ALEXIA POINT OF VIEW
Alam mo 'yung pakiramdam na sobrang laki ng bahay, parang playground na siya? Well, 'yan ang mansion ni Julian. At dahil wala akong ginagawa that morning, at bored na ako sa kakapanood ng mga video sa phone ko, may isang idea akong biglang sumulpot. “Paano kaya kung subukan ko mag-slide pababa ng hagdan gamit ang throw pillow?” Yes. Ganun ako ka-bored. Pero hello? Yung hagdan nila may carpet, tapos ang lawak ng space parang sinasabi ng universe: ‘Sige na Alexia, gawin mo na, libre lang naman. Kaya eto ako, naka-pambahay pa rin, may hawak na malaking unan, at ready nang mag-slide pa-baba na parang bata. “WHEEEEEEEE!” Sumirit ako pababa habang napapasigaw, feeling ko ako si Elsa sa *Frozen*, pero walang snow. BOG! Sumemplang ako ng kaunti sa dulo pero okay lang, sanay ako sa sakitan. Tumatawa pa rin ako habang humahawak sa bewang ko, dahil ‘yung pagkasemplang ko, 7/10 ang landing, 10/10 ang saya. Pero bago pa ako makapagsimula ulit ng second round… “ALEXIA!” Napalingon ako at ayun na si Julian, halatang kagigising lang pero naka-suit pa rin, mukhang galing sa boardroom dreams. Nakakunot ang noo, seryoso ang mukha, at ang mga mata niya parang sinisigawan ako kahit wala pa siyang sinasabi. “Anong ginagawa mo?! Bakit ka nagla-landing ng katawan mo sa hagdanan?! You could’ve broken your neck!” “Relax ka lang, Ninong. Nagpa-practice lang ako ng stunt moves. Malay mo kailanganin mo ng double sa future.” Hindi siya natawa. Hindi man lang siya ngumiti. Lumapit siya sa akin, halatang pigil ang inis. “Hindi ito playground, Alexia. Hindi ka na bata. That was dangerous and irresponsible. Paano kung nasaktan ka? Do you have any idea what could’ve happened?” Napailing ako. “Grabe ka, Julian. Ang OA mo. Gusto mo ba ng medical certificate para lang maniwala kang okay ako? Hindi naman ako lumipad palabas ng bintana, ha. Pillow lang ‘yon. Ang lambot ng carpet. Mas malala pa nga yung pagkahulog ko dati sa tricycle.” “Hindi mo naiintindihan!” “Aba’t ikaw yata ang hindi nakakaintindi!” Nagkatinginan kaming dalawa. Tense. Para kaming nasa telenovela. “Ako ‘tong muntik madulas, pero ikaw ‘tong parang sasabog sa galit. Bakit? Dahil nasaktan ang pride mo? Dahil hindi mo ako ma-kontrol?” Napaatras siya ng konti, parang natamaan sa sinabi ko. “I’m responsible for you,” seryoso niyang sabi. “I gave my word. I said I’d take care of you, and if anything happens to you—” “—Kasalanan mo? Ganun ba iniisip mo?” Tahimik. Hindi siya sumagot agad. “Julian…” huminga ako nang malalim. “I get it. Gusto mong maging responsible, gusto mong tuparin ang pangako mo. Pero hindi ka Diyos, okay? Hindi mo kontrolado ang bawat segundo ng buhay ko. At lalong hindi mo ako laruan na pwede mong itago sa kahon kapag ayaw mo na akong masaktan.” Bumilog ang mga mata niya. Mukhang walang pangahas na nakapagsabi sa kanya ng ganito dati. “Hindi kita sinasadyang galitin, okay? Pero hindi rin ako robot. Kung kailangan kong mag-slide sa hagdan para matawa, eh ‘di go. That’s who I am. Hindi ako tulad mo na laging composed at walang kapintasan. Pero hindi ibig sabihin nun na wala akong value.” “Hindi ko sinasabing wala kang value,” sabi niya, mas mahina ang tono. “I just... I just want you to be safe.” “Safe o kontrolado?” sabat ko. “Dahil magkaiba ‘yon.” Napayuko siya saglit, tapos tumingin ulit sa akin. “No one ever talks to me like that.” “Eh ‘di ngayon lang.” Tahimik kami pareho. Ako, nagpapalakas ng loob. Siya, mukhang