Beranda / Romance / My Crazy Rich Ninong / CHAPTER 2: Ayoko sa Sosyal

Share

CHAPTER 2: Ayoko sa Sosyal

last update Terakhir Diperbarui: 2025-05-22 20:03:50

ALEXIA POINT OF VIEW

Pagpasok ko pa lang sa limousine, alam ko na agad hindi ako belong dito. Para akong nilagay sa setting ng teleseryeng hindi ko auditioned. Kumportable yung upuan, parang niyayakap ako ng marshmallow, tapos may wine glass sa gilid na may pa-sparkle effect pa. Akala ko sa movies lang meron nito.

Pero syempre, hindi ako nagpahalata. Chin-in ko ang mukha ko sa bintana habang sinasabi sa sarili. Alexia, cool ka lang. Wag kang magmukhang promdi.

Kaharap ko si Julian, tahimik, nakapikit na parang pinagsisisihan na agad ang lahat ng desisyon niya sa buhay. Hindi ko alam kung nainis siya kasi sinabihan ko siyang bossing sa Jollibee, o dahil sa spaghetti. Pero keri lang. Too late na para umatras siya.

“Wow,” bulong ko habang nilalapit ang mukha ko sa mini TV screen sa loob ng sasakyan. “Pwede palang manood dito ng N*****x habang nasa trapik?”

“Please don’t press anything,” sabi niya nang di dumidilat.

“Copy po, Ninong.”

Pagdating namin sa mansion, literal na bumuka ang bibig ko. Hindi figuratively ha literal. Parang gutom na bata na nakakita ng buffet. Ang gate pa lang, may fountain na mukhang gawa sa tears ng unicorn. Tapos ang driveway? Mas mahaba pa sa pila sa SSS.

Pagbaba ko ng kotse, hinawakan ko agad yung bakal ng gate. “Baka may kuryente ‘to. Baka sensor. Baka biglang mag-transform.”

“Miss Sarmiento, this way,” sabi ng isang butler na naka-tuxedo. Yung legit na mukhang Alfred sa Batman.

Pagpasok namin sa loob, ayun na. Na-scam na talaga ang pagkatao ko. Akala ko mansion lang, pero para akong pumasok sa museum. Crystal chandelier, marble floor, sobrang linis, parang kahit alikabok naiilang pumasok.

“Wow…” bulong ko. “Baka ‘pag nadulas ako dito, kailangan pa ng operation.”

Julian just walked ahead like it was nothing. Ako naman, parang batang bagong pasok sa SM.

“This is your new home,” sabi niya.

“Home? Para sa akin ‘to?” tanong ko, habang lumalapit sa isang golden vase. “Baka decoration lang ako dito ha. Baka sa guest room ako ilalagay, tapos ‘di puwedeng mag-ingay.”

“You’ll have your own room. With everything you need.”

Sumunod ako sa kanya paakyat. Grabe, pati hagdanan carpeted. ‘Di ka maririnig kahit dumiretso ka sa kwarto ng crush mo.

Pagdating namin sa third floor oo, third floor binuksan niya ang pinto ng isang malaking kwarto. Mas malaki pa ‘to sa buong boarding house ko. May queen-sized bed, vanity area, sariling sofa set, at isang walk-in closet na parang maliit na department store.

“Are you sure hindi ako ina-adopt para gawing exhibit?”

“This is your room, Alexia. I had it prepared.”

Tumakbo agad ako sa kama at tumalon. BOING! Ay wow. Parang ulap.

“Ang lambot!” sigaw ko. “Puwede akong tumira dito forever!”

Napangiti ako. Pero nang tumingin ako kay Julian, hindi siya natatawa. Instead, parang mas lalo siyang nanlumo.

“I’ll leave you to rest. Dinner is at seven.”

“May pa-schedule pa?”

He didn’t answer. Umalis na lang siya nang tahimik, parang may mabigat sa dibdib.

Pag-alis niya, agad akong nagsisiyasat. Binuksan ko ang closet punong-puno ng designer clothes. May tags pa. Prada, Gucci, Versace.

