ALEXIA POINT OF VIEW
Maaga akong nagising sa mansion ni Julian mga bandang alas siyete, which for me is already an achievement. Dahil walang alarm ng kapitbahay na nagka-karaoke o ng manok ng katabi naming tindahan, medyo napa-oversleep pa ako ng konti. Pero pagdilat ko, may sunlight na dahan-dahang sumisilip sa bintana ng kwarto kong may sariling curtain na remote-controlled. Akala ko tuloy may multo. Bumangon ako habang naka-daster pa. Alam mo yung classic na pambahay na may cartoon character na faded na? Yes, yun ang suot ko. At dahil wala akong balak lumabas ng mansion ngayong araw, deadma na. Bumaba ako para maghanap ng kape. Kasi alam naman natin walang matinong desisyon ang isang taong hindi pa nakakakape. Pagbaba ko sa ground floor, may narinig akong usapan sa isang malaking kwarto na may sliding doors. Bukas ang kalahati, tapos may naririnig akong English na medyo nosebleed level. “Revenue projections for Q4 have increased by—” Yun lang ang narinig ko at napa-yuko na ako. Grabe, corporate meeting to. Pero teka, bakit parang familiar yung boses? Kaya dahan-dahan akong sumilip. At ayun na. Si Julian, naka-suit, nakaupo sa head of the table, habang ang daming taong naka-laptop at may hawak na papel, lahat seryoso. May mga foreigner pa! “Tangina…” bulong ko. “Bakit may board meeting sa bahay?!” Babalik na sana ako sa kusina nang biglang— “Miss Sarmiento.” SHET. Tumigil ang mundo. Lahat sila, napatingin sa akin. At oo, naka-daster ako. May butas pa sa tagiliran. Walang suklay. Barefoot. Tapos hawak ko pa yung mug na may print na “I Woke Up Like This.” Literal. Julian stood up slowly. “What are you doing here?” “Ah… k-kape lang po sana…” Tapos biglang may isang matandang lalaki na may American accent ang tumawa. “Well now, that’s a real wake-up call. Is she part of the team?” Nagkatinginan ang lahat. Si Julian parang gusto na lang maglaho sa kahihiyan. Pero syempre, hindi ako papayag na paalisin na lang ako nang walang laban. “Hi, good morning po,” bati ko habang lumapit ako. “Ako po si Alexia. Certified coffee lover. Legal responsibility ni Mr. Julian. At hindi po talaga ako dapat nandito, pero... na-curious ako. Bakit po may meeting sa mansion?” Maya-maya, may isang babae na mukhang sosyal na sosyal na may laptop at eyeglasses ang sumagot. “This is the quarterly executive meeting for Alarcon International. It’s a very private and sensitive discussion.” “Sensitive nga, pero ang boring ng font ng presentation n’yo,” sagot ko habang sumusulyap sa screen. “Kung gusto n’yo ng impact, gumamit kayo ng colors. Parang puro spreadsheet. Walang feelings.” May humikab sa likod. Totoo. May humikab! Julian clenched his jaw. “Alexia, please—” But one of the foreign delegates chuckled. “Actually, she has a point. This deck is unreadable.” “Excuse me?” tanong nung babaeng sosyal, halatang triggered. “You’ve used Arial for everything,” dagdag ni foreigner boss. “And the numbers have no context. I’ve been sitting here for forty minutes and I still don’t know why we’re behind in Southeast Asia.” Napatingin silang lahat kay Julian, then sa akin. Tumawa ako ng bahagya. “Ako na ba ang tagasagip ng meeting na ‘to? Hindi ko rin gets, pero kung gusto n’yong malaman bakit bagsak kayo sa Southeast Asia… baka kasi boring kayo.” “Excuse me?” “Pakinggan n’yo muna ako. Walang Filipino sa commercial campaigns n’yo. Puro model from Europe, o mga sobrang sosyal na mukha na hindi relatable. Try n’yong kumuha ng content na pang-masa. Kung gusto n’yong umangat dito, ilaban n’yo sa TikTok. Magpa-collab kayo sa mga influencer na nagbebenta sa kariton. O kaya gumawa kayo ng ad campaign na may kwento. ‘Wag puro graphs.” Tahimik. As in literal na nakarinig ako ng langgam. Then, tumawa yung foreign boss ulit. “Well, Julian. Looks like your… niece just salvaged this meeting.” Julian closed his eyes like he was counting to ten in his head. “She’s not my niece.” The American guy nodded at me. “Miss Alexia, would you be open to consulting with our marketing team for a new direction?” Wait. Anong nangyayari? “Ay... hindi po ako graduate ng marketing, ha,” sagot ko agad. “Pero mahilig po akong manood ng ads, tsaka mabilis akong makaramdam kung pangit