“Kapag nalaman ng stepmom ko na nakatakas ako, sigurado akong ikukulong niya na naman ako sa atic ng bahay. Ayaw ko nang bumalik sa lugar na yun, ayaw ko ng makulong ulit.” Nakikiusap niyang wika, lumambot naman ang expression ng mukha ni Tyrone. Tinitigan niya si Czarina dahil tila ba hindi siya makapaniwalang may karahasan itong nararanasan. Ayaw niyang maniwala pero sa nakikita niyang mukha ni Czarina at takot na takot, sino siya para hindi paniwalaan ang kwento nito?
Muli niyang pinaandar ang sasakyan at dumiretso sila sa hotel na pagmamay-ari ng pamilya ni Tyrone.
“Dito ka na muna magstay hanggang gusto mo.” Anas ni Tyrone nang makapasok sila sa loob ng kwarto.
“Pero wala akong pambayad sayo. Lahat ng mga card at cash ko naiwan ko sa bahay.”
“Don’t worry about that, ako na ang bahala sa lahat.” Sagot naman ni Tyrone, nakahinga ng maluwag si Czarina. Napahawak na lang siya sa tiyan niya ng marinig nila itong nagrereklamo. Lumayo naman na muna si Tyrone saka siya tumawag sa front desk para magpadeliver ng pagkain sa room nila. Habang naghihintay sila sa pagkain ay nakatingin lang si Tyrone kay Czarina.
“Thank you for helping me today, ang akala ko ay hindi mo ako pupuntahan. Pasensya na kung naabala ba kita.” Anas ni Czarina.
“Sa tingin mo ba walang kapalit ang mga ginagawa ko sayo? Pinag-iisipan ko pa rin ang alok mo at kung wala kang maipapalit sa tulong na hinihingi mo sa akin, I’m sorry but I will marry your sister instead.” Napatingin si Czarina kay Tyrone.
“Ang akala ko ba ay wala kang balak na magpakasal sa kahit kanino sa aming dalawa ni Natalie? Bakit biglang nagbago ang isip mo?”
“Alam mong hindi ko matatakasan ang kasunduang kasal para sa akin, diba? Bakit nagtataka ka pa?” masungit na sagot ni Tyrone. Nang may kumatok sa pintuan ay si Tyrone na ang lumapit saka niya ito binuksan. Dumating naman na ang mga pagkain na inorder niya. Inilagay niya iyun sa lamesa at nang maayos niya ay tinawag niya si Czarina. Nahihiya man si Czarina ay lumapit na siya dahil nagugutom na rin siya.
Pinanuod lang siya ni Tyrone habang kumakain. Napapailing na lang si Tyrone dahil alam niyang mayaman din ang pamilya ni Czarina pero para bang wala itong nakakain.
“Pasensya ka na ha? Hindi kasi ako nakakain ng maayos kagabi, wala rin akong ganang kumain nung umaga at wala pa akong kinakain simula nung tanghali.” Wika niya kahit na punong puno pa ang bibig niya.
“Ganiyan ka ba talaga kahina?” hindi mapigilang tanong ni Tyrone, ang pinakaayaw niya sa lahat ay yung para bang matutumba na ang isang tao kapag pinitik mo. Nilunok naman na muna ni Czarina ang laman ng bibig niya bago nagsalita.
“Ano bang laban ko sa kanilang lahat? I’m too afraid to fight against them.” Sagot niya na ikinangisi ni Tyrone.
“Ayaw mo silang kalabanin pero sinusubukan mo akong kumbinsihin na pakasalan ka? Interesting.” Natatawang wika ni Tyrone. Uminom na muna ng tubig si Czarina saka niya tiningnan si Tyrone na nakangisi pa rin.
