“Gusto mo akong gamitin para makapaghiganti ka sa manloloko mong boyfriend at sa kapatid mo? Wala akong pakialam sa personal mong problema.” Pagpuputol ni Tyrone sa pagpapaliwanag ni Czarina sa kaniya.
“Listen to me first,” ani naman ni Czarina dahil hindi man lang siya pinapatapos ni Tyrone na magpaliwanag. “Okay fine, I know this is my personal problem but I need you to help me at tutulungan din kita.”
“Anong tulong naman ang ibibigay mo sa akin?” masungit pa ring saad ni Tyrone.
“Kapag nagpakasal ka kay Natalie sa tingin mo ba matatapos na ang lihim na relasyon nila ng boyfriend ko? My half-sister wants to marry you pagkatapos niyang sirain ang relasyon namin ng boyfriend ko. I don’t want her to be happy habang ako durog na durog sa ginawa niya. Kapag nakuha ko na ang gusto ko, kapag nabawi ko na ang kompanya sa kanila ng kaniyang ina, I will divorce you and you can do whatever you want. Kapag si Natalie ang pinili mong pakasalan, sa tingin mo ba papayag siyang makipaghiwalay sayo? I don’t think so.” Ngumisi lang naman si Tyrone saka siya sumimsim sa ice coffee na binili ni Czarina.
“Bakit naman kita pagkakatiwalaan? Nasa iisang pamilya lang kayo. Ngayon lang kita nakita at sa tingin mo pagkakatiwalaan kita kaagad? Kung pinadala ka ng pamilya mo rito para pumayag ako na makipagsanib pwersa ang pamilya niyo sa pamilya namin, wala kang mapapala sa akin. Alam ko naman kung anong kailangan ng pamilya mo sa pamilya namin—”
“Hindi lang pamilya namin ang may kailangan sa pamilya niyo, Mr. Fuentes.” Pagpuputol ni Czarina sa sasabihin ni Tyrone. Napataas naman ang kilay ni Tyrone sa sinabi ni Czarina. “Bakit hindi mo tanungin ang pamilya mo kung anong kailangan niyo sa amin? Alam ko naman na dalawa kayong pinagpipilian na magiging tagapagmana ng kompanya ng Lolo niyo. Kalaban mo ang pinsan mo sa posisyon ng pagiging CEO, tama ba? Sa tingin mo, ano ba talagang kailangan ng pamilya niyo sa pamilya namin para pumayag sila na ipagkasundo ka kay Natalie?” nagtiim ang bagang ni Tyrone dahil mas maraming nalalaman si Czarina kesa sa kaniya. Wala siyang planong magpakasal sa babaeng hindi niya mahal.
“Wala akong planong magtrabaho sa kompanya namin. Wala akong pakialam sa posisyon ng pagiging CEO. Wala akong pakakasalan sa inyo ng kapatid mo. Huwag mo akong idadamay sa problema mo at huwag mo akong gagamitin para lang makapaghiganti ka sa walang kwenta mong boyfriend.” Matigas na wika ni Tyrone saka niya iniwan si Czarina. Napabuntong hininga na lang si Czarina, akala niya ay magiging madali lang sa kaniya na kumbinsihin si Tyrone na pakasalan siya pero nagkamali siya.
Mapait siyang ngumiti at napapakamot na lang sa noo niya. Nanatili pa siya ng ilang minuto sa coffee shop bago umalis. Dumiretso siya kaagad sa bahay ng kaibigan niyang si Hailey.
“Are you okay? May ginawa na naman ba sayo ang m*****a mong stepmom?” tanong ni Hailey na ikinailing naman ni Czarina. Naupo silang dalawa sa lounge nang makarating sila sa pool area. “Then what happened?” kuryosong tanong ng kaibigan niya. Muling nagpakawala ng malalim na buntong hininga si Czarina.
“Austin is cheating on me,” mahina niyang sagot.
“What? That bastard, are you serious?” hindi makapaniwalang tanong ni Hailey. Tanging tango lang naman ang isinagot ni Czarina. Naupo si Hailey sa tabi ni Czarina saka niya ito niyakap. “How did you find out? Paano na ang kasal niyong dalawa? Itutuloy mo pa ba?” tanong niya. Hindi naman kaagad sumagot si Czarina. Kumawala na si Hailey sa pagkakayakap niya sa kaibigan niya saka niya ito tiningnan.
Tumingin lang sa kawalan si Czarina, hindi niya na rin alam ang gagawin niya. Paano niya ba sasabihin sa pamilya niya na niloloko siya ng boyfriend niya at ang babae nito ay ang sarili niyang kapatid? Paano siya paniniwalaan ng mga ito?
“Kilala mo ba kung sino ang babae niya? Nahuli mo ba sila?” tanong muli ni Hailey dahil wala pang sinasagot ang kaibigan niya sa mga tanong niya.
“Tinawagan ko si Austin para sana tingnan namin ang isusuot namin sa kasal namin pero sinabi niya na busy siya pero hindi ko sinasadya na makita siya sa hotel kasama si Natalie. Sinundan ko silang dalawa hanggang sa makapasok sila sa isang room.” Pagkwekwento niya.
