Share

Kabanata 4.1

Author: Rhea mae
last update Last Updated: 2025-01-03 23:04:28

Nang magising si Czarina ay inilibot niya ang paningin niya, naalala niya namang sa hotel siya natulog. Bababa na sana siya ng kama para maghilamos sa cr nang makita niya si Tyrone na mahimbing na natutulog sa sofa. Hindi niya akalain na hindi pala ito umalis kagabi.

Halos tumalon ang puso ni Czarina sa gulat nang magring ang cellphone niya. Mabilis niya iyung kinuha sa side table at papatayin sana ang tawag nang aksidente niya itong nasagot. Napalunok siya dahil Daddy niya ang tumatawag sa kaniya.

“Where are you?” seryosong tanong nito. Hindi sana kakausapin ni Czarina ang kaniyang ama pero wala na siyang choice dahil nasagot niya ang tawag. Dahan-dahan na bumaba ng kama si Czarina saka siya nagtungo sa balcony. “Czarina, answer me, where the hell are you?!” galit na sigaw sa kaniya ng kaniyang ama.

“Bakit gusto niyo pa rin akong hanapin, Dad? Alam niyo kung anong ginagawa sa akin ni Tita Natalia pero wala kayong ginagawa para sa akin. Hinahayaan niyo akong ikulong niya sa madilim na lugar na yun.” lakas loob niyang saad sa kaniyang ama.

“Umuwi ka ngayon din kailangan kitang makausap. Kapag hindi ka umuwi sa loob ng isang oras, kalimutan mong naging ama mo pa ako.” Galit na saad ng kaniyang ama saka nito ibinaba ang tawag. Napabuntong hininga na lang si Czarina, ayaw niya pang umuwi dahil sigurado siyang ikukulong na naman siya pero oras na itinakwil siya ng kaniyang ama, hindi niya alam kung saan siya pupulutin.

“Umuwi ka muna at kausapin mo ang pamilya mo.” Napalingon si Czarina sa likod niya, nandun naman si Tyrone na mukhang narinig ang sinabi ng kaniyang ama.

“Kapag bumalik ako, sigurado akong ikukulong na naman ako ni Tita Natalia.” Sagot niya, pakiramdam niya ay tuluyan siyang mababaliw kapag muli siyang ikinulong sa atic.

“Paano mo sila lalabanan kung ganyan ka kahina? Kakausapin mo lang sila pero hindi mo magawa? Ang lakas ng loob mong alukin ako ng kasal para makapaghiganti ka sa kanilang lahat pero hindi mo kayang ipaglaban ang sarili mo sa simpleng problema lang?” hindi nakasagot si Czarina. Hanggang kailan ba siya magiging mahina? Kailangan ba ibang tao pa ang gigising sa kaniya? Napabuntong hininga na lang siya saka siya tumango kay Tyrone.

Sabay na silang lumabas ng hotel at sumakay ng sasakyan. Inihatid ni Tyrone si Czarina sa bahay nila pero hindi na ito pumasok at umalis din kaagad. Malalalim ang bawat paghinga ni Czarina dahil natatakot siyang hindi niya magawang ipaglaban ang sarili niya. Pagpasok niya sa sala ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa kaniya. Naguguluhan niyang tiningnan ang kaniyang ama na galit na galit sa kaniya.

“Ano bang nagawa kong kasalanan para deserve kong makatanggap nang sampal sa inyo, Dad?” tanong niya rito, gusto niya nang umiyak pero pilit niyang pinapalakas ang loob niya.

“Ano ba sa tingin mo ang iniisip mo, Czarina? Ilalagay mo ba talaga sa kahihiyan ang pamilya natin?! Ikakasal ka na kay Austin ngayong buwan, gusto mo bang i-cancel yun dahil nakikipagkita ka na sa ibang lalaki? Sa dami ng lalaki, bakit si Tyrone pa? Si Tyrone na fiance ng kapatid mo?!” galit na galit na wika ng kaniyang ama. Napalunok si Czarina, ito naman ang gusto niya pero bakit kinakabahan at natatakot siya? Paano nila nalaman na nakikipagkita siya kay Tyrone?