“Kaya kong tiisin ang pagpapahirap nila sa akin pero ayaw kong pati ang sarili kong kaligayahan ay kontrolin pa rin nila. Oo, mahina ako pero ginagawa ko ang makakaya ko para tumayo sa sarili kong mga paa. Ikaw na lang ang pag-asang meron ako, nagawa na akong traydurin ng lalaking akala ko ay magiging kakampi ko. They can’t control you at umaasa akong kapag pumayag kang pakasalan ako at maging kakampi ko, hindi na nila ako kayang galawin pa.” seryosong saad ni Czarina. Kunot noo lang naman siyang tinitigan ni Tyrone na tila ba binabasa niya ang isip ni Czarina.
Ramdam ni Tyrone na gusto nang makawala ni Czarina sa kulungang kinalalagyan niya. Ano ba talagang nangyayari sa loob ng bahay nila? Anong pamilya meron si Czarina para katakutan at maging kalaban niya ang mga ito?
Bakit pa nga ba niya iniisip ang problema ng ibang tao? Wala na siyang pakialam kung ano bang problema nila, ang gusto niya lang ay makatakas sa kasunduang kasal para sa kaniya dahil wala siyang balak magpakasal kahit kanino. Kailangan niyang makaisip ng paraan para matakasan ang kasal na yun.
Nanatili si Czarina sa loob hotel habang si Tyrone naman ay umalis nang may tumawag sa kaniya. Nagtungo sa bathroom si Czarina saka siya naghilamos at pinagmasdan ang sarili niya sa salamin.
‘Kailan ba ako magkakaroon ng lakas? Hahayaan ko na lang ba talagang ganito ang buhay ko? Czarina, please, do something for yourself. Huwag mo na sanang hayaan na bumalik ka pa sa madilim na atic na yun, walang kasama, walang kausap at walang ibang makita kundi ang liwanag na nagmumula sa lampara.’ Naaawang wika ni Czarina sa sarili niya. Ayaw niya ng maging tuta ng pamilya niya habang buhay.
Nang matapos siyang kumain ng dinner ay tumambay na muna siya sa balcony at pinagmasdan ang city lights. Bumalik naman si Tyrone sa hotel room ni Czarina pero naabutan niyang mahimbing na itong natutulog. Yakap-yakap ni Czarina ang isang unan, napapailing na lang si Tyrone dahil napakaamo ng mukha ni Czarina. Para siyang anghel na natutulog, para bang napakapeaceful ng buhay niya kapag tulog ito pero kabaliktaran ang nangyayari kapag nagising na siya.
Samantala naman, galit na galit pa rin si Natalia dahil sa pagtakas ni Czarina. Lalo pa siyang nag-usok sa galit ng malaman niya kung sino ang kasama nito.
“Mom, anong gagawin natin? Bakit kilala ni Czarina si Tyrone? He’s my fiance!” galit na sigaw ni Natalie. Inis na rin siyang napasabunot sa sarili niya, hindi siya makakapayag na sisirain siya ni Czarina sa magiging asawa niya.
“Don’t worry, honey, ako na ang bahala kay Czarina. She can’t ruin our plan, ikakasal siya kay Austin at ikakasal ka kay Tyrone.”
“Paano kung siniraan niya na ako kay Tyrone? Paano kung umatras sa kasal si Tyrone? Mom, anong gagawin ko?”
“Just trust me! Walang magagawa ang pag-iyak mo, ako na ang bahala sa lahat. Alam mo kung anong kaya kong gawin, hawak ko rin ang alas para mapasunod pa rin natin si Czarina. Kung hindi ka rin kasi tanga, bakit ka ba nakipagrelasyon kay Austin? Ikaw ang sumisira sa mga plano ko, Natalie.” Nasstress na saad ni Natalia sa anak niya.
Samantala naman, nilapitan ni Tyrone si Czarina saka niya inalis ang hibla ng mga buhok na nakaharang sa mukha ni Czarina. Inayos niya rin ang kumot nito dahil mukhang nilalamig na si Czarina.