“Kinausap mo ba sila?” naiinis na ring saad ni Hailey. Umiling naman si Czarina.
“Hindi ko na sila sinundan pa, wala akong lakas ng loob na kausapin sila. Ayaw kong magmukha akong kawawa sa harap nilang dalawa dahil kahit umiyak pa ako sa harap nila, wala namang pakialam sa akin si Austin dahil ang totoong mahal pala niya ay si Natalie. How ironic, right?” nasasaktan na wika ni Czarina. Akala niya ay nahanap niya na ang magiging kakampi niya sa buhay pero hindi pa rin pala, mag-isa pa rin siya. Pakiramdam niya, isinumpa siya para maging mapag-isa.
“Bakit hindi mo sabihin sa pamilya niyo ang tungkol sa panloloko nilang dalawa? Paano na ang kasal niyo ni Austin? Balak mo pa rin bang ituloy?” hindi sumagot si Czarina kaya napabuntong hininga si Hailey. “Kung totoo man ang hinala mo, wala na akong pakialam kung gaano na kalaki ang nagastos niyo para sa preparation ng kasal niyo. You don’t deserve this, umatras ka na sa kasal niyo.” Dagdag ni Hailey.
“I know that, wala naman akong plano na itali ang sarili ko sa lalaking niloloko lang ako.” Napatango si Hailey.
“That’s good to hear, mabuti na ring nalaman mo na ang tungkol sa panloloko niya bago pa man kayo ikinasal dahil kung kasal na kayo mahihirapan ka ng makawala sa kaniya. Wala kang magagawa kundi ang magtiis sa panloloko niya sayo. Kailan mo balak sabihin sa Daddy mo ang tungkol dito?”
“Hindi ko alam, pag-iisipan ko pang mabuti ang gagawin ko dahil sigurado akong magagalit sa akin si Tita Natalia kapag umatras ako sa kasal. Malaki na ang naitulong ng pamilya ni Austin sa bagong business na itinayo ni Tita Natalia.” Napairap na lang si Hailey dahil pamilya pa rin ni Czarina ang iniisip niya.
“Walang ginawa ang witch stepmom mo sa buhay mo. Sa tuwing may nagagawa kang hindi niya nagugustuhan, ikinukulong ka niya sa kwarto mo. Matuto ka namang lumaban para sa sarili mo, Czarina. Kailan ka pa matututong lumaban sa kanila? Kapag ba patay ka na?” naiinis na wika ni Hailey. Napabuntong hininga na lang si Czarina. Iniisip pa rin niya kung paano niya ba kukumbinsihin si Tyrone na pakasalan siya. Gusto niya bago niya i-cancel ang kasal dapat ay pumayag na si Tyrone sa alok niya.
Alam niyang kapag nagawa niyang kumbinsihin si Tyrone na pakasalan siya lalong magagalit sa kaniya ang stepmom niya dahil sa pang-aagaw na ginawa niya kay Natalie.
Thank you for supporting this story of mine. Balak ko sanang isingit na lang sa story ni Owen ang ibang mangyayari sa pamilya ni Tyrone kung aaprobahan po ng senior ko. May nagawa na akong sample chapter sa story ni Owen pero hindi pa po naaaprobahan. May new story po ako na naaprobahan na ng senior ko baka sakaling gusto niyong basahin title: The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity. Sisimulan ko na rin po yun this July. Pasensya na rin po dahil natagalan bago natapos ang story kong My Contract Marriage dahil sa mga nakalipas na buwan po ay maraming nangyari na hindi namin inaasahan. Salamat pa rin po sa mga tumapos ng story ko na 'to. Sana nag-enjoy kayo at nagustuhan pa rin ang mga nangyari. Sobrang maraming salamat po at sana suportahan niyo rin ang iba ko pang story at gagawing story in the future.
