Ang bilis ng araw at oras at hindi nila namamalayan na natapos na ang isang linggo nilang bakasyon. At kailangan na nilang bumalik ng Pilipinas. One week lang kasi ang na a lot na time ni Maximo para sa mga naiwan niyang trabaho at meeting. Habang sakay sila ng private chopper pabalik ng Pilipinas nakahawak ang kamay ni Maximo kay Anastacia at hindi man lang nito binitawan. Hanggang sa makababa ang private chopper sa rooftop ng Anderson's building. Masaya siya na maganda ang ngiti ni Anastacia patunay na nag enjoy talaga ito sa bakasyon nila. Sumakay sila ng elevator at bumaba ng ground floor. Patungo sa parking lot na agad para wala nang makakita pa sa kanila. Pagpasok nila sa kotse pinasibat agad ito ng kanyang driver papalayo ng building. Wala siyang balak na pumasok ngayon at gusto niyang magpahinga na lang muna. Wala naman siyang dapat imeet ngayong araw.. Pero, pinaalam naman na niya sa kanyang secretary na nakabalik na siya ngayon. Nakarating sila ng Mansyon at maid na ni
Habang nakain sila akala ni Maximo nakalimutan na nito ang kasunod ng kwento niya. "Ano pala sunod sa kwento mo. Paano ba tayo ulit nagkita?" excited na tanong nito. "Sa coffee shop mo, pinuntahan kita at may pinasuyo sa akin ang dad mo. Nagulat ako at napatulala ng makita kita. Medyo nagtampo nga ako kasi bakit hindi mo man lang ako naalala. Sinungitan mo pa ako dati, sobrang sungit mo sa akin." dagdag pa na kwento ni Maximo. "Really, gaano ako kasungit sayo?" tanong ni Anastacia. "10 parang ayaw mo nga nalapit ako sayo. Kaya nagulat ako isang araw ikaw naman iyong lapit ng lapit at umabot ka pa sa pang aakit sa akin." karugtong ng kwento ni Maximo. "Oh! My! Gosh! Ganon ako ka flirt dati sayo? Sorry, wala talaga akong maalala." malungkot na sagot ni Anastacia. "Ssshhh! Ok, lang nandito naman ako para alalayan ka at tulungan ka na unti-unti mong maalala ang lahat lahat." pagpapalakas ng loob nito sa kanyang asawa. "Thank you my heart. I don't want to do kung wala ka s
Umaga na ng mag gala gala sila at makita ni Anastacia ang cherry blossom. Tuwang tuwa ito na parang bata at kitang kita talaga sa mga ngiti niya. "Wow! This is beautiful, tama nga ang mga nakikita ko na sinasabi nila maganda dito. Thank you my, heart." sagot nito. Ngiti lang ang iginawad nito sa kanya. Ayos na kay Maximo basta alam niyang masaya ang kanyang asawa. Nagpapicture pa nga ito sa kanya at nagpaikot ikot pa sa ilalim ng cherry blossom tree. Habang kinukuhaan ni Maximo ang mga iba't-ibang anggulo na ginagawa ni Anastacia nakangiti lang siya at hindi na nakakilos pa. Naka focus ang mga mata niya sa ganda ng ngiti ni Anastacia sa kanya. Lalo na ang mga pag halakhak nito na nakakabuhay ng kanyang pag-asa na darating ang araw na babalik ng buo ang kanyang asawa sa kanya. Nang matapos niyang makuhaan ang lahat ng iba't-ibang anggulo ng mga pinag gagawa ng kanyang asawa lumapit na ito sa kanya at yumakap. "Thank you so much, my heart. I'm so full of happy right now." wika
Nang makalabas ng ospital si Anastacia. Tinanong ni Maximo ito kung saan gustong pumunta. "Saan mo gustong pumunta? Sa Mansyon? o sa Japan?" Walang kaabog abog na sinagot siya nito. "Sa Japan." "Ang tanong kaya mo bang mag byahe? Wala na bang masakit sayo?" paniniguradong tanong nito. "Wala na, ok naman na ako. At isa pa sugat lang naman ito sa paa." sagot niya. At halata naman dito na hindi man lang iniinda ang kanyang sugat. "Sure ka ba? Magba byahe kasi tayo mamayang gabi pero kung di ka pa naman ok. We can scheduled it by tomorrow morning." ani ni Maximo. "Yah! I'm ok. Let's travel now. Para bukas nasa Japan na tayo." sagot nito. "Ok, sige. Mag pack lang ako ng things natin then aalis na tayo after." sagot ni Maximo. At ayaw na niyang magtampo pa sa kanya ang asawa niya. Naghintay naman si Anastacia at nang matapos si Maximo umalis na rin sila at pinag drive sila ng driver ni Maximo dahil ito ang mag uuwi ng kotse. Pinatulog muna ni Maximo si Anastacia para hin
Napag desisyunan ni Maximo at Anastacia na isasama siya nito sa labas. Para makatulong sa pagrerecover niya. Baka kasi kung lagi niyang nakikita ang mga pinupuntahan niya noon kagaya ng coffee shop ay may bumalik na kaunting ala-ala sa kanya. Ayon naman kasi ang sinabi ng doktor sa kanila ng minsang nag pa check-up sila. Maaga pa nga lang nag gagayak na ang mag-asawa. Nae excite si Anastacia ng makapag bihis siya ng bistida at maging ang kanyang unan na anak ay binihisan niya rin ng bistida. Tuwang tuwa siya na makitang magkaparehas sila ng suot. Binili kasi ni Maximo ito. Talagang suportado niya ang kanyang asawa at ayaw niyang nalulungkot ito. Nang maka alis sila ng Mansyon sa coffee shop muna ang punta nila at kailangang makasanayan ni Anastacia na balikan ang mga ala-ala niya roon. Habang nagda drive si Maximo wala naman tigil sa kakatanong si Anastacia kung saan nga ba sila pupunta.. Hindi pa kasi siya sinasagot ni Maximo kaya naman lalo itong nangungulit. "My heart, sa
"Wow! Ang ganda naman. Ikaw ang nag ayos ng lahat ng ito?" tanong ni Anastacia. "Yes, nagustuhan mo ba ang inhanda ko para sayo?" tanong ni Maiximo habang pinag hila siya ng bangko at pinaupo na. "Salamat." sagot ni Anastacia na masigla ang kanyang boses na ginamit kaya masaya si Maximo dahil alam niyang napasaya niya ang kanyang mahal na asawa. Nakain na sila ng maitanong ni Anastacia ang mga bagay bagay. "Ganito ba tayo lagi ka sweet?" "Ang alin?" tanong ni Maximo ng natigil sa pagkain. "Yong nagdedate? Nag seset-up ng mga ganito." sagot ni Anastacia. Hindi naman lubos akalain ni Maximo na itatanong sa kanya ito ng kanyang asawa. "Hindi e, busy kasi tayo sa mga business natin at kumpanya kaya naman wala tayong time sa ganitong bagay." sagot ni Maximo. At totoo naman ang mga sinabi niya. Hindi palaging ok silang mag- asawa noon. "Ganon ba, mabuti naman hindi na ako busy at nandito na lang ako para alagaan kayo ng baby natin hehehe." sagot ni Anastacia na may kasama