“Why are you so familiar to me?” mahinang wika ni Tyrone habang nakatitig siya sa mukha ni Czarina. Nang gumalaw si Czarina ay mabilis siyang umalis at naupo sa sofa. Ramdam niya ang pagtalon ng puso niya dahil sa gulat. Napapailing na lang siya sa sarili niya.
Makalipas ang ilang minuto ay dumating na si Tyrone. Nilapitan niya kaagad ang asawa niya para halikan ito.“Pasensya ka na, naghintay ka ba ng matagal? Sinabi sa akin ng secretary ko na nandito ka.” Bakas ang pagod sa boses ni Tyrone pero hindi niya yun pinapahalata kay Czarina. Nagsalubong naman ang mga kilay ni Czarina.“Bakit parang paos ang boses mo? Anong ginawa mo?” tanong niya. Hinaplos naman ni Tyrone ang leeg niya.“Kaninang umaga pa kasi yung meeting namin. Ipinapaliwanag ko sa kanila lahat para maintindihan nila ang mga opinion ko. Bakit ka nga pala napabisita rito?”“Owen is finally awake,” excited na pagbabalita ni Czarina.“Really? Then that’s good news. Alam na ba nila Tita Amelia? Galing ka ba sa hospital?” ngumiti at tumango naman si Czarina. Nanunubig pa ang mga mata niya dahil sa sobrang tuwa.“Binisita ko siya, iminulat niya na ang mga mata niya at naigalaw na rin niya ang kamay niya. Nandun na rin sila Tita Amelia, iniwan ko na sila nang kausapin sila ni doc.” Na
Dinalaw ni Czarina si Owen. Ilang minuto na siyang nakatayo sa gilid ni Owen pero hindi siya nagsasalita. Nakatitig lang siya kay Owen na wala pa ring pinagbago ang kalagayan. Napabuntong hininga na lang si Czarina. Hindi niya maiwasan minsan na mawalan ng pag-asa. Paano kung mga machine at mga gamot na lang ang nagbibigay ng buhay kay Owen?“Gumising ka na please,” nakikiusap na saad ni Czarina. Hinawakan niya ang kamay ni Owen at bahagya iyong hinaplos. Ngayon niya na lang ulit binisita si Owen after three weeks dahil kung araw-araw niya itong bibisitahin para bang na-sstress siya kapag nalalaman niya ang kalagayan nito. Lahat ng mga sinasabing nurse na nakaduty kay Owen para bantayan siya at i-monitor ay iisa pa rin ang sinasabi. Wala pa rin talagang nagbabago sa kondisyon ni Owen.“Hi ma’am Czarina,” masiglang bati ng nurse na kararating nang magpaalam itong lalabas saglit. Tipid lang namang ngumiti si Czarina. “Well, we have a good news pero hindi ibig sabihin ay magiging mabuti
“Don’t be sorry, alam ko naman na kapag alam mo hindi mo guguluhin ang kuya mo. Hayaan muna natin siyang magpahinga ngayon, okay?” tumango naman si Isabella.“Kaya pala wala siya sa mood kagabi, maaga siyang natulog tapos naririnig ko siyang parang naghihilik. Akala ko masarap lang ang tulog niya pero masama na pala ang pakiramdam niya. Sana kinapa ko siya para natawag ko kayo ni daddy.” Bahagyang ngumiti si Czarina saka niya hinaplos ang pisngi ng anak niya.“Don’t blame yourself, it’s not your fault. Pumunta ka na sa kusina at mauna nang kumain. Mamaya na lang kakain si kuya kapag nagising na lang ulit siya.” Sumunod naman kaagad si Isabella sa utos ng kaniyang ina. Kalong-kalong pa rin ni Czarina ang anak niya. Tinitigan niya ito sa mukha at hinaplos ang ulo nito. Hinalikan niya sa noo ang anak niya. Hindi niya akalain na matagal na panahon niya na rin palang hindi nakakarga sa ganung posisyon ang mga anak niya. Naguilty tuloy siya dahil hinahayaan niya na ang mga anak niya dahil a
