Share

Kabanata 3.1

Penulis: Rhea mae
last update Terakhir Diperbarui: 2024-12-17 14:16:51

Nang bumukas ang pintuan ng kwarto ni Czarina ay hindi napalingon siya dun. Mabilis niya rin namang iniwas ang paningin niya ng makita niya si Austin. Kinuha ni Austin ang isang upuan saka siya naupo sa harap ni Czarina. Tahimik lang naman si Czarina dahil wala na siyang gustong sabihin kay Austin. Ayaw niyang umiyak sa harap ng lalaking nilokoko lang naman siya, ayaw niyang maging mahina sa paningin ni Austin.

“Kinuha ko na kay Tita Natalia ang  cell phone mo.” Ani nito saka niya dinukot sa bulsa niya ang isang cellphone at ibinigay kay Czarina.

“Sa tingin mo ba pasasalamatan kita sa ginawa mo?” masungit na sagot ni Czarina. Napabuntong hininga na lang si Austin dahil paano niya ba ipapaliwanag ang lahat kay Czarina? Sigurado siyang alam na ni Czarina ang tungkol sa lihim na relasyon nila ni Natalie.

“Gusto kong mag-usap tayo somewhere, hihintayin kita sa sala and don’t worry nakausap ko na si Tita Natalia na lalabas tayong dalawa and she agreed.” Wika ni Austin saka siya tumayo at lumabas na ng kwarto. Nagbihis naman kaagad si Czarina dahil kahit naiinis pa rin siya kay Austin gusto niya nang makalabas ng kwarto niya dahil kagabi pa siya nakakulong. Hinahatiran na lang siya ng pagkain kapag oras na ng pagkain. Sumunod siya kaagad sa sala kaya nang nakita siya ni Austin ay tumayo na ito saka sila sabay na lumabas.

Tahimik lang si Czarina habang nasa byahe pero nag-iisip na siya kaagad ng paraan kung paano siya makakatakas kay Austin. Ayaw niya munang bumalik sa bahay nila dahil sigurado siyang kapag nakauwi siya ay ikukulong na naman siya ng stepmom niya. Lakas loob siyang nagmessage kay Tyrone kahit na alam niyang imposible na pupuntahan siya nito o tutulungan para makatakas. Nang maisend niya ang message ay mahigpit niyang hinawakan ang cell phone niya. Hindi niya alam kung saan siya dadalhin ni Austin pero nakashare na ang location niya kay Tyrone kung sakali mang pumunta ito.

Huminto silang dalawa sa isang restaurant. Nauna nang bumaba si Austin saka niya pinagbuksan ng pintuan si Czarina.

“Sinabi sa akin na hindi ka raw kumain kaninang lunch kaya kumain muna tayo bago tayo mag-usap. I know your mad at me and let’s talk about that later,” akma pa sanang hahalikan ni Austin sa noo si Czarina nang mabilis na umiwas si Czarina. Napapakamot na lang sa batok si Austin saka siya naunang naglakad papasok ng restaurant. Tingin nang tingin si Czarina sa cellphone niya pero wala man lang reply sa kaniya si Tyrone. Gusto niya sanang pumunta sa bahay ng kaibigan niya pero sigurado siyang mabilis siyang matutunton ng stepmom niya dahil si Hailey lang naman ang palagi niyang takbuhan.

Hindi na mapakali si Czarina, nilalaro niya na ang mga daliri niya dahil sa kaba na nararamdaman niya. Busy sa pagpili ng menu si Austin at gusto niya nang tumakas, gusto niyang tumakbo palayo pero hindi niya alam kung saan siya pupunta. Wala rin siyang dalang wallet dahil cellphone lang ang dala niya. Halos marinig na ni Czarina ang kabog ng dibdib niya dahil kahit makatakas man siya ngayon siguradong ikukulong na naman siya ng stepmom niya kapag nahuli siya.

Mariing ipinikit ni Czarina ang mga mata niya at akma na sana siyang tatayo nang may humawak sa mga kamay niya kaya nilingon niya kung sino ang taong iyun. Napalunok siya at nakaramdam ng tuwa nang makita niya si Tyrone. Sapilitan na itinayo ni Tyrone si Czarina at akma na sanang aalis nang harangin siya ni Austin.

“What are you doing? Saan mo siya dadalhin?” akma sanang hahawakan ni Austin si Czarina nang mabilis siyang itinago ni Tyrone sa likod niya.

“Umalis ka sa daraanan ko, Mr. Gomez. Wala akong dapat ipaliwanag sayo.” Blangkong sagot ni Tyrone saka niya hinila palabas ng restaurant si Czarina.

“Sir, excuse me po!” sigaw ng isang babaeng staff kay Austin. Palabas na rin sana si Austin nang maharang siya ng security ng restaurant.

“Pasensya na po sir pero tinatawag po kayo ng staff namin.” Ani ng guard, inis namang nilingon ni Austin ang babae.

“What?” tanong niya rito.