hindi pa rin makapaniwala na pinagsabihan siya ng babaeng naka-daster na may cartoon na si Spongebob. “Pasensya ka na, Julian,” dagdag ko. “Pero ganito talaga ako. Maingay, maligalig, makulit. At kahit napunta ako sa mansion mo, hindi ko kayang itapon ‘yung sarili ko para lang mag-fit sa world mo.” Biglang napatingin siya sa akin nang mas malalim. Yung tingin na parang first time niya akong nakita nang buo. Hindi lang bilang responsibilidad. Hindi lang bilang batang inampon. Kundi bilang taong may sariling boses. Huminga siya nang malalim. “Okay.” “Okay?” “Okay. Just… next time, wag ka na mag-slide sa hagdan. Use the elevator or… I don’t know, tumakbo ka sa garden kung gusto mong gumalaw.” Natawa ako. “O sige. Pero may deal tayo basta ikaw, bawasan mo rin yung pagiging seryoso mo. Hindi ka mabubuhay nang laging parang nasa press conference.” Nagkibit-balikat siya. “I’ll try.” At sa unang pagkakataon mula nang magkita kami, nakita ko ang isang bagay na hindi ko in-expect. Ngumiti siya. Hindi pilit. Hindi pormal. Isang ngiti na parang… genuine. Grabe. May itsura pala ‘to pag ngumiti. Bakit parang may kiliti sa batok ko? “Ang creepy mo tumingin,” bulong ko, sabay takbo paakyat. “Hala ka, baka ma-in love ka sa ‘kin!” “Alexia!” sigaw niya. Pero tumatawa na ako paakyat, hawak-hawak ang unan ko. This time, hindi na ako nag-slide. Pero sa totoo lang, parang ako pa rin ang nanalo sa round na ‘to. Kasi sa mansion na sobrang tahimik, parang ako lang ang marunong magpasigla. At si Julian? Well… baka unti-unti ko na rin siyang natuturuan kung paano tumawa nang totoo. At sa tingin ko, 'yon ang mas delikado. Mas delikado pa sa hagdan. Nagkulong ako sa guest room na parang batang napagalitan, pero to be honest, hindi naman talaga ako galit. Naiinis lang ako sa thought na lagi akong pinapagalitan sa bahay na ‘to. Eh hindi ko naman kasalanan na boring sila dito. Kung hindi ko pa sila i-entertain, baka matuyo sila sa ka-prim and proper nila. Hiniga ko ‘yung sarili ko sa kama na parang ginawa sa ulap, grabe ang lambot at tinignan ang kisame na may chandelier na mas sosyal pa sa buong barangay namin. Habang nakatitig ako sa mala-palasyong kwartong ‘to, naisip ko: Anong ginagawa ko dito, talaga? Dati ang concern ko lang ay kung may bagong chismis sa tindahan o kung may promo ang kape sa 7-Eleven. Ngayon? May kontrata na akong pinirmahan (kahit di ko pa totally binasa), may Ninong akong CEO, at ang hagdan nila dito ay pwede nang maging ride sa Enchanted Kingdom. Bumukas ang pinto. Si Mateo. Ugh, nakita na naman yata niya ‘yung “sliding accident” ko. “Uy, Ate. Okay ka lang?” tanong niya, bitbit ang isang bag ng chichirya. “Narinig ko si Kuya. Akala ko sasabog ‘yung ugat niya sa leeg.” “Okay lang ako, ‘no. Mas stress pa ‘ko sa kanya.” Tinanggap ko ‘yung chichirya, sabay bukas. “Gusto mo?” “Sure. By the way, viral ka na nga sa GC namin. Pinost ni Tita Vi ‘yung video mo na nag-slide.” Napabulwak ako ng tawa. “Walang hiya si Tita Vi! I love her!” Tumawa rin siya, sabay upo sa gilid ng kama. “Grabe ka, Ate. Two days ka pa lang dito pero parang lumindol na.” “Ganun talaga ‘pag may personality. Hindi ko kasalanan na exciting akong kasama.” Tahimik saglit si Mateo, tapos bigla niyang sinabi, “Alam mo, I think kailangan ka ni Kuya.” Napatingin ako sa kanya. “Huh? Ako? Bakit naman?” “Wala lang. Kasi ever since... ever since naging CEO siya, parang naging robot na siya. Laging seryoso, walang time for