Naging iyakin ang bunso nila na halos hindi na ito na matulog sa gabi pero sa araw, maghapon itong tulog. Kapag hindi na kaya ni Czarina ang puyat ay ipinapaalaga niya na muna sa mother-in-law niya o sa nakuha nilang baby sitter ang bunso nila.“Sa susunod na araw na ang anniversary niyong dalawa bilang mag-asawa. Wala ba kayong balak to celebrate?” tanong ni Melanie habang nasa hardin sila. Nagkatinginan naman ang mag-asawa dahil hindi na nila naalala iyun. “Minsan ay isipin niyo rin ang isa’t isa. Oo nandyan na ang responsibilidad niyo sa mga anak niyo pero wala namang masama kung iisipin niyo naman ang isa’t isa diba?” dagdag pa ni Melanie.“Pero mommy hindi naman namin pwedeng iwan si Kalix lalo na sa kalagayan niya.” sagot ni Czarina.“Kung iniisip niyo si Kalix, ako na ang bahala sa kanilang magkakapatid. Malakas naman si Kalix diba? Ipapainom ko rin sa tamang oras ang mga maintenance at vitamins niya. Kung hindi kayo mapakali talaga at nag-aalala kayo pwede naman kayong tumawag
Nakangiting nakatitig si Czarina sa anak niya. Akala niya talaga hindi kakayanin ng anak nilang makalabas ng hospital. Malakas naman ang anak niya, malikot, iyakin, at dumadaldal na rin pero ang pinoproblema lang niya hindi matakaw maggatas ang bunso niya. Sa edad nito dapat ay nakakathree ounces na hanggang 5 ounces pero ang kaya lang ubusin nito ay dalawa minsan ay isa lang. Nasstress siya kapag iniisip niya pero hindi niya na pinipilit ang anak niya dahil iyak ito nang iyak kapag pinipilit nilang ipaubos ang gatas na tinimpla nila.Mahimbing na natutulog ang anak nila habang nakatambay sila sa veranda ng kwarto nila.“Magmeryenda ka na muna.” wika ni Tyrone na kararating dala ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina. “Tinatanong ni mommy kung gusto mo raw ba ng sopas, ipagluluto ka niya.” dagdag pa ni Tyrone.“Hindi ko alam kung makakakain pa ako nun kung ipapaubos mo sa akin lahat ng pagkain na dala mo.” Sagot ni Czarina, tiningnan ni Tyrone ang dala niya saka siya natawa. Naupo n
Masayang nilagyan ni Matthew ang baso ni Tyrone ng alak. Maging sila ay naghintay sa araw na makakalabas ng hospital si Kalix.“Akalain mong nagawa niyang makalabas. He’s really a fighter.” Saad ni Matthew. Nakatanaw lang sila kay Kalix dahil kahit gusto nila itong lapitan hindi pwede dahil baka kung anong bacteria o sakit pa ang dala-dala nila mula sa labas.“He’s Fuentes, ano pa bang aasahan mo? Masyadong fighter ang mga Fuentes. Tingnan mo lang din yung nangyari kay Owen. Akala mo ay hindi kakayanin pero kinakaya nila. Anong klaseng dugo ba ang meron kayong mga Fuentes? Dugo ba yan ng mga immortal?” pagbibiro ni Aries. “But I’m so happy for you bro. Akalain mong ang iniiyakan niyo lang noon, ang sanhi ng mga sakit na nararamdaman niyo ay naiuwi niyo na rin sa wakas.” Seryosong dagdag ni Aries.Napabuntong hininga si Tyrone. Hindi pa tapos ang laban ng anak nila at sisiguraduhin nilang palagi silang nasa tabi nito.“Kailan niyo siya planong idala sa Germany?” tanong naman ni Hailey.
Nakangiti ang mag-asawa na pumasok ng mansion. Wala silang sinabihan kahit sino sa kanila na ngayon ang uwi nila. They want to surprise them. Pagkatapos ng dalawang linggo nila sa ward nadischarge din sila at yun ang pinakamasayang araw na nangyari sa kanila simula nang malaman nilang may sakit sa puso si Kalix.Nagdoorbell na si Tyrone, alam nilang nasa loob lang silang lahat ng mansion dahil weekend depende na lang kung umalis ang mga ito para sa mga personal matters nila.“Ay sir!” gulat pang saad ng katulong na nagbukas ng pintuan. Sinenyasan ni Tyrone na huwag maingay ito.“Nandyan ba silang lahat? Ang kambal hindi ba umalis?” mahinang tanong ni Tyrone.“Nandito po silang lahat pati ang chairman. Nasa sala po ang kambal kasama si ma’am Melanie at sir Owen.” Bakas ang excitement sa tinig ng katulong lalo na ng makita nito ang baby na nakabalot pa sa swaddle.“Yaya sinong nagdoorbell?” rinig nila sa boses ni Melanie. Hindi naman sumagot ang katulong dahil kinuha na nito ang maleta
“Kakayanin niya yan lahat.” Wika naman ni Tyrone. Nagngitian na lang silang dalawa. Sa tuwing binabawasan ang oxygen ni Kalix ay nagiging tolerable niya naman. Ibinaba pa ito hanggang level 2 na. Hindi na masyadong malakas ang pressure ng oxygen. Umaasa si Czarina na sa susunod na mga araw ay matatanggal na ang oxygen ng anak nila.“Hello mommy, ibigay ko lang po ibang gamot ni baby. Nasabi po pala nila doc na i-train na po natin si baby na magfeed sa bottle para uuwi po kayong wala siyang tubo.” Wika ng nurse, sa sinabi ng nurse ay tila tumalon ang puso ni Czarina sa saya at gulat.“Uuwi?” aniya. Narealize naman ng nurse ang sinabi niya.“Opo mommy, pinaplano na po nila doc ang pag-uwi niyo dahil ngayong araw po ang tapos ng antibiotic ni baby. So, wala na pong medicine si baby maliban na lang po sa mga maintenance niya pero planning pa lang naman po mommy.” Sagot ng nurse na ikinatango ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nagiging excited. Ayaw niya naman kasing madalii