INICIAR SESIÓNKamusta po kayo? Sana nagustuhan niyo po ang kabanatang ito. Maraming salamat po sa pagsuporta, see you sa next chapter! Love, Mir.
3rd Person’s POVKINABUKASAN“Dahan-dahan ka sa paggalaw-galaw, Carol! Baka mabinat ka!” tarantang alalay ni Jade habang iniaayos ang mga unan sa likod ni Caroline.“Babe, huwag kang magalaw, baka mapano ka. Ako na aalalay kay Carol. Maupo ka na lang d'yan,” mabilis na suway ni Kael sabay higit sa braso ni Jade para pasimpleng iupo ito sa sofa sa loob ng kwarto ng kaibigan.“Jade, iha... buntis ka ba?” biglang tanong ni Mommy Mara habang inilalapag ang tray ng mirienda sa coffee table.“H-Ha? Tita Mara naman! Nakakagulat ka naman po magtanong!” pigil-hiningang tanggi ni Jade habang napatayo nang alanganin.“Iha, naranasan ko na nag magbuntis at manganak. Kabisado ko ang kilos ng taong may dinadala,” nakangiting pambubuko ni Mara sabay turo kay Kael. “At ang kilos nitong boyfriend mo, kilos ng lalaking takot na takot na mahulog ang anak niya. Medyo OA nga lang, hahaha!”“A-ay… hehehe,” tanging sagot ni Kael habang palingon-lingon kay Jade.“Ano nga? Umamin na kayo, nasa tamang edad nama
3rd Person’s POVNaningkit ang mga mata ni Jade habang nakatitig sa tinidor. Natahimik bigla ang buong mesa. Sa tapat nila, sina Tobias, Kael, at Raegan ay sabay-sabay na napayuko para lang itago ang kani-kaniyang pigil na ngiti.Bumuntong-hininga si Jade, dahan-dahang binuksan ang bibig, at pikit-matang kinain ang ibinigay na karne."Yes! Suhol works!" napahagikgik na bulong ni Rhea.Napailing na lang si Caroline habang nakatitig sa dalawa. Kasi kahit gaano kataltalera, palamura, at palaban si Jade, alam nila na ito pa rin ang may pinakamalambot na puso sa kanilang lahat.Malambot na puso plus walang prenong bibig, perfect combination!Pagkalipas ng isang linggo,sa wakas ay nakalabas na ng hospital si Caroline. Pero imbis na dumiretso sa dating bahay nila ni Tobias, sa bahay ng mga magulang niya siya dinala ng pamilya niya at ni Tobias.She can’t wait to finally lie in her childhood bed. Pero pagdating doon ay kaagad siyang nagulat sa nakita niya.Naka-arrange sa loob ng kwarto ang
3rd Person’s POVNapatitig si Caroline kay Tobias.“What do you mean? Everything?” nangunot ang noo ni Caroline. “Everything, Carol. Isinuko niya ang lahat so the Del Fierros won’t bother you anymore,” she said, full of sincerity.Nangingilid ang mga luha sa mga mata ni Caroline habang nakatitig sa lalaking nakatungo lang sa gilid. Alam na alam niya kung gaano naghirap si Tobias para mabuo ang sarili nitong pangalan at maabot ang lahat ng mayroon ito. Tapos ngayon… wala na. She can’t help but feel guilty, dahil sa kanya nawala kay Tobias ang lahat."Ah... eh 'di mahirap ka na niyan?" tanong ni Jade sa gitna ng seryoso nilang usapan."Babe, pigilan mo 'yang dila mo," suway agad sa kaniya ni Kael sabay higit sa braso nito, pero sadyang walang sinumang makakapigil kay Jade."Nagtatanong lang ako!" baling ulit ni Jade kay Caroline sabay duro sa asawa nito. "Wala ka na palang mapapala d'yan, Carol, eh! Hahanapan na lang kita ng bago. Marami akong kakilalang mayaman—""Hey, may ipon ako!"
3rd Person’s POV“So ang ibig mong sabihin, kaya pala all this time zero-jowa count 'yang si Tobias, kasi ayaw ng pamilya niyang magkaroon siya ng tagapagmana?” tanong ni Jade habang pabalik-balik ang lakad sa loob ng hospital room. Para siyang detective sa mga crime series, minus the trench coat.“Gano'n na nga. At no'ng na-realize nilang hindi na talaga mapipigilan 'yong kasal, that’s when they planned the b*mbing,” sagot ni Raegan habang nakaupo sa couch, katabi ang girlfriend niyang si Rhea.Sa kabilang couch naman, magkatabi sina Kael at Tobias. Panay ang lingon ng ulo ni Kael kasunod ng paroo’t paritong paglalakad ni Jade.Napatigil si Jade sa gitna ng kwarto, itinuro si Raegan, at nagtaas ng kilay. “At gusto nilang ikaw ang mag-handle ng kumpanya kapag nawala si Tobias? Eh 'di ba bob* ka?”Zero filter. Straight to the point.Muntik nang maibuga ni Carol ang gatas na iniinom niya sa kama. Pinigilan lang niya ang sariling mabulunan habang mabilis na pinupunasan ang labi.“Hey! D
3rd Person’s POVMAKALIPAS ANG DALAWANG ARAW.Napakagaan na ng aura sa loob ng hospital room nang sa wakas ay magising na si Caroline. Everyone was happily tending to her. Nakaupo siya sa kama habang maingat na sinusubuan ng lugaw ni Mommy Mara, surrounded by her family’s laughter and warmth.Naka-videocall pa sa iPad na hawak ni Claire ang matalik niyang kaibigan na si Jade."Asus! Hiwalayan mo na 'yan!" nanggagaliting sigaw ni Jade mula sa kabilang linya ng screen, complete with wild hand gestures pa! "Ginanon ka niya? Pakyu siya kamo! Kung nandyan lang ako tatadayakan ko sa lalamunan yan sinasabi ko sa iyo!"Napailing nalang na natatawa ang mga kasama nila sa kwarto."Ano ka ba, babe? 'Yung mga salita mo, ayusin mo nga. Tsaka mabait naman si Pareng Tobias, baka nabigla lang 'yung tao sa mga nangyari,” biglang sabat ni Kael. Ipinagtatanggol ang kaibigan.Mabilis siyang lilingonin ni Jade, pinagtaasan ng kilay. "Ikaw ang biglain ko riyan, gusto mo?"Mahinang napatawa si Caroline sa k
3rd Person’s POVNang mailipat si Caroline sa isang malaking private room matapos ang ilang oras na kababaang-loob sa ER, tila nabawasan ng kaunti ang mabigat na batong nakadagan sa dibdib ng lahat. Ipinaliwanag ng doktor that Caroline is in a state of coma dahil sa extreme fatigue at severe hypoglycemia dahil sa sobrang stress, pagod, at gutom. It was her body's natural defense mechanism to shut down and heal. Hindi naman daw ito ganun kaseryoso at kailangan lang talaga nitong makapagpahinga nang husto at makabawi ng lakas.Kahit narinig na ang magandang balita, panay pa rin ang sisi ni Tobias sa kaniyang sarili. Nakaupo siya sa tabi ng kama habang mahigpit na nakahawak sa malamig na kamay ng asawa, looking entirely consumed by guilt at ayaw na ayaw niyang umalis sa tabi nito kahit na halos manghina na rin siya.Dahil dito, sina Mara at Claire na mismo ang nag-asikaso sa kaniya. Pilit nila siyang pinakain at pinainom ng pampakalma at pampatulog para lamang mapilitan itong makapagpahi







