Share

Kabanata 2.1

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-17 14:15:40

Napabuntong hininga si Czarina nang hindi niya napilit si Tyrone na magpakasal sa kaniya. Malapit na ang kasal nila ni Austin pero hanggang ngayon wala pa rin siyang lakas ng loob na i-cancel ito. Nagtungo si Czarina sa hotel kung saan siya makikipagkita sa mga designer ng wedding gown niya. Sinusubukan niyang tawagan si Austin para sana dun na lang sila magkita pero hindi na naman ito sumasagot.

Nang matapos niyang isukat ang gown ay lumabas na rin siya pero hindi niya inaasahan na makita ang kaniyang boyfriend kasama ang kaniyang half sister. Hilaw na lang siyang natawa, kaya pala hindi na naman sumasagot ang boyfriend niya dahil kasama nito ang true love niya. Naikuyom ni Czarina ang kaniyang kamao, gusto niyang hilain ang buhok ng kapatid niya pero wala siyang lakas para gawin yun. Hindi maintindihan ni Czarina kung bakit palagi na lang kinukuha sa kaniya ni Natalie ang kasiyahan niya.

Gusto niyang sundan si Austin at ang kapatid niya, gusto niyang kausapin ang mga ito, gusto niyang malaman kung bakit nila ito ginagawa sa kaniya pero hindi niya magawa dahil nanginginig na ang mga tuhod niya.

Napayuko na lang siya at napabuntong hininga. Nang may magsalita sa gilid niya ay nilingon niya ito, bahagya pa siyang nagulat nang si Tyrone ang nakita.

“Gusto mo akong pakasalan para makaganti sa boyfriend at kapatid mo, tama? Yun ba talaga ang nakikita mong paraan para mawala ang sakit na nararamdaman mo?” wika ni Tyrone sa kaniya.

“Kung nandito ka para maliitin lang ako at wala ka namang maitutulong, mabuti pang umalis ka na lang at layuan mo na ako.” Masungit na sagot ni Czarina saka siya tumalikod pero hindi pa man siya nakakalayo nang muling magsalita si Tyrone.

“Wala ka nang ginawa para i-expose ang panloloko ng boyfriend at ng kapatid mo, wala ka rin bang gagawin para kumbinsihin akong pakasalan ka?” kunot noong nilingon ni Czarina si Tyrone. Sa tingin ba talaga ni Tyrone ay nakikipaglaro siya? “Kung ganun, totoo nga ang sinabi mo. Niloloko ka ng lalaking dapat ay pakakasalan mo at ang babae niya ay walang iba kundi ang sarili mong kapatid.” Dagdag pa ni Tyrone.

“Natutuwa ka bang makita ang mga taong nasasaktan? Sa itsura mo para kang nanunuod ng nakakainteres na movie. Kung gusto mong pakasalan ang kapatid ko, go on, pero huwag na huwag mo akong pagtatawanan dahil lang sa nasasaktan ako. Sa tingin mo ba ginusto kong lokohin ako ng lalaking akala ko ay magiging kakampi ko?” inis na saad ni Czarina. Sumeryoso naman ang mukha ni Tyrone saka niya ipinamulsa ang mga kamay niya.

“Ikaw ang unang lumapit sa akin, you ask me to marry you, ganito mo ba ako kukumbinsihin?” hindi nakasagot si Czarina. Kailangan pa rin niyang kumbinsihin si Tyrone na pakasalan siya dahil ito na lang ang tanging paraan para makapaghiganti siya sa kapatid niya, sa stepmom niya at sa boyfriend niya. Pumitik si Tyrone sa mismong mukha ni Czarina para agawin ang natutulog nitong diwa.

“Call me kapag may naisip ka ng pwedeng ipalit sa pagpayag kong pakasalan ka.” Dagdag ni Tyrone saka niya tinalikuran si Czarina. Napapaisip si Czarina kung paano niya ba makukumbinsi si Tyrone? Ano bang pwede niyang ialok kapalit nang pagpapakasal sa kaniya?

Umuwi na si Czarina dahil kahit maghintay siya ng ilang oras sa hotel kung saan sila nakikipagkita sa mga designer at organizer para sa kasal nila, hindi darating si Austin dahil busy na naman siya kay Natalie. Mapait siyang ngumiti dahil ang lalaking akala niya na mamahalin siya at magiging kakampi niya ay sasaktan din pala siya. Gusto niyang umiyak, gusto niyang ikulong ang sarili niya pero pakiramdam niya pagod na siya para gawin pa yun. Ayaw niyang maging mahina na naman, ayaw niyang maging kawawa sa harap nilang lahat dahil wala naman siyang masasandalan.

Bago sakupin ng kadiliman ang kalangitan ay pumasok na si Czarina sa loob ng bahay. Nakita niya naman si Austin at Natalie na kapapasok lang ng bahay.

“I’m home!” sigaw ni Natalie. Nang magsalubong ang mga mata ni Austin at Czarina ay mabilis na umiwas si Czarina. Hindi niya kayang tingnan ang lalaking kayang tumuhog ng magkapatid. “Where’s Mom?” tanong ni Natalie kay Czarina.