“Wala bang Bench o Penshoppe?” bulong ko. “Baka allergic ako sa mahal.”

Pagbukas ko ng CR, ayun na. PAK! Parang napasigaw ang kaluluwa ko. Lahat gold. Gold faucet, gold shower knobs, gold-framed mirror. At eto ang pinaka-pamatay GOLD TOILET.

“OH. MY. GOSH.” Tinakpan ko ang bibig ko. “Sino ang um-iihi sa ganito? Baka may alarm ‘to pag hindi maganda ang flush sound.”

Lumapit ako sa toilet, tapos kinuha ko ang phone ko. Selfie time. “Hi mga bes, welcome to my throne!”

Nag-video pa ako. “Day one: Ayoko sa sosyal. Pero pipilitin ko. Para sa future ko. At sa mga plants ko.”

Nang biglang may kumatok. “Alexia?”

“Ay, Ninong!” Napa-sit ako agad sa sahig, para hindi niya makita na nagvi-video ako sa harap ng toilet.

“Dinner is ready. Join me downstairs.”

“Copy po!”

Nang makaalis siya, tumayo ako agad. Tumitig ulit sa toilet. “Pangarap ko dati, makabili ng bagong tabo. Ngayon, golden toilet na ang kaibigan ko.”

Bumaba ako sa dining area, at naloka ako sa table setup. Parang pang-wedding reception. May candles, wine glasses, and twenty kinds of kutsara’t tinidor.

“Excuse me, Ninong, alin dito yung pang-rice?”

“Any will do.”

Umupo ako sa tapat niya, habang pinaglilingkuran kami ng mga staff na parang nasa five-star hotel. Akala ko may waiter lang, pero may chef, may taga-punas ng table, may tagatimpla ng tubig baka may tagapalakpak pa pag kumain ako.

“Masarap ang food, ha,” sabi ko habang sinasandok yung steak. “Pero puwede bang humingi ng ketchup?”

He paused. “Ketchup?”

“Yung banana ketchup po. Mas bagay sa lasa ko.”

Napailing siya. “I’ll ask the kitchen.”

Natawa ako. “Ninong, you look stressed. Regret mo na ba?”

“Regret what?”

“Yung pagkuha mo sa akin. Yung pagkupkop sa isang kagaya ko. Loud. Kalog. Mababaw.”

Tumingin siya sa akin, seryoso ang mukha. “You’re not mababaw. You’re… unpredictable.”

“Is that a compliment or a warning?”

“Let’s call it a challenge.”

Natigilan ako. Challenge daw. Grabe. ‘Di ko alam kung matutuwa ako o ma-ooffend. Pero isang bagay lang ang sigurado ko hindi siya sanay sa kagaya ko.

Pagkatapos ng dinner, hinatid niya ako sa kwarto.

“Tomorrow, you’ll be meeting my staff formally. There are rules in the house.”

“Rules?” Napasimangot ako. “Puwede bang rules ko muna? Rule number one: Bawal ang fake. Rule number two: Kailangan may kape araw-araw. Rule number three: Walang manghuhusga sa volume ng boses ko.”

Napahinto siya sa tapat ng pinto ko. “I’ll try.”

“Good.”

Pagpasok ko sa kwarto, humiga ako sa kama at tinitig ang kisame. Hindi ako makapaniwala. Galing ako sa kwarto na may tumutulong kisame at asong kahol nang kahol sa labas. Ngayon, may sarili na akong aircon na hindi ko kailangang sampalin para gumana.

Pero kahit gaano kaganda ang kwarto, hindi ko pa rin mapigilang mapaisip…

Anong gagawin ko sa lugar na ‘to kung lahat ng bagay dito ay sosyal, malamig, at walang makulit na chismosa sa tapat ng bahay?

Ayoko sa sosyal. Pero para kay Lola, para sa future ko, at para sa limang utang sa kanto lalaban ako.