“Mukha kasing aalis na kayo, hindi pa po bayad ang mga pagkain na inorder niyo.” Wika nito, mabilis namang dumukot ng cash si Austin at ibinigay sa babae.

“Sir, sukli niyo!” sigaw pa ng babae nang biglang umalis si Austin pero hindi na siya nilingon ni Austin. Sinubukan niyang habulin ang sasakyan kung saan nakasakay si Czarina pero wala na siyang nagawa. Inis siyang napapadyak dahil sa inis.

“Anong relasyon nilang dalawa? Kilala ba ni Czarina si Mr. Fuentes?” naguguluhan niyang tanong sa sarili niya. Kilala niya ang lalaking kumuha kay Czarina dahil siya ang lalaking pakakasalan ni Natalie. Bakit hindi nagdalawang isip si Czarina na sumama sa lalaki na yun? Anong lihim ang itinatago nila.

Nakatakas na si Czarina pero nanginginig pa rin ang mga kamay niya. Napapatingin naman si Tyrone sa kaniya at nang masiguro ni Tyrone na hindi sila nasundan, inihinto niya na muna ang sasakyan sa gilid at tiningnan ang mga kamay ni Czarina na nanginginig pa rin. Napapaisip tuloy siya kung anong karahasan ang nangyari kay Czarina.

“Masyado kang takot na takot, are you okay? Sinaktan ka ba ng lalaking yun?” kuryoso niyang tanong. Napayuko naman si Czarina saka niya sinusubukang pakalmahin ang sarili niya. Hindi mapigilan ni Tyrone na hindi maawa kahit na hindi niya naman lubusang kilala si Czarina. “I am asking you, Miss Jimenez, is he hurting you? Kung sinasakyan ka na niya pala bakit hindi ka magfile ng abuse sa kaniya?” naiinis na saad ni Tyrone dahil hindi man lang magsalita si Czarina.

“He’s not hurting me,”

“Then what? Kung hindi ka niya sinasaktan, bakit ganiyan ka manginig? Para kang takot na takot. Ano ba talagang nangyayari sayo?” may diin niyang tanong. Hindi niya ugaling mangialam sa buhay ng iba pero hindi niya rin maintindihan kung bakit niya tinutulungan si Czarina. “Tell me, so, I can help you!” nauubusang pasensyang saad ni Tyrone. Nang kumalma na si Czarina ay saka niya nilingon si Tyrone.

“Pwede bang itago mo muna ako?” pakiusap niya.

“Tell me first, why are you so scared at bakit kailangan mong pagtaguan ang pamilya mo?” napabuntong hininga naman na muna si Czarina.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Casis Trogo
maganda din to..thanks author
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • My Contract Marriage   Author's note

    Thank you for supporting this story of mine. Balak ko sanang isingit na lang sa story ni Owen ang ibang mangyayari sa pamilya ni Tyrone kung aaprobahan po ng senior ko. May nagawa na akong sample chapter sa story ni Owen pero hindi pa po naaaprobahan. May new story po ako na naaprobahan na ng senior ko baka sakaling gusto niyong basahin title: The Runaway Billionaire: Mr. Thompson Real Identity. Sisimulan ko na rin po yun this July. Pasensya na rin po dahil natagalan bago natapos ang story kong My Contract Marriage dahil sa mga nakalipas na buwan po ay maraming nangyari na hindi namin inaasahan. Salamat pa rin po sa mga tumapos ng story ko na 'to. Sana nag-enjoy kayo at nagustuhan pa rin ang mga nangyari. Sobrang maraming salamat po at sana suportahan niyo rin ang iba ko pang story at gagawing story in the future.

  • My Contract Marriage   Epilogue 1.2

    Naging iyakin ang bunso nila na halos hindi na ito na matulog sa gabi pero sa araw, maghapon itong tulog. Kapag hindi na kaya ni Czarina ang puyat ay ipinapaalaga niya na muna sa mother-in-law niya o sa nakuha nilang baby sitter ang bunso nila.“Sa susunod na araw na ang anniversary niyong dalawa bilang mag-asawa. Wala ba kayong balak to celebrate?” tanong ni Melanie habang nasa hardin sila. Nagkatinginan naman ang mag-asawa dahil hindi na nila naalala iyun. “Minsan ay isipin niyo rin ang isa’t isa. Oo nandyan na ang responsibilidad niyo sa mga anak niyo pero wala namang masama kung iisipin niyo naman ang isa’t isa diba?” dagdag pa ni Melanie.“Pero mommy hindi naman namin pwedeng iwan si Kalix lalo na sa kalagayan niya.” sagot ni Czarina.“Kung iniisip niyo si Kalix, ako na ang bahala sa kanilang magkakapatid. Malakas naman si Kalix diba? Ipapainom ko rin sa tamang oras ang mga maintenance at vitamins niya. Kung hindi kayo mapakali talaga at nag-aalala kayo pwede naman kayong tumawag