o maganda yung vibe ng isang brand.” “She speaks the consumer’s voice,” sabi nung matandang foreigner. “We need more of that. Enough of corporate echo chambers.” Si Julian, hindi ko alam kung matutuwa o magwawala. Halatang gusto na niya akong i-evict sa bahay niya. After a few more minutes, natapos na ang meeting. Slowly, nagsi-alisan ang mga executives, karamihan nagpaalam pa sa akin. “Nice insights, Alexia.” “You’re a fresh voice.” “That was… unexpected, but brilliant.” At eto ang pamatay yung sosyal na babae na akala mo kontrabida sa teleserye, hindi makatingin nang diretso sa akin habang binubura ang slides niya. Pagka-alis ng lahat, naiwan kaming dalawa ni Julian sa conference room. Tahimik siya. Ako rin. Tinitingnan ko lang yung mug ko na halos wala nang laman. “Sorry,” bungad ko. “Hindi ko alam na may meeting. Akala ko... family breakfast lang.” He let out a heavy sigh. “You just hijacked a million-dollar meeting wearing a shirt with a cartoon eggplant.” Napatingin ako sa damit ko. Ay oo nga. ‘Yung paborito kong pambahay na may emoji na talong. “Nakatulong naman ako, ‘di ba?” “...Yes.” “Hindi mo aaminin nang buo, pero tanggap ko na. Ako ang secret weapon mo, Ninong.” Tumingin siya sa akin, halatang confused kung matatawa o maiinis. “You’re a disruption, Alexia. But somehow, a useful one.” “Pwede ko bang i-translate yan as ‘You’re welcome?’” “No.” “Okay lang. Gets ko naman.” Umalis ako sa conference room na nakangiti. Sa totoo lang, wala akong balak sumali sa corporate life. Pero kung ang pagiging totoo sa sarili ko ay nakatulong sa business empire ng isang seryosong Ninong... Eh ‘di wow. Isa lang ang natutunan ko today. Hindi mo kailangang maging corporate para mapakinggan. Minsan, kailangan lang nila ng isang walang galang girl para matauhan. Pagbalik ko sa kwarto, sakto namang dumaan si Mateo, ‘yung teenage brother ni Julian na lagi lang tahimik at busy sa phone. Napatingin siya sa suot ko, sabay turo. “Ate... seryoso kang pumasok sa meeting na ganyan ang itsura?” “Hoy, nakatulong ako ha!” depensa ko. “Ako ang unofficial consultant nila ngayon. Respect the pambahay.” Tumawa lang siya. “Legendary ka, Ate. Viral ka na siguro by now.” Napaisip ako. Viral? Sa totoo lang, hindi imposible. Pero ang mahalaga, kahit suot ko pa’y mukhang hindi pang-boardroom, napatunayan kong hindi mo kailangang magmukhang sosyal para maging impactful. ‘Wag lang talagang walang deodorant.Alexia's Point of ViewNapansin ko na may mali simula pa lang ng lunes. Normally, kahit mukhang wala sa mood si Julian sa office, he still finds a way to nod at me or at least glance—na parang sinasabi niyang, you’re doing well, Alexia. Pero ngayon? Ni isang sulyap wala. Parang invisible ako.“Good morning,” bati ko habang bitbit ang daily report sa desk niya.Walang sagot.Nilapag ko ‘yong folder, at huminga nang malalim. “Here’s your meeting agenda, Julian. You have a board call at ten—”“I know,” sabat niya.Napakurap ako. Cold. Icy. Parang hindi niya ako kilala.Tumalikod na ako para umalis pero hindi ako nakatiis. Pagbalik ko ng desk ko, binuksan ko agad ang group chat namin ni Sabrina at Alvin.ALEXIA:BFF. Si Mr. CEO mo? Nagiging Mr. Cold Brew.SABRINA:Ugh, anong ginawa mo? Binati mo ba ng “Ninong”?ALEXIA:Nope. Behaved ako. Even wore pants!ALVIN:Wait. Nandito ako. Anong pants? Bakit may pants update?Napangiwi ako. Hindi ko na binasa 'yong replies nila after that. Focus mu
Alexia’s Point of ViewHindi ko alam kung paano ako napasok sa ganito. Dati akong simpleng dalaga na ang pangarap lang ay makapagtayo ng sariling café at mabuhay ng tahimik. Pero ngayon? Secretary na ako ng isang lalaking akala mo ay pinaglihi sa kasungitan at pagka-control freak—si Julian Alarcon, ang ninong kong ayaw magpatawag ng “Ninong.”Lunes ng umaga, naka-ayos ako ng maayos, naka-blazer, naka-heels, at halos dalawang oras na akong naka-alerta sa loob ng opisina. Mahigpit ang bilin niya—bawal malate, bawal ang chismisan, at pinakaimportante sa lahat, bawal siyang tawaging Ninong."Ayaw na ayaw kong maririnig ang salitang 'Ninong' sa office na ’to, Alexia. Call me sir. Or Julian. Or boss. Pero pag tinawag mo akong Ninong, baka mapilitan akong i-deduct ang isang milyon mo,” may halong biro man ang tono niya noon, pero alam mong may kasamang banta.One million. Isang milyon kada buwan. Sino ba namang tatanggi sa gano’n? Kaya kahit labag sa kalooban ko, pikit-mata akong pumayag mag