Nakaupo na si Czarina sa kama nila habang nakasandal sa head rest. Ginabi na ng uwi si Tyrone dahil sa dami nitong ginawa sa kompanya at pakikipagkita sa mga clients nila. Nakasunod ang paningin ni Czarina sa asawa niya dahil ramdam nito ang mabigat na aura. Hindi na muna niya ito tinanong, hinayaan na muna niyang makaupo si Tyrone para makapagpahinga. Nilingon naman ni Tyrone ang asawa niyang tahimik na nakamasid sa kaniya. Napabuntong hininga na lang si Tyrone saka niya nilapitan ang asawa niya.“Kumain ka na ba?”“Oo, kanina pa. Gusto mo bang ipaghain na kita?” umiling naman si Tyrone saka niya hinaplos ang pisngi ng asawa niya.“Huwag mo akong alalahanin. Nagmeryenda naman kami kanina. Bababa na lang ako mamaya. Yung mga vitamins mo, nainom mo na ba?” tumango naman si Czarina.“Pumunta ka na sa kusina at kumain, hihintayin kita para dire-diretso na rin ang pagpapahinga mo.” Hinalikan ni Tyrone sa labi ang asawa niya saka ito sumunod sa sinabi ni Czarina. Nagtungo na siya ng kusina
“Unti-unti ng lumalaki ang pamilya natin. Nag-iisa lang akong anak at alam ko ang pakiramdam ng mag-isa lang. Boring ang buhay lalo na sa tuwing naiiwan lang akong mag-isa. Wala man lang akong makalaro at makausap na nasa edad ko o hindi nalalayo sa edad ko kaya ayaw kong gawin yun sa mga anak ko.” Sang-ayon naman si Czarina dahil alam niya rin ang pakiramdam ng only child.Nagpatuloy ang program ng birhtday ng anak nila. Napagod na rin ang mga ito kaya nakakalong na sila sa mga lolo at lola nila. Tulog na tulog na si Isabella dahil sa pagod habang si Riley naman ay nakapangalumbaba habang pinapanuod ang iba pang mga bata na naglalaro.Nang matapos ang program ay nagsiuwian na rin ang mga bisita nila. Buhat buhat na ni Mateo at Jameson ang mga bata, parehong tulog na ang mga ito. Masaya si Mateo na naimbitahan siya sa birthday ng mga apo niya. Nginitian niya lang ang anak niya bago ito umuwi.Nang makashower si Czarina ay nahiga na siya sa kama. Ramdam niya na ang bigat ng mga talukap
Samantala naman, tulala na lang si Natalia sa loob ng kulungan niya. Marami siyang mga inmate na kasama sa iisang kwarto kaya ramdam na ramdam niya ang init. Wala pa silang electric fan. Wala rin siyang gustong kausapin. Pakiramdam niya ay wala ng kwenta ang buhay niya dahil habang buhay na siyang ganito, habang buhay na nakakulong, habang buhay nang maglilinis ng toilet, magwawalis sa labas at iba pang trabaho na pinapagawa sa mga katulad nilang preso.“Mom,” tawag ni Natalie sa kaniyang ina. Nakailang tawag na si Natalie pero hindi siya hinaharap ng kaniyang ina.“Natalia!” malakas na sigaw ng babaeng kasama nito sa kwarto. Nataranta naman si Natalia at mabilis na nilingon ang kasama niya. “Bingi ka ba? Nandyan yung anak mo.” Wika nito. Nilingon naman na ni Natalia ang anak niya saka niya ito nilapitan.“Ano bang nangyayari sayo? Kanina pa ako naghihintay sa visiting area pero ang sabi ng pulis ayaw mong lumabas.”“Wala ng kwenta ang buhay ko. Mas mabuti pang mamatay na lang ako kes