Kahit may golden toilet.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • My Crazy Rich Ninong   CHAPTER 15: Lola Glo Visits

    ALEXIA’S POINT OF VIEWSa dami na ng drama sa mansion, hindi ko akalaing may mas hihigit pa sa pag-aaway namin ni Julian, o sa pang-iintriga ni Sabrina, o sa pagseselos niya sa barista. Pero ngayong araw?Lola Glo has entered the chat.Aka ang tanging taong kinatatakutan ko… at apparently, pati ng Ninong ko.“She’s here?” napabulalas si Julian habang sinisilip ang gate mula sa veranda ng mansion.Tumango ako, halos matapon ang hawak kong tsaa. “Oo. Papasok na. Naka-pink na floral dress. May pearl necklace. At may dalang… is that a wooden cane?”“She brought the cane? Are we in trouble?”Napatawa ako. “Chill. Hindi ka naman siguro papaluin. Unless… may tinatago kang kasalanan?”Napalunok siya. “Wala. As in wala.”Hmm. Suspicious.Pagbukas ng pinto, bumungad ang buong presensya ni **Gloria Manansala**, the most powerful woman in my life. Si Lola. Ang nagpalaki sa akin simula eight years old ako. Matapang. Matalino. At may deadly instinct para ma-detect ang sinungaling kahit di pa nagsas

  • My Crazy Rich Ninong   CHAPTER 14: Ninong Vs. Bestie

    ALEXIA’S POINT OF VIEW“BESHHHHHHH!”Napalingon ako mula sa mini café ko sa loob ng mansion. Wala pa man limang segundo, may sumugod na kay bilis at niyakap ako nang parang na-miss ako for ten years.“SABRINA!” halos mapasigaw ako sa gulat at tuwa. “Bakit hindi ka nag-text na parating ka?”“Surprise visit para sa paborito kong future queen!” biro niya sabay kurot sa pisngi ko.“Ewan ko sa’yo.” Napatawa ako habang niyayakap siya ng mahigpit. “Ang tagal mong nawala. Akala ko may bago ka nang BFF!”“Wala ‘no!” sabay irap niya. “Walang papalit sa’yo kahit ilang flat white pa ang itimpla mo sa mundo!”Tawang-tawa kami habang nagkukuwentuhan. Para akong nakahinga ulit. Iba talaga kapag nandoon si Sabrina—maingay, prangka, pero loyal hanggang dulo.Nang biglang…“Who’s this?” malamig na tanong ng isang baritonong boses mula sa likod.Halos maputol ang tawa ko.Si Julian.Nasa harapan namin ngayon, naka-formal attire, hawak ang kape ko (na may special latte art, syempre), at mukhang hindi imp

  • My Crazy Rich Ninong   CHAPTER 13: Coffee Queen ng Mansion

    ALEXIA'S POINT OF VIEWHindi ko alam kung ano’ng mas masarap yung amoy ng bagong giling na kape o ‘yung expression sa mukha ni Julian habang pinipilit niyang hindi mapatingin sa akin habang iniikot ko ang bagong gawang mini café sa loob ng mansion niya.Yes, you heard that right. Ako si Alexia Sarmiento, certified chismosa turned mansion barista. Kasi kung ayaw mo akong lumabas at ayaw mo akong makipagkaibigan sa ibang barista sa labas… edi magdadala ako ng café sa loob ng mansion mo, Julian Alarcon.“Miss Lex, pa-two shots po ng espresso,” sigaw ni Kuya Rico, isa sa mga staff sa kitchen na ngayon ay regular customer ko na.“Coming right up, Kuya!” I said cheerfully habang ini-steam ang gatas. Iba talaga ang saya ko ‘pag ganito. Araw-araw na may umu-order. May regulars na ako, may nagpapalibre, at may ibang tumatambay lang para makinig sa playlist kong puro OPM hugot.“Ano’ng flavor ulit ng special mo today?” tanong ni Yaya Mel.“Salted caramel with a dash of ‘di mo na siya mahal?’” s

