"Nandun lang ba si Chairman sa office niya? I need to talk to him kasi. Ako ang pinapunta ni Daddy sa meeting at kailangan ko ring makausap si Chairman Fuentes dahil may gustong ipasabi si--"
"Just see if he's there." Masungit na pagpuputol ni Tyrone sa sasabihin sana ni Rhianne. Napapanguso na lang si Rhianne dahil sa pagiging masungit ni Tyrone sa kaniya. Totoo pala talaga ang mga naririnig niya tungkol kay Tyrone, masungit nga ito at tila ba walang interes sa mga babae."Bakla ka ba?" Lakas loob na saad ni Rhianne. Hindi makapaniwalang nilingon ni Tyrone si Rhianne saka siya napapailing."Kung sa tingin mo hahalikan kita para maniwala ka, hindi ko gagawin yun." Masungit pa rin niyang sagot."Kung ganun, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa mga babae? Baka lalaki rin ang tipo mo? Sayang naman ang lahi mo." Tila pang-aasar pang wika ni Rhianne. Humugot ng malalim na buntong hininga si Tyrone para kalmahin ang sarili niya. Wala siya sa mood para patulan pa angSinamahan na lang ni Czarina si Tyrone sa kusina, pinanuod niya itong magluto. Napapangiti na lang si Czarina habang nakatitig siya sa likod ng asawa niya. Nakasando na lang ito kaya kitang kita ni Czarina ang malaking braso ng asawa niya. Swinerte talaga siya sa asawa niya. Kumbaga, he’s perfect. Nasa kaniya na lahat, kabaitan, kagwapuhan, kasipagan, at higit sa lahat ang pagiging mapagmahal nito.Nang makita ni Tyrone na nakangiting nakatitig sa kaniya ang asawa niya habang nakapangalumbaba ito ay bahagya na lang siyang natawa. Paano niya magagawang lokohin ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin siya? Ang babaeng nagbigay ng kulay sa mundo niya, ang babaeng nagbigay ng mga anak sa kaniya?Nilapitan ni Tyrone ang asawa niya.“In love ka na naman sa akin?” pang-aasar ni Tyrone. Matamis namang ngumiti si Czarina.“Oo naman, sino bang hindi maiilove sa kagaya mo? May magandang pangangatawan, masipag, masarap magluto, maasikaso at mapagmahal? Paanong hindi ako maiilove?” napat
Napayuko na lang si Tyrone habang nanggagalaiti pa rin sa galit si Czarina. Kung alam niyang ikakasama ito ng loob ng asawa niya sinabi niya na lang sana ng mas maaga. Sinalubong ni Tyrone ang nag-aapoy sa galit na mga mata ani Czarina. Malalim ang bawat paghinga niya.“Hindi ka ba magsasalita? Wala ka bang sasabihin? Pipiliin mong magalit ako at sumama ang loob ko? Answer me Tyrone!” ani pa rin ni Czarina. Gustong punasan ni Tyrone ang mga luha ng asawa niya. Gusto niya itong yakapin pero alam niyang ipagtatabuyan siya ng asawa niya.“Wala akong babae kung yun ang iniisip mo. Wala akong itinatagong ikasasama ng loob mo. Calm down first, love, please. Hindi kita niloloko, wala akong kinakatagpo kung yun ang iniisip mong ginagawa ko. Well, yes, I admit it. Matagal na akong umaalis ng kompanya ng maaga at umuuwi dito ng hapon na. May itinayo akong business kasama ng mga kaibigan ko at yun ang dahilan kung bakit maaga akong umaalis sa kompanya ni lolo. Hindi alam ng pamilya ko ang tungko