“Hindi ko alam,” blangkong sagot ni Czarina at akma na sanang tatalikod nang magsalita si Natalie. “Nagseselos ka ba dahil kasama ko ang fiance mo?” nakataas ang kilay na saad ni Natalie. Hinarap naman ni Czarina ang kapatid niya saka niya ito nginitian.

“Why would I? May ginagawa ba kayong dalawa na hindi dapat para ikaselos ko?” balik na tanong ni Czarina kaya nagngitngit ang mga ngipin ni Natalie sa inis.

“Wala kaming ginagawa, Czarina. Sinamahan ko lang ang kapatid mo,” sabat ni Austin.

“Ah kaya pala, nagawa mo siyang samahan kung saan man siya pumunta pero nakalimutan mong kailangan nating makipagkita sa mga designer at organizer? Gusto mo ba talaga akong pakasalan Austin pero bakit parang ako lang ang busy para sa preparation natin sa kasal?”

“Huwag mo naman kaming pag-isipan ng hindi maganda, Czarina.” Natawa naman si Czarina sa sinabi ni Austin.

“Wala naman akong sinasabi pero masyado kang nagiging defensive.” Huling niyang wika bago niya tinalikuran ang dalawang traydor sa buhay niya. Napapairap na lang si Natalie at hindi na pinansin pa si Czarina.

Nang magdinner, ang akala ni Czarina ay nakauwi na si Austin pero hindi pa pala. Magkatabi silang dalawa habang nasa harapan naman nila si Natalie at ang kaniyang ina na si Natalia.

“Kumusta na nga pala ang project mo, iho? Is everything okay now?” tanong ni Mateo kay Austin habang kumakain sila.

“Well, everything is fine, Tito.  May new project ulit ang kompanya at kami ang napili ng isang financial group para sa malaking building na itatayo. Contract signing na rin namin next day.” Sagot ni Austin na ikinangiti ni Mateo dahil mapapanatag na siya para sa anak niyang si Czarina.

“Magpahinga ka rin minsan dahil alam kong busy din kayo ni Czarina sa preparation niyo sa kasal tapos busy ka rin sa sunod-sunod mong project.” Ngumiti at tumango lang naman si Austin. Tahimik lang naman si Czarina habang nakikipag-usap si Austin sa kaniyang ama. Mahigpit na hinawakan ni Czarina ang kutsara at tinidor niya, iniipon niya ang lakas ng loob niya para sabihin sa kanilang lahat ang desisyon niya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mae Balacang Capio
enjoyable , sulit..
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contract Marriage   Author's note

    Thank you for supporting this story of mine. Balak ko sanang isingit na lang sa story ni Owen ang ibang mangyayari sa pamilya ni Tyrone kung aaprobahan po ng senior ko. May nagawa na akong sample chapter sa story ni Owen pero hindi pa po naaaprobahan. May new story po ako na naaprobahan na ng senior ko baka sakaling gusto niyong basahin title: The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity. Sisimulan ko na rin po yun this July. Pasensya na rin po dahil natagalan bago natapos ang story kong My Contract Marriage dahil sa mga nakalipas na buwan po ay maraming nangyari na hindi namin inaasahan. Salamat pa rin po sa mga tumapos ng story ko na 'to. Sana nag-enjoy kayo at nagustuhan pa rin ang mga nangyari. Sobrang maraming salamat po at sana suportahan niyo rin ang iba ko pang story at gagawing story in the future.

  • My Contract Marriage   Epilogue 1.2

    Naging iyakin ang bunso nila na halos hindi na ito na matulog sa gabi pero sa araw, maghapon itong tulog. Kapag hindi na kaya ni Czarina ang puyat ay ipinapaalaga niya na muna sa mother-in-law niya o sa nakuha nilang baby sitter ang bunso nila.“Sa susunod na araw na ang anniversary niyong dalawa bilang mag-asawa. Wala ba kayong balak to celebrate?” tanong ni Melanie habang nasa hardin sila. Nagkatinginan naman ang mag-asawa dahil hindi na nila naalala iyun. “Minsan ay isipin niyo rin ang isa’t isa. Oo nandyan na ang responsibilidad niyo sa mga anak niyo pero wala namang masama kung iisipin niyo naman ang isa’t isa diba?” dagdag pa ni Melanie.“Pero mommy hindi naman namin pwedeng iwan si Kalix lalo na sa kalagayan niya.” sagot ni Czarina.“Kung iniisip niyo si Kalix, ako na ang bahala sa kanilang magkakapatid. Malakas naman si Kalix diba? Ipapainom ko rin sa tamang oras ang mga maintenance at vitamins niya. Kung hindi kayo mapakali talaga at nag-aalala kayo pwede naman kayong tumawag