  • My Contract Marriage   Epilogue 1.1

    Nakangiting nakatitig si Czarina sa anak niya. Akala niya talaga hindi kakayanin ng anak nilang makalabas ng hospital. Malakas naman ang anak niya, malikot, iyakin, at dumadaldal na rin pero ang pinoproblema lang niya hindi matakaw maggatas ang bunso niya. Sa edad nito dapat ay nakakathree ounces na hanggang 5 ounces pero ang kaya lang ubusin nito ay dalawa minsan ay isa lang. Nasstress siya kapag iniisip niya pero hindi niya na pinipilit ang anak niya dahil iyak ito nang iyak kapag pinipilit nilang ipaubos ang gatas na tinimpla nila.Mahimbing na natutulog ang anak nila habang nakatambay sila sa veranda ng kwarto nila.“Magmeryenda ka na muna.” wika ni Tyrone na kararating dala ang mga pagkain na kinuha niya sa kusina. “Tinatanong ni mommy kung gusto mo raw ba ng sopas, ipagluluto ka niya.” dagdag pa ni Tyrone.“Hindi ko alam kung makakakain pa ako nun kung ipapaubos mo sa akin lahat ng pagkain na dala mo.” Sagot ni Czarina, tiningnan ni Tyrone ang dala niya saka siya natawa. Naupo n

  • My Contract Marriage   Kabanata 132.2

    Masayang nilagyan ni Matthew ang baso ni Tyrone ng alak. Maging sila ay naghintay sa araw na makakalabas ng hospital si Kalix.“Akalain mong nagawa niyang makalabas. He’s really a fighter.” Saad ni Matthew. Nakatanaw lang sila kay Kalix dahil kahit gusto nila itong lapitan hindi pwede dahil baka kung anong bacteria o sakit pa ang dala-dala nila mula sa labas.“He’s Fuentes, ano pa bang aasahan mo? Masyadong fighter ang mga Fuentes. Tingnan mo lang din yung nangyari kay Owen. Akala mo ay hindi kakayanin pero kinakaya nila. Anong klaseng dugo ba ang meron kayong mga Fuentes? Dugo ba yan ng mga immortal?” pagbibiro ni Aries. “But I’m so happy for you bro. Akalain mong ang iniiyakan niyo lang noon, ang sanhi ng mga sakit na nararamdaman niyo ay naiuwi niyo na rin sa wakas.” Seryosong dagdag ni Aries.Napabuntong hininga si Tyrone. Hindi pa tapos ang laban ng anak nila at sisiguraduhin nilang palagi silang nasa tabi nito.“Kailan niyo siya planong idala sa Germany?” tanong naman ni Hailey.

  • My Contract Marriage   Kabanata 132.1

    Nakangiti ang mag-asawa na pumasok ng mansion. Wala silang sinabihan kahit sino sa kanila na ngayon ang uwi nila. They want to surprise them. Pagkatapos ng dalawang linggo nila sa ward nadischarge din sila at yun ang pinakamasayang araw na nangyari sa kanila simula nang malaman nilang may sakit sa puso si Kalix.Nagdoorbell na si Tyrone, alam nilang nasa loob lang silang lahat ng mansion dahil weekend depende na lang kung umalis ang mga ito para sa mga personal matters nila.“Ay sir!” gulat pang saad ng katulong na nagbukas ng pintuan. Sinenyasan ni Tyrone na huwag maingay ito.“Nandyan ba silang lahat? Ang kambal hindi ba umalis?” mahinang tanong ni Tyrone.“Nandito po silang lahat pati ang chairman. Nasa sala po ang kambal kasama si ma’am Melanie at sir Owen.” Bakas ang excitement sa tinig ng katulong lalo na ng makita nito ang baby na nakabalot pa sa swaddle.“Yaya sinong nagdoorbell?” rinig nila sa boses ni Melanie. Hindi naman sumagot ang katulong dahil kinuha na nito ang maleta

  • My Contract Marriage   Kabanata 131.2

    “Kakayanin niya yan lahat.” Wika naman ni Tyrone. Nagngitian na lang silang dalawa. Sa tuwing binabawasan ang oxygen ni Kalix ay nagiging tolerable niya naman. Ibinaba pa ito hanggang level 2 na. Hindi na masyadong malakas ang pressure ng oxygen. Umaasa si Czarina na sa susunod na mga araw ay matatanggal na ang oxygen ng anak nila.“Hello mommy, ibigay ko lang po ibang gamot ni baby. Nasabi po pala nila doc na i-train na po natin si baby na magfeed sa bottle para uuwi po kayong wala siyang tubo.” Wika ng nurse, sa sinabi ng nurse ay tila tumalon ang puso ni Czarina sa saya at gulat.“Uuwi?” aniya. Narealize naman ng nurse ang sinabi niya.“Opo mommy, pinaplano na po nila doc ang pag-uwi niyo dahil ngayong araw po ang tapos ng antibiotic ni baby. So, wala na pong medicine si baby maliban na lang po sa mga maintenance niya pero planning pa lang naman po mommy.” Sagot ng nurse na ikinatango ni Czarina. Hindi niya alam kung bakit hindi siya nagiging excited. Ayaw niya naman kasing madalii

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status