fun, puro trabaho. Ngayon lang ulit ako nakarinig ng sigaw sa bahay na may kasamang tawa.” Hindi ko alam kung matutuwa ako o ma-o-awkward. Pero may kilig na ewan sa loob ko. Hindi romantic ha, more like proud. Na kahit pa-stress ako sa iba, may napapabago pala akong tao. “Mateo?” “Hmm?” “Gusto mo mag-slide din sa hagdan?” Lumaki mata niya. “Ate, wag! Papalayasin tayo ni Kuya!” “E ‘di palayasin niya kami! Basta enjoy tayo!” Nagkatawanan kami. At sa sandaling ‘yon, naisip ko… baka hindi lang ako nilagay dito para asarin si Julian. Baka may mas malalim pa. Baka may mission ako sa mansion na ‘to. Baka ako ang gulo na kailangan nila para matauhan. At si Julian? Baka siya ‘yung laging serious na kailangan ng konting sira sa ulo gaya ko. At kung kailangan kong maging clown sa bahay ng mga korporado para lang matawa sila kahit minsan, ‘di sige. Ako na ang bahala. Isa lang naman ang rule ko sa buhay. Bawal ang boring.ALEXIA’S POINT OF VIEWSa dami na ng drama sa mansion, hindi ko akalaing may mas hihigit pa sa pag-aaway namin ni Julian, o sa pang-iintriga ni Sabrina, o sa pagseselos niya sa barista. Pero ngayong araw?Lola Glo has entered the chat.Aka ang tanging taong kinatatakutan ko… at apparently, pati ng Ninong ko.“She’s here?” napabulalas si Julian habang sinisilip ang gate mula sa veranda ng mansion.Tumango ako, halos matapon ang hawak kong tsaa. “Oo. Papasok na. Naka-pink na floral dress. May pearl necklace. At may dalang… is that a wooden cane?”“She brought the cane? Are we in trouble?”Napatawa ako. “Chill. Hindi ka naman siguro papaluin. Unless… may tinatago kang kasalanan?”Napalunok siya. “Wala. As in wala.”Hmm. Suspicious.Pagbukas ng pinto, bumungad ang buong presensya ni **Gloria Manansala**, the most powerful woman in my life. Si Lola. Ang nagpalaki sa akin simula eight years old ako. Matapang. Matalino. At may deadly instinct para ma-detect ang sinungaling kahit di pa nagsas
ALEXIA’S POINT OF VIEW“BESHHHHHHH!”Napalingon ako mula sa mini café ko sa loob ng mansion. Wala pa man limang segundo, may sumugod na kay bilis at niyakap ako nang parang na-miss ako for ten years.“SABRINA!” halos mapasigaw ako sa gulat at tuwa. “Bakit hindi ka nag-text na parating ka?”“Surprise visit para sa paborito kong future queen!” biro niya sabay kurot sa pisngi ko.“Ewan ko sa’yo.” Napatawa ako habang niyayakap siya ng mahigpit. “Ang tagal mong nawala. Akala ko may bago ka nang BFF!”“Wala ‘no!” sabay irap niya. “Walang papalit sa’yo kahit ilang flat white pa ang itimpla mo sa mundo!”Tawang-tawa kami habang nagkukuwentuhan. Para akong nakahinga ulit. Iba talaga kapag nandoon si Sabrina—maingay, prangka, pero loyal hanggang dulo.Nang biglang…“Who’s this?” malamig na tanong ng isang baritonong boses mula sa likod.Halos maputol ang tawa ko.Si Julian.Nasa harapan namin ngayon, naka-formal attire, hawak ang kape ko (na may special latte art, syempre), at mukhang hindi imp
ALEXIA'S POINT OF VIEWHindi ko alam kung ano’ng mas masarap yung amoy ng bagong giling na kape o ‘yung expression sa mukha ni Julian habang pinipilit niyang hindi mapatingin sa akin habang iniikot ko ang bagong gawang mini café sa loob ng mansion niya.Yes, you heard that right. Ako si Alexia Sarmiento, certified chismosa turned mansion barista. Kasi kung ayaw mo akong lumabas at ayaw mo akong makipagkaibigan sa ibang barista sa labas… edi magdadala ako ng café sa loob ng mansion mo, Julian Alarcon.“Miss Lex, pa-two shots po ng espresso,” sigaw ni Kuya Rico, isa sa mga staff sa kitchen na ngayon ay regular customer ko na.“Coming right up, Kuya!” I said cheerfully habang ini-steam ang gatas. Iba talaga ang saya ko ‘pag ganito. Araw-araw na may umu-order. May regulars na ako, may nagpapalibre, at may ibang tumatambay lang para makinig sa playlist kong puro OPM hugot.“Ano’ng flavor ulit ng special mo today?” tanong ni Yaya Mel.“Salted caramel with a dash of ‘di mo na siya mahal?’” s