“What are you talking about? Hindi ko alam ang sinasabi niyo.” Pagsisinungaling niya, ayaw niyang idamay pa si Tyrone sa gulo ng pamilya nila lalo na at hindi pa niya ito nakukumbinsi na pakasalan siya.

“Hindi mo alam? Kalat na kalat na ngayon sa news ang pagpasok niyo ni Tyrone sa hotel at kanina lang kayo lumabas. Magdamag kayong magkasama sa iisang kwarto sa isang hotel.” Singit naman ni Natalia. Lalong nagsalubong ang mga kilay ni Czarina. Nasa news na silang dalawa ni Tyrone? Hindi pa niya nakikita yun pero paanong nangyaring nasa news na sila? May reporter bang nakakita sa kanila?

“Tingnan mo ang kapatid mo, umiiyak na ng dahil sayo. Hindi ko alam kung kilala pa ba kita, Czarina. Isa kang malambing at hindi malanding babae pero bakit ibang iba ka na ngayon? Gusto mong isisi kay Natalie kung bakit hindi matutuloy ang kasal niyo ni Austin pero ang totoo, you cheated!” may diing wika ng kaniyang ama. Tipid na lang na ngumiti si Czarina. Siya ba talaga ang malandi? Umiyak lang si Natalie sa nakita nila sa news, siya na naman ang kawawa at biktima? Kung sabagay, ano pa bang aasahan niya sa pamilya niya. Wala naman siyang kakampi sa kanilang lahat, ang sarili niya lang ang meron siya.

“Ako na naman ang mali? Sa tuwing sinasabi ko sa inyo ang mga pagkakamaling nagagawa ni Natalie, hindi kayo kaagad naniniwala. Kailangan ko pang magpakita ng proof sa inyo bago niyo ako paniwalaan pero ako? Kapag sinabi nilang mali ako, hindi na nila kailangan ng kahit anong proweba. Pinaniniwalaan niyo sila kaagad, sasaktan niyo ako kaagad at pagagalitan nang hindi niyo man lang ako tinatanong kung totoo ba ang mga paratang nila sa akin. Ako ang legal niyong anak, Dad! Sinabi niyo sa akin na kilala niyo ako, kilala niyo ako na hindi ko magagawang magsinungaling sa inyo pero bakit hindi niyo na ako kayang paniwalaan? Ako ba talaga ang hindi mo na kilala, Dad, o ikaw ang hindi ko na kilala?” akma sanang sasampalin ni Mateo ang anak niya nang pigilan siya ni Austin na bagong dating.

“Pasensya na po, Mr. Jimenez. Ako na lang ang kakausap kay Czarina.” Saad nito at hihilain niya na sana si Czarina nang inis na inalis ni Czarina ang pagkakahawak ni Austin sa kaniya. Masama pa rin ang tingin niya sa pamilya niya.

“Alam mong ikakasal ka na at si Tyrone naman ang magiging asawa ng kapatid mo. Ito ba ang dahilan kung bakit gusto mong umatras sa kasal niyo ni Austin?! Gusto mong agawin kay Natalie si Tyrone?! Nagmula rin naman sa mayamang pamilya si Austin kaya bakit inaagaw mo pa si Tyrone sa kapatid mo?!” galit na sigaw ni Natalia kay Czarina. Buong tapang naman na sinalubong ni Czarina ang masasamang tingin sa kaniya ng pamilya niya o kung matatawag nga ba niyang pamilya.

Tiningnan ni Czarina si Natalie na umiiyak pa rin.

“Umiiyak ka dahil kasama ko si Tyrone? Bakit hindi mo sabihin sa kanila ang panlolokong ginagawa niyo sa akin ni Austin? Alam kong alam mo Natalie kung anong dahilan ko kung bakit ako umatras sa kasal namin. Gusto mo pa bang iditalye ko lahat?” baling ni Czarina sa kapatid niya. Nanlaki naman ang mga mata ni Natalie.

“What are you talking about?! Huwag mong idinadamay ang anak ko sa dahilan mo kung bakit ka umatras sa kasal!” sabat ni Natalia. Seryosong tiningnan ni Czarina sa mga mata si Natalia.