  • My Crazy Rich Ninong   CHAPTER 12: Ninong Bawal ka Magselos

    ALEXIA POINT OF VIEW“Kuya Hotbrew” ang tawag ko sa bagong barista sa café sa kanto. Diyos ko, parang lumabas sa Korean drama 'yung itsura. Tall, maputi, may dimples, at parang lagi siyang bagong ligo. Kahit kape lang binili ko, feeling ko Valentine's na. Nagpapasweet pa talaga 'yung mokong, nag-drawing ng heart sa foam ng cappuccino ko.“Para sa’yo, Miss Smile,” sabay wink niya.Gusto ko sana magwala sa kilig, pero naalala ko may nakabantay na bodyguard ni Julian sa tabi ko kaya todo composed ang lola mo. Pero deep inside? Umaawra ang kilig ko. Hindi naman ako nagpapaka-flirty ha, pero grabe lang talaga ang epekto ni Kuya Hotbrew.Pag-uwi ko ng mansion, akala ko tapos na ang eksena. Pero hindi pa pala.“Nasan ka galing?” malamig na tanong ni Julian habang nasa gilid siya ng mini bar, nagsasalin ng whiskey.“Sa café. Gusto ko lang maglakad-lakad,” sagot ko habang ibinababa ang eco bag ko.Tumingin siya sa bag. “Bumili ka ng kape?”“Obviously. Kape nga café diba?” biro ko habang tinata

  • My Crazy Rich Ninong   CHAPTER 11: OA na Acting

    ALEXIA POINT OF VIEW"Kung hindi mo ako kayang ipaglaban, ako na lang ang lalaban para sa ating dalawa!"With matching sampal at sabunot sa unan, pasigaw kong sinambit ang dialogue habang nakatayo sa harap ng TV. Ako lang mag-isa sa living room at nakababad sa haponang teleserye na sobrang intense ang confrontation scene. Naka-pajama pa ako, may hawak na wooden spoon na kunwaring microphone, at feel na feel ang pagiging bida-kontrabida sa eksena."Nagtatago ka lang sa likod ng pride mo pero ang totoo mahal mo pa rin ako!" I shouted again, with one arm stretched forward na parang may hinihintay na yakap mula sa langit.Bigla kong narinig ang isang mababang boses sa likod ko. "Wow. Oscar-worthy. Grabe. Dati ka bang artista sa halikserye?"Napatalon ako sa gulat at muntik nang mahulog ang kutsara. Paglingon ko, si Julian pala. Nakatayo sa gilid ng pinto, naka-black long sleeve polo at slacks na parang galing sa isang seryosong meeting pero may ngiting pasimpleng nang-aasar."JULIAN!" sig

  • My Crazy Rich Ninong   CHAPTER 10: Crush Ninong

    ALEXIA POINT OF VIEWUmaga na naman. Pero this time, hindi ako tinamad bumangon. I don’t know kung anong nangyari sa akin pero pagdilat pa lang ng mata ko, ang una kong hinanap… ay hindi si Alvin. Hindi rin si Manang Bebang. Hindi rin ‘yung ulam.Si Julian.I mean, si Ninong Julian. CRUSH NINONG. Char!Okay, tama na. Wala namang nakakakita. Pero legit, ever since dumating ‘yung bouquet of apology flowers niya, parang may na-reset sa utak ko. Biglang nag-refresh ‘yung perspective ko sa kanya. Hindi na lang siya ‘yung grumpy, moody, perfectionist, masungit, cold-hearted, egotistic, rich dude na guardian ko.Ngayon… may pa-sweet side na siya. And worst nagugustuhan ko. Oh my God, Lex. Anong nangyayari sa’yo?!Bumaba ako sa dining area na naka-pambahay pa rin. Oversized tee, messy bun, no makeup yung classic ‘di pa handang humarap sa tao vibes. Pero nung narinig kong boses niya sa may sala, biglang nagswitch ang utak ko sa panic mode. Bakit nandito siya? Ang aga."Good morning, Lex," casu

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status