“Hindi pa naman. Bakit mo natanong? Maaga pa para umuwi.”“Pasensya na po sir, akala ko po kasi uuwi na rin kayo gaya ni sir Tyrone.” Nagsalubong ang mga kilay ni Owen.“What do you mean? Madalas bang umuwi ng ganitong oras si Tyrone?”“Opo sir, araw-araw siyang umuuwi ng ganitong oras.” Sagot ng guard. Nagtataka naman si Owen pero ng maalala niyang buntis si Czarina, ipinagsawalang bahala niya na lang yun dahil baka gusto lang umuwi ni Tyrone ng maaga para sa asawa niya.Bumili na siya ng ice coffee niya saka siya bumalik sa kompanya. Napahinto siya sa paglalakad ng makita niya si Czarina na kakababa lang ng sasakyan. Hindi ba alam ni Czarina na pauwi na si Tyrone?Nilapitan ni Owen si Czarina, malaki na ang tiyan nito pero mas blooming ito ngayon.“Hey, what are you doing here?” tanong ni Owen nang mahabol niya si Czarina. Nginitian naman siya ni Czarina.“Nagkita kasi kami ni Hailey malapit lang dito. Naisipan ko lang na bisitahin si Tyrone para sabay na rin kaming umuwi mamaya.” R
Pinaimbestigahan ni Chairman ang sarili niyang apo na si Tyrone. Gusto niyang malaman kung anong itinatago ng apo niya sa kanila. Bakit parang bigla siyang nakaramdam ng takot sa sarili niyang apo? Kaya ba talagang bilhin ni Tyrone ang kompanya niya? Anong pinagkakakitaan ni Tyrone para magawa ang bagay na yun?Nang may kumatok sa pintuan niya ay pinapasok niya ito. Pumasok naman kaagad ang executive secretary niya.“Anong dala mong balita?” tanong ni Chairman saka niya inayos ang mga papeles na nasa lamesa niya.“Wala pa ring nalalaman ang mga detective tungkol sa apo niyong si Tyrone pero ang isang bagong kompanya sir, ang Thundertruck motors, pumapangalawa na sila sa atin. Kaunting points lang ang lamang natin sa kanila. Kung magpapatuloy na maganda ang performance ng mga sports car nila hindi imposibleng manguna na ang kompanya nila kesa sa atin. Sa dami ng products at services ng business niyo, ang mga sportscars at iba pang sasakyan ang pinakamalaking revenue.” Wika ng secretary
“Now you know. Umalis ka sa daraanan ko, paharang-harang ka.” Binangga ni Owen si Marcus nang hindi ito kaagad gumilid. Hilaw na lang na natawa si Marcus saka niya nilingon si Owen na dire-diretso nang naglakad palayo.“Hintayin niyo lang, wala sa inyong dalawa ang ihihirang na magiging CEO.” Nagmamayabang na wika ni Marcus saka ito umalis. Inis pa niyang sinipa ang sahig dahil sa mga natanggap niyang salita mula kay Owen.Nang matapos ang araw na yun ay umuwi na si Tyrone. Naigarahe niya na ang sasakyan niya pero hindi pa rin siya bumababa. Tinitingnan niya ang sugat sa gilid ng labi niya. Iniisip niya kung paano niya ba yun itatago sa asawa niya pero kahit anong isipin niya, wala siyang maisip para maitago yun. Napabuntong hininga na lang siya. Kailangan niya talagang tanggapin ang galit sa kaniya ng asawa niya.“Sana lang ay hindi siya magalit sa akin ng sobra. She’s pregnant, you fool, Tyrone.” Usal ni Tyrone sa sarili niya. Ayaw niyang bigyan ng sakit ng ulo o problema ang asawa
Nagkaroon sila ng meeting para sa announcement ni Chairman sa pagbabalik ni Owen. Tahimik lang si Tyrone na nasa gilid habang nakatuon ang paningin sa ballpen niyang nilalaro na naman niya. Napapataas naman ang kilay ni Marcus. Hindi niya talaga gusto ang mga Fuentes pero kailangan niyang tiisin na pakisamahan ang mga ito. Nang matapos ang meeting nila ay akma na sanang aalis si Tyrone nang magsalita si Chairman.“I need to talk to you, Tyrone. Maiwan ka rito,” maawtoridad na saad ni Chairman. Napapaikot na lang ang mga mata ni Tyrone pero wala siyang nagawa kundi ang maupo ulit sa kinauupuan niya at hinintay nilang makalabas lahat ng mga board of directors. Nagpaiwan din si Owen kahit na hindi naman siya tinawag ni Chairman.“What is that? Bakit init ng ulo ang pinairal mo? Ano itong kumakalat sa kompanya na nag-away kayo ni Marcus? Hindi mo ba kayang kontrolin ang galit mo?” diretsong wika ni Chairman.“I did my best, Chairman, pero sinasagad niya ang pasensya ko.”“Yun na nga, sina