“Matagal na akong niloloko ni Austin at ang babaeng totoong mahal niya ay—” Hindi natuloy ang sasabihin ni Czarina nang pigilan siya ni Natalie pero ngumisi lang si Czarina.

“Enough, Czarina!” sigaw ni Natalie.

“Hindi ba at ikaw ang babaeng ipinagpalit sa akin ni Austin? Bakit hindi na lang kayong dalawa ang magpakasal, galing din naman sa mayamang pamilya si Austin.” Ani ni Czarina na nakapagpatigil sa kanilang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (5)
goodnovel comment avatar
Avelina Enteria
nice story next episode pls
goodnovel comment avatar
Victoria Perez
kasunod po un lebre pls.
goodnovel comment avatar
Jovelyncanoy Cutin
next episode please..
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • My Contract Marriage   Author's note

    Thank you for supporting this story of mine. Balak ko sanang isingit na lang sa story ni Owen ang ibang mangyayari sa pamilya ni Tyrone kung aaprobahan po ng senior ko. May nagawa na akong sample chapter sa story ni Owen pero hindi pa po naaaprobahan. May new story po ako na naaprobahan na ng senior ko baka sakaling gusto niyong basahin title: The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity. Sisimulan ko na rin po yun this July. Pasensya na rin po dahil natagalan bago natapos ang story kong My Contract Marriage dahil sa mga nakalipas na buwan po ay maraming nangyari na hindi namin inaasahan. Salamat pa rin po sa mga tumapos ng story ko na 'to. Sana nag-enjoy kayo at nagustuhan pa rin ang mga nangyari. Sobrang maraming salamat po at sana suportahan niyo rin ang iba ko pang story at gagawing story in the future.

  • My Contract Marriage   Epilogue 1.2

    Naging iyakin ang bunso nila na halos hindi na ito na matulog sa gabi pero sa araw, maghapon itong tulog. Kapag hindi na kaya ni Czarina ang puyat ay ipinapaalaga niya na muna sa mother-in-law niya o sa nakuha nilang baby sitter ang bunso nila.“Sa susunod na araw na ang anniversary niyong dalawa bilang mag-asawa. Wala ba kayong balak to celebrate?” tanong ni Melanie habang nasa hardin sila. Nagkatinginan naman ang mag-asawa dahil hindi na nila naalala iyun. “Minsan ay isipin niyo rin ang isa’t isa. Oo nandyan na ang responsibilidad niyo sa mga anak niyo pero wala namang masama kung iisipin niyo naman ang isa’t isa diba?” dagdag pa ni Melanie.“Pero mommy hindi naman namin pwedeng iwan si Kalix lalo na sa kalagayan niya.” sagot ni Czarina.“Kung iniisip niyo si Kalix, ako na ang bahala sa kanilang magkakapatid. Malakas naman si Kalix diba? Ipapainom ko rin sa tamang oras ang mga maintenance at vitamins niya. Kung hindi kayo mapakali talaga at nag-aalala kayo pwede naman kayong tumawag

  • My Contract Marriage   Epilogue 1.1

    Nakangiting nakatitig si Czarina sa anak niya. Akala niya talaga hindi kakayanin ng anak nilang makalabas ng hospital. Malakas naman ang anak niya, malikot, iyakin, at dumadaldal na rin pero ang pinoproblema lang niya hindi matakaw maggatas ang bunso niya. Sa edad nito dapat ay nakakathree ounces na hanggang 5 ounces pero ang kaya lang ubusin nito ay dalawa minsan ay isa lang. Nasstress siya kapag iniisip niya pero hindi niya na pinipilit ang anak niya dahil iyak ito nang iyak kapag pinipilit nilang ipaubos ang gatas na tinimpla nila.Mahimbing na natutulog ang anak nila habang nakatambay sila sa veranda ng kwarto nila.“Magmeryenda ka na muna.” wika ni Tyrone na kararating dala ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina. “Tinatanong ni mommy kung gusto mo raw ba ng sopas, ipagluluto ka niya.” dagdag pa ni Tyrone.“Hindi ko alam kung makakakain pa ako nun kung ipapaubos mo sa akin lahat ng pagkain na dala mo.” Sagot ni Czarina, tiningnan ni Tyrone ang dala niya saka siya natawa. Naupo n