Alexia’s Point of View Grabe talaga si Alvin. Hindi ko maintindihan kung paano siya palaging may drama kahit simpleng usapan lang ang nangyayari. Pero sa isang gabi, sa gitna ng ingay ng mga bote at baso ng inuman sa likod ng mansion, naisip kong bigyan siya ng chance na magbukas ng puso. Alvin, ang nakababatang kapatid ni Julian, ay kilala sa pagiging drama king. Siya yung tipo ng tao na laging gusto ang attention, parang siya ang bida kahit sa buhay ng iba. Palagi siyang nakikisawsaw sa mga usapan namin ni Ninong, lalo na kapag andito si Lola Glo, na parang tinalo pa niya ang apo niya pag nagpapabida si Alvin. “Alam mo, Alexia,” sabi niya habang hawak-hawak ang baso ng beer, “parang palaging ako yung sidekick lang sa buhay ni Julian. Si Ninong ang star, ako yung background music na walang beat.” Tumingin ako sa kanya, medyo napahiya sa sincerity niya. Hindi ko alam na ganito pala siya kabigat sa loob. “Bakit mo naman nararamdaman ‘yun?” tanong ko habang inaabot ang isa pang
Alexia’s Point of View I never thought coffee could be this complicated. Hindi lang kasi ‘to basta kape na pwedeng i-order at inom sa isang upuan. Para sa akin, ang mini café ko sa mansion ay parang baby ko na unti-unting lumalaki, may sariling ugali, at minsan, sinisiraan ng Ninong na sobra-sobrang perfectionist. “Alexia, sobra na ‘yang ginawa mo sa coffee machine,” sabi ni Julian minsan habang pinagmamasdan niya ako na parang nagluluto ng concoction sa science lab. “Tapos, ‘yun ang perfect espresso shot para sa customer. Hindi mo pa naiintindihan ‘to, Ninong.” “Ako, nakaka-caffeine na kahit naka-kape ako,” ang sagot niya, nakangisi pero halatang nakakainis pa rin. Pero kahit anong sabihin niya, ang dami nang nagtatanong sa mga tao sa mansion tungkol sa maliit kong coffee corner. Nagustuhan nila. At masaya ako kahit maliit lang ‘yun—kasi ‘yun ang pinapangarap ko simula pa nung bata ako. Isa lang ang gusto ko: magkaroon ng sariling coffee shop sa city, kahit maliit lang, na
ALEXIA POINT OF VIEW First day pa lang ng counseling, pero para na akong giniling sa hiya. From the moment na pumasok kami ni Julian sa ultra-sosyal na clinic sa BGC—may mood lighting, imported essential oils sa air diffuser, at background music na parang pang-spa sa Santorini—alam ko nang hindi ‘to yung typical na family counseling na ini-imagine ko. Parang couple’s retreat na hindi nila inamin. “Alexia Sarmiento and Julian Alarcon?” tawag ng receptionist na parang Miss Universe ang postura. Nagkatinginan kami ni Julian. Ako, halos magsisigaw na ng ‘Ayoko na, uwian na!’ Pero siya, parang CEO ng feelings, kalmado, matikas ang tindig, at may hawak pa ring Starbucks cup. Habang papasok kami sa room ng therapist, siniko ko siya. “Bakit parang ikaw pa ‘tong excited? Counseling ‘to, hindi board meeting.” Nag-smirk siya. “I always prepare for war.” Nag-roll ako ng eyes pero hindi ko maiwasang kiligin. Ang gago. Kahit serious na moments, may dating pa rin. Sa loob ng glass-walled, we
ALEXIA POINT OF VIEW Hindi ko alam kung anong pumapasok sa isip ni Mayor Rico para gusto niyang kunin ang kustodiya ko. Parang hindi niya naiintindihan na hindi ako bata na puwedeng basta-basta iwan at kunin ng kahit sino lang. Pero dahil sa legal na laban, kailangan naming maging matapang—ako at si Ninong Julian.“Alexia, kailangan nating ayusin ito ng maayos,” sabi ni Julian habang nag-aayos siya ng mga dokumento sa opisina ng kanyang mga abogado. “Hindi ko hahayaang mapasama ka sa mga ganitong gulo.”“Pero Ninong,” sabi ko, “paano kung manalo siya? Anong gagawin ko?”“Tiwala lang,” sabi niya, tumingin sa akin ng seryoso. “Pinoprotektahan kita, hindi lang bilang guardian mo, kundi bilang isang tao na handang ilaban ka.”Naramdaman ko ang bigat ng kanyang mga salita, pero nakaka-relax na marinig siya na ganoon kabigat ang loob para sa akin. Hindi ko inaasahan na magiging ganito kalaki ang problema namin, pero kung kasama ko si Julian, sigurado akong kakayanin namin.Ilang araw ang l