. Bumangon naman na ang kambal kaya ibinaba na sila ni Tyrone sa kama. “Bakit ngayon mo lang ako ginising? Alam mo namang isang oras pa ang byahe natin papunta sa hospital, paano kung traffic pa?” mahina niyang saad pero may diin. Naiinis dahil hindi man lang siya ginising ng asawa niya ng mas maaga.“Tumawag na ako sa nurse, sinabi ko na male-late lang tayo. Sabi niya okay lang naman, i-eextend niya na lang yung oras ng visit natin.” Nakahinga naman ng maluwag si Czarina. Simula nang mapunta sa ICU ang anak nila kahit kailan ay hindi siya nalate. Kulang na kasi ang isang oras sa kaniya mababawasan pa ba?Sabay-sabay na silang kumain ng umagahan. Masayang kumakain ang kambal dahil napasarap ang tulog nila katabi ang mommy nila.

  • My Contract Marriage   Kabanata 127.1

    Madilim pa lamang ay gising na si Czarina kahit na madaling araw na siyang nakatulog. Gusto pa sana niyang matulog pero gising na gising na ang diwa niya kaya bumangon na lang siya. Tiningnan niya ang asawa niyang mahimbing pang natutulog. Gabi na rin umuuwi si Tyrone dahil sa dami ng ginagawa nito sa kompanya ng pamilya nila at sa sarili niya namang negosyo. Hindi niya na lang ito ginising para makapagpahinga pa. Alam ni Czarina na pagod na pagod na ang asawa niya dahil malalim na ang mga mata nito, bakas na rin ang naglalakihang eyebugs.Alam niyang kahit na nasa trabaho na ito, iniisip pa rin ni Tyrone ang anak nilang nasa loob pa ng ICU. Pareho silang natatakot na makatanggap ng tawag mula sa nurse at doctor ng ICU dahil hindi nila alam kung anong ibabalita sa kanila sa kalagayan ng anak nila. Sa tuwing may tumatawag sa mga cellphone nila, abot na ang kaba at takot na nararamdaman nila.

  • My Contract Marriage   Kabanata 126.2

    Lahat ng sinabi ng nurse kay Czarina kanina ay sinabi rin kay Tyrone. Ang paunti-unting pagbawas nila ng dosage sa mga gamot ng anak nila ay natutuwa na sila dun. Mas mabuti na yung may paunti-unting progress.“Ang sabi ng mga nurse ay nabawasan ng dosage yung iba niyang gamot at yung BP niya, sa kaniya na yun, wala ng alalay ng gamot?” tanong ni Tyrone nang makalabas sila.“Oo, sana magtuloy tuloy pa pero ayaw kong makampante. Hinahanda ko yung sarili ko sa mas malalang mangyayari but I’m still scared. Paano kung aasa na naman lang tayo?”“He’ll recover, sana magtuloy-tuloy. Huwag muna tayo mag-isip ng kung ano-ano. Let’s be strong para maramdaman niyang lumalaban pa rin tayo para sa kaniya para lumaban din siya.” Napatango na lang si Czarina. Dumiretso na sila sa kompanya. Inihatid na ni Ty

  • My Contract Marriage   Kabanata 126.1

    Walang ganang maglaro ang kambal ni Czarina. Nakaupo sa loob ng playpen si Isabella hawak-hawak ang mga magaganda niyang barbie doll pero ibinaba niya yun saka niya tiningnan ang mommyla niya.“Mommyla, is everything okay? Is mom okay? Sabi niya kagabi she’s not feeling well pero umalis na naman siya. Is Kalix okay?” nag-aalalang tanong ni Isabella, nakanguso na siya dahil kahit na araw-araw namang umuuwi ang mga magulang nila pakiramdam nila ay ang lalayo ng mga ito dahil wala ng oras ang mommy at daddy nila sa kanila para makipaglaro o kwentuhan. Si Melanie na rin ang palaging nagpapakain sa kanila at nagpapatulog.“Kaunting intindi pa ang kailangan ni mommy at daddy niyo. Sa ngayon kailangan nilang magfocus kay Kalix dahil si Kalix nasa hospital pa at hindi pa maganda ang pakiramdam niya. Don’t worry matatapos din ang lahat ng ‘to. Konting tii

  • My Contract Marriage   Kabanata 125.2

    Ramdam niya na ang sobrang pamamaga ng mga mata niya. Halos kalahating oras pa ang lumipas bago tuluyang kumalma si Czarina at nawala ang paghikbi niya kahit na tapos na siyang umiyak. Nanatili naman sa tabi niya si Tyrone.“Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain? Maghahain na ako para dito na tayo kumain.” Malambing na saad ni Tyrone. Nananatili pa ring nakahiga si Czarina. Namamaga ang mga mata niya at para bang maging ang asawa niya hindi niya kayang tingnan sa mga mata.“Love, kumain na tayo para makainom ka ulit ng gamot at makapagpahinga ka na rin. Bibisitahin ulit natin si Kalix bukas.” Napabuntong hininga na lang si Czarina. Umupo na siya pero hindi niya tiningnan ang asawa niya.“Maghahain na ako, hintayin mo ako dito.” Aniya pa saka siya lumabas ng kwarto. Pumasok naman si Czarina sa cr para umihi. Nang matapos siya ay naghilamos siya at tiningnan ang sarili sa salamin. Magang maga ang talukap ng mga mata niya at ang eyebugs niya. Napabuntong hininga na lang siya.Nang

  • My Contract Marriage   Kabanata 125.1

    Habang nasa byahe sila pauwi ay lingon nang lingon si Tyrone kay Czarina. Namamaga ang mga mata nito at putlang putla na rin siya. Alam ni Tyrone na nahihirapan ang asawa niya na makatulog sa gabi pero hindi niya na ito maasikaso at makausap dahil pagod na rin siya at ang gusto na lang ng katawan niya ay ang makapagpahinga.“Love, okay ka lang?” tanong ni Tyrone. Tanging tango lang ang isinagot ni Czarina. Habang nasa byahe ay pinainom na ni Tyrone ng gamot ang asawa niya. Nakakaginhawa naman na si Czarina. Masakit ang ulo niya pero walang makakapantay sa sakit na nararamdaman ng puso niya. Ang dami-dami na namang tumatakbo sa isip ni Czarina. Paano kung hindi na umabot ng isang linggo ang anak niya? Ano na lang ang mangyayari sa kanila?Gusto niya ng matapos ang lahat, kung pwede lang ay lumipas kaagad ang panahon. Gusto niyang makita ang future, gusto niyang malaman kung kasama pa ba nila ang bunso niyang anak.Muling nanubig ang mga mata ni Czarina pero sa labas na ng bintana siya

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status