  • My Contract Marriage   Kabanata 132.2

    Masayang nilagyan ni Matthew ang baso ni Tyrone ng alak. Maging sila ay naghintay sa araw na makakalabas ng hospital si Kalix.“Akalain mong nagawa niyang makalabas. He’s really a fighter.” Saad ni Matthew. Nakatanaw lang sila kay Kalix dahil kahit gusto nila itong lapitan hindi pwede dahil baka kung anong bacteria o sakit pa ang dala-dala nila mula sa labas.“He’s Fuentes, ano pa bang aasahan mo? Masyadong fighter ang mga Fuentes. Tingnan mo lang din yung nangyari kay Owen. Akala mo ay hindi kakayanin pero kinakaya nila. Anong klaseng dugo ba ang meron kayong mga Fuentes? Dugo ba yan ng mga immortal?” pagbibiro ni Aries. “But I’m so happy for you bro. Akalain mong ang iniiyakan niyo lang noon, ang sanhi ng mga sakit na nararamdaman niyo ay naiuwi niyo na rin sa wakas.” Seryosong dagdag ni Aries.Napabuntong hininga si Tyrone. Hindi pa tapos ang laban ng anak nila at sisiguraduhin nilang palagi silang nasa tabi nito.“Kailan niyo siya planong idala sa Germany?” tanong naman ni Hailey.

  • My Contract Marriage   Kabanata 132.1

    Nakangiti ang mag-asawa na pumasok ng mansion. Wala silang sinabihan kahit sino sa kanila na ngayon ang uwi nila. They want to surprise them. Pagkatapos ng dalawang linggo nila sa ward nadischarge din sila at yun ang pinakamasayang araw na nangyari sa kanila simula nang malaman nilang may sakit sa puso si Kalix.Nagdoorbell na si Tyrone, alam nilang nasa loob lang silang lahat ng mansion dahil weekend depende na lang kung umalis ang mga ito para sa mga personal matters nila.“Ay sir!” gulat pang saad ng katulong na nagbukas ng pintuan. Sinenyasan ni Tyrone na huwag maingay ito.“Nandyan ba silang lahat? Ang kambal hindi ba umalis?” mahinang tanong ni Tyrone.“Nandito po silang lahat pati ang chairman. Nasa sala po ang kambal kasama si ma’am Melanie at sir Owen.” Bakas ang excitement sa tinig ng katulong lalo na ng makita nito ang baby na nakabalot pa sa swaddle.“Yaya sinong nagdoorbell?” rinig nila sa boses ni Melanie. Hindi naman sumagot ang katulong dahil kinuha na nito ang maleta

  • My Contract Marriage   Kabanata 131.2

    “Kakayanin niya yan lahat.” Wika naman ni Tyrone. Nagngitian na lang silang dalawa. Sa tuwing binabawasan ang oxygen ni Kalix ay nagiging tolerable niya naman. Ibinaba pa ito hanggang level 2 na. Hindi na masyadong malakas ang pressure ng oxygen. Umaasa si Czarina na sa susunod na mga araw ay matatanggal na ang oxygen ng anak nila.“Hello mommy, ibigay ko lang po ibang gamot ni baby. Nasabi po pala nila doc na i-train na po natin si baby na magfeed sa bottle para uuwi po kayong wala siyang tubo.” Wika ng nurse, sa sinabi ng nurse ay tila tumalon ang puso ni Czarina sa saya at gulat.“Uuwi?” aniya. Narealize naman ng nurse ang sinabi niya.“Opo mommy, pinaplano na po nila doc ang pag-uwi niyo dahil ngayong araw po ang tapos ng antibiotic ni baby. So, wala na pong medicine si baby maliban na lang po sa mga maintenance niya pero planning pa lang naman po mommy.” Sagot ng nurse na ikinatango ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nagiging excited. Ayaw niya naman kasing madalii

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status