ALEXIA POINT OF VIEW“Kuya Hotbrew” ang tawag ko sa bagong barista sa café sa kanto. Diyos ko, parang lumabas sa Korean drama 'yung itsura. Tall, maputi, may dimples, at parang lagi siyang bagong ligo. Kahit kape lang binili ko, feeling ko Valentine's na. Nagpapasweet pa talaga 'yung mokong, nag-drawing ng heart sa foam ng cappuccino ko.“Para sa’yo, Miss Smile,” sabay wink niya.Gusto ko sana magwala sa kilig, pero naalala ko may nakabantay na bodyguard ni Julian sa tabi ko kaya todo composed ang lola mo. Pero deep inside? Umaawra ang kilig ko. Hindi naman ako nagpapaka-flirty ha, pero grabe lang talaga ang epekto ni Kuya Hotbrew.Pag-uwi ko ng mansion, akala ko tapos na ang eksena. Pero hindi pa pala.“Nasan ka galing?” malamig na tanong ni Julian habang nasa gilid siya ng mini bar, nagsasalin ng whiskey.“Sa café. Gusto ko lang maglakad-lakad,” sagot ko habang ibinababa ang eco bag ko.Tumingin siya sa bag. “Bumili ka ng kape?”“Obviously. Kape nga café diba?” biro ko habang tinata
ALEXIA POINT OF VIEW"Kung hindi mo ako kayang ipaglaban, ako na lang ang lalaban para sa ating dalawa!"With matching sampal at sabunot sa unan, pasigaw kong sinambit ang dialogue habang nakatayo sa harap ng TV. Ako lang mag-isa sa living room at nakababad sa haponang teleserye na sobrang intense ang confrontation scene. Naka-pajama pa ako, may hawak na wooden spoon na kunwaring microphone, at feel na feel ang pagiging bida-kontrabida sa eksena."Nagtatago ka lang sa likod ng pride mo pero ang totoo mahal mo pa rin ako!" I shouted again, with one arm stretched forward na parang may hinihintay na yakap mula sa langit.Bigla kong narinig ang isang mababang boses sa likod ko. "Wow. Oscar-worthy. Grabe. Dati ka bang artista sa halikserye?"Napatalon ako sa gulat at muntik nang mahulog ang kutsara. Paglingon ko, si Julian pala. Nakatayo sa gilid ng pinto, naka-black long sleeve polo at slacks na parang galing sa isang seryosong meeting pero may ngiting pasimpleng nang-aasar."JULIAN!" sig
ALEXIA POINT OF VIEWUmaga na naman. Pero this time, hindi ako tinamad bumangon. I don’t know kung anong nangyari sa akin pero pagdilat pa lang ng mata ko, ang una kong hinanap… ay hindi si Alvin. Hindi rin si Manang Bebang. Hindi rin ‘yung ulam.Si Julian.I mean, si Ninong Julian. CRUSH NINONG. Char!Okay, tama na. Wala namang nakakakita. Pero legit, ever since dumating ‘yung bouquet of apology flowers niya, parang may na-reset sa utak ko. Biglang nag-refresh ‘yung perspective ko sa kanya. Hindi na lang siya ‘yung grumpy, moody, perfectionist, masungit, cold-hearted, egotistic, rich dude na guardian ko.Ngayon… may pa-sweet side na siya. And worst nagugustuhan ko. Oh my God, Lex. Anong nangyayari sa’yo?!Bumaba ako sa dining area na naka-pambahay pa rin. Oversized tee, messy bun, no makeup yung classic ‘di pa handang humarap sa tao vibes. Pero nung narinig kong boses niya sa may sala, biglang nagswitch ang utak ko sa panic mode. Bakit nandito siya? Ang aga."Good morning, Lex," casu