  • My Contract Marriage   Epilogue 1.1

    Nakangiting nakatitig si Czarina sa anak niya. Akala niya talaga hindi kakayanin ng anak nilang makalabas ng hospital. Malakas naman ang anak niya, malikot, iyakin, at dumadaldal na rin pero ang pinoproblema lang niya hindi matakaw maggatas ang bunso niya. Sa edad nito dapat ay nakakathree ounces na hanggang 5 ounces pero ang kaya lang ubusin nito ay dalawa minsan ay isa lang. Nasstress siya kapag iniisip niya pero hindi niya na pinipilit ang anak niya dahil iyak ito nang iyak kapag pinipilit nilang ipaubos ang gatas na tinimpla nila.Mahimbing na natutulog ang anak nila habang nakatambay sila sa veranda ng kwarto nila.“Magmeryenda ka na muna.” wika ni Tyrone na kararating dala ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina. “Tinatanong ni mommy kung gusto mo raw ba ng sopas, ipagluluto ka niya.” dagdag pa ni Tyrone.“Hindi ko alam kung makakakain pa ako nun kung ipapaubos mo sa akin lahat ng pagkain na dala mo.” Sagot ni Czarina, tiningnan ni Tyrone ang dala niya saka siya natawa. Naupo n

  • My Contract Marriage   Kabanata 132.2

    Masayang nilagyan ni Matthew ang baso ni Tyrone ng alak. Maging sila ay naghintay sa araw na makakalabas ng hospital si Kalix.“Akalain mong nagawa niyang makalabas. He’s really a fighter.” Saad ni Matthew. Nakatanaw lang sila kay Kalix dahil kahit gusto nila itong lapitan hindi pwede dahil baka kung anong bacteria o sakit pa ang dala-dala nila mula sa labas.“He’s Fuentes, ano pa bang aasahan mo? Masyadong fighter ang mga Fuentes. Tingnan mo lang din yung nangyari kay Owen. Akala mo ay hindi kakayanin pero kinakaya nila. Anong klaseng dugo ba ang meron kayong mga Fuentes? Dugo ba yan ng mga immortal?” pagbibiro ni Aries. “But I’m so happy for you bro. Akalain mong ang iniiyakan niyo lang noon, ang sanhi ng mga sakit na nararamdaman niyo ay naiuwi niyo na rin sa wakas.” Seryosong dagdag ni Aries.Napabuntong hininga si Tyrone. Hindi pa tapos ang laban ng anak nila at sisiguraduhin nilang palagi silang nasa tabi nito.“Kailan niyo siya planong idala sa Germany?” tanong naman ni Hailey.

  • My Contract Marriage   Kabanata 132.1

    Nakangiti ang mag-asawa na pumasok ng mansion. Wala silang sinabihan kahit sino sa kanila na ngayon ang uwi nila. They want to surprise them. Pagkatapos ng dalawang linggo nila sa ward nadischarge din sila at yun ang pinakamasayang araw na nangyari sa kanila simula nang malaman nilang may sakit sa puso si Kalix.Nagdoorbell na si Tyrone, alam nilang nasa loob lang silang lahat ng mansion dahil weekend depende na lang kung umalis ang mga ito para sa mga personal matters nila.“Ay sir!” gulat pang saad ng katulong na nagbukas ng pintuan. Sinenyasan ni Tyrone na huwag maingay ito.“Nandyan ba silang lahat? Ang kambal hindi ba umalis?” mahinang tanong ni Tyrone.“Nandito po silang lahat pati ang chairman. Nasa sala po ang kambal kasama si ma’am Melanie at sir Owen.” Bakas ang excitement sa tinig ng katulong lalo na ng makita nito ang baby na nakabalot pa sa swaddle.“Yaya sinong nagdoorbell?” rinig nila sa boses ni Melanie. Hindi naman sumagot ang katulong dahil kinuha na nito ang maleta

  • My Contract Marriage   Kabanata 131.2

    “Kakayanin niya yan lahat.” Wika naman ni Tyrone. Nagngitian na lang silang dalawa. Sa tuwing binabawasan ang oxygen ni Kalix ay nagiging tolerable niya naman. Ibinaba pa ito hanggang level 2 na. Hindi na masyadong malakas ang pressure ng oxygen. Umaasa si Czarina na sa susunod na mga araw ay matatanggal na ang oxygen ng anak nila.“Hello mommy, ibigay ko lang po ibang gamot ni baby. Nasabi po pala nila doc na i-train na po natin si baby na magfeed sa bottle para uuwi po kayong wala siyang tubo.” Wika ng nurse, sa sinabi ng nurse ay tila tumalon ang puso ni Czarina sa saya at gulat.“Uuwi?” aniya. Narealize naman ng nurse ang sinabi niya.“Opo mommy, pinaplano na po nila doc ang pag-uwi niyo dahil ngayong araw po ang tapos ng antibiotic ni baby. So, wala na pong medicine si baby maliban na lang po sa mga maintenance niya pero planning pa lang naman po mommy.” Sagot ng nurse na ikinatango ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nagiging excited. Ayaw niya naman